BUONG AKALA niya ay may bago na naman siyang suliranin na pagdadaanan, mabuti na lamang at good news ang ibinigay na balita ni Cindy. She felt a short relief, but not as much as with Marvin’s sister’s words.
Kung ipagpapatuloy pa niya ang makipagkita at makasama pa si Marvin, baka mas matindi pa ang pagdaanan nila. Ayaw niyang mawala si Marvin pero kung mahihirapan ito dahil sa kanya, hindi niya iyon kakayanin.
Kausap ni Racelyn si Cindy nang araw na iyon.
“Beks, sure ka?”
“Oo.”
“So, ibig sabihin mas matimbang na talaga sa puso mo si...”
“Oo nga. Kaya magpapaalam na ako sa kanya. Pupunta ako ng Canada para makita si Lola and I’m sure may naghihintay sa aking magandang oppurtunity. At gusto ko kapag bumalik ako, may maganda na akong maipagmalaki sa kanila.”
Nagpunas pa ng luha si Cindy na tila naantig sa mga sinasabi niya. “I’m so touched Race. You’re such a wonderful girl.”
“Nakabili na ako ng ticket, sunod bukas na ang alis ko.”
Nagulat ito at hindi makapaniwala sa sinabi niya. “Agad-agad, hindi ba pwedeng sulitin n'yo muna na magkasama kayo?”
“Hindi pwede Cindy, mas lalo lang siyang mahihirapan. Gusto kong kalimutan na lang niya ako, ayaw kong masaktan siya dahil sa akin.”
“Isn’t it selfish, beks?”
“Kapakanan naman niya ang iniisip ko. Yes, I love him that’s why I’m letting him go.”
Niyakap siya ni Cindy, mukhang mas maiiyak pa ito kaysa sa kanya. Nang maghiwalay sila, binilinan niya ito na walang pagsasabihan at ilihim na lang ang lahat. Kinabukasan, pinalabas niyang parang walang nangyari ngunit may nabago na. Kinausap na niya nang masinsinan ang bading.
Nakaempake na ang mga damit niya, didiretso na kasi siya ng alis. Mabuti na rin at kaunti lang ang mga damit niya para hindi siya mahirapan at para hindi siya masyadong masaktan kahit ang totoo ngayon pa lang ay nasasaktan na siya.
Hindi siya nakapagsalita nang yakapin siya nito mula sa likuran.
“What are you doing? Hindi mo yata sinabi sa akin na aalis ka. May malilipatan ka na ba?”
“Yeah.” Humarap siya kay Marvin. “Marvi, tapusin na natin ito.”
Nangunot ang noo nito sa sinabi niya na halatang nabigla. “Kaya ka nakaempake dahil iiwan mo na ako?” pangungumpirma nito.
“Nagkabalikan na kami ni Ivan. I’m sorry Marvin, na-realized ko na mahal ko pa rin pala siya. Kung ipagpapatuloy natin ito, magmumukha ka lang panakip-butas.”
Hindi na napigilan ni Marvin na yakapin siya, nabitiwan niya ang kanyang bagahe. Pinilit niyang huwag umiyak, ayaw niyang ipakita kay Marvin na nasasaktan siya dahil mahal na mahal niya ito.
“Please Racey, don’t do this. Don’t leave me alone.” Humiwalay ito ng yakap sa kanya habang nakahawak pa rin ang dalawang kamay nito sa balikat niya at seryoso ang mga matang nakatingin sa kanya. “Okay lang, tatanggapin ko kahit panakip-butas lang ako. Huwag ka lang lumayo sa akin.”
Hinaklit niya paalis ang mga kamay nito. “Hindi mo ba naiintindihan! Hindi kita mahal. May naalala ka bang may binanggit akong mahal, wala ‘di ba? Kasi hindi ikaw ang mahal ko,” buong lakas na sabi niya kahit hindi na siya makatingin ng diretso sa mga mata nito.
Napatakip ito sa dalawang tainga. “Tama na! Ayaw ko ng marinig!”
“Sorry, bakla. I thought I already forget him all this time. Pero siya pa rin pala.” Napayuko siya. “I’m sorry if it’s late. I’m sorry kung huli ko na na-realized. I’m sorry. I’m sorry.”
Naglakad na siya palayo at hinila ang luggage bag. Muli siyang nagsalita. “Pero lahat ng nangyari sa ‘tin, I treasured it. Salamat at naging masaya ako na kasama ka. Ipinakita mong ako ang precious thing sa lahat, na naging importante ako. Thank you sa lahat ng mga naitulong mo sa akin. Don’t worry, babalik ako para gantihan at bayaran lahat ng mga naitulong mo sa akin. Thank you Marvin.”
Ngunit bago pa man niya mapihit ang door knob, hawak na siya nito at nakakulong na siya sa bisig ng bading. Habang bihag na nito ang labi niya. Hindi niya namamalayang gumaganti na rin siya ng halik sa bading. Kung hindi pa sila kinapos ng paghinga mukhang wala itong balak pakawalan siya.
“Your kiss can tell. You love me, Racey. Bakit mo pa pinahihirapan ang sarili mo?”
Sinampal niya ito. Nabigla siya ngunit mas nagbigla ito sa ginawa niya.
“Hindi kita mahal, Marvin! Stop acting this way. Tigilan na natin ito. Ayaw ko ng makita ka pa. Kalimutan mo na ako,” sabi niya sa garalgal na tinig. Saka mabilis na lumabas ng unit ng bading.
Nanlalaki ang mga mata nito sa sinabi niya at halos hindi na makapaniwala sa mga binibitiwan niyang salita.
Lahat ng mga sinasabi niya ay sadyang taliwas sa nararamdaman niya. Dahil hindi niya kayang mawala ang bading, mahal na mahal niya ito—she loves him more than Ivan and anything else. Ang mga luhang pinipigil niya ay nag-uunahan na ngayon habang pasakay siya ng elavator. Nang makababa, tinawagan agad niya si Ivan na samahan siya at para magpaalam.
“Hello. Oh, have you really gotten your mind at na-realized mong mahal mo pa rin ako?”.
Ngunit tila paghikbi at pag-iyak lang ang naririnig nito sa kanya.
“Race, may problema ba? Saan ka ngayon?”
DUMATING ang kotse nito at inalalayan siyang makasakay habang ang gamit naman niya ay nilagay nito sa trunk ng sasakyan.
“So, you decided to leave him.”
Tumango siya bilang tugon.
“And have you go back to your senses and realized you still love me?”
Lumipad sa kung saan ang nararamdaman niya at napalitan ng inis. Nangangati na tuloy ang kamay niyang isampal dito ang inuupuan niya. Bigla na lang ito naging mayabang. High and mighty Ivan the great, what a crap!
Tumawa ito ng pagak dahil sa reaksiyon niya na nakapinta sa mukha niya.
“I’m just joking.”
“Kung iniisip mong babalik pa rin ako sa ‘yo, well, you’re wrong.”
“Kung ganoon ba’t mo ako tinawagan?”
“Pwede bang ihinto mo na lang sa malapit na coffee shop?”
Ginawa naman nito ang sinabi niya. Nang makapasok sa loob, umorder pa ito ng dalawang French Cappuccino na favorite niya.
“Kumusta na pala kayo ni Jomelene?” simulang tanong niya habang ang mga kamay ay nakaikot sa tasang nakalapag sa harapan niya.
“I told you, wala na kami. Hindi kita niloloko Race. Yeah, I still love you at gagawin ko ang lahat para bumalik kang muli sa akin.”
“Hindi ako nakipagkita sa ‘yo dahil gusto kong makipagbalikan. The reason why I called you ay para makapagpaalam.”
Nag-isang linya ang kilay nito sa pagtataka sa mga sinasabi niya. “What do you mean, paalam? Aalis ka? Saan ka pupunta?” sunod-sunod na tanong nito.
“I’m going to Canada to see my Grandmother, maybe I’ll be leaving there for good. No definite time if I’ll be going back.”
“Kaya ba dala mo ang bagahe mo?”
She sips her drink before answering a nod. “I still valued you kaya ako nagpapaalam sa ‘yo. But it doesn’t mean na mahal pa rin kita. I am getting over you.”
“Sa dami ng kasalanan ko sa ‘yo,” ngumisi pa ito. “Alangang bumalik ka pa sa ‘kin. Napakagago ko at ang laki ng katangahang ginawa ko at pinagpalit kita kay Jomelene.”
“Gusto ko rin sanang makapagpaalam sa kanya. Kaya lang, I’m sure, ayaw niya akong makita.”
“Don’t worry, ako na ang bahalang magsabi sa kanya.”
“Mahal na mahal ka ni Jom, Ivan. Kung hihiling ako pwede bang seryosohin mo ang kaibigan ko, I love her, iyon ang na-realized ko. Hindi ko pala kayang magtanim ng sama ng loob sa kanya.”
“Gago talaga ako na ma-realized kung gaano ka kabuti, Race. I’m sorry.”
“This time, I’m giving you my blessed.” Ginagap nya ang kamay nito. “Please love her and promise me that you will take care of her habang wala ako.”
Tumayo ito at niyakap siya. “I’m sorry Racey. Sana mapatawad mo pa ako.”
“Oo naman. We’ll start a new chapter.”
Nang humiwalay ng yakap ay muli itong nagtanong. “Kayo ni Marvin, ano na ang—“
She cut his words. “Wala na kami ni Marvin. He’s not deserved to love me. Ayaw kong isipin niyang panakip-butas ko lang siya. I let him go. Mas kailangan siya ng pamilya niya.”
“I see. You love him, you already did. Matagal kitang nakasama kaya alam ko ang nararamdaman mo. Kung wala lang siya sa ‘yo, hindi mo iisipin ang kapakanan niya. Hindi mo siya hahayaang mawala. Dahil hindi ka makasarili, Race. Kapakanan pa rin ng iba ang inuuna mo.”
“Kung pwede sana, ilihim na lang natin ito. Hayaan mo siyang isiping nagkabalikan tayo.”
“Hindi ba lalo lang siyang masasaktan?”
“Mas masasaktan siya kapag nalaman niyang mahal ko siya at kaya ako lalayo dahil sa pamilya niya.”
“May nangyari ba?”
Napipilitang sabihin niya kay Ivan ang nangyari at ang totoong dahilan ng pag-alis niya.
“Sana, sa atin na lang ang mga sinabi kong ito. Ayaw ko ng makarating pa sa kanya, please.”
‘Hindi ko maipapangako, Race.’ “Oo,” maiksing tugon nito.
Hinatid siya nito sa isang Mid-rise Hotel. Doon muna siya magpapalipas ng araw dahil bukas na ang flight niya papunta ng Canada.
Nang makapag-isa, hindi na niya napigilan ang mga luha. Wala na siyang pakialam kung mamaga pa ang mga mata niya sa pagpunta niya sa Airport dahil ngayon, ang mahalaga ay mailabas niya lahat ng sakit na nararamdaman niya. Kung masakit kay Marvin, mas doble ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Parang nagkapira-piraso ang puso niya, akala niya masakit na ang nangyaring pag-iwan ni Ivan sa kanya. Iyon pala ay masakit ngayon dahil mas minahal niya si Marvin kaysa kay Ivan.
Ang bading, na walang ginawa kundi samahan siya, patawanin siya, alalayan siya at lagi siyang pinapangiti para makalimutan niya ang pait ng kahapon. Kay Ivan, nagpakatanga siya dahil hindi niya nagawang magsuspetsiya kahit isang beses, pero kay Marvin—nagmahal siya, nagmahal siya ng lubusan. Nagmahal. Nasaktan. Lumisan.
Ito pala ang feeling kapag nahanap mo na ang true love. Siguro nga kung sila ang para sa isa’t-isa, magkikita o pagtatapuin silang muli ng tadhana. Sana lang makisama ang tadhana at si kupido sa kanya. Sana kapag dumating ang araw o pagkakataong iyon, ang bading pa rin ang mamahalin at patuloy niyang mamahalin.