HINDI na nakatiis si Race. She walk out, she can’t answer any of their questions. She still is weighing the situation. And when she returns to the gay’s unit, instead of asking her about Ivan’s question, he never did. He didn’t even complain.
Hindi na rin tuloy nakapag-usap sila ni Cindy, hindi na rin niya naitanong kung anong importanteng sasabihin nito, marahil nawala na sa isip ni Cindy.
Walang reklamong hinayaan na lang niya si Marvin nang sabihin nitong may pupuntahan sila. Nakabihis ito, naka Tuxedo pa at siya ay nakasuot ng evening gown na fit na fit sa kurba ng kanyang katawan.
“You’re sexy! You’re too beautiful to the human eye.”
“Bola!” saka siya nagkunyapit sa braso nito. “Pero, teka sa’n ba talaga tayo pupunta?”
“Malalaman mo mamaya.”
Hindi niya inaasahang makararating sila sa isang bahay, ay hindi pala. Isa iyong Mansion.
“K-Kanino bahay ‘to?” nakatingalang tanong niya.
Hindi siya nito sinagot, inalalayan lang siya papasok sa loob.
Maraming mga tao roon, sopistikada, mga sosyal at mukhang kilala sa industriya. Ano ba ang nangyayari?
May nabasa siyang banner ‘Marvin Lee and Carine Prieto Engagement Party.’ Napabitiw siya sa pagkakapit sa braso ng bading nang mabasa iyon.
Hinayaan siya nito. Umakyat ito sa stage.
“Good Evening Ladies and Gentlemen, let me introduce my self. I’m Marvin Lee and I’m not going to be engage with Carine but sooner or later be the husband of..” hinila niya ang kamay ni Race saka nagpatuloy. “This Lady, Racelyn Azilan.”
Napatanga, napamaang, nanlaki ang mga mata, nagulat at halo-halong expression ang nakita ni Race sa mga taong naroon. Bukod tangi sa dalawang babaeng hindi kalayuan sa kanila. Nanlilisik ang mata ng isa, samantalang puno ng pang-iinsulto ang matalim na tingin ng kasama nito. Sarap dukutin!
Lumapit ang isang tinitingnan niya. “Marvin, what is the meaning of this?”
“Ate, this is Race my girlfriend.”
Tiningnan siya nito ng nang-iinsulto saka pinagsalukap ang braso sa ibabaw ng harapan nito. “Do you have a talent, lady?”
“P-po?”
Sa halip na maka-react pa, nawala na pala sa tabi niya si Marvin dahil nahila na ito nang kung sino.
“Can you dance? Can you sing?”
Masyado bang importante sa mga ito kung may talent? Marunong kumanta o sumayaw?
Wala siyang talent, aminado siya roon. Wala ring ano mang kantang sumasagi sa isip niya bukod sa..
“♪May tatlong bibe akong nakita, mataba”♫ nag korte pa siya na kunwari’y mataba sa katawan niya. “♪mapayat mga bibe. Ngunit ang may pakpak sa likod nag-iisa.♫” habang nilalagay ang dalawang kamao sa kilikili at iniangat-baba na tila may pakpak. Lumiyad pa siya ng kaunti para ma-emphasize ang puwitan niya. Dahil malaki iyon, nagmukha nga talaga siyang bibe. “♫Siya ang lider na nagsabi ng kwak kwak kwak, kwak kwak, kwak kwak.♫” Saka pa niya itinulis ang nguso na parang sa bibe.
Hindi niya ininda ang malakas na tawanan at hiyawan ng mga taong naroroon. Tila lalagutan na ng hininga ang mga naroron habang ang iba ay nakahawak pa sa tiyan na tuwang-tuwa sa nakikita at naririnig.
Hindi na rin napigilan ni Marvin na bumunghalit ng tawa. Kanina ay prente pa itong ngumingiti at halos mapunit na ang labi sa pagpipigil ng pagtawa hanggang tuluyan na rin itong bumigay at natawa na sa pinaggagagawa niya.
♫Tayo na sa ilog ang sabi, kumendeng kumendeng ang mga bibe. Ngunit ang may pakpak sa likod nag-iisa. Siya ang lider na nagsabi ng kwak kwak kwak, kwak kwak, kwak kwak.♪
♫♪Siya ang lider na nagsabi ng kwak kwak kwak, kwak kwak, kwak kwak.♪♪
Tinapos na lang niya ang kantang iyon kahit hindi niya alam kung paano na titingnan ang mga tao sa paligid niya na hindi siya pinagtatawanan. Baliw na nga yata siya. Hindi niya alam kung anong gamot ang hindi niya nainom at nasaniban na naman siya, or worst, kumalas ang turnilyo sa utak niya dahil kung anu-anong kabaliwan ang ginagawa na niya ngayon.
Hindi naman masabing nakainom siya dahil hindi pa naman nasasayaran ng kahit anong tubig o alak ang lalamunan niya. God! She must be crazy! ‘Earth, swallow me now!’ mahinang usal niya sa utak. Kung pwede nga lang at itago niya ang sarili sa ilalim ng mesa o kaya sa sarili niyang saya para hindi kung anu-anong kalokohan ang ginagawa niya. Minus points na naman siya sa pamilya ni Marvin.
“You are really an awesome lady, hija,” sabi sa kanya ng isang lalaking may hawak ng wine na tila nasa fifty’s na ang edad.
“Dad, nakalimutan kong ipakilala sa ‘yo si Race. She’s my girlfriend and soon to be my wife,” nakangiting sabi nito sa matandang lalaki.”
“Hello po,” bati ni Race saka ngumiti rin. “I’m glad to meet you, sir, I’m Racelyn Azilan.”
“I’m glad to meet you din hija. Mukhang naging lalaki na talaga ang anak kong ito ah. I thought he will be hiding being a gay all the time.” Ngumiti lang si Race dito. Siniko naman niya ang bading.
Binulungan niya ito. “Kailangan ba talaga may talent?”
Narinig niyang tumawa ang ama nito, nakitawa na rin si Marvin. “My father is a violinist, while my sister is a singer. That’s why they asked you if you do have a talent. Pero sa nakita at narinig ko, mukhang may talent ka nga.” Muli itong natawa at tila naalala pa nito ang pinaggagagawa niyang kalokohan. Hiyang-hiya na tuloy siya sa kanyang sarili.
TUMAGAL pa ang pag-uusap nila at nang makaramdam ng pagkailang si Racelyn habang kausap ang ama ni Marvin. Dahil hindi naman talaga official na SILA ng bading pero nagmukha na iyong interrogation. Upang makaiwas sa mga tanong nito, nagpaalam siyang magsi-cr muna.
Doon ay hinanap siya ng Ate ni Marvin para makausap muli ng masinsinan. Matapos lumabas ng Wash Room, agad hinila ni Marga ang braso niya papunta sa hallway.
“I thought we already have the agreement after you accepted my cheque.”
Napayuko siya sa kawalan ng isasagot.
“This will be my last warning to you, lady. I don’t want seeing your face and being with my brother again.” Binitiwan din nito ang braso niyang namumula na sa higpit ng pagkakahawak nito.
“Madam, to tell you the truth, I didn’t accept the cheque. Pinunit ko iyon, taking it doesn’t mean I agreed at isusuko ko na lang basta si Marvin.”
Napangisi ang bruha este ang ate ni Marvin. “So, you're saying, you’re going to continue this foolishness huh?”
“Mahal ako ng kapatid n'yo kaya ipaglalaban ko siya.”
Naningkit ang mata ni Marga sa kapusukan niya. “Don’t deal with me, Lady. I didn’t just do it to warning you. You didn’t see it seriously, don’t you? So, let’s see. Let’s see where will you going to continue being with him. I’ll make sure, he will suffer.”
Pagkasabi’y iniwan na niya ang ate nito, nakita naman siya ni Marvin at agad siyang hinila papunta ng stage.
“Ladies and Gentlemen, hindi pa natatapos ang party at hindi lang iyon ang explosive news ko para sa inyo.” Nakuha na naman ng bading ang pansin ang lahat ng mga tao roon. “My girlfriend is.. pregnant so, our wedding will be going.”
Napamaang si Race sa sinabi ni Marvi, halos hindi na siya makagalaw lalo pa at nang tanawin niya ang ate nito. Nanlalaki ang mga mata nito at parang gusto siyang sugurin at sakalin. Nakita niyang naglakad ito papunta sa pwesto nila, nagulat na lang siya nang hilahin ng ate nito si Marvin.
“What are you doing, Marvin?”
“Hindi mo ba nakikita, ate? Wala ng saysay na ma-engage ako, because Race is pregnant at hindi ko hahayaang mawalan ng ama ang magiging anak namin.”
“No Marvin! I won’t let you wedded her! Don’t push me through Marvin.”
“You don’t have to warning me, Ate. This is ends here. I love her.” Hinila ni Marvin ang kamay niya at agad naglakad palabas ng Mansion na iyon na hindi naman mansion sa kanyang paningin ngayon.
“Marvin! Marvin, come back!”
Nang makapagsarilinan na sina Race at Marvin, tila nakaramdam siya ng guilt. Hindi nga niya alam kung ano ang kayang gawin ng ate nito. Pero paano kung mapahamak si Marvin? Kakayanin ba niyang masaktan muli?
Nang makarating sa Unit, doon na lang siya nakaimik.
“Bakit mo ginawa iyon?” naguguluhang tanong niya dahil lalo lang magiging kumplikado ang lahat.
“You should know that I don’t do it on purpose. Hindi lang para makalayo ako sa nirereto ng ate ko kundi para ipaglaban ka.”
“Hindi mo na dapat sinabing buntis ako,” agad ay kontra niya rito. What on earth will they thought? Na isa siyang mababang babae at mabilis bumigay, which is mukhang totoo naman. Dahil kung tutuusin siya naman talaga ang nang-akit sa bading.
“It doesn’t matter. Kung mabuntis ka man, pananagutan pa rin kita.”
“But everything matters now, Marvin.”
“Alright. If you are mad, I let you hit me and nags at me. Mahal kita, Racey that’s why I will do everything and even anything for you.”
Bakit ba lagi na lang siya nitong pinakikilig? Dumoble na naman ang t***k ng puso niya at tila gusto ng mag-party ng mga organs niya dahil sa mga naririnig niya. Ganoon na ba talaga ito kaseryoso sa kanya? Pero paano siya? Wala pa rin siyang maibigay na sagot sa bading.
Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. “Huwag ka ng mag-alala, okay. I’m not forcing you to love me. Kung si Ivan pa rin ang nasa puso mo, it doesn’t matter. I’ll wait ‘till I will have the space in your heart,” muling sumikdo ang puso niya sa matatamis na salita ng bading, hindi lang yata party na ang ginagawa ng mga organs niya dahil sa sobrang kilig na nararamdaman niya ngayon. “But please don’t ask me to leave you. Dahil hindi ko kayang gawin iyon, mamamatay ako, Racey.” Niyakap na siya nito.
She felt his warmth and tender hug. It’s just like that there is no safe place on earth but in his arms—the gay’s arms.
Pinagpatuloy nila ang kanilang nasimulan. Dahil nga hindi pa nito nasusubukang makipag-date, sinubukan nila at siya ang nag-lead dito.
“Simula nang dumating ka sa bahay, hindi man lang kita napag-shopping or nabili ng mga gusto mo,” maamong sabi nito.
She tiptoed and kisses the gay’s lips. “Okay lang, sapat na ito sa ‘kin.”
Nasa loob sila ng Mall at kahit pa yata nagpumilit siyang huwag ng bilhin makulit pa rin ito. Kaya wala siyang choice kundi ang tanggapin na lang tutal ito naman ang nagbabayad.
Gusto na niyang lumabas ng department store, bukod sa mga matang nakamasid kay Marvin, naririndi pa siya sa mga bulungan ng mga ito. Kesyo hindi sila bagay, iyong iba na lang at minsan nagsasabi pa na ‘ako ang mas bagay’. Gusto niyang matawa kaya lang ay taliwas iyon sa nararamdaman niya.
“Let’s go home. Bilisan na natin, marami ng umaangkin sa ‘yo.”
Iniabot muna ni Marvin ang credit card sa kahera.
“Hmm.. may naaamoy akong selos,” tuon niya rito.
“Tss. Hindi noh. Ba’t naman ako magseselos? Ayaw ko lang sa presensiya nila.”
“Sir, wala na po ba kayong ibang card?” natawag ng kahera ang pansin nilang dalawa nang makailang ulit na itong mag-swipe at tila nag i-invalid ang card nito.
Nilabas nito ang dalawa pang credit card, ngunit kagaya ng nauna, hindi iyon gumana. Binigay na lang nito ang Savings card. Nagpaalam pa ang kahera na mag i-inquire balance muna. Ngunit nag error na naman iyon.
“Sir, baka po mayroon na lang kayong cash?”
“Marvin, may cash ako.” Dinukot pa niya ang wallet sa sling bag ngunit pinigil ng kamay nito ang kamay niya.
“Sige miss.” May dinukot ito sa wallet na buong tig iisang libo. “Ginamit ko pa lang ‘yan kanina. Nag-withdraw pa nga ako. Mabuti na lang pala nakapag dispence na agad ako.”
Biglang nanlamig si Race at kinabog ang dibdib niya, ang ate nito ang unang pumasok sa isip niya. Seryoso nga talaga ito.
Buong sandaling tahimik si Race at hindi iniimik si Marvin. Hindi na nga niya namamalayan kung may sinasabi pa ba ito. Okupado na ng utak niya ang nangyari kanina at ang usapan nila ng ate nito.
Para makaiwas kay Marvin, sinabi na lang niya na magpapahangin siya sa terrace. Pagdating doon ay nagring ang phone niya. Isang unknown caller ang tumatawag. Mabilis naman niyang sinagot iyon.
“Have you already noticed some changes, lady?”
“M-Madam..”
“Expect more, Racelyn. I will not stop ‘till you deal with me. And remember, I make him suffer being with you.”
Nanginginig na naibaba ni Race ang phone. Her vines felt the chills and Marvin’s sister's powerful actions and words.
She needs to stop. Hindi niya pwedeng hayaang may mangyaring masama kay Marvin o kaya ay maghirap ito. Muling nag-ring ang phone niya, ngayon ay si Cindy naman ang tumatawag.
“Hello,” garalgal ang tinig na sagot niya.
“Beks, sorry kung hindi ko agad nasabi sa ‘yo kaya lang kasi ang Lola mo.”
“Lola ko?” Ang alam kasi niya ay ang mga magulang at si Cindy na lang ang natitira niyang kamag-anak. “How about her? May nangyari ba?”