Chapter 12

2852 Words
 NAPAANGAT ang tingin niya sa babaeng nagsalita. Sopistikada, sosi, high class at mukhang walang alam gawin kung ‘di ang mang-insulto ng mahihirap. Nakasuot ito ng black sossy cap na nakikita niyang suot ng magaling na fashionist-ang si Tessa Prieto-Valdez , naka-Maroon dress at nakasuot ng stiletto na si tingin niya ay Gucci. Nangunot ang noo niya mula sa sinabi nito. “W-What do you mean?” “Marvin Lee is my brother.” Ang babaeng ito, maganda, maputi at matangkad. Perpektong-perpekto ay kapatid pala ni Marvin ngunit bakit magkaibang-magkaiba sila ng ugali ng kapatid nito? Marvin is more compassionate, gentle, vigilant and more admirable because of his good traits while this lady sitting in front of her was the opposite. “I’m Marga Lee. I came back from France to check him out since I knew he fled from my arrange marriage plan. And he’s doing his capricious act. What a mess!” saka siya tinitigan mula ulo hanggang paa at umirap. “Can you please tell me what do you need?” “I need you to leave him alone. Our family doesn’t need a girl like you. Cheap and doesn’t came into a decent or royal family.” Umikot pa ang mga mata nito na halatang diring-diri. Napakuyom siya ng palad sa pang-iinsulto nito sa kanya. Tinaasan siya nito ng kilay. “I can’t afford to have you in our family.” “Do you think Marvin will also like your attitude? Do you think why he fled?” “He fled and starting to pretend a gay because he wants to separate from us and because he doesn’t want Clarine to be his wife. Did I answer your question now, lady?” punong-puno ito ng kakampantehan at pagiging kalmado. She was really prim and fussy. “Y-you mean.. Marvin wasn’t really a gay?” “Of course not lady! Do you think such handsome man, become this gay? Well, you’re really out of your mind. Marvin is indeed a man and I know that you’re leaving with him. So I want you out, out of the picture and in his life. As you can see, I will not bother you saying a false statement if I’m joking. My time is precious; let me give you a caveat. Once I still see you lingering into my brother and still leaving with him.” Yumuko ito, inilapit ang bibig at bumulong sa kanya. “Don’t worry I won’t harm you, but I swear I will make my brother miserable just by cutting his allowances, credit cards, freezing bank accounts and dispossesses him. Enough to make you leave him.” Umayos ito ng upo. “I love my brother so you should understand what I felt. You are a distraction and you can’t help him even when he suffers because you’re penniless.” Gusto sana niyang sumagot pero pakiramdam niya naubos na lahat ng lakas niya para mangatwiran. “Here is a pay check worth two million. Accept it or you will regret it after?” Iniabot nito ang papel sa kanya. “Take it or leave it. Hopefully I will never see your face anymore.” Tumayo na siya nang kunin niya ang tseke. Mukhang pati pala sa totoong buhay ay nangyayari ang mga ganitong eksena. At take note, hindi na siya nanonood ng movie kundi isa itong reality scene sa mga pelikula. “I’m looking forward to your decision Ms. Azilan. Hoping you’ll never disappoint me. I have all eyes on you, Lady.” Matapos marinig ay lumabas na siya ng Restaurant kung saan sila nagpasyang magkita. Napipilitang sinagot niya ang tawag mula sa kanyang phone. Ang bading, tumatawag ito sa kanya. “Nag-alala talaga ako sa ‘yo. ‘Kala ko kung iniwan mo na naman ako.” Hindi niya pinansin ang sinabi ni Marvin, tila gusto niyang umiyak pero ayaw niyang ipakita rito na nasasaktan siya. “What are your plans today? Sabi mo magre-resign ka na sa dati mong company. Racey..” Kung hindi pa siya nito inalog, hindi siya babalik sa sarili. “Ha. Ah, Oo. Bukas ako magsa-submit.” “Where do you plan to work?” She is a Management major, but all of her work experience doesn’t fit her. She was contented on what work load is available. “Maghahanap.” Nang makasakay na sila ng sasakyan, huminto sila sa isang Fine Dining Restaurant at doon na inabot ng tanghalian. “I don’t know how to court, kaya hindi na tayo dadaan sa stage na iyon. And I don’t know how to have a relationship just like this but when I’m with you everything felt right,” makapagdamdamin pang sabi nito habang nakatitig sa kanyang mga mata. Pinisil din niya ang kamay nitong hawak niya. Nang matapos silang mananghalian, nagpasya silang mamasyal muna sa kahabaan ng Seaside. “Ako rin, masaya ako kapag kasama ka.” Humarap ito sa kanya at hinawakan ng dalawang kamay nito ang pisngi niya. “I don’t know how to love, Racey but it came all of a sudden. Sa totoo lang hindi ko pa nararanasang magmahal.” Napakunot ang noo niya mula sa sinabi nito. Kung hindi naman talaga ito bading, imposible namang wala pang nahuhumaling dito? “I’m gay, Racey. I’m really am. By mind but not by heart.” Lalong kumunot ang noo niya. Ibinaba nito ang mga kamay at hinawakan ang dalawa niyang kamay. “Ipinanganak akong lalaki, pero nang maramdaman kong marami ng babaeng umaali-aligid sa akin at bukod sa stalking, madalas pa silang pumunta sa bahay, stalking my phone numbers, cell numbers and all of my accounts. Hindi ko rin alam kung dahil sadyang magandang lalaki ako. Ito lang ang naisip kong paraan, ang maging bakla. I’m not born to be gay, but I felt that I’m free when I’m gay. Nagagawa ko ang lahat, walang mga babaeng nagpapalipad-hangin sa akin at minsan nga sila na ang umiiwas dahil kapag pumilantik na ang mga kamay ko, alam na nilang bakla ako.” She didn’t interrupt; she just let her do the talk. “It didn’t cross my mind that I’ll be fallin for you after I helped you. Ah, no since the day he left you at the altar. Kung alam mo lang kung gaano ako nagtiis at paglabanan ang nararamdaman ko, I swear it really kills me.” Biglang pumasok sa isip niya ang mga pagkakataong sine-seduce niya ang bakla. “I thought I can let it go without having you near me. But every time you’re near, my heart explodes. Saka ko na lang na-confirm mahal na pala kita. Do you think I’m selfish? Magagalit ka ba sa ‘kin kung iisipin mong nagsinungaling ako sa ‘yo at nagpanggap lang na bakla?” “I’m not mad. ”Kinuha pa niya ang kamay nito at idinikit sa pisngi niya. “I’m happy, whatever your gender is, I’ll definitely happy like this and accept it.” Kinabig siya nito at niyakap. Nagtubig na naman ang mga mata niya. Pakiramdam niya, ano mang oras matatapos na ang lahat—ang Fairytale story niya. Matapos nilang mamasyal, bumalik sila sa bahay. Nakangiti pa siya nang hilahin siya nito at paupuin sa kandungan nito. Masasabi na nga niyang maswerte siya, dahil nagawa niyang paibigin ang Bading. Ang Bading na sobrang conservative, OC at maarte pagdating sa bahay. Pwede na nga siyang mamatay ora mismo o hahayaan na niyang matapos ang nadarama niyang kasiyahan. HININTAY niya itong bumalik, pagbalik nito sa terrace, may bitbit na itong gitara. He started to strum in front of her and sang. She just stares at him. She can't even imagine that a gay like him can be this romantic. Oo nga pala, lalaki pa rin ang bading. Bakla nga lang. “♪Can I touch you? I can’t believe that you are near. How did I ever find you? You are the dream that saves my life. You are the reason I survive, baby. I never though that I could love someone as much as I love you. I know it's crazy but it’s true. I never thought that I could need someone is much us I need you. I love you.♫ “♫♪Can I hold you? Girl, your smile is so discard. You are too beautiful for the human eye. You are the dream that never dies. You are the fire that burns inside. Baby, I never though that I could love someone am much as I love you. I know its crazy but it’s true. Ohhh.. I never thought that I could need someone is much us I need you. I love you. ♪♫ Nanlamig ang pakiramdam niya, lalo na sa titig nito. Paano nito nagagawang titigan siya ng diretso sa mata habang kumakanta at nag s-strum? She was flattered. Walang duda, mahal nga siya nito. Pero kaya ba niyang ibalik ang pagmamahal nito? Nasabi na rin ba niyang napakaganda ng boses nito, malamig at malambing. Masarap sa tainga, para siyang hinihele. The gay was really talented. So, kailangan pala niyang i-check ang mga bading kung may hidden talent—hidden talent na magpaibig ng babaeng kagaya niya. Pumalakpak siya ng matapos ito. “Dahil diyan, may reward ka sa ‘kin, because you didn’t failed to amazed me.” Lumapit siya at masuyong hinalikan ito sa labi. Naibaba ni Marvin ang gitara saka tumayo at kinapit ang mga kamay sa bewang nito. Hindi na rin nito binitiwan ang labi niya. “Sana, hindi na matapos ang lahat ng ito. I didn’t think it really felt this good, good when I’m with you because you’re perfect,” sabi nito. Oo, sa lahat ng lalaki, ito rin ang pinaka-perfect na bading. Walang itulak-kabigin. Tuluyan nang lumandas ang taksil niyang luha. Kahit kailan hindi pa niya narinig na sinabi ni Ivan na perpekto siya kahit ano pa ang suotin niya, pero ang baklang ito. Parang may magic word ng pagiging perfectionist ang lahat ng salitang binibitiwan nito. Na tila palaging musika sa pandinig niya ang lahat ng sinasabi nito. Ni hindi siya nakakarinig ng pang-iinsulto o ano mang bagay na makakasakit sa kalooban niya. She’ll make sure will treasure everything this gay said and did. Napaangat siya ng tingin nang tumayo ito. Hinanda nito ang TV at nagsalang ng DVD sa player. “We’’ll watch movie marathon until dawn.” Muli na naman siyang napangiti. Ilang beses pa bang tatalon ang puso niya? No one ever skip her heart beat once, but this gay did everything—kinikilig siya. Mainggit na lahat ng mga babaeng iniiwasan nito noon, but all his eyes was on hers now even his heart. Sorry na lang girls, but this man is gay and taken. Hindi na naubos-ubos ang pagngiti niya lalo na nang umupo ito sa harapan niya at kinuha ang kamay niya saka dahan-dahang nilagyan ng nail polish. Yes, he’s gay but being him a gay was not embarrassing, instead it felt perfect. It felt they’re perfect to each other. “Malapit na. Malapit ka ng pumasang manicurist.” Saka pa niya ito tinawanan ng pang-aasar. Nagprisintang maglinis ng kuko sa kanyang paa ang bading ng mga sandali ring iyon. Ayaw niyang maputol ang minsan niyang imahinasyon at pangarap kahit ngayon lang ay kinalimutan niyang may harang pala sa kanila ni Marvin, walang iba kundi ang ate nito. “Ganoon? Tinatawanan mo ako.” Napasinghap siya nang magtungo ang kamay nito sa tagilirin niya para kilitiin siya. Napatayo siya at nagtatatakbo. Nang mahabol siya, niyakap siya nito mula sa likuran. “I love you, Racey.” Naramdaman niyang hinalikan nito ang leeg niya. Gusto niya sanang sagutin din ang sinasabi nito, pero natatakot siyang masaktan niya lang ito sa huli. “Let’s go back and watch, bakla.” Bumalik sila sa sala, pinahiga siya nito sa sariling kandungan habang masuyong hinihimas ang buhok niya. Kung panaginip lang siguro ang lahat, sana huwag na siyang magising. Dahil ayaw na niyang magising sa kahibangang ito. Ayaw na niyang isiping walang patutunguhan ang lahat. Na mauuwi lang sa wala at matatalo siya sa sugal na ito. Dahil sa mga ginagawa nito, nalimutan na niya ang napag-usapan nila ng ate nito. Hindi niya alam kung ilang oras ba siyang nakatulog. Nang magmulat siya ng mga mata ay nakahiga na siya sa kama at wala na ito sa tabi niya. Tumayo siya at kumuha ng tubig sa Ref. nakita niyang ang post it na nakadikit roon. Pumasok ito sa trabaho at iniwanan pa siya ng pagkain. Kailangan niyang maging masaya at kailangan niyang ipakita na wala lang ang lahat at hindi siya apektado sa sinabi ng ate nito. No, she needs to survive no matter what and she needs to confirm her feelings. If the gay fights his feelings, she must be too. She must fight what her heart trully says and what ever it takes. Ipagalalaban niya ang pag-ibig nila. Taas noong pumasok siya sa opisina at nilapag ang puting papel sa ibabaw ng table ng kanyang boss. “What is this Racelyn?” “I’m giving my resignation letter, boss.” “Is that really your decision?” “Sa tagal ko po riito, minsan lang ako naging masaya. Nang makasama ko kayo at nang makilala ko ang lalaking tumanggap at nagmahal sa ‘kin ng tunay.” “Hmm.. You’re really moving on. So, what’s your plan?” “I’m going back to work after few weeks. Magpapahinga muna ako.” “Good to hear that.” Ginagap pa nito ang palad niya. “I’m so happy for you, Racey. Live, laugh and love. Huwag kang gumaya sa akin na nagpakatandang dalaga because I thought wala ng taong magmamahal sa ‘kin until pinalampas ko ang pagkakataon at pinakawalan ko siya. I’m sure you made a good decision. O siya, tama na at baka magkaiyakan pa tayo rito.” Pinahid niya ang luhang pumatak sa pisngi niya. Niyakap naman siya ng kanyang boss. Nang makalabas sa Opisina, nagpaalam na rin siya sa mga naroroon kahit maraming nagsabi na biglaan ang alis niya. Nakita pa siya roon ni Ivan, magpapaalam rin sana siya kay Ivan nang tawagan siya ni Cindy na magkita sila dahil may importante raw itong sasabihin. Naglakad na siya palayo nang makita siya nito ay humabol ito hanggang sa makalabas siya ng Building. Doon ay nagpang-abot sina Ivan at Marvin. “Ano ba Ivan! Bitiwan mo nga ako!” pilit niyang binabawi ang brasong hawak nito ngunit hindi nito pinakakawalan. “Bitiwan mo sabi siya!” isang kamao ang lumipad dahilan para mabitiwan na siya nito ng tuluyan. “You don’t have any holds against my girlfriend, Asshole.” Tumayo ito at ginantihan din ng suntok si Marvin. Maloloka yata ang iiner beauty niya lalo nang makita niyang nagsusuntukan sina Ivan at Marvin for the second time around. Natatarantang nabitiwan niya ang bag at bitbit na kahong may iba pang kagamitan. Pasalamat siya at dumating si Cindy. Cindy headed back from Canda looking for her. “Girl, anong nangyayari?” patakbong tanong ni Cindy. “Beks, tulungan mo ako. Nag-aaway sila.” “Ay! Haba ng hair. Shemay.. natatapakan ko na. Wait, ilag.” Naiiritang pinandidilatan niya ito ng mata. “Nag-aaway na nga sila, kung anu-ano pa ang pinagsasasabi mo.” “Gaga, you mean..” napatango siya sa ibig nitong itanong. “OMG, girl! Pinag-aagawan ka ng dalawang papabols at yummy bols na iyon?” sunod-sunod na tango ang muling sinagot niya dito.” Napatalon-talon pa ito na parang timang. “OMG ulit! Dalawa-dalawa, pwede bang akin na lang ‘yong isa? Ibigay mo na lang sa ‘kin iyong isa. Dali! ‘Wag madamot.” Saka pa nito hinala ang braso niya. Hindi niya pinansin ang sinabi nito, Naiinis na hinaklit niya ang sariling braso. “Baka pwedeng tulungan mo na lang akong pigilan sila?” saka madali niyang nilapitan ang dalawa. “Sabi ko nga, eto na beks.” Instead na pigilan ni Cindy ang dalawa, mukhang niyakap nito ang likuran ni Ivan at tila tsinatsansingan. Kaya napipilitang umatras si Ivan at kumalas sa pagkakayakap ni Cindy na tila parang linta sa tindi ng kapit. Umayos ng tayo si Ivan at saka tila gusto ring suntukin ang retokadang si Cindy dahil sa pantsatsansing nito. “Racelyn, mamili ka kung sino sa ‘min ang gusto mong makasama. After nito, hindi na kami manggugulo,” determinadong sabi ni Ivan. Sino nga ba ang pipiliin niya? Ang mas matimbang sa puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD