Chapter 1
Archie's POV
Galing ako ng paaralan at naglalakad na ako pauwi ng bahay ng may makita ako na nagtitinda ng mga barbeque, isaw, at ulo ng manok. Lumapit ako upang bumili. Heto yung mamiss ko na kainin dito sa amin. Yung lasa ng suha, yung barbeque na akala mo kakaiba sa ibang barbeque, yung maingay na lugar, at yung mukha ng nagtitinda. Maa-amaze ka nalang kasi kahit ang tanda na nila, at nangulobot na ang mga balat at puti na ang mga buhok nandoon parin sila at pinagluluto parin ang buong Barangay ng mga lintek na favorite ko.... FAVORITE ko yan... akala neo lang hindi.
"Mang Diego, twenty nga po na barbeque, twenty na isaw, twenty na ulo ng manok!" nakikipaghiyawan na ako dahil ang haba pa ng pila at ang dami ng bumibili. Yung parang mauubusan ako ng order kaya ayun todo hiyaw ako ng barbeque.
"Hoy ate na parang nuno sa punso, ang liit-liit mo pero ang ingay-ingay mo!! Manong sampung barbeque nga po at suka na sobrang anghaaang!! DINE IN pohh manong!!! " Naabutan nanaman pala ako ng mga kaibigan kong akala mo naman kung sailor moon girls dahil sa kulay ng buhok, kapal ng make-up at lipstick. Daig pa mukha ng nagta-trabaho sa mga Bar. Anyways kaibigan ko parin mga yan kahit ganon sila. Pero syempre sa isip-isip ko lang sinasabi eto dahil pang lumabas to sa bunganga ko, panigurado mangangamote nanaman ako sa kakatanggol sa sarili ko. Ang galing kasi nila makipagdigmaan, ehh hindi naman ako pang-gyera.
"Makapagsalita ka naman Avie.. ikaw nga parang nagtitinda ng paa ng baboy sa palengke, lakas din voice mo nohhh!." pasigaw kong sabi, ang ingay kasi ng lugar. "Abah! magaling kana sumigaw ngayon, sinisigawan mo na ako??!!!" sabi ni Avie..
"Hindi ako galit, bingi ka lang talaga kaya ganyan boses ko ngayon,, malakas HAHAHAH!!."
"Halika nga dito at ilibre kita ng Milktea babae ka!! HAHAHA" sabay yakap sa akin... Siya nga pala yung kaibigan ko na parang leader ng team namin. Bale lima kami na magkakaibigan, siya, si Avie, Luna, Jenny, Tyra, at syempre ako. Sila na ang mga kaibigan ko since Elementary days, hindi ko alam kung paano kami naging makakaibigan, pero ang natatandaan ko lang, nagkopyahan lang kami noon sa mga subject teachers namin at yun nga, naging frendships na kami. Ang labo ng pagkakaibigan namin noh? hahaha ganon talaga, huwag na kayo magtaka, natural lang yan sa Earth.
Anyways, I am Archie Belle S. Forbes na kasalukuyang nakikitira sa mga lolo at lola ko dito sa probinsiya. Since Elementary until High School dito na ako nakatira sa grandmother at grandfather ko. Wala kaming ibang kasama sa bahay kundi ang mga katulong na tatlo at driver na dalawa. Nagtataka kayo siguro kung nasaan ang mga magulang ko. Nasa Hongkong sila with my eldest brother, sobrang busy nila sa trabaho kaya hindi na nila kami masyadong nakukumusta dito sa probinsiya. Ayokong tumira sa Hongkong dahil ayokong maging sunud-sunuran sa mga magulang ko. I want my own peace at ako ang masusunod sa buhay na gusto ko. All I want is a simple life, walang stress, walang mother at father na nagde-decide sa gusto ko sa buhay ko. Since ako ang bunsong anak, YES I am the only princess of my mother and my father, at may nag-iisa akong kapatid. Kapatid na sobrang ewan.. lagi siyang naka-focus sa work. He's very busy kasi siya lang naman ang inaasahan ng family namin na mag-mamana sa kompanya na pinaghirapan nina mommy at daddy.
Ayoko ng isipin ang mga bagay na yun... basta happy lang ang life ko with my lolo and lola yun lang ang importante sa ngayon. Eating my favorite street foods with my friends. Masaya na ako kahit ganito lang kasimple ang buhay.
"Heto na ang mga orders ninyo mga iha." dinala na pala ni Mang Diego yung order namin na akala mo pagkain ng trenta na tao. Ganito lang talaga kami katakaw sa pagkain. Sabi nga nila tipirin mo na ang lahat lahat huwag lang ang pagkain. Kaya heto kami ngayon, lamon ng lamon. Oi. baka iniisip ninyo gasturera akong tao, HINDI po. Dahil sarili kong ipon ito. Nagbibigay kasi sina mommy at daddy ng allowance ko every month. Medyu malaki laki rin kasi yung binibigay nila na allowance ko kaya marami akong nailalagay sa savings account ko. Wala rin kaming masyadong projects para pagkagastusan kaya heto binibili na namin ng mga pagkain.
Sina lolo at lola naman sa bahay hindi nawawalan ng mga pera dahil may sarili silang kayamanan galing sa pension nila. Retired teachers kasi sila sa kung saan ako nag-aaral ngayon, Oh diba! kaya mabubuhay parin sila. hahaha
"Salamat Manong, the best talaga ang luto mo. Kahit araw-arawin naming pumunta dito hinding hindi kami magsasawa." totoo eto dahil sobrang sarap ng lasa ng barbeque lalong lalo na yung sawsawan... yung may konting anghang na halos ulit-ulitin mong higupin hindi ka talaga magsasawa sa lasa.
"Naku nambola kana naman. Oh heto, dagdag ng order ninyo, libre ko na yan sa inyo dahil suki namin kayo noon pa man. Hahaha. Hala at galingan ninyo sa pag-aaral. Huwag ninyo bibiguin ang mga magulang ninyo na laging nakasuporta sa inyo, makapagtapos lang kayo." etong si manong Diego kasi may tatlong anak, pero yung tatlo niyang anak wala ni isa man sa kanila ang nakapagtapos dahil maagang nakipag-asawa ang mga ito.. dalawang babae at isang lalaki. At yung tatlo niyang anak, may sari-sarili na silang mga pamilya kaya etong si Manong at Manang Linda nalang ang nananatiling makasama. Malayo ang tirahan ng kanilang mga anak kaya naman sariling sikap ang dalawang mag-asawa para sa pang-araw-araw nilang pangangailangan. Ang hirap lang talaga kapag yung mga anak mo, tinulungan mo sa pag-aaral para makapag-tapos sana at magkaroon ng maginhawang buhay pero kabiguan lang pala ang mapapala mo. Simula nung lumayo ang mga anak nila, hindi na sila muling tumapak pa dito, ni hindi man lang nila maalalang bisitahin ang mga magulang nila upang kumustahin at tulungan man lang sana. Parang walang mga puso at kwenta ang mga anak na ganito. Kay hirap mo silang pinalaki tapos hindi ka man lang matulungan pagtanda mo. Sana naman kapag nakapag-anak ako in the future hindi ko sana maranasan ang ganitong senaryo, yung iiwan ka ng mga anak mo at papabayaan nalang na mamatay ng naghihirap.
Kapag nakapagtapos ako, eto yung mga taong gusto ko na tulungan. "Marami pong salamat Manong Diego. Mahal na mahal ka namin..salamat sa pa- libre". At ayun nga kwentuhan at tawanan, chikahan at iba ang ginawa namin ng mga kaibigan ko habang kumakain ng barbeque. We don't need a fancy retaurant, overprice foods, and wealthy friends kung hindi naman kayo masaya at nagpa-plastikan lang. Mas mabuti pa yung dirty place, good food, and happy friends basta totoo at walang plastikan. This is what I want in my Elementary and High School life. Simple life, happy and true friends. Been with my grandparents though I really miss my parents and my brother also. It's been a years since huli kaming nagkikita-kita, ever since nung Elementary ata ako nung last kaming nagkakasama dito sa probinsiya noong hinatid nila ako. They didn't argue nung sinabi ko sa mga parents ko na I want to study elementary and highschool dito kina lolo at lola. Pero when I enter college, need ko na raw sumama sa kanila sa Canada to pursue my chosen career kasi based sa education dito sa Pilipinas, mas worth it mag-study in other countries kasi advance and technology and mas maganda ang learning doon.
I realized na it's high time naman na siguro para makasama ko naman na ang parents ko, so I decided na kapag ka graduate ko na dito sa High School sasama na ako kina mommy at daddy. Though bibisi- bisita parin naman ako dito kina lolo at lola syempre. Hindi hindi ko sila makakalimutan kasi all this time sila yung nakasama ko since I was a kid. Hindi nila ako pinabayaan kahit pa ang kalat- kalat at ang tigas ng ulo ko minsan. I love them all.
Last year ko na ito sa High School, though hindi pa ako nakakapag- paalam sa mga kaibigan ko na kailangan ko ng mangibang bansa for my College. Ilang months nalang at ga- graduate na kami sa wakas ng mga kaibigan ko. Lahat ng hirap sa pangongopya ay magwawakas na.. hahahaha ang hirap naman kasi sa high school, magtuturo si teacher ng ganito ganyang example pero kapag sa mismong exam, iba naman ang lumalabas. Nakakahimatay din sila magpa- seatwork, yung bang puro enumeration.. lintek na buhay high school eto sana multiple choice nalang para kahit dog by dog may mai-answer parin. Mamimili ka lang ng A or B or C or D. Pero enjoy ang high school life ko.
"Tara na! GABI na.. hinahanap na tayo ng mga alaga nating aso sa bahay HAHAHAHA! Hoy ikaw Archie, hinahanap kana rin ng mga alaga mong gagamba umuwi kana! AHHAHA" kanina pa tawa ng tawa etong si Avie, akala mo naman kung nakainom ng 2x2 at red hoarse.. so ayun nga nagsi-uwian na kami sa mga kaniya kaniya naming mga tahanan. Magkakalapit lang bahay namin dito, kanto lang ang pagitan ng bawat isa. "Lolo at Lola, andito na po ako" kakarating ko lang sa bahay. Sina lolo at lola, nasa kwarto na siguro ang mga yun at nagpapahinga, alam mo naman ang mga matatanda, dapat laging maaga na natutulog pero dapat maaga din gumasing kaya walang umiimik. Yung mga kasambahay namin, busy pa sila sa kusina at ibang gawain. Umaykat na ako sa kwarto ko, tinapos ko lang yung mga assignments ko at nag-shower na agad at natulog narin after. Natulog ako ng may ngiti sa labi habang inaalala yung mga kalokohan namin kanina. What a great day it is. Tomorrow is another day again.
"ARCHIE! ARCHIE! gumising kana, tanghali na. Ikaw na bata ka, wala ka ng ginawa kundi ang magtulog. Bumangon kana diyan at nakahanda na ang umagahan. ARCHIE!!" ang ingay talaga ni lola kahit kailan. Alas singko palang ng umaga pero nanggi-gising na. "ARCHIE!! gumising kana!!" hay naku, walang katapusan ang sigaw at pangungulit ni lola magising lang ako.
"Lola, it's too early in the morning. Wake me up after 30 minutes please!."
"No! gising kana nga, ayaw mo pa bumangon. It's not a good habbit na tanghali kana nagigising. Bumangon kana diyan at maga-almusal na tayo. Kanina kapa inaantay ni lolo mo."
"Okey! yeah! coming!" grrr.. it's too early. Para akong matanda na gigising ng kay aga-aga. Every morning ganito ang senaryo dito sa bahay. Kung hindi kakatok, biglang bubuksan yung pintuan using duplicate key na hawak-hawak nila tapos biglang lalagyan ng ice yung tenga, or yung paa, or kahit saan pang parte magising ka lang. Minsan nga maglalagay sila ng speaker sa kama then biglang magpapa- music ng malakas, magugulat ka nalang. Heto yung ilan sa mga kalokohan ng mga lolo at lola ko sa tuwing hindi nila ako magising gising ng umaga. Actually, meron kaming dalawang cousin pero hindi ko pa sila nakakasama. Dalawa lang kasi na magkapatid sina Daddy at tito Lloyd. Dalawa kami na anak ni Daddy, dalawa rin ang kay tito Lloyd so bale apat kami lahat na magpipinsan. Nagkikita-kita naman kami noon na magpipinsan kayalang mga bata pa kami noon. Syempre habang tumatanda ang tao, nag-iiba ang posture pati narin yung mukha.. depende nalang kung gumada, gumwapo or pumangit ang tao. It depends.. CHAR hahhah
"Lola and Lolo, did Dad and Mom talk to you?" parang nagulat yung dalawa. "Hindi naman apo, bakit mo natanong? Hindi pa naman sila tumatawag sa amin.. may kailangan ba silang sabihin sa amin ni Imelda?" si lolo John ang sumagot sa tanong.. Hindi pa talaga sinabi nina mommy at daddy yung tungkol sa pag-alis ko after ng graduation. Sabihin ko nalang kaya? or antayin ko nalang na sina mommy at daddy ang magsabi. Sigurado malulungkot sina lolo at lola nito dahil matagal akong mawawala at mag-aaral abroad. Hindi pa ako nagbalak na magsabi kahit kanino man sa mga kakilala ko na mag-aral ako sa ibang banda. Siguro after ng graduation nalang.
"Wala naman 'lo, natanong ko lang. Sige po kain na po tayo." Habang ako kumakain, sila namang dalawa hindi maputol putol ang tawanan at kulitan. Ang tanda- tanda na nila pero naghaharutan pa, at sa harap ko pa. Hay naku! mga matatanda nga naman talaga. Laging magkasama, pero parang hindi nauubusan ng topic. Alam mo yung radyo na kapag hindi mo tinanggal yung saksakan hindi rin titigil sa kakadakdak. Pero sa loob-loob ko naiinggit ako dahil habang tumatagal mas lalong napagtibay ang relasyon nila. Ano kaya ang napagdaanan nina lolo at lola sa ngalan ng pag-ibig? Masaya ba? o may kasamang iyak, lungkot at break ups din? nacurious lang ako sa isip-isip ko. Pero wala pa sa isip ko ang pakikipagrelasyon noh. You know, study first muna ako as for now.
Ambisyosang palaka pa ako kaya wala muna sa utak ko ang mga kalaswaan ang what so ever. Kilig-kilig? wala pa sa akin yang mga bagay na yan.
May mga estudyante sa school na nagbibigay sa akin ng mga love letters, chocolate, at flowers pero hindi ko sila pinapansin. Nireresib ko yung mga binibigay nila as respect narin pero after that kinakain na namin ng mga friends ko yung mga bigay nila na foods. Ewan ko ba sa mga taong yun at anong nakita nila sa mukha kong palaka, hindi naman ako kagandahan, isa lang naman akong kapangitan sa ngalan ng ambisyosang nilalang na si Archie. Kaya marami ding babae ang ayaw sa akin kasi nga ang pagkaka- alam nila inaagaw ko daw yung mga lalaki na crush nila or yung mga boyfriend nila. Dah.. as if aagawin ko sa kanila yung mga syota nila? No way! as in no way! May sumabunot pa sa akin, may naglagay ng itlog na napakabaho sa locker ko. Naglagay ng shoe glue sa upuan ko, nagbato ng eraser sa pagmumukha ko, at marami pang iba. Pero lahat ng ito, hindi ko na pinansin pa. Wala silang narinig na kahit anong masama galing sa bunganga ko at lalong lalo na, hindi ko sila sinaktan ng gaya ng ginawa nila na pananakit sa akin. I do not deserve yung pagtrato nila sa akin, pero dahil ang turo ng lolo at lola ko, huwag na huwag daw akong gaganti, kaya ayun, sunod-sunuran naman ako.
Ilang taon din naman akong nagtiis noh.. akala neo. Mahirap din magtimpi pero naaral ko naman kahit papaano.
"Maliligo na po ako lolo at lola, enjoy your meal"
"Sige, bilisan mong maligo, dalawang oras kana naman don sa banyo. Nagmana ka talaga sa lola mo." biglang tinapik ni lola yung balikat ni lolo. "Syempre apo ko yan, kanino pa ba magmamana kung hindi sa akin. hahaha".
"Oo nga naman lolo, apo ninyo ako kaya malamang sa malamang magmamana talaga ako sa inyo. hahaha,, Sige at maiwan ko na po kayo dyan." at dumeretso na ako sa kwarto ko, dahil kung makikipagchikahan pa ako sa kanila, male-late na ako sa pagpasok. Maaga nila akong ginising pero parang male- late pa ako sa lagay na eto. Kaya instead na isang oras ako maliligo baka five minutes nalang dahil alanganin na sa oras. Kapag talaga mahalagang tao ang kausap mo, hindi mo na namamalayan ang oras.
"Punta na po ako 'lo at 'la!!" pasigaw na ako magsalita dahil malelate na talaga ako. Hindi na rin ako nakapag- mano.
"Sige apo naming maganda, mag-iingat ka. Galingan mo sa school." Si lola yun, may pahabol pa. Oo naman po, gagalingan ko talagang mangopya para sa inyo. ahahaha. Sa totoo lang hindi naman ako kagalingan, below average lang talaga yung utak ko. Pang janitorial at guard lang ata ang kaya kong gawin sa buhay. Napa- isip narin ako, ano kaya ang magandang kunin na kurso sa kolehiyo. Hmmmmm.. isip-isip.
Sa classroom...
"Okey class, bring out 1/2 sheet of paper." Bigla natahimik ang buong klase sa hindi namamalayang pagpasok ni teacher at sa bigla niyang sinabi. WHAT? quiz nanaman ba ito? Abala pa kami sa pangongopya ng sagot ng mga kaklase namin dahil nga ang dami ata naming assignment na dapat isubmite ngayon pero inuna ko lang na natulog kagabi. Akala ko matatapos ko yung mga assignments ko kagabi pero nakatulog na pala ako sa busog. Ganon talaga ako kapag nabubusog, bigla bigla nalang naaantok. We'll it's natural, aso nga eh, pagkatapos lumamon natutulog na agad.
"Madam Seligbon, quiz nanaman po ba eto? Kakatapos lang po ng quiz natin kahapon." etong bata na eto reklamo ng reklamo, siya nangalang ang top one sa class namin. Akala mo naman ang bobo pero ang talino na nga nagrereklamo pa.
"Oo nga po mam. Tsaka wala po kayong sinabi kahapon na may quiz po tayo ngayon."
Sige, magreklamo pa kayo para wala ng quiz. Brainless nangalang ako tapos ganito pa ang eksena, walang katapusang quiz. Wala na ngang mapiga, pipigain pa. Tang*na. Hindi ata sa kolehiyo ang deretso ko, kundi sa mental health na.
"Ang dami ninyong reklamo. Basta maglabas kayo ng 1/2 sheet of paper. Kung ayaw niyo then you may go out and leave this class as soon as possible." Natahimik bigla ang lahat. Eto kasing si Madam Seligbon, matagal ng dalaga ito at hindi pa nagkakaroon ng boyfriend. As in no boyfriend since birth kaya siguro mainitin ang tuktok. Base kasi sa mga nasasagap kong chismis, kapag nasa edad kana ng trenta matataranta ka na daw talaga kung wala ka pang nahanapan na mapapangasawa. Kaya siguro aligaga si madam at wala pang nahahanapan na syota. Hay naku, magtatandang dalaga. Magtatandang galit sa mundo. Kawawa ang magiging klase nito next school year.
"Ay halla si Madam pretty, hindi na mabiro. Heto na po mam, maglalabas na po. Ui, classmates huwag niyo nga ginagalit si Madam pretty lalong di makakahanap ng syota dahil sa inyo." biglang nagtawanan ang buong klase at kasali na ako dun.. diko mapigilang tumawa. Tatanga tanga kasi etong bakla na kaklase namin, may pa- pretty pretty pa na nalalaman pero sasabihin lang pala na di makakahanap ng syota yung teacher namin na ubod ng sungit. hahahaha "Tapos na ba kayong tumawa?" napatahimik ang buong klase sa biglang pasalita ni Madam Seligbon. Delikado eto. "SHUT UP YOUR MOUTH!! YOU CLASS OF EINSTEIN!" kung makikita mo lang yung bulkan na umuusok, parang ganon na yung mukha ni teacher sungit. Yumuko na ako kasi sobrang red na ng mukha.
"Sorry Mam" eto yung last na sinabi nung bakla na classmate namin.
Kumuha ng malalim ng hininga si teacher. Mga five minutes siguro at five minutes narin walang imik ang klase.
Tumayo na siya sa wakas, umupo narin kami ng maayos. "Okey class. Alam ko na ilang buwan nalang ay aalis na kayo sa paaralan na ito at hindi na nga ako makapag-hintay. Hindi dahil sa ayoko na kayong makita dahil sa mga kalokohan ninyo kung hindi dahil hindi na ako makapaghintay na maging professionals na kayo sa pipiliin ninyong mga career. After your graduation, you will be entering college kung saan nakafocus na kayo sa mga gusto ninyo maging, pagdating na panahon. Some of you will become a professional teachers, others will become a licensed Mechanical, Computer, or Electrical Engineers, some will become a seaman, and so on and so forth. And some of you baka magkakaroon ng pamilya ng wala sa oras, pero huwag naman sana.
Isipin niyo muna yung sakripisyo at hirap ng mga magulang ninyo para lamang makapagtapos kayo. The reason I am single now is because mahirap lang kami na pamilya. Mother ko walang trabaho, father ko nakikisaka lang at hindi permanente sa trabaho kasi nakadepende sila sa kung sino ang mag-aaya na magpapatrabaho. May anim akong kapatid, yung iba nasa kolehiyo, yung iba nasa sekondarya, yung iba nasa elementarya. Ako ang panganay. Tinitignan ko ang mga kapatid ko at tinanong ko sa sarili ko. Habang buhay nalang ba na ganito ang pamilya ko? kaming pamilya? ayaw ko ng maranasan yung kakain kami ng isang kainan sa isang araw. Kaya itinatak ko sa puso at isip ko na hindi muna ako mag-aasawa habang hindi ko pa napapatapos yung mga kapatid ko at hindi ko pa nabibigyan ng buhay ang mga magulang ko. Hindi madili ang pagiging isang bread winner. Gusto ko rin na malagpasan namin ang kahirapan at matamasa ang maginhawang buhay. Hindi ako nagsisisi na eto ang kapalaran ko kasi malaki ang pangarap ko para sa pamilya ko at sa bubuuin kong pamilya. I am happy kahit na single ako atleast nakakakain ng maayos ang pamilya ko.
So kayo ngayon na mga kabataan na nasa harap ko ngayon. Nawa'y magkaroon kayo ng goal sa hinaharap hindi yung pangsarili niyo lang.
Anyways, yun lang gusto ko i-share sa inyo. Bakit ako single at walang boyfriend. Dahil alam ko ang hirap ng buhay na wala kang maipakain sa pamilya mo. Pahirap ng pahirap ang buhay. Yung wala kang pera pang- pahospital sa mga magulang at kapatid mo kasi wala kayong kapera, hindi kayo mayaman, walang pambili ng gamit. Mas masaya sa pakiramdam yung kahit kaunti may maibigay kang pagkain sa mga pamilya mo kaysa yung inuuna mo ang kaligayahan at kalaswaan mo.
Ready naba ang 1/2 sheet of papers ninyo? eto ang gusto kong isulat ninyo.
Ano ang gusto mong kunin na kurso sa kolehiyo at bakit ito ang napili mo? This is not an activity today, but this would be considered your assignment to be passed on Friday. I want you to be true to yourself and to your chosen careers. Today is Wednesday so you are given enough time to think thoroughly.
That's all for today. See you all on Friday!"
"Thank you mam for that very inspiring message. Sorry po sa mga nasabi at actions namin kanina." yung class president namin ang nagsalita on our behalf. "Hindi po namin makakalimutan ang mga bagay na ibinahagi mo sa amin." sabi ni bakla.
"Salamat po Madam Seligbon at pasensiya na po." sabay- sabay naming pagbanggit.
"Walang anuman" tumalikod na siya at lumabas ng classroom. May mga bagay talaga sa mundo na hinuhusgahan natin without knowing the exact reason kaya naman sinundan ko nalang siya ng tingin habang papalayo. May sari- sarili tayong mundo. Yung sa akin namulat na ako na may maayos na trabaho ang mga magulang ko. Samantalang yung buhay ng ibang tao hindi kaparehas sa buhay ko. Pinanganak sila na walang maayos na tirahan, hindi nakakakain ng maayos at higit sa lahat walang pambili ng gamot sa tuwing may makakasakit. I really appreciate those bread winners sa loob ng pamilya kasi kaya nilang isakripisyo yung kasiyahan sana nila para sa mga taong umaasa para sa kanila. Sometimes, life is not fair. But we need to move on and follow our different path.
"Hoy babaita, anong kukunin mo na kurso sa kolehiyo? Parang hind nasagi sa isip ko na magka- college na pala tayo. Nag-enjoy kasi ako sa pagiging high school student ko at diko na namalayan na ito na yung time para pag-isipan ang future ko. Hanep, napapaisip ako girl. Dati hindi ako nag-iisip pero iba na ngayon. Napapaisip na ako." natawanan kaming magbabarkada. Hanep din itong si Tyra bigla nalang nagsasalita ng mga ganong bagay. Itong si Tyra kasi hindi masyadong pala kwento pero ngayon medyo dumadaldal na ata siya.
"May nagpapadaldal na ata sayo ah Tyra baby gurl. Napaparami na ata ang lumabas sa bunganga mo ngayon hahaha hindi ako makapaniwala" si Avie nag-uumpisa nanaman mang- bully. "Sabihin mo nga, may tinatago tago kana ata sa amin. Parang may nililihim. Parang may hindi ka sinasabi. Magsalita ka Tyra." Akala mo lang bully pero palabiro lang talaga siya. Kung hindi mo sila nakasama ng matagal at nakilala maaasar ka talaga sa kanila ng pagkasobra-sobra.
"Masama bang magsalita Ms. Avie Maria? hahaha" halla ka, ayaw ni Avie na tinatawag siyang Maria kasi parang pang matanda daw yung Maria. "Anong sinabi mo Ms. Tyra de Campo Santo? nagiging daldal kana dito sa loob ng klase ah." at ayun nga naghabulan sila sa loob ng klase. Mabuti nalang at wala yung sumunod na teacher namin kundi lagot sila. Si Ms. matanda pa naman ang next. Pasalamat kayo wala siya. Sari- sariling business ang meron sa room namin, walang pakialaman.
Natapos ang araw na walang klase. Bakit? Meeting ng meeting yung mga teachers namin. Yung iba sa amin lumayas na ng classroom, pumunta ng ibang room at doon naghanap ng mga mapapangasawa. Mga malalandi kasi yung mga kaklase ko dito. Hindi naman lahat, yung pero karamihan.
"Miss may nagpapabigay po. Ibigay ko raw po sa iyo." May inaabot na dalawang bahay ang isang estudyante sa akin. Isang lalaki na nakasalamin. Para siyang nerd tignan, yung mukha nea, makikita mo talaga na pinag- utausan lang.
"Ay kuya, baka sa ibang tao mo dapat ibigay yang dala mo. Nagkakamali ka po ng pinang- aabutan. Wala po akong order na ganyan." Maglalakad na sana ako papunta ng Comfort Room pero nagsalita nanaman siya. "Hindi po ako nagkakamali, hindi ba't ikaw si Miss Archie Belle S. Forbes ng Einstein section. Ikaw po ang nakasulat sa envelop na eto at sa iyo po talaga ang mga bulaklak, chocolates, at letter na eto. Sa totoo lang may picture din po silang binigay para makilala kita agad.
Ate kunin mo na please. Kapag hindi mo ito kukunin sayang naman yung effort nung tao ng bumili ng mga mamahaling rosas at tyokolate." Nagmamaka- awa naman itong tao na ito. Yung mga ganitong mukha talaga ang hilig nilang pag-utusan.
"Sinu ba ang nag- utos sa iyo?" Hindi ko na mapigilan ang magtanong kasi nacu- curious ako kung kanino galing itong mga dala- dala ni kuya nerd. Siguro kapag naayusan itong nilalang na to, magiging tao na siya. Wala akong nagawa kung hindi ang abutin nalang ang mga yon. At sino naman kaya sa mga lalaki sa school ang nagbigay ng mga ganoong bagay? Alam ko naman na hindi lang isa o dalawa or tatlo or sampu ang nagbibigay sa akin ng mga bulaklak. Pero ang torpe lang ha, dahil ni isa sa mga nagbigay hindi man lang nagpapakilala. Paano ko naman malalaman kung sinu- sino sila? Dibale na nga. Salamat nalang.
"Pakisabi sa nagbigay salamat. Salamat narin sayo. Sana huwag mo nang hayaan minsan na utus- utusan ka nila. Sabihin mo sa pinagmulan nito na huwag siyang maging torpe. Bakit mamamatay ba siya kapag humarap at ibigay itong mga ito sa akin? Hay naku, sige umalis kana nga. Salamat." Napapakamot- kamot nalang ako.
"Sige po. Salamat din." At lumayo na nga si Mister Nerd. Nilibot ko yung mga mata ko, at yun nakitingin na lahat ng mga ka- klase ko pati narin mga tsismoso at tsismosa sa ibang rooms nandon narin sa pintuan at corridor. Hindi naman ako kagandahan pero anong nakain ng mga lalaki? Hindi ko naman sila ginayuma or anything na pinakain sa kanila. They kept on sending flowers, chocolates, and letters. Sometimes nagbibigay sila ng mga gamit lang damit, sumbrero, at ano pa man diyan.
Meron din one time. May nag-abot ng payong sa akin, ang lakas lakas kasi ng ulan. Alam mo yung ang init init ng umaga pero pagdating ng hapon bigla nalang bumubuhos ang ulan. Lagi talaga akong nagdadala ng payong dahil laging bumubuhos ang ulan noon, at yun nga nakalimutan ko palang nilagay sa bag ko kinabukasan. Nauna nang umuwi mga friendships ko that time at ako naman nagpa- iwan sa library. Hindi kasi pwedeng mag- uwi ng mga libro sabi ng Librarian namin kaya naman hanggang sa library lang talaga yung mga libro. Nagbabasa lang naman ako tunggol sa computers. Simula palang kasi pagkabata nakahiligan ko na ang paggamit ng mga computers. Hindi ko namamalayan ang oras at malapit na palang magdilim. Confident talaga ako that time na nasa bag ko yung payong pero wala pala. Nung nasa baba ng ako ng library, halos nakalkal ko na ata ang laman ng bag ko pero wala parin akong mahanapan na payong. Pisting yawah... tinignan ko nalang yung buhos ng ulan. Dito nalang kaya ako sa school manirahan. Di naman nila mahahalata kinabukasan na hindi ako naligo. Yan na talaga ang laman ng utak ko. Kasi kung tutuusin mahigit trenta minutos mo lalakarin from school hanggang sa bahay. Tapos ang dilim pa ng daan. Syempre umuulan. Maaga talagang magdilim.
Magmemessage na sana ako kina lolo at lola na magpapasundo ako sa mga drivers nila nang biglang may tumapik sa kamay ko. Nabigla ako kasi nga madilim na tapos bigla bigla nalang may tatapik sa kamay mo. Diosco! mamamatay ako sa nerbyos nito. Bigla ko nalang nahawakan ang puso ko.. Pinakiramdaman, baka nahulog na.
"Miss payong. May nagpapabigay. Kanina ka pa po ata niya minamasdan at napansin na wala kang dala na payong kaya pinapa- abot niya ito. Kanina ka pa kasi diyan at di umaalis. Heto payong. Kunin mo na at nang makauwi kana. Masyado nang madilim sa daan." Si manong guard lang naman pala ito. Hindi ko agad namukhaan kasi iba ang damit niya. Naka civilian na kasi. Syempre. Out of duty na siya.
Habang naglalakad ako ng daan. Palingon- lingon talaga ako. Malay mo biglang may sumunod or kanina pa sumusunod sa akin at bigla nalang akong kunin at hablutin. May napanood kasi ako kagabi lang na biglang hinablot. Nilagyan ng panyo ang ilong, biglang nahimatay at nilagay na agad sa kotse. Tapos bigla nalang ipupunta sa semesteryo at doon kakatayin ng buhay. Edi wala ng Archie Belle S. Forbes na anak nina mommy at daddy at apo ni lolo at lola. Gusto ko pang mag- asawa at magka- anak. May mga pangarap pa ako na hindi natutupad. Hindi ko pa nahahanap si Prince Charming ko.
Gusto ko pang maranasan na magmahal. Yung walang sawang kikiligin ka sa iisang tao. Tapos may pag-aawayan kayo dahil sa sobrang selos mo. Yung bigla ka niya aayain sa isang lugar tapos hindi mo alam, surprise date pala yun. With candelites beside the river and fresh flowers sa paligid. Just the two of your enjoying the scenery.
Pisting yawa. Kaya huwag niyo muna ako kuhanin Lord. Maawa ka naman.