CHAPTER 3: [ VOLLEYBALL BOYS TEAM ]

3021 Words
LEIGH'S POV Ilang araw na ang nakalipas mula ng mangyari ang pagsagip sa akin ni Marcus. Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa niya yon. Simula rin ng araw na yun ay palagi ko na siyang nakikitang nakangiti at tumatawa. Siyempre kasama ang buong volleyball boys team. Mas lalo naman akong napalapit kay Penny. Naaalala ko sa kaniya ang sarili ko dati. Masiyahin, palangiti, at optimistic. Lagi kaming tumatambay sa picnic section ng school, sa may sementong upuan na nakapalibot sa pabilog na mesa sa ilalim ng isang malaking puno upang kumain ng kung anu-ano. Si Penny yung tipo na mahilig kumain pero hindi gaanong tumataba. Nang dahil kay Penny, parang bumabalik ako sa dati kong pagkatao. Hindi na ako masiyadong mahiyain at nakikisabay na rin sa mga biro at kalokohan niya. May nakilala pa kaming dalawa pa naming kaklase. Sina Leexie at Gwayne. Si Leexie Grace Romualdez ay ang aming classroom president. Mabait din siya, maganda at halos magkasing ugali sila ni Penny. Bubbly din kagaya niya. May katamtamang haba ng buhok, may matatangos na ilong at makinis na balat, mas maliit siya sa amin ni Penny. Si Gwayne naman, o si Gwayne Lyson Guevara, hindi ko alam pero parang may mali, hindi ko lang matukoy pero mabait din siya kagaya ni Leexie. Kung nakukulitan na ako sa pinagsamang Penny at Leexie ay triple ang kahyper-an at kaingayan nitong si Gwayne. Lalaki siya---lalaki nga ba? Nandito kami ngayong apat sa usual spot namin: sa madamong picnic section, nakaupo sa kongkretong upuan palibot sa mesa sa ilalim ng malaking puno. Nakasuot na kami ni Penny ng school uniform namin. Ayaw kasing paawat ni Penny at palagi akong kinukulit na gusto niya daw na magsuot na kami ng uniform. Simpleng kulay puting long sleeve ang pang itaas na may necktie na kulay dark blue kung saan nakalagay ang logo ng Sta. Luciana University sa dulo nito. Isang dark blue rin na skirt na above the knee sa pang ibaba. Nakasuot ako ng paborito kong white shoes samantalang si Penny ay may suot na 2 inches na kulay itim na closed shoes. Nagrereview ako dahil may short quiz kami mamaya sa EAPP. Katabi ko sa kanan si Penny na mukhang nagrereview rin habang kumakain ng banana chips. Pagkain na naman. Katabi ko naman sa kaliwa ang bago naming kaibigan na si Leexie at katabi niya naman si Gwayne. Hindi ako masyadong makapag focus dahil sa kadaldalan ni Gwayne. Sumasali rin sa usapan si Leexie at Penny na akala ko ay nagrereview. Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila kaya naman ibinaba ko muna ang hawak kong reviewer at ballpen nang sa ganoon ay maintindihan ko ang pinagsasabi ng mga kasama ko. "Ganon? Ang harsh naman pala" rinig kong sabi ni Gwayne habang nakatingin kay Penny. "Oo nga, ang gu-gwapo sana kaso may pagkasuplado at loko loko" sagot ni Penny sa kaniya. "Ano bang pinag uusapan niyo?" singit ko sa usapan nila habang nakakunot ang nuo. Sumubo muna ng banana chips si Penny bago nagsalita. "Yung volleyball boys ng school Leigh. Diba? Ang suplado lalo na nung captain. Pero infairness, kinilig ako dun sa pagsalo niya sayo nung first day ha. You two are so cute!" sabi niya at humagikhik na sinabayan din ni Leexie at Gwayne. Ah. Sila na naman ang topic. Teka, ano daw? Kami? Cute? "I don't know na may ganung side pala si Marcus. I've been here since junior high and I always saw him with the team laughing their hearts out." sabi ni Leexie at pumangalumbaba. "Kilala din sila sa buong school dahil nga mga palabiro at approachable. Lalo na si Marcus, kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganon ang treatment niya sa inyo, specially kay Leigh." sabay sulyap niya sakin. Napabuntong hininga na lang ako. "Why are you talking about them? Besides, may quiz po tayo maya maya." sabi ko naman. Pasimple akong inirapan ni Gwayne bago eksahiradang bumuga ng hangin. "Hindi ka ba naga gwapuhan sa kanila? O kahit kay Marcus man lang? Ghad! Kahit sino ay hahanga sa kanila ano!" Unti-unting nanlaki ang mga mata ko hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa kaniyang naging pagkilos. Seryoso ko siyang pinagmasdan at pinasadahan ng tingin ang buong katawan. Sinasabi ko na nga ba. "Oh! Yeah right, I know that kind of stare." sabi ni Gwayne sabay iwas ng tingin. Naguguluhan namang napatingin sa amin sina Leexie at Penny. "Yes, girl. Kasapi ako ng pederasyon!" pag-amin niya sa amin. Si Penny ay bahagyang nagulat at si Leexie naman ay mahinang napatawa. "Ahh, haha. Yeah, we forgot to tell you Penny, Leigh. Gwayne is uh, gay" nakangiting baling sa amin ni Leexie. I don't have a thing against the l***q community. Besides, I respect them. One of my cousin in mother's side is also a gay. At tsaka masayang kasama ang mga bading. Madalas sila iyong maituturing mong tunay na kaibigan. Mukhang magiging masaya kasama ang tatlong 'to dahil sa nalaman namin ngayon ngayon lang. "Ehhhh! Why didn't you tell us Gwayne? Ang gwapo mo pa naman, muntik na akong magkacrush sayo! Buti na lang." sabi ni Penny kaya napatawa kami ni Leexie habang si Gwayne ay hindi na maipinta ang mukha. "Like, eww girl! Now you know. Kinilabutan ako sa sinabi mo ha, lokaret ka!" Biglang tumayo si Gwayne at inilagay ang kanan niyang kamay sa kaniyang bewang habang taas noong nakaharap sa amin. "Gwayne sa umaga" pabruskong sabi niya, "Gwaynieee naman sa gabi!" patiling sabi niya na naman sabay flying kiss niya samin. Humagalpak kami sa katatawa at bahagyang napapatingin sa amin ang mga estudyanteng tumatambay din sa ibang mesa. Nag-asaran pa kami at nagkwentuhan ng kung anu-ano bago naisipang magligpit ng mga gamit at dumiretso sa room dahil sa quiz. Nakapag review na naman kami, kahit nga hindi na, matatalino itong si Gwayne at Leexie, ganoon din naman kami ni Penny. Our quiz went well. Naglalakad na kami ngayong apat papunta sa cafeteria para kumain ng lunch. Nagkukurutan at naghahagikhikan pa sina Penny at Gwaynie kaya napapasali rin kami ni Leexie. Tumigil lang kami ng nasa may entrance na kami ng cafeteria at agad na naghanap ng mesang makakainan. Nang makahanap na kami ay sabay sabay kaming naghila ng upuan at umupo. Napagdesisyunan naming si Gwaynie na lang at Leexie ang oorder sa counter. Nasasanay na ako sa kakatawag ng Gwaynie sa baklang to. "Anong sa inyo guys?" si Leexie. "Kung ano na lang din ang sa inyo, tubig na lang yung drinks ko, wag ng soft drinks." sabi ko sa kanila. "Yeah, same," ani Penny. "Okay," at saka sila naglakad papuntang counter. I fish my phone from the pocket of my skirt and check if there's any messages or miss calls but there's none. So, while waiting for our food, I decided to play piano tiles. I can see Penny from the side of my eyes busy typing something on her phone. We didn't wait any longer because Leexie and Gwaynie came back with two trays of food. Inilapag nila ang mga tray sa mesa na may lamang apat na pinggan na may kanin at ulam, mayroon ding dalawang bottled mineral water at dalawa ring baso ng juice. Kinuha ko ang isang plato na may lamang pagkain at yung isang bottled water ganoon din si Penny. Kay Leexie at Gwayne naman ang natitirang dalawang plato at dalawang pineapple juice. Magkatabi kami ni Pennylie sa upuan gayundin ang dalawa. Kaharap ko si Gwayne habang kaharap naman ni Penny si Leexie. Akmang susubo na ako ng pagkain ng bigla na namang umingay ang buong cafeteria. Napatingin ako sa entrance at hindi na nagulat sa kung sino man ang pumasok. Sino pa nga ba ang laging laman ng usapan sa buong school? Nakita ko silang umupo sa isang bakanteng mesa malapit sa amin. Hindi pa rin mawawala ang pagbabalyahan at pagkukulitan nila. Ngunit natuon ang tingin ko sa lalaking nasa pinakagitna ng kanilang mesa na masayang nakikipagtawanan sa mga kasama. May pagkakataong binabatukan niya ang kaniyang mga katabi dahilan upang magtawanan na naman sila. Iniwas ko muna ang tingin ko sa kanila at napagpasiyahang kumain na muna. Ganon din ang ginawa nilang tatlo. Pagkatapos naming kumain, naibalik ko ang tingin sa grupo nina Marcus at nakitang patapos na rin silang mananghalian. "Ganyan sila palagi tuwing nagsasama-sama. Laging hindi mawawalan ng katatawanan ang grupo nila lalo na kapag bumibida iyang sina Drake at Draco." biglang sabi ni Leexie na ikinabalik ko ng tingin sa kanila. Silang tatlo din naman ay pare-parehong nakatingin sa mesa ng volleyball boys. "Drake? Draco? Sino dyan Lex?" dala ng kuryusidad ay naitanong ko. Napabalik ang tingin nilang tatlo sa akin. "Yung dalawang nasa tabi ni Marcus, yung kambal." sagot ni Leexie. "Kambal pala sila?" namamanghang tanong ni Penny. "Yup. Iyang nasa kanan ni Marcus na may hawak na panyo, yan si Drake. Yung sa kaliwa naman, si Draco. Mahirap i-distinguish kung sino si Drake o Draco sa kanilang dalawa pero kung matagal mo na silang nakasama ay makikilala mo agad ang pagkakakilanlan nila." paliwanag ni Leexie habang tumatango tango naman si Gwayne bilang pagsang-ayon. "Si Drake King Perez, may balat sa likod ng palad sa kanang kamay. Si Draco Knight Perez naman ay may nunal sa sentido na hindi naman gaanong malaki. Parehas silang jolly at makulit na talaga namang mahahalata mo sa kanila. Kabilang sila sa official first six ng team. Kaklase din natin sila, diba?" Dagdag na paliwanag ni Gwayne. Bahagya kaming tumango ni Penny. Si Draco pala yung tumatawag sakin ng "idol". Medyo nakikinita ko na ang pagkakaiba nilang dalawa. "How 'bout the others? Ano ang mga pangalan nila?" tanong naman ni Penny. "Nakikita mo yung katabi ni Drake? Yung nagpupunas ng kamay gamit ang tissue? Si Kly---" "Klyde yan" dugtong ko sa sasabihin ni Leexie. Nabaling ang makahulugang tingin nilang tatlo sa akin. "What? I remember Marcus calling him Klyde the first time we met, in the quadrangle." I explained bago pa sila mag-isip ng kung ano ano. "Ahh, yun naman pala, remember ni ateng" sabi ni Gwayne na hindi pa rin matanggal ang malisyosong tingin sa akin. "Yes, his name is Klyde Evan Montreal, the setter of the team. He is also the bestfriend of Marcus, though magkakaibigan silang lahat. Hindi natin siya kaklase dahil STEM ang kinuha niyang strand, civil engineering yata ang kukuning kurso sa college. Marami ring nagkakagustong babae sa kaniya dahil may pagkaseryoso siya minsan." mahabang paliwanag ni Leexie. Napatingin ako kay Klyde at narealize ko na gwapo naman talaga siya, pumapangalawa kay Marcus. Matangkad din siya at halos kaparehas ng features ni Marcus, mas kayumanggi lang ng bahagya ang balat niya. Siya yung nag offer na pahiramin ako ng damit pero tinanggihan ko. "Then, si Ethan Lloyd Zaragosa" sabi ni Leexie at may itinurong lalaki na nakasalamin. "Si papa Ethaaaan~" singit ni Gwayne na kinikilig kilig pa. "Isa rin si Ethan sa first six nila. Isa rin siya sa mga magaling pumalo. Madami rin ang nagkakagusto sa kaniya. Matalino rin kasi. Katulad ni Klyde, STEM din ang kinuha niyang strand." Patuloy lang sa pagpapakilala ng mga lalaking iyon sina Leexie at Gwayne, habang kami naman ni Penny ay patuloy din na nakikinig. "Eh, yong pandak? Sino yun?" nakakunot nuo kong tanong habang pinagmamasdan yung lalaking panay ang asar sa akin. "Wagas maka pandak beh? Gravehteh. Matangkad pa nga yan sayo oh!" angal ni Gwaynie. "He is the smallest among them all." sabi ko naman. "His name is Nate John Pastor. Kilalang alaskador ng grupo. Mahilig mang asar pero mabait naman. Siya ang libero ng team. Kaklase din natin siya." ani Leexie. How can I forget about that guy?! Lagi niya akong inaasar kay Marcus. Ugh! "Si papi Kiert naman yung sa may gilid ni Nate. Kiert James Madrigal is his full name. Siya ang pinaka chickboy sa lahat. Kumbaga casanova ng grupo. Maraming nali-link sa kaniya and halos every week magpalit ng girlalu. Don't fall for his charms because the next thing you know, you are already broken." sabay kibit balikat ni Gwayne. Sus. Kunware pa. Isa rin siguro siya sa nafall dun. "How 'bout the guy with blond hair? What's his name?" tanong ni Pennylie habang titig na titig dun sa lalaking may blond na buhok. Hmm. I smell something fishy. "Ehem" kunwareng ubo ko na sinundan naman ng tikhim ni Gwayne at pagtawa ni Leexie. "Interesado ka kay Johnson babe 'no?" mapang-akusang sabi ni bakla. Nagulat naman si Penny at dali-daling umiling ng paulit ulit. Napatawa na lang ako sa kaniya dahil sa nakitang pamumula ng pisngi niya at pagkutkot niya sa kuko sa daliri. Hindi pa man nagtatagal ang pagkakaibigan namin ni Penny ay kilalang-kilala ko na siya. Kinukutkot niya ang kuko niya sa daliri kapag kinakabahan siya, tulad ngayon. "Wookeeeey! Sabi mo eh" mapang-asar pa ring tugon ni Gwayne. "Dustin Remi Johnson. Fil-Am. Halata naman diba? From his features, he also can't speak tagalog clearly. He just transferred here last year. Isa rin siya sa lima na kaklase natin, remember?" Tumango kami. Napansin kong nakatitig ulit si Penny dun sa Johnson. Pfft. Johnson? Baby powder? Hahaha. "And by the way, Penny" ani Leexie "Hmm?" sabi ni Penny ng di kami nililingon. "He's single" pahayag ni Leexie na may halong pang aasar kay mabilis na napatingin sa kaniya si Penny na may nanlalaking mga mata. "H-Hey! I'm n-not even asking!" nauutal na depensa niya. Tumawa kami ng tumawa dahil sa namumula niyang mukha. She already looks like a tomato! Pfft. Tumigil kami sa kakaasar sa kaniya dahil para na siyang iiyak. "O-Okay! Okay! We're j-just teasing you!" sabi ni Leexie habang tumatawa pa rin. "Tigilan mo na si Pennywise, Leexie. Baka iyakan tayo mamaya, magsumbong pa kay Dustin!" panggagatong naman nung baklita. "I'm not Pennywise, you twerp!" asar na asar na sabi ng katabi ko. Pati ako ay hindi na mapigilang matawa kaya tinagilid ko ang ulo ko nang sa ganoon ay hindi ako makita ni Pennywise, este Penny. Humupa na ang tawanan namin kaya nagpatuloy sa pag-iintroduce ang mga kaharap ko. "'Yung medyo kulot ang buhok na medyo maitim ay si John Joshua Bautista. Yung may dimple naman ay si Paul Alexis Manansala or also known as Alex. Then, si Francis Kim Lee yung may pagka singkit din na isa sa mga nag iingay. Pare-parehas na Humanista kasama ni Kiert." ani Leexie. Kilalang kilala niya talaga lahat sa kanila. "And ofcourse, my one and only papa Marcus!" malanding sabi ni Gwayne na napapalakpak pa. "Kilala n'yo na naman siya. Team captain ng volleyball boys. Pinakasolid pumalo sa kanilang lahat. Si Marcus Louis Santiago. Kinababaliwan ng lahat, sama mo na 'tong si bakla" sabi ni Leexie sabay nguso kay Gwayne. Napatingin tuloy ako kay Marcus. Hindi na ako magtataka kung heartthrob ang isang 'to. Nasa kaniya na lahat. Kahit taga-probinsiya ay hindi pa rin maipagkakaila ang kagwapuhan niyang taglay. He is undeniably more handsome than my previous classmates back when I was in Manila. Hindi pa rin matapos tapos ang tawanan nilang magbabarkada. Sino ba namang hindi matatawa kung makikita mo si Draco na may action pa kung magkwento. Panay ang galaw ng kamay niya at kung ano ano ang pinanggagagawa sa mukha niya dahilan ng paghagalpak sa tawa ng mga nasa mesa nila. Sa kalagitnaan ng tawanan nila ay nahagip ng mata ni Marcus ang titig ko. My heart aches at the sudden loud thud inside it. My breathing hitched. Matagal kaming nagkatinginan, sa huli ay ako ang nagbawi ng tingin dahil di ko nakayanan ang intensidad ng titig niya. Sa hindi sinasadya ay natagpuan ko namang nakatitig si Klyde sa akin. Bahagya akong nagulat dahil hindi man lang siya nag iwas ng tingin ng malaman kong ako ang tinititigan niya. Si Drake lang ang nakapagitan kina Marcus at Klyde kaya nakikita kong nakatingin pa rin sa akin si Marcus. Nakita kong sinundan niya ng tingin ang tinititigan ko at nagawi ang tingin niya kay Klyde. Hindi ko naman alam ang gagawin ng biglang ngumiti sa akin si Klyde at bahagyang ikinaway ang kaniyang kanang kamay. Sa hindi ko malamang kadahilanan, ibinalik ko ang tingin kay Marcus at napasinghap ako ng makitang nakatitig sa akin ang galit niyang mga mata. Nakatiim ang bagang at nakakuyom ang kaniyang mga palad. Napalunok ako ng pasiring niyang inalis sa akin ang kaniyang paningin. Ibinaba ko na lang ang tingin ko sa aking mga kamay na nasa kandungan ko. Ano na namang nagawa ko? Akala ko maayos na kami? Maayos na ang pakikitungo niya sa akin nung mga lumipas na araw, bakit ganito na naman? Bumalik na naman ba siya sa pagiging antipatiko niya? At anong pakialam ko kung ganon? Ba't ako tanong ng tanong? I should not be bothered. "Ehem. Titigan challenge ha." "Wag masyadong titigan, baka matunaw" pakantang sabi ng isa sa mga kasama ko. Napaangat ako ng tingin kay Penny at nadatnang nakatingin silang tatlo ng makahulugan sa akin. "Ba't may pa ganon kayo, ha?" sabi ni Gwayne na halatang ng aasar. "M-Mag-aala-una na p-pala, balik na t-tayo sa room." nauutal na pag iiba ko ng topic. Sabay silang napahagihik na tatlo sa pagkakautal ko. What am I doing?! What's happening?! Argh! I can't understand myself. Patuloy nila akong tinutukso tungkol sa titigan na nangyari kanina hanggang makarating kami sa classroom. Wala pa ang aming guro at hindi pa naman nagbe-bell. Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso na ng upo sa upuan ko. Tumingin ako sa bintana at nakitang papasok na rin sa room ang limang member ng volleyball boys na kaklase namin. Hindi ko na alam ang nangyayari. Hindi ko alam kung ba't apektado ako masyado ng madaling pagpapalit ng mood ni Mr. Team Captain. Malay ko ba kung bipolar pala siya? Marahas akong napabuntong hininga at kinuha na lang ang earphones ko sa bag sabay plug in sa phone ko. Every time I feel frustrated, music has always been my remedy. And now that I'm so confused, I hope music can rescue me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD