CHAPTER 2: [ MR. TEAM CAPTAIN ]

4262 Words
LEIGH'S POV Nandito pa rin ako sa cafeteria kasama si Penny. We decided to stay here a little bit longer to get to know each other more. I had learned so many things about her, like she is a daughter of a well-known businessman and her mother is a psychiatrist. Look how lucky she is. She is also an only child and her parents spoil her too much. Fortunately, Penny is not like those who have a bratty attitude. She is kind and very cheerful. Her parents raised her so well. At iyon ang nagustuhan ko sa kaniya. Ngayon lang ulit ako naging komportable sa isang tao. Sa maikling panahon na pagkakilala ko kay Penny, ay agad niyang nabuwag ang harang na nakapalibot sa pagkatao ko. I just can't resist her charm, oh well. Masaya siyang kasama, hindi siya maubusan ng kwento. Kung siya siguro ang kasama mo maghapon, hindi ka mabo-bored. Napatigil kami sa pag uusap ni Penny ng marinig naming nagtitilian ang mga nasa ibang tables. Panay na rin ang bulungan kahit pa mga kalalakihan. Napatingin ako sa kalapit naming lamesa dahil naririnig ko ang mga sinasabi nila. "Kyaaaaaaaaah! Si Marcus ang gwapo!" sabi nung isang babae. "Omg! Marcuuuuus~" sabi naman ng katabi niya na halatang kinikilig. "Ang hot din naman ni papa Klyde, tignan nyo girls!" may pahawak pa sa pisnging sabi nung kasama nila. "Lahat naman sa volleyball team ng school ay ang gu-gwapo at hot 'no!" sabi pa nung isa with matching dreamy eyes. Napatingin tuloy ako sa entrance ng cafeteria. Medyo malayo kami kaya huli ko na napagtanto kung sino ang pinag uusapan nila. Napakunot ang nuo ko ng mamukhaan kung sino ang nasa gitna ng mga lalaking naglalakad papasok. Ibang-iba siya sa lalaking nakausap ko, ngayon kasi ay parang sayang-saya siya at wagas kung makatawa samantalang para akong magyeyelo sa lamig ng boses niya kanina at ngayon, hindi mo mahahalatang may pagkaantipatiko pala. Kapwa sila nagtutulakan pagkatapos ay tatawa na tila mga bata. Ang iingay nila. "Diba sila yung kanina Leigh? Sikat pala sila sa school na 'to." Napasulyap ako kay Penny samantalang siya ay bumalik ang tingin sa grupo na papasok. Halata ngang sikat sila kasi nasa kanila ang buong atensiyon ng mga tao rito mula ng pumasok sila ngunit di man lang sila makaramdam na sila ang pinagtitinginan. "Uhh Penny", sabi ko at napunta sakin ang atensiyon niya. "Yes, Leigh?" then she blink repeatedly. Cuteeee~ "Ah, bibili lang ako ng mineral water sa counter." "Oh, okay." she just shrugged. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at tumungo sa counter. Bumili ako ng bottled water at naglakad pabalik. Hindi pa rin nawawala ang bulungan at iilang tilian sa paligid. Binuksan ko ang bote ng tubig at akmang iinumin ko ito ng biglang may nakabangga sa kamay ko na nakahawak sa bote. Napasinghap ako ng mabasa ang damit ko. "s**t" usal ko sabay nagmamadaling magpunas ng basang parte sa bandang dibdib ko. "Oww shet! Miss s-sorry, sorry!" sabi ng lalaking nasa harap ko pero hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagpupunas. Akmang tutulong siya at ilalapat ang kaniyang panyo sa dibdib ko ng umatras ako bigla. Tiningnan ko siya ng masama at nanlaki ang mata ko ng mapagsino ang lalaki. Nagulat rin siya ng makita ako at napahakbang paatras ngunit mabilis na nawala ang emosyon sa kaniyang mukha at diretsong tumitig sa akin. Napansin ko rin na nasa likod niya ang mga lalaking kasama niya kanina papasok. Nakatingin na rin ang mga tao sa paligid namin. "Perv!" asik na usal ko sapat lang para marinig ng mga nasa harap ko. "Hindi ko naman sinasadya" sabi niya at ibinalik ang panyo sa bulsa pagkatapos ay humalukipkip. "Miss, pasensiya na. Eto kasing mga gunggong na 'to nagtutulakan pa, eh di sinasadyang natulak si Cap papunta sayo." sabi nung gwapong lalaki na kasama nila sabay turo sa mga kasama niya. "Sorry, idol" sabi nung gwapo--teka? Ikinurap ko ng paulit ulit ang mata ko at nagpabalik balik ang tingin sa dalawang nagsalita. Magkamukha silang dalawa, magkamukhang-magkamukha. Kambal ba 'to? Nanlaki naman ang mata ng iba nilang kasama dahil sa pagtawag sakin ng "idol" nung isa. "I-Ikaw din yong kanina na muntik ng tamaan ng bola ni Cap diba?" sabi nung matangkad na may suot na salamin sa mata. "Woi, Cap destiny!" biglang asar nung pinakamaliit sa kanila. At sabay sabay na napasipol ang mga lalaking nasa harap ko. Naibalik ko ang tingin ko sa lalaking nakabangga sa akin, at agad nagsalubong ang mga mata namin. "Kala ko ba mag iingat na kayo sa susunod?" may bahid ng konting inis na sabi ko at bahagyang pinupunasan pa rin ang blouse na nabasa ng tubig. "Eh sa hindi nga sinasadya, may magagawa kami?" maangas na sagot nung team captain nila. Medyo napapatagal na rin ang kumpulan namin dito sa gitna kaya ang atensiyon ng lahat ay nasa amin na. "Leeeeiiiigggghhhh!" Napatingin ako sa tumawag sakin at nakita kong tumatakbo papalapit si Penny. "Anong nangyari sa--oh? Kayo na naman?" sabi ni Penny sabay lagay ng magkabila niyang kamay sa kaniyang bewang ng mapansin niya ang mga lalaking nasa harap ko. "Meant to be yata talaga yung kasama mo at si Cap eh", hirit naman nung pandak. Well, di naman siya pandak talaga, mataas siya kaysa sakin pero siya ang pinakamaliit sa kanilang lahat. Bibigwasan ko na to, kanina pa 'to nang aasar. Tiningnan ko siya ng masama kaya napa peace sign ang mokong. "Next time, wag niyong gawing playground ang cafeteria, kaya kayo nakakadisgrasya eh." sabi ko sabay balik ng tingin sa maangas na team captain nila. "Sorry talaga miss, pahiramin na lang kita ng extrang shirt ko, bago pa naman yun, hindi pa nagagamit." singit nung lalaking kung di ako nagkakamali ay Klyde ang pangalan. Siya yong kumausap samin kanina ni Penny at yong sinaway ni Mr. Team Captain nung nagsorry siya kanina sa quadrangle. Mukhang mabait ang isang 'to pero hindi ako dapat basta-basta magpadala sa kabaitan. Napabuntong hininga na lang ako. "Wag na, salamat na lang." sagot ko sa kaniya. "Let's go Leigh, may extra shirt din ako sa locker ko. Sa akin ka na humiram." sabay higit sakin ni Penny paalis. Binalikan ko pa ng tingin si Mr. Team Captain pero nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay agad siyang umiwas ng tingin at biglang tumalikod at naglakad paalis. Nagpatuloy sa paghigit sa akin si Penny hanggang sa makarating kami sa table namin kanina at sabay naming kinuha ang mga gamit namin. Sinabihan niya akong sumunod sa kaniya kaya hindi na ako nagreklamo, kailangan ko rin kasi ng pamalit. Buti na lang kulay blue ang suot kong blouse kaya hindi bakat ang panloob ko. Nang makarating kami sa locker room ay dinukot ni Penny ang susi sa bag niya at kaagad binuksan ang katapat niyang locker. May kinuha siya sa loob at maya maya lang ay may inabot siya saking kulay puting damit na nakatupi. "Here. Take it, Leigh. Basang-basa ang damit mo." sabi ni Penny habang nakalahad sakin yung puting damit. Inabot ko iyon at nagpasalamat sa kaniya. "No prob." sabi niya habang nakangiti at nagsimula na kaming maglakad. "I'll come with you, let's go to the comfort room." Pagkarating namin sa cr ay pumasok agad kami ni Penny at mukhang wala namang tao maliban sa amin. Inilapag ko ang mga gamit ko sa sink sa harap ng salamin at pinabantayan muna sa kasama ko. Dumiretso na ako sa isang cubicle at agad kong hinubad ang basa kong blouse at isinuot ang damit na ipinahiram ni Penny. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang saktong sakto lang ang damit sa akin. Pagkatapos ay lumabas na ako at nadatnan kong nakaharap si Penny sa may salamin at bahagyang inaayos ang kaniyang straight na buhok. Nang makita niya ako ay kaagad siyang ngumiti ng malapad. "I'm glad the shirt fits perfectly on you. Mabuti at may dala akong pamalit, you know, in case of emergency." Mabuti nga at parehas kami ng hubog ng katawan ni Penny, though mataas ako na kaonti sa kaniya. "Thank you, Penny." I said shyly. "Nah, don't be shy. You look cute." sabay pisil niya sa pisngi ko. Awww~ I can feel that Penny is already comfortable being with me, so am I. We just met this morning but she is treating me as if we are friends for about a long time ago. We leave the comfort room after fixing ourselves. I'm now wearing the white shirt that Penny had lend me and the denim pants which partners my blue blouse a while ago. I'm also wearing a white shoes, because I'm more comfortable with it. Though I already had pairs of my school uniform, I choose not to wear it today since transferees in this school are not obliged to wear those, and we had a month that we could wear everything we want to. However, Pennylie is in her simple yellow dress partnered with a beige doll shoes which suits her perfectly and made her look more charming. I glance at the wristwatch in my left hand and notice that it is already 10:23 a.m. I remember that I have a class in Oral Communication this 10:30. "Penny, kelangan ko ng pumunta sa next class ko. Salamat ulit sa t-shirt." sabi ko sabay ngiti sa kaniya. Tiningnan niya rin ang kaniyang relo at ibinalik ang tingin sa akin. "May class na rin ako ngayon Leigh. Oral Com in Building 2." Nanlaki ang mga mata ko. "Ha? Eh, doon rin ako." Siya naman ang nagulat. "Eeehh, nice! We're at the same class pala. I'm an ABM student, Grade 11. I forgot to tell you." sabi niya sabay yugyog sa balikat ko habang ngiting-ngiti. Napatawa ako ng mahina. Mukhang itinadhana talagang magkakilala kami. "What a coincidence! ABM student too, also in Grade 11." then I hold her hand. "Let's go. Baka ma-late pa tayo." Sabay kaming naglalakad at panay pa rin ang salita niya tungkol sa pagiging magkaklase namin. I guess, fate works for my side now. I'm so happy meeting Pennylie. Nakarating kami sa tapat ngclassroom namin. ACAD 11 ABM-I ang nakalagay sa itaas ng pinto. Yeah, section I. Marami na ang nandoon at nakita ko ang medyo pamilyar na mga mukha ng mga kaklase ko kanina. Siguro, hindi ko lang talaga napansin si Penny dahil buong oras akong nakayuko sa unang dalawang klase kanina. Sabay kaming pumasok ng kasama ko at napunta lahat ng atensiyon sa amin. Ngunit di kalaunan ay nagsibalik din ang iba sa kaniya-kaniyang ginagawa. Nakahawak sa braso ko si Penny na panay ang ngiti sa mga nakakasalubong naming kaklase habang ako naman ay bahagyang nakayuko at naiilang na nakangiti sa kanila. Umupo ako sa upuang nakapwesto sa bandang likuran ng room na siyang pinakamalapit sa bintanang nasa kanan, habang si Penny ay umupo sa tabi ko. A woman in her late 20's I think, enters the room. May bitbit siyang libro at class record, mayroon ding box ng chalk at eraser na may pangalang "Ms. Ramos". Maganda siya, kitang kita ang kurba ng kaniyang katawan dahil sa medyo hapit na unipormeng pang guro na suot niya. Mayroon siyang medyo kulot na buhok na umabot hanggang balikat, katamtaman ang kulay ng balat at may mapupungay na mga mata. Kaagad na nagsibalikan sa kanilang mga upuan ang mga kaklase ko. Ang kaninang maingay at panay ang kwentuhang mga estudyante ay natahimik. "Good morning, class!" masigasig na bati ng aming magandang guro sabay lapag ng mga gamit niya sa mesa na nasa gitna. "Good morning, Miss!" sagot naming lahat. Binigyan niya kami ng isang matamis na ngiti. Mukhang magiging maganda ang takbo ng klase kapag siya ang magiging guro dahil nararamdaman kong mabait siya at approachable. Maya maya lamang ay pumunta siya sa unahan ng mesa at pinagsiklop ang dalawang kamay habang nakangiti pa rin. "Today's the first day of school, it's also our first meet up, right? The normal class would be introducing theirselves first before proceeding to the discussion. Though we aren't discussing something today yet. So, would you mind introducing yourselves in front of the class?" sabi niya at nagsitanguan naman ang mga kaklase ko bilang pagsang-ayon. Ms. Ramos is speaking in English fluently. She is indeed a great teacher for this subject. "Oh! But before that---" "Good morning, Miss! Sorry we're late." sabay sabay na bati ng mga bagong dating. Kahit di ako nakatingin ay tantya kong nasa limang katao sila. Kaya naman napatingin ako sa may pinto at bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa nakita. "Leigh. Leigh, diba sila yan?" sabi ng katabi kong si Penny kasabay ng pagkalabit sa akin. Bakit ang malas ko naman yata masyado sa araw na 'to? Kauna-unahang araw sa bago kong school, andami na agad nangyari. Bakit sila pa? Bakit siya pa? Oo. Sila nga. Ang ilan sa miyembro ng volleyball boys team kasama si Mr. Team Captain. Hayst. Nagsimula na namang umingay ang buong klase, malamang, eh may limang nag-gu-gwapuhang mga nilalang ba naman ang magiging kaklase mo, diba? Pero sila lang, hindi ako. "As usual, kagaya pa rin kayo nung nakaraang taon, laging late." pabuntong hiningang sabi ni Ms. Ramos. "Nag-senior high school na kayo't lahat, wala pa ring nagbabago sa inyo. You may proceed to your seats." "Thank you, Miss!" sabay sabay na naman nilang sabi at nagsiupo sa di kalayuang mga upuan sa amin. Hindi pa rin ako nakakarecover sa bahagyang pagkagulat. Kung hindi lang ako kinalabit ni Penny ay mananatili akong nakatulala sa kanila. "So, where are we? Oh! Yes. Before you introduce yourselves, I'll introduce myself first." sabi ni Ms. Ramos. May kinuha siyang chalk sa loob ng kaniyang chalk box at nagsimulang magsulat sa pisara. "I am Ms. Realyn V. Ramos but you can call me Miss or Ms. Ramos" she said as she point out her name written on the board. "For this semester, I will be your teacher in Oral Communication. I am 28 years old and I'm hoping you'll make your part as a student and I'll make mine as your teacher. " Nagsitanguan ang mga kaklase ko at may napapalakpak pa. Kaagad naman akong nakaramdam ng kaba ng maalalang magpapakilala kami sa unahan individually. Lalo pa't nandito ang ilan sa mga hindi ko inaasahang magiging kaklase ko. Hindi pa siguro ako nila nakikita dahil busy sila sa pagpuri at pakikinig sa gurong nasa unahan. Napatingin ako kay Penny at nakita kong kalmado lang siya. Mabuti pa siya, sanay na kasi siguro siya sa pakikiharap sa ibang tao hindi katulad ko. "So let's start! You will just say your name, age and the reason why did you choose this strand. You're ABM students right? Let's also practice your communication skills." malakas na sabi ni Ms. Ramos kasabay ng pagsiklop ng kaniyang mga palad sa kaniyang likod. "Let's start with you, miss." sabi niya sa babaeng nasa pinakaunahan at pinakamalapit sa pinto. Tumayo kaagad ang babaeng may mahabang kulot na buhok na aabot hanggang sa kaniyang bewang. Mahahalata mo sa kaniyang mayaman siya base sa kilos at sa kanyang postura. She is wearing the school uniform, well everyone in this room does, except for me and Penny. Kami lang yata ang transferee sa classroom na ito. The girl smiled widely as she walk confidently to the front. She then face us. "Hi! I am Jane Suzzette Andrada, 17 years old and I choose ABM strand because my family owns a clothing line and supermarkets, and ofcourse, someday I'll be the one who will manage those, that's why." she said while moving her head from left to right, looking straight at us. Everyone clap their hands after her introduction. Dumiretso na siya sa kaniyang upuan at nakipagpalitan ng ngiti sa kaniyang mga katabi na sa tingin ko'y mga kaibigan niya. Narinig ko rin ang bulungan ng mga nasa unahan ko at napag alaman kong si Jane ay ang tinuturing na Queen Bee ng university. Mahahalata mo din naman sa kanya dahil mukha siyang palaban at maganda. At yung dalawang babaeng kausap niya ay yung matatawag mong alipores ng reyna. Sumunod na tumayo ang babaeng katabi niya. Just like Jane, this girl also walks with confidence etched on her face. "Good morning! My name is Leana Rose Vergara, I'm 17 years old, and the reason why I choose ABM is that, I am the heiress of our family business which is a factory of shoes and other merchandise. Thank you." she said and she walked back into her seat. Sumunod ang isa pang babae na hanggang leeg ang haba ng straight niyang buhok. I bet, mayaman din siya. "Good day, everyone! I am Lyra Jill Cunanan, only 16 years old and I'm taking up ABM because I'd like to become a Certified Public Accountant someday." and she went back to where she is seated. Nagpatuloy ang pagpapakilala at mas lalo akong kinakabahan habang papalapit ng papalapit sa akin ang nagsisitayuan. Napapitlag ako ng maramdaman kong may kumalabit sa akin, si Penny pala. "Leigh, do you think mababait yung naunang tatlo? Ewan ko ha, but I don't like them. They have this bitchy attitude, yah know." pabulong na sabi ni Penny. "Hayaan mo na lang sila Penny" sagot ko na lang sa kaniya kahit pa napansin ko rin yung tungkol don pero pinili kong manahimik na lang dahil di na talaga ako mapakali. Sunod sunod na ang pagpapakilala at tumayo na ang isa sa limang lalaking iniiwasan ko pero hindi ako makapag focus sa sinasabi nila sa sobrang kabang nararamdaman ko. Namamawis na ang pareho kong palad at pareho ring nanlalamig. Paulit ulit akong nagpa-practice ng sasabihin sa isipan ko nang sa ganoon ay hindi ako magkamali mamaya. Naagaw ang atensiyon ko ng nagtilian at naghiyawan ang buong klase. Napatingin ako sa unahan at natigilan ng makita si Mr. Team Captain na malapad ang pagkakangiti. Parang mas lalong nagwawala ang puso ko sa loob ng aking dibdib. Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan habang nakangiti at masasabi kong gwapo nga ang isang 'to. Hindi maipagkakailang siya ang pinakagwapo sa kaniyang buong team. Matangkad, may pagka chinito, maputi, matangos ang ilong, makapal ang kilay, at may manipis at mapula-pulang labi. Nakapamulsa ang kaniyang dalawang kamay habang nakatayo sa unahan at kinakantyawan ng kaniyang mga teammate na naiwang nakaupo. "Woooh, Cap! Pogi mo!" "Cap, mababakla ako sayo!" "Pre, wag kang tatawa, nawawala mata mo! Mas nahuhulog mga chika babes sayo!" "Caaaaap! Paisa ngaaaaa~" Sabay sabay na humagalpak sa tawa ang buong klase dahil sa pinagsasabi ng mga kasama niya. Pati si Ms. Ramos ay napangiti at napailing na lang. "Mga ugok!" sabi ni Mr. Team Captain at saka humagalpak na rin sa kakatawa. Napangiti rin ako sa di malamang dahilan. "Oh! Oh! Tahimik. Shhh. Papakilala pa ko eh" sabay tawa na naman niya. Bahagya namang tumahimik ang klase ngunit may iba pa ring naghahagikhikan. "Ako nga pala si Marcus Louis Santiago, kilala nyo na naman ako diba?" "Woooh! Yabang!" sigaw ng mga kasama niya. Marcus Louis. Yun pala ang pangalan niya. Napatawa na naman si Marcus. Ibang iba siya sa Marcus na nakaharap ko kanina sa quadrangle at sa loob ng cafeteria. "Totoo naman! Nga pala, I'm 17 years old at ABM ang strand na kinuha ko dahil balak kong magtayo ng sarili kong kompanya sa future!" sabay humagalpak siya ng tawa kaya todo kantiyaw na naman sa kaniya ang mga kaklase namin. "Kompanya, your face Cap!" Hindi na matigil sa pagtawa ang buong klase at naririnig ko na ring tumatawa si Penny kaya kahit papaano ay nababawasan ang kabang nararamdaman ko. "S-sige, seryoso n-na" sabi ni Marcus sa gitna ng pagtawa niya. Mauubos na ang oras sa kalokohan nila. Napa facepalm na lang ako at ibinalik ang tingin sa unahan. Ngunit biglang kumalabog ng malakas ang puso ko ng di ko inaasahang magtama ang paningin namin. Napalunok ako at akmang ibaba ang tingin ng bigla siyang ngumiti sa akin. Huwat? Si Mr. Team Captain? Ngumiti sa akin? Sa akin? Napasukan na yata ng hangin ang ulo neto at bigla-biglang ngingiti samantalang hanep kung makipag sagutan sakin kanina. Hindi kaya namamalikmata lang ako? Ibinalik ko ang tingin sa kaniya at nadatnan kong nakangiti pa rin siya. Agad-agad akong nag iwas ng tingin dahil mas tumudo ang tensiyong nararamdaman ko sa loob ko. "Nag-ABM ako kasi pangarap naming magkakapatid na magpatayo ng sarili naming restaurant na maraming branches sa iba't-ibang lugar. Mula pagkabata ay iyon na ang pinangarap naming magkakapatid. Restaurants need an effective manager or owner for it to become successful, kaya ito ang strand na kinuha ko" mahabang sabi ni Marcus na nagpatahimik sa lahat. Maya maya ay nakarinig ako ng mahinang palakpak hanggang sa palakas ng palakas at sinasabayan na ng tili at hiyawan. Napapalakpak na din ako at napangiti ng kaonti. May side pa lang ganun si Marcus, now I know. Hindi ko namalayan na si Penny na pala ang nakatayo sa unahan habang naka ngiti ng malapad sa buong klase. Ang kaniyang mga kamay ay nasa kaniyang likod at bahagyang iginalayaw-galaw ng pakaliwa't pakanan ang kaniyang katawan. "Hi guys, I am Pennylie Grace Mariano, I'm 16 years old and I'm in ABM class because my dad is a well-known businessman and he wants me to follow the path that he had taken" tuloy tuloy na sabi ni Penny. Tinapos niya ang kaniyang pagpapakilala sa isang ngiti at bahagyang pagtango. Pagkabalik ni Penny sa kanyang upuan ay doon na tuluyang nanlamig ang buo kong katawan. Ako na ang susunod. Tumayo ako ng dahan dahan habang ang mata ng mga kaklase ko ay direktang nakatingin sa akin. Nang makarating ako sa unahan, nahagip ng tingin ko ang mapupungay na mata ng lalaking may pagka-brown na buhok. Si Marcus. Nakahalukipkip siya at nakadekwatro at tila pinapanuod akong mabuti. Nag iwas ako ng tingin at sinikap na panatilihing hindi nakayuko ang aking ulo. Marahan akong ngumiti sa kanila habang pinaglalaruan ang aking mga daliri. "H-Hi." panimula ko. "M-My name is A-Aike Leighanne Monteverde, I am 16 years old" kinakabahang pagpapatuloy ko. "I choose ABM strand because, my parents are owners of a not so big Filipino restaurant. I don't wanna see them working hard every day, to fulfill our family needs. It's our only source of income, that's why I am here, today, standing in front of you as an ABM student because someday, I'll make that restaurant grow and I will be the one managing it." Tuloy tuloy na sabi ko at hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Nabalot ng katahimikan ang buong klase na naging dahilan ng lalong pagkabog ng dibdib ko. Maya maya ay sabay sabay na nagpalakpakan ang mga kaklase ko dahilan ng unti-unting pagngiti ko. "Idol! Lupet mo talaga!" Napatingin ako sa sumigaw at nakita ko na naman yong isa sa may kamukha sa volleyball boys, iyong parang may kambal. Hindi ko natatandaan ang mga pangalan nila dahil hindi ako nakikinig kanina. Ngumiti na lang ako sa kaniya at naglakad pabalik. Nakayuko lamang ako habang naglalakad kaya hindi ko napansing nabangga ko yung susunod na magsasalita sa unahan. Dahil sa lakas ng pagkakabunggo ay nawalan ako ng balanse at napapikit na lang ngunit imbis na sa malamig na semento ako sumalampak ay isang matigas na dibdib ang tumama sa likuran ko habang nakapulupot sa bewang ko ang isa niyang kamay at ang isa naman ay nakahawak sa kaliwa kong balikat. Idinilat ko ang aking mata at itinaas ang aking paningin sa kung sino man ang may hawak sa akin ngayon. Ganon na lamang kalakas ang tahip ng puso ko ng makitang si Marcus Louis iyon. Kaya agaran akong napabitiw sa kaniya at dali-daling inayos ang pagkakatayo pati na rin ang suot kong damit. "Yiiiiiiiieeeeeeeeeeee!" "Woooohoooooooooo!" Nagulat ako ng biglang naghiyawan ang buong klase sa pangunguna ng kambal na hindi ko alam ang pangalan gayun din ni Penny na ngiting-ngiti sa akin. Namula ang pisngi ko at yumuko na lamang upang maitago ang pamumula nito. "Caaaap, to the rescue!" asar pa nung isa sa kambal. "Para kang si Flash Cap ah! Ang bilis! Ang bilis mantsansing!" at humagalpak sa tawa iyong pandak na kasama nila. Kaninang umaga pa 'to eh. "Ulol!" at tsaka siya nakatanggap ng malakas na batok mula kay Marcus. "Huwag ka nga Nate! Tumulong lang ako!" sabi niya dun sa pandak. "Tumulong daw eh nakayakap na, tagal pang bumitaw. Asusssss~" "Okay, that's enough. Are you okay Ms. Monteverde?" tanong ni Ms. Ramos sa akin kaya tumango ako sa kaniya. "Well then, go back to your own seat everyone." Naglakad na ako pabalik sa upuan ko at bigla kong nahagip ang eksahiradang pag-irap sa akin ni Jane. Napakurap-kurap ako. Bakit kaya? Bago pa man ako makarating sa inuupuan ko ay may humaharang sa harapan ko. Nag angat ako ng tingin at nakita ang lalaking tumulong sa akin kanina. "S-Salamat" naiilang na sabi ko sa kaniya. Tipid siyang ngumiti sa akin. Hayan na naman, ngumiti na naman. "Sa susunod, mag iingat ka" nakangiti ma'y mababakas ang kaseryosohan sa boses niya. Napaangat ulit ako ng tingin sa kaniya at nakitang titig na titig siya sa akin. Marahan na lamang akong tumango sa kaniya at nagpatuloy na sa paglalakad pabalik sa kinauupuan ko. Pagkaupo ko ay hindi ko maiwasang mapangiti, kaya ibinaling ko ang tingin sa labas ng bintana upang itago ang bahagyang pamumula ng mga pisngi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD