LEIGH'S POV
"Nandito na po ako!" sigaw ko pagkapasok sa bahay namin habang nilalagay ang sapatos sa shoe rock na nasa likod lang ng pintuan.
Dumiretso ako ng lakad papuntang sala at nakitang nakauwi na pala sina Mom at Dad galing resto. Nakita ko din si Ace na naglalaro ng mga toy cars niya sa carpeted na sahig.
Nang mapansin ako ni Mom ay dali dali siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa at lumapit sa akin.
"Okay ka lang ba anak? Narinig ko ang nangyari sa school mo", nag aalalang sabi niya sa akin.
Nai-report na sa guidance office ang nangyari kanina. Sina Jane, Leana at Lyra ay ipinatawag doon gayundin ako upang mapag usapan ang nangyari. Alam ko ring tinawagan ng school ang mga magulang ko upang ipaalam sa kanila.
Sa labis na takot at frustrations ay hindi na ako nakapag-focus sa pang hapong klase. Lagi akong nakatulala sa bintana at paminsan-minsa'y naluluha ng walang dahilan. Hindi na rin naman ako kinulit ng mga kaibigan at kaklase ko tungkol sa sinabi kong rason ng paglipat ko dito.
Nakahinga ako ng maluwag dahil mas pinili nilang intindihin ang sitwasyon ko kesa ipagpilitan ang mga katanungang meron sila.
Tumingin ako kay Mommy at binigyan siya ng pagod na ngiti.
"Okay lang ako, Ma. Pagod lang po", sabi ko at humalik sa pisngi niya.
Hinawakan niya naman ako sa balikat at bahagyang hinimas ang ulo ko.
"Sigurado ka, Leigh? Alam kong nasaktan ka. Alam naman natin pareho ang epekto sayo ng ganoong pangyayari." Hindi pa rin maalis sa boses at ekspresyon niya ang labis na pag aalala. Nakita ko ring lumapit si Dad sa amin.
"Okay lang po talaga ako. Malalampasan ko rin po ito", sabi ko at tumingin sa kanilang dalawa.
"I know. Alam kong kaya mo yan, anak. Nalampasan mo na iyan noon, malalampasan mo ulit iyan ngayon. Pero kung hindi mo kakayanin, nandito kami Leigh ha? Nandito kami ng Daddy mo." malumanay na sabi ni Mommy at hinawakan si Daddy sa braso na nakangiti lang sa akin.
"Yes, Mom, Dad. I know. Thank you." sagot ko sa kanilang dalawa at binigyan sila ng mabilis na yakap.
Alam kong nahihirapan din ang mga magulang ko sa sitwasyon ko ngayon. Nakita ko rin kung paano sila namroblema dahil sa akin nung nangyari ang bagay na iyon. Nakita ko kung paano sila labis na mag alala sa kalagayan ko. Kaya hangga't kaya ko pa naman, hindi ko ipapakita kila Mommy na nanghihina na ako.
Sila sila na lang din ang pinanghuhugutan ko ng lakas sa bawat araw. Kung mamomroblema rin sila kapag sinabi ko ito, sino pa ang kakapitan ko? Kaya hangga't lumalaban pa ako, sasarilihin ko muna ito.
Nagtuloy-tuloy na ako paakyat pagkatapos kong batiin at halikan sa pisngi ang kapatid ko.
It's been a tiring and stressful day for me. Mabuti na lang at nariyan ang mga kaibigan at pamilya ko para alalayan at pagaanin ang loob ko.
Pumasok ako sa kwarto ko at ibinaba ang bag sa isang upuan malapit sa kama ko. Hinubad ko rin ang necktie at ang uniform ko at inilagay ito sa lalagyan ko ng mga maruming damit. Pagkatapos ay kumuha ako ng tuwalya at dumiretso sa banyo upang maglinis ng katawan.
Tinanggal ko muna ang gasa na nakalagay sa sugat ko sa palad na natamo ko buhat ng pagkakatulak sa akin ni Jane. Naalala ko tuloy si Marcus dahil siya ang gumamot ng sugat na ito.
Hindi naman kalakihan ang sugat ngunit mahapdi iyon. Bumalik sa alaala ko ang seryosong mukha ni Marcus habang dinadampian ng betadine ang sugat ko sa kamay. Parang anlaki ng problema niya habang naka-focus sa sugat na ginagamot niya. Nakakunot ang nuo at salubong na salubong ang kilay.
Natawa ako ng bahagya dahil sa naisip ko. Napatingin ako sa salamin sa harap ko at pinagmasdan ang sarili. Napangiti na lang ako ng mapait dahil sa mga nangyayari.
Ngunit bago pa ako mag isip ng kung ano ano na namang negatibo ay pumasok na ko sa may tabing kung nasaan ang shower at doon pumwesto at hinayaang dumausdos ang malamig na tubig mula sa mukha papunta sa katawan ko.
Naisip ko sina Penny, ang mga kaibigan ko, at kaibigan ni Marcus. Laking pasasalamat ko dahil andon sila upang aluin at pagaanin ang loob ko.
Siguro nga binibigyan tayo ng Diyos ng mahihirap at mabibigat na problema pero hindi Niya hahayaang mag-iisa ka. May ipadadala siyang tao na tutulong sayo upang malutas mo ang problema mo.
Having this situation right now is also a blessing in disguise. If it's not because of it, I won't realize that, somehow, I'm not alone in this journey. If it's not because of it, I won't notice that I have friends which I can lean on when I am at the point of giving up. Somehow, I am grateful.
Ilang minuto ang lumipas at lumabas na ako ng banyo. Nagbihis ako ng pantulog at tinuyo ang lagpas balikat kong buhok.
Hindi rin nagtagal ay tinawag na ako ni Mommy para sa hapunan. Kagaya ng dati, ay lagi nila akong kinakamusta at kinakausap habang kumakain. Natapos kaming kumain at nag volunteer akong maghuhugas ng pinagkainan.
Matapos akong maghugas ay nagpaalam na ako sa kanila at dumiretso na sa kwarto.
Hindi pa naman ako inaantok kaya kinuha ko muna ang phone ko at nag-log in sa sss. Kagaya ng dati kong ginagawa, chineck ko muna ang mga friend requests at kung may kakilala ay saka ko ico-confirm at ide-delete naman kapag hindi.
Maya maya lang ay tunog na ng tunog ang messenger ko dahil sa dami ng messages. Tiningnan ko ito at nakitang may gc na pala kaming magkakaklase. Kaya pala maingay. Tiningnan ko ang pinag uusapan nila at nakita kong nag uusap sila tungkol sa Acquaintance Party na magaganap next week. May iba namang papansin lang sa gc at kung ano ano ang icha-chat, syempre bidang-bida ang kambal na si Draco at Drake kasama si Nate.
Napailing na lang ako at hinayaan sila doon. Bumalik ako sa pag-e-sss at nag scroll-scroll. Wala namang masyadong interesadong pangyayari kaya biglang pumasok sa isip ko na bisitahin ang wall ni Marcus. Bago pa ako magdalawang-isip ay natagpuan ko na ang sarili kong tinitingnan ang bagong status niya.
Marcus Louis Santiago
Na-torpe ako, shet.
37 likes 22 comments
As usual, na curios na naman ako at tiningnan ang mga comments doon. It was posted 5 minutes ago pero andami na agad nag-react at nag-comment. Hindi ko alam kung bakit lagi akong naiintriga sa mga status niya. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko. Nagiging hobby ko na yata ito bago matulog.
Hindi na ako nagtaka kung sino ang mga nasa comment section. Nangunguna na naman si Nate, at syempre ang kambal. Nakikisali din ang iba nilang teammate.
Nate John Pastor: ateynup! Tawang-tawa ako sayo, Cap. Sarap mong batukan! HAHAHA.
Klyde Evan Montreal: Oh? Himala, ML? Anyare?
Draco Knight Perez: Kala mo kung sinong gwapo! Oo gwapo ka na Cap, pero mauunahan ka dahil jan sa katorpehan mo! Nyeta.
Kiert James Madrigal: wala ka pala Kapitan! Naturingan kang alamat ng grupo tas tumitiklop ka pala?! Hahaha! Aba, gayahin mo ko. Pachill-chill lang pero madami nabibingwit. :P
Marcus Louis Santiago: huwag mo ko idamay sa pagiging babaero mo Madrigal!
Dustin Remi Johnson: Cap, why me? :/
Hindi ko na binasa lahat ng comments dahil puro pang-aasar lang naman nila kay Marcus ang laman non.
Pagkatapos kong mag-f*******: ay itinabi ko na ang phone ko sa may bedside table at hinayaan ang lampshade na nakabukas.
Maaga akong natulog kahit pa mahirap, dahil ayuko munang mag isip ng kung ano ano dahil baka bumalik na naman ako sa dating ako.
Nagising ako ng alas syete ng umaga kaya nagprepare na ako at nag breakfast. Wala na sina Mom at Dad pagkababa ko dahil 6:00 pa lang ng umaga ay nasa Mgreen's na sila. 'Mgreen's Filipino Restaurant' ang pangalan ng restaurant namin hango sa apelyido naming 'Monteverde' kaya naging ganoon.
Bago ako umalis ng bahay ay sinigurado ko munang maayos si AJ, nandiyan naman si Yaya Lordes kaya hindi na ako masyadong nag-abala.
Sumakay ako ulit sa bike ko at inilagay ang bag sa basket sa unahan. Habang nagpipidal ako ay nakaramdam na naman ako ng kaba. Nababahala kasi ako baka maulit iyong kahapon, kahit pa naireport na sa guidance.
Ayoko rin namang kay aga-aga ay binubulabog ako ng negatibong pag iisip kaya inalis ko iyon sa isip ko. Bahala na.
Pumasok ako sa klase at naging normal naman ang mga nagdaang oras. Lagi ko nga lang nakikitang nakatingin sa akin si Marcus at biglang iiwas ang tingin kapag nahuhuli ko siya. Panay rin ang pagpaparinig nina Draco, Drake at Nate tungkol kay Marcus at sa pagiging torpe neto. Hindi ko lang maintindihan kung bakit sumusulyap sila sa akin matapos nilang magpaulan ng kantyaw kay Marcus.
Naging ilag din ng konti sa akin ang grupo nina Jane pero palagi pa rin nila akong pasimpleng iniirapan kapag walang nakatingin.
Naging matiwasay naman ang umaga ko dahil kina Penny, Leexie at Gwayne. Hindi sila kailanman nagtanong tungkol sa nangyari kahapon.
Napagdesisyunan naming sa labas na kumain ng lunch para maiba naman daw. May café na nakapwesto sa gilid ng univeristy kaya hindi na kami masyadong lumayo. Pumasok kaming apat doon at agad na naghanap ng mesa. Umupo kami sa mesang malapit sa glass wall dahilan upang makita namin ang mga dumadaan.
Kahit pa probinsiya ito ay hindi rin naman nahuhuli sa modernisasyon. May iilang supermarkets, coffee shop, restaurant at iba pa, ngunit hindi katulad sa syudad na halos lahat ng lugar ay may ganoon.
Kaagad nagbigay ng menu sa amin ang babeng waiter at naghintay ng aming order.
Nag order ako ng isang slice ng blueberry cheesecake at isang cucumber juice. Si Penny naman ay dalawang slice ng strawberry cake at coke float for her drinks. Nag-order si Leexie ng isang slice ng custard cake at blueberry float. Habang si Gwayne ay kumuha ng fries na barbecue flavor at isang frappuccino.
Ginugutom na ako agad sa mga pagkaing nasa menu. Hindi daw muna kami magkakanin dahil minsanan lang ito. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang orders namin.
May mga estudyante ring kumakain dito kagaya namin. Nga lang mas naaagaw namin ang pansin nila dahil sa kaingayan ng tatlo. Natapos kaming kumain at dumiretso na sa loob ng campus. Balak pa sana naming tumambay sa picnic section ng school upang magpahinga ng kaunti ng makita naming occupied na ang mesang karaniwan naming inuukupa. Wala kaming nagawa kundi ang dumiretso na sa room.
Nakarating kami sa room at hindi pa rin natitigil ang kadaldalan nilang tatlo lalo na ni Gwayne. Napapailing na lang ako habang napapangiti sa kanila. Pumunta kami sa kaniya kaniya naming upuan ngunit patuloy pa rin ang kwentuhan dahil magkakalapit lang naman ito.
Nang maupo ako agad sumalubong ang isang pares ng matang nakatitig sa akin. Tinitigan ko rin siya at walang nag iwas ng tingin sa amin. Napagtanto kong hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa kaniya sa pagtulong at sa panggagamot niya sakin kahapon.
Tumayo ako at pumunta sa kinaroroonan niya. Bahagya siyang nagulat sa naging pagkilos ko ngunit agad din namang nabawi ang sarili.
"Salamat sa pagtulong sakin kahapon, M-Marcus", bagama'y nagtatapang-tapangan ay hindi pa rin nawala ang nginig sa boses ko. Natuon na din ang atensiyon ng mga barkada niya sa amin.
"Kung hindi dahil sayo, baka kung ano na ang nagawa sakin nina Jane. Salamat talaga", sinsero kung sabi sa kaniya.
"Hindi mo naman kailangang magpasalamat. Kahit sino naman siguro ay tutulong kapag nakakita ng ganon", sabi niya at tumitig sa mata ko. Bahagya akong nakaramdam ng uneasiness dahil sa titig niya.
"At tsaka.. naisturbo ang tulog ko kaya hindi ko napigilang manghimasok."
Napatango na lang ako sa sinabi niya. May sasabihin pa sana ako ng may tumawag sa pangalan ko.
"Leigh! May naghahanap sayo!", sabi ng kaklase kong nasa may hamba ng pintuan.
Tumingin muna ako kay Marcus at bahagya siyang tinanguan at lumapit sa may pintuan. Hindi pa man ako nakakalapit ay pumasok na sina Klyde, Ethan, Alexis, Kim, Kiert at John Joshua. Nagtaka ako dahil sa biglaan nilang pagpasok.
"Sinong naghahanap sa akin Aya?", tanong ko sa kaklase kong tumawag sa akin at bahagyang nilampasan ang grupo nina Klyde.
Itinuro niya sina Klyde kaya napabalik ako doon at nakitang nakikipag apir at kamayan na sila sa iba nilang teammate na kaklase namin.
"Uh, Kylde? Hanap nyo raw ako?", agaw ko sa atensyon nila.
Ngumiti sa akin si Klyde at bahagyang tumango. Napansin ko ring nakalapit na si Marcus sa kumpulan namin.
"Sabihin mo na, huwag kang gagaya kay Cap", natatawang sabi ni Kiert habang mahinang tinutulak si Klyde.
"Dude, kaya mo yan", sabi naman ni Alex at bahagyang lumabas ang dimple niya dahil doon.
"Patay", rinig kong sabi ng isa sa mga nasa likod ko. Marahil ni Draco.
"Ay potek, mauunahan pa yata", problemadong bulong ni Nate na narinig ko pa rin.
Naguguluhan na ako sa nangyayari kaya tumingin ako ulit kay Klyde. Napansin kong medyo namumula siya at bahagyang nakayuko. Maya maya lang ay nagsalita siya.
"Uh, Leigh. G-Gusto sana kitang yayain na maging date ko sa Acquaintance Party, kung pwede? Kung pwede lang naman", sabi niya at namula pa lalo.
Natahimik ang lahat pagkarinig sa sinabi ni Klyde. Habang ako ay nakatulala at hindi alam ang gagawin. First time kong yayain bilang isang date sa party dahil hindi naman ako umaattend ng mga ganito noon. Hindi nagtagal ay naghiyawan sina Kim, Kiert, at John Joshua dahilan upang magpalakpakan at mapuno ng kantyaw si Klyde.
Ngunit kahit na maingay, ay hindi nakaligtas sa pandinig ako ang mahinang pagmumura ni Marcus at ang pagsinghap ng kambal.
"Pwede ba, Leigh? Pero kung hindi, ayos lang", medyo nahihiyang sabi ni Klyde na nakapagpabalik sa akin sa katinuan.
"Oh, ayan! Papable na ang lumalapit sayo, babae! Tatanggi ka pa ba?!", dinig kong sigaw ni Gwayne kaya napatingin ako sa kanila. Nakita ko silang nakangiti sa akin na para bang sinasabing pumayag na ako.
Kung tatanggihan ko ito ay baka wala akong kapartner sa Miyerkules. Tama si Gwayne, si Klyde na mismo ang lumapit kaya isasantabi ko
na lang muna ang hiya ko.
"A-Ah, oo s-sige", utal utal kong baling kay Klyde at naghiyawan na naman ang mga kasama niya pati na rin ang ilan sa kaklase ko.
Bigla namang naliwanag ang mukha ni Klyde dahil doon.
"Sinasabi ko na nga ba eh", pakinig kong sabi ni Nate.
"Better luck next time, Cap", sabi naman ni Dustin.
Hindi ko alam ang pinag uusapan nila at marahil ako lang ang nakakarinig dahil medyo malapit sila sa pwesto ko. Kaya nagulat ako ng bigla akong nabangga o banggain? Banggain ni Marcus sa balikat at dire-diretsong lumabas. Taka akong sinundan siya ng tingin at sumunod naman sa kaniya ang kambal, si Nate at Dustin.
Nabalik ang tingin ko kay Klyde ng magsalita siya.
"Thank you, Leigh. Thank you!", masaya niyang sabi sa akin.
Ngumiti na lang ako sa kaniya.
"No worries", sabi ko kahit na naguguluhan pa rin dahil sa inakto ni Marcus.
Bumalik lang sina Marcus nung nakaalis na sina Klyde at mag uumpisa na ang first period namin sa hapon.
Napatingin siya sa gawi ko pero agad ding iniwas ang kaniyang tingin. Hindi ko siya maintindihan at baka wala naman akong kinalaman doon kaya ipinagkibit-balikat ko na lang iyon. Ako lang naman itong nababagabag dahil sa inakto niya.
Hanggang sa mag-uwian ay ni isang tingin ay hindi ako ginawaran ni Marcus. Dapat nga ay hindi ko na iyon inaalala ngunit patuloy pa rin pumapasok sa isip ko ang iritado niyang pagmumukha.
I sighed and set aside my thoughts. Baka nga bipolar lang talaga siya, sabi ko sa sarili ko.