CHAPTER 7: [ REASON ]

3017 Words
LEIGH'S POV Nandito kami ngayon sa library ng school. Mayroon kasi kaming group activity sa isang subject namin about sa literature. Hindi rin naman gaanong malaki ang library ng university kung ikukumpara sa dating pinapasukan ko. Pagpasok mo sa may pinto ay agad mong madadatnan ang table ng hindi gaanong katandang librarian namin. Mayroon ding mga tables at mga upuan na pwedeng pagtambayan kapag nandito sa library or kapag nagbabasa, though bawal tumambay dito. Sa likod ng mga mesang ito ay ang mga bookshelves na nakahilera at may iba't-ibang klase ng libro, mapa luma man o bago. Nandito ako sa isang table kasama sina Penny, Leexie at Gwayne. Maraming aklat na nakabuklat sa aming mesa, mga notebooks kung saan kami nag j-jot down ng mga impormasyong aming nakalap, mga phones namin at kung anu-ano pa. "Hey, Leigh ikaw ang mag-search about sa 'Rebirth of Freedom during 1946-1970'", sabi ni Leexie habang busy-ng busy kakasulat sa notebook niya. "Alright", sagot ko sa kaniya at agad na hinanap sa librong hawak ko ang mga information about sa topic na ibinigay sa akin. "You, Gwaynie, about sa 'American Regime' ka. Medyo mahaba yan, but keri mo yan ghorl", sabi naman ni Leexie kay Gwayne na busy rin naman sa kakalibot ng tingin dahil sa madami umano siyang gwapong nakikita. "Ay! I like that, mahabaaaa", he said and bite his fingertips. Jusmiyo itong baklitang 'to. "Shh, baka palabasin tayo Gwayne", saway ko sa kaniya habang nagsisimulang magsulat. "Psh. KJ. Palibhasa waley pa date ang lola niyo", narinig kong bulong bulong niya kaya agad ko siyang tiningnan ng masama at agad naman niyang kinuha ang isang libro at nagbasa-basa doon na parang walang nangyari. "Stop pestering Leigh about her date, Gwayne. Ikaw naman Penny, sayo itong 'Period of Self-Discovery and Growth (1925-1941)'", seryosong sabi ni Leexie kay Penny. Kapag talaga sa studies namin, nag iiba ang aura nitong si Leexie. "This is what I hate about Literature eh, so many dates", kamot-ulong sabi ni Penny. "Kaya nga bilisan na lang natin at ng matapos na 'to at makapag-lunch na tayo", sabi ko sa kanila dahil patapos na ako sa ginagawa ko. Madali rin naman naming natapos ang group activity na yon at ipinasa namin sa teacher namin na nasa faculty room. That's why, we're walking our way to the cafeteria of the school. Medyo mainit ngayon kaya mas pinili naming sa hallways dumaan at huwag muna sa quadrangle. After few minutes, we arrived at the cafeteria and find the perfect spot for the four of us. "Oh anong orders, mga madame?", tanong ni Gwayne pagkaupo namin. "Friday na naman, so all in ko na 'tong allowance ko", sabi ko sabay tawa na sinabayan din nila. Pagkatapos sabihin ang orders namin ay pumunta na si Gwayne tsaka si Penny sa counter. Agad naman silang nakabalik dala ang dalawang tray ng pagkain. "Oh, Penny dahan dahan lang, baka hindi ka magustuhan ni papa Dustin dahil sa takaw mong 'yan", sabi ni Gwayne kay Penny na agad nilantakan ang kaniyang kanin na may calderetang ulam. We ordered 4 cups of rice, 4 serves of caldereta, may sundae at juice pa, may fries, burger at cheesecake for dessert. This is it, lafanggg! "I don't care, though", sabi ni Penny habang puno ng pagkain ang bibig. Ewan ko, ang yaman naman neto pero ba't ganito kumain? Parang di pinapakain sa kanila eh. Natahimik kami dahil busy kami sa kaniya-kaniyang pagkain. Natapos kami after an hour. Nakasandal na lang kami sa upuan habang si Gwayne at Penny ay hinihimas ang tyan. "Sooo full", sabi ni Pennylie then she burped and excused herself. "Oy Leigh. Kumusta kayo ni Marcus?", I flinched at Leexie's sudden question. Natawa naman sila sa reaction ko. Etong si Leexie may pagkatsismosa din. "Anong samin? Wala namang kami", sabi ko sa kanila. "Wala naman talagang kayo, at hindi magiging kayo sabi ni papa Marcus, diba?", pagpapaalala ni Gwayne sa nangyari noong nakaraang Monday. Ngumiti na lang ako sa kanila. "Ang harsh dun ni Marcus. I don't know ha? Pero dapat hindi niya sinabi yon kay Leigh, eh yung mga kasama niya naman yung nagtatanong", sabi ni Penny tsaka umirap. "Oo nga. Nababanas na din ako kay Marcus eh, hindi naman siya ganon. Kadalasan kapag tinutukso siya sa ibang babae, sinasakyan niya lang", nakakunot noong sabi ni Leexie. "Let's forget about that guys. Hindi naman importante sakin yun." sagot ko sa kanila. Sabay-sabay na napataas ang kilay nilang tatlo. "Ah, not important pero nung bumalik ka galing CR namamaga mata mo?", patuyang sabi ni Penny. Haaayyys. Naalala pa. "Na-frustrate lang ako masyado dahil sa sinabi niya, ikaw ba naman sabihan ng ganon", sabi ko at nagkibit balikat. "Isa na lang talaga Leigh, at bi-bingo na sakin yang si Marcus. Kahit pa may pinagsamahan kami noon", banas na sabi sa akin ni Leexie. Pagkatapos naming magpahinga ay napagdesisyunan naming bumalik na sa room. Maaga pa naman, may 30 minutes pa bago ang next class namin. Hindi ko nakita ang volleyball team sa canteen. Siguro sa iba sila kumain, ipinagkibit-balikat ko na lang. "Guys, punta muna akong CR. I'll just fix myself." sabi ko sa kanila at tumayo na at dumiretso sa CR. Ang CR ay nasa first floor pa ng building na 'to kaya kelangan pang bumaba. Nakarating naman ako kaagad. Nag-ayos ako ng sarili ko doon, itinali ko ang wavy kong buhok into ponytail then I put powder on my face, and liptint on my lips. Lumabas na ako ng CR at tutunguhin na sana ang hagdan papuntang 2nd floor ng may humarang sa dinaraanan ko. Nakita ko sila Jane, Leana at Lyra na nasa harap ko na. Na naman. Ano na naman ang kelangan nila sakin? "Aikke. Leighanne. Monteverde.", madiing pagsambit ni Jane Suzzette sa buong pangalan ko. Humahakbang siya kaya napaatras ako. Sumusunod naman sa bawat kilos niya sina Leana at Lyra na parehong nakataas ang kilay sa akin. Walang masiyadong makakakita sa amin dito maliban na lang sa mga dadaan, dahil nasa gilid ito ng building namin. Makikita lang din kami ng mga estudyanteng nasa second floor na. "I don't know, but I hate you so MUCH", sabi niya at diniinan ang salitang "much" habang dinuduro duro ang balikat ko. May alaalang bigla na lang bumalik sa isip ko. Mga estudyanteng nakapalibot sa akin, habang nagtatawanan, at nakatutok ang mapanghusga nilang mga mata sa akin. Hindi ko alam pero ang pangyayaring ito ngayon ay nag-trigger ng takot na pilit kong binabaon. Bigla akong nakaramdaman ng kaba. Nanlalamig na ako at namamawis na ang mga palad ko. Same fear. Same frustrations. Same reason. No. Ayoko ng makaramdam ulit ng takot. Ngayong nandito si Jane sa harapan ko ay hindi ko mapigilang balikan ang mga napagdaanan ko sa Manila noon. Bahagya na ring nanginginig ang tuhod ko. Hindi ako makagalaw dahil sa kaba at takot. "B-Bakit? A-Anong nagawa ko sa i-inyo?" tanong ko sa kanila habang nanginginig ang boses. Napatawa silang tatlo dahil sa takot na nakita sa mukha ko. 'Please, stop! A-Ayoko! H-Hindi na!' 'P-please, tigilan niyo na ko!' Natulala ako dahil sa bigla kong narinig ang nagmamakaawa kong boses noon. Kahit anong gawin kong pagmamakaawa, hindi nila ako pinakinggan at patuloy nila akong sinasaktan, kinukutya at tinatakot. "Oh! You scared? Our sweet little b***h is scared. What a pity", sabi ni Jane at sinabayan ng halakhak niya kasama ng dalawa pa niyang kasama. "W-Wala naman akong g-ginagawa sa inyo." Dahil sa halo-halong nararamdamang takot, kaba, galit, at sa pagsikip ng dibdib ko ay napaiyak na ako. Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko at bahagyang nilukumos ang parteng iyon kung nasaan ang puso ko. Nahihirapan akong huminga. Akala ko nawala na ang ganitong pakiramdam sa loob ko. Ngunit dahil sa trauma na nangyari noon ay hindi ko masisisi ang sarili ko kung bumigay ako ngayon. 'I wish may makakita sa amin dito.' Sabi ko sa isip ko habang patuloy na umaagos ang luha sa aking mga pisngi at nakatutok ang puno ng galit na tingin sa akin ni Jane. Tahimik ko ring tinatawag ang pangalan ng mga kaibigan ko, pati na nina Dad at Mom. "You really don't know, huh? O nagpapanggap ka lang? Nagpapanggap ka lang na mahiyain, mabait at sweet pero ang totoo ay hipokrita ka at mang-aagaw!" galit na galit na sigaw sa akin ni Jane at madiin na hinahawak ang magkabila kong balikat habang niyuyugyog ito ng malakas at bahagyang itinutulak. Mas lumakas lalo ang hikbi ko dahil sa kaalamang wala akong magagawa laban sa kaniya, sa kanila. Tatlo sila, isa lang ako. "H-Hindi naman a-ako nag.. n-nagpapanggap", sabi ko sa kalagitnaan ng paghikbi. Tuluyan na ngang bumalik sa alaala ko ang lahat. Siguro nga kahit saan ako pumunta ay hinding-hindi ko iyon matatakasan. Habang buhay na akong mamumuhay ng may takot. "Mapagpanggap ka! Bagong salta ka lang dito kaya umayos ka sa kilos mo! Nagkukunwari kang mahina para makuha mo ang atensiyon ng volleyball boys ng school! Pati na si Marcus ko! Inaagaw mo!" nanggagalaiti niyang sabi at saka ako malakas na itinulak dahilan para mapaupo ako ng marahas sa medyo mabatong lupa. Nakaramdam ako ng kirot sa palad ko at sa tingin ko'y nagkasugat iyon. "W-Wala akong. . .gusto kay Marcus. H-Hindi—", "You, liar! Sinungaling! Malandi ka!" sabi niya at akma akong susugurin ng sabunot at sampal ng may kamay na pumigil sa kaniya. "Ano ba? Natutulog ako, ang iingay niyo", sabi ng isang boses na marahil galing sa taong pumigil kay Jane. Malaki ang pasasalamat ko kung sino man siya. Nanatili akong nakasalampak sa lupa na nanginginig ang tuhod at bahagyang lumuwag ang pagkakatali ng buhok ko. Punong-puno pa rin ng luha ang pisngi ko. Nabibingi ako dahil sa sobrang takot kaya hindi ko napansin kung sino ang taong nakatayo sa harap ko at nakahawak sa magkabilang braso ni Jane. "Sa dami-rami ng lugar na pwede niyong gawin 'to, bakit dito pa? Aiisshh! Naisturbo tuloy ang tulog ko!" nababanas na sabi nung lalaki. Lalaki? Napatigil ako sa kakaiyak at napaangat ang tingin. Panay pa rin ang hikbi ko pero hindi na gaya kanina. Nang mapagsino kung sino ang lalaking nasa unahan ko ay sinubukan kong tumayo kahit pa nanginginig ang tuhod ko. "M-Marcus", pagtawag ni Jane sa kaniya habang may nanlalaking mga mata. Gulat din na nakatingin sa kaniya sina Leana at Lyra. "Ka-Kanina ka p-pa?" nauutal na tanong ni Jane kay Marcus. Binitawan naman ni Marcus ang mga braso ni Jane tsaka nagsalita. "Ay bopols. Sabi kong kagigising ko lang dahil sa ingay niyo diba? Nasa likod ako nung punong 'yon, natutulog", sagot niya habang itinuro ang isang puno na hindi kalayuan sa amin. Hindi pa rin ako makaget-over sa nangyari kanina. Dahil dun ay bumalik ang traumatic memory na yun. Nakayuko lang ako habang nakikinig sa kanila, hindi makapaglakad dahil sa nanginginig na tuhod. "Hindi ka pa rin nagbabago, Jane. Nananakit ka pa rin", napataas ang balahibo ko dahil sa lamig at seryosong pagkakasabi nun ni Marcus. Ngayon ko lang siya narinig at nakitang ganito. Oo suplado at salbahe siya sa akin pero hindi ko pa siya nakitang maging ganito. "A-Ah, s-siya kasi—" "Paano kita magugustuhan kung ganyan ka? Oo, sinabi ko kay Leigh na hinding-hindi ko siya magugustuhan, pero kahit siguro subok na gustuhin ka, iniisip ko pa lang, hindi ko na magawa", tuloy tuloy na sabi ni Marcus na nagpatahimik kina Jane. Napa-igtad ako ng agad akong hilahin ni Marcus paakyat ng hagdan. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nagpaanod lang ako sa hila niya dahil hindi pa ako gaanong nakakapaglakad ng maayos. Nilulukob pa rin ng takot ang pagkatao ko. Nakarating kami sa classroom ng hindi niya binibitawan ang kamay ko. Agad agad na sumalubong ang nag-aalalang mga mata ng mga kaibigan ko. Lumapit na rin sa amin ang mga kaibigan ni Marcus. Pinaupo niya ako sa upuan ko at nagsisunuran rin sina Penny. Hindi ko pa rin mapigilang manginig. "Oh, Cap? Anyare kay idol? Idol! Sinong gumawa sayo niyan?!" pakinig kong sigaw ni Draco. Napasiksik ako sa upuan ko dahil sa pagsigaw niya. Nakaramdam na naman ako ng takot kaya tiningnan ko sila at bahagyang iniusog ang upuan ko paatras. "Leigh? Anong nangyari?" mahinahong tanong sa akin ni Penny. Alam kong si Penny siya pero ng sinubukan niya akong hawakan ay dali-dali kong iniwas ang kamay ko sa kaniya at takot na takot na nakatingin sa kanila. Nagsimula na namang tumulo ang luha sa mga mata ko. "Ay pota! Sinong gumawa nito kay AL?!" pasigaw ding sabi ni Nate dahilan upang malakas akong napahagulgol. "Hu-huwag, please. 'W-Wag kayong s-sumigaw.", mahinang sabi ko habang patuloy sa paghikbi at niyakap ang sarili. "'To kase eh! Bida-bida! Bida-bida!" sabi ni Drake kay Nate at saka niya ito binatukan. "Eh, kase naman..." hindi na tinuloy ni Nate ang sasabihin dahil napatingin siya sa gawi ko. "Leigh, ano ba kasing nangyari? Sabi mo mag-c-cr ka lang, tapos pagbalik mo ganyan na itsura mo? At bakit takot na takot ka? Leigh, kami 'to, mga kaibigan mo kami Leigh", malumanay na sabi ni Leexie na tila nagpapaintindi sa isang 3 years old na bata. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko si Marcus na nakatayo at nakasandal sa may upuan habang nakapamulsa at titig na titig sa akin. "Ano ba kasing nangyari Marcus? Ano na namang ginawa mo kay Leigh? Bibinggo ka na talaga Marcus, ha!" inis na sabi ni Leexie habang nakarap kay Marcus. Naramdaman ko namang hinahaplos haplos ni Penny ang likod ko at inaayos ni Gwayne ang nagulo kong buhok. "Hindi ako ang may gawa niyan. Nadatnan ko lang siyang nakasalampak sa lupa at pinagtutulungan nina Jane", seryosong sabi niya at hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. "Ay babaeng lokaret! Humanda sa akin yung impaktang babae na yon! Siya pala may gawa nito?!" sigaw ni Gwayne at marahas na tumayo dahilan para takpan ko ang magkabila kong tenga at mapahagulgol na naman. Nagiging mahina na naman ako. Paano ko ba nalampasan 'to? Ayoko ng umiyak talaga, nakakapagod ng maging mahina at kaawaan. "Hey! Don't shout, Leigh is frightened", pakinig kong saway ni Dustin kay Gwayne. "Heto Leigh, oh", sabi ng isa sa kanila sabay abot ng isang puting panyo. Nakita ko ang balat sa likod ng kaniyang palad kaya napatingin ako sa nagbigay. Si Drake. Tinanggap ko iyon at dahan-dahang ipinunas sa mga luha ko. Pinainom rin nila ako ng tubig habang si Marcus ay nakatingin lang sa amin. "S-Salamat", mahinang sabi ko sa kanila ng medyo kumalma na ako. "Bakit hinayaan mong pagtulungan ka nila Jane, ha—", hindi na natapos ni Penny ang sasabihin niya ng mabilis na lumapit sa akin si Marcus at hinablot ang kanang kamay ko. Napapitlag ako dahil sa kaba at sa sakit na naramdaman. Napatingin ako sa kaniya ng magsalita siya. "May sugat ka." mahinahon niyang sabi sabay buntong hininga. Napatingin ako sa palad ko at nakitang dumudugo iyon. Nasugat siguro dahil sa pagtulak ni Jane sakin kanina. Kaya pala masakit. "O-Okay lang ako. S-Salamat", mahinang tugon ko sa kaniya at akmang babawiiin ang kamay nang hinigpitan niya ang pagkakahawak dito dahilan upang mapahiyaw ako ng mahina. "Sorry." sabi niya at niluwagan ang kapit sa kamay ko. "Hindi ka okay. Gagamutin natin 'to." "Cap, may first aid kit dito. Teka kukunin ko", sabi ni Nate at naglakad papunta sa medicine cabinet. Bumalik siya ng dala-dala na ang kit. Nilapag niya ito sa armchair ng upuan ko. Naghila naman ng upuan si Marcus papalapit sa akin ng magamot niya ang sugat ko. Nakatanaw lang sa amin ang mga kaibigan namin. Walang nagsasalita. Lahat sila ay seryoso. Nagsimula ng lagyan ni Marcus ng alcohol ang bulak na kinuha niya at marahang idinadampi iyon sa sugat ko upang linisin. Napapa-igik ako dahil sa hapdi. Nararamdaman ko ang tensiyon na lumulukob sa nakapaikot na grupo namin kaya sinubukan kong magsalita. "Okay lang naman ako, huwag na kayong mag-alala." Napahinto sa pagdadampi si Marcus at seryosong tumitig sa akin, tinitigan ko siya pabalik. Binawi naman niya ang tingin niya at bumalik sa pag gamot ng sugat ko. "Anong okay lang? Nanginginig ka ng sobra kanina, hindi yon okay", sabi ni Gwayne kaya napatingin ako sa kaniya. "Oo nga Leigh. Sumusobra na yang sina Jane eh!" sabi ni Penny at makikita mo ang galit sa kaniya. Napangiti ako. May pagkakaiba naman siguro ang nangyari noon, sa ngayon. Mas marami na akong makakapitan at masasandalan sa ngayon. "Puta idol, ba't ka nga pala nanginginig kanina? Ni hindi mo gustong magpahawak?" tanong ni Draco sa akin. Yumuko ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ito sa kanila. Natatakot ako. "Don't worry Leigh, nandito kami", sabi ni Leexie at binigyan ako ng isang ngiti. Nabalot kami ng katahimikan. Marahil hinihintay nila ang sagot ko, samantalang si Marcus ay patuloy sa panggagamot ng sugat ko. "May trauma na ako sa nangyari noon", mahinang sabi ko pero sapat lang na marinig nila. Napahinto sa paglalagay ng gasa si Marcus sa sugat ko at nagtatanong ang mga matang nakatingin sa akin. Gayundin ang mga kaibigan namin. "Trauma?" naguguluhang tanong ni Marcus. "Ay kung hindi mo alam ang trauma Cap, yon yung parang natatakot ang isang tao dahil sa naranasan niya noon", barumbadong singit ni Nate kaya nabatukan siya ng kambal. Napabuntong hininga ako. Binigyan ko sila ng isang mapait na ngiti. "Yun ang dahilan kung bakit napunta ako sa paaralang ito", maikling sabi ko sa kanila. Sa susunod ko na lang siguro sasabihin. Hindi pa ako handang balikan ang alaala na nagdudulot ng matinding takot sa akin. Nakita ko sa kanilang mata ang pagkalito at pagtatanong ngunit hindi na nila ako pinipilit pang magsalita. Natapos na din si Marcus sa paggamot sa sugat ko. Dapat ko siyang pasalamatan. Kung hindi dahil sa kaniya, malamang, sa mga susunod na araw, bibisita na naman ako sa isang ispesyalista.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD