LEIGH'S POV
Nalilito. Iyan ang nararamdaman ko sa ngayon. Andaming tanong na bumabagabag sa isip ko dahil sa nangyari kanina. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng ganito.
Bakit ako nasaktan? Kahit papaano ay nakaramdam ako ng sakit dahil sa sinabi ni Marcus, I don't know the reason, though. Bakit imbes na magalit sa pamamahiya niya ay nakaramdam ako ng pagkadismaya? Am I disappointed because it's not the answer I'm expecting him to say? Bakit? Bakit? Ang daming bakit?
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga na sa kama at ready na matulog. Ngunit kahit anong gawin ko ay binabagabag ako ng mga tanong sa isipan ko.
That's why I log in to my f*******: account. Para naman mabaling sa iba ang atensiyon ko, mas lalo kasing sumisikip ang dibdib ko dahil sa kakaisip sa nangyari kanina.
I confirmed some of the friend requests and checked all the notifications. Viral na talaga 'yong video ko. May mga nagalit, pero karamihan ay natuwa. Nakausap ko na rin si Gainne kanina, and she's sorry about it. Gusto lang naman daw niyang i-showcase ko ang talent ko and sabi niya she's just so proud of me kaya niya ni-post. I forgave her, ofcourse. She also got some point. Wala na din naman akong magagawa, nakita na ng karamihan, better go with the flow na lang.
Upon scrolling down, I saw Marcus' status, it was posted 8 minutes ago.
Marcus Louis Santiago
Hindi ko sinasadya.
47 likes 21 comments
Anong hindi sinasadya? I suddenly felt curious about it. So, I decided to see the comments.
Draco Knight Perez: ikaw kac Cap, ba't mo ginanun. :(
Nate John Pastor: sumobra ka dun, President Marcus! Aayawan ka na ni First Lady Imelda!Nyahahaha! xD
Marcus Louis Santiago: di ko alam. Wag mo ko asarin Nate John Pastor! Yari ka sakin bukas, gago.
Nate John Pastor: wag ka pikon Cap, ikaw talaga mali eh.
Drake King Perez: Oo nga, oo nga. Apakasama ni Kapitan! :(
Dustin Remi Johnson: You're rude back there, Cap. You should ask for depensa. :)
Draco Knight Perez: anong depensa Dustin Remi Johnson?
Marcus Louis Santiago: what? Anong depensa kano?
Nate John Pastor: ulol! Wala tayo sa court para dumepensa ka! Kanong 'to! :P
Dustin Remi Johnson: huh? Depensa, you know, saying sorry?
Nate John Pastor: ay gago! Despensa yon! Hindi depensa! HAHAHA laptrip si Kano. Trying hard, bumalik ka na lang ng America! xD
Marcus Louis Santiago: hoy! Sa gc nga! Dito pa kayo nagkalat!
Nakakatawa sila. Ang saya nilang magkakaibigan. Kahit si Marcus. Pero hindi ko talaga maintindihan bakit sa akin lang siya ganun? Transferee lang ako at ilang weeks pa lang may pasok, ang bilis niya namang magtanim ng sama ng loob? At sa akin pa?
Ano kaya yung hindi niya sinasadya? Hindi ko man gustong isipin pero umaasa ako na sana yun yung sa nangyari kanina, na sana hindi niya sinasadya yung mga sinabi niya. Ngunit sa kabilang banda, pinahiya niya ako, at sinaktan na rin siguro. Kelangan ko ng umiwas sa kaniya, pati na rin sa team niya. Naglipat ako ng school para matahimik ako, hindi para pumasok ulit sa isang gulo.
Hindi rin nagtagal ay nakatulog ako ng gabing yon. Nakatulugan ko na lang ang pag iisip kung bakit ganito sa akin ang mundo, kung bakit pinapahirapan ako.
***
Ilang araw na rin ang nagdaan. Iniwasan ko si Marcus at ang barkada niya sa mga araw na iyon. Ngunit kahit ano yatang iwas ko sa gulo ay mas nalalapit pa rin ako. Sa mga nagdaang araw kasi mas lalo akong pinagdidiskitahan nina Jane, Leana at Lyra. At dahil nga sa umiiwas ako, mas pinipili kong ignorahin sila kahit pa nababagabag na ako sa loob ko.
Nandito kami ngayon sa covered court sa loob ng campus. Nasa may pinakagitna itong bahagi ng school. Mayroon ding stage sa unahan kung saan pwedeng idaos ang mga activities ng school. Iginigilid lang ang magkabilang poste ng ring ng basketball kapag may mga ginagawa dito.
Dito marahil nagpapractice ang basketball team ng university. Mayroon itong bubong at may mga bench na semento na parang hagdan hagdan na maaaring pwestuhan ng mga manunuod. Wala namang pintuan o gate ang covered court kaya pagkalabas mo ay diretso ka sa madamong quadrangle kung saan nakapwesto ang volleyball court at ang soccer field dahil malawak ang buong quadrangle na kayang ihandle maging ang court ng lawn tennis.
Nagpatawag ng meeting ang Student Council kaya kami nandito ngayon. Nasa iisang bahagi lang kaming mga ABM-I para mas mapadali ang attendance. Katabi ko sa upuan si Penny habang sa kaliwa ko ay bakante dahil naka-reserve iyon para kay Leexie na busy dahil siya ang Presidente ng klase at katabi naman nun ay si Gwayne.
Habang nagche-check ng attendance si Leexie ay inilibot ko ang tingin ko sa buong venue. Ang daming estudyante kaya ang ingay. Medyo magulo rin dahil may mga papasok pa lang na mga taga ibang strand at ibang grade levels. Maya maya lamang ay umupo na si Leexie sa tabi ko, malamang tapos na ang trabaho niya.
"Ang hirap talaga maging President, kahit mahigit tatlumpo lang tayong magkaklase, eh ang hirap pa ring ihandle", sabi niya at bumuntong hininga.
Kahit kasi kakaunti kami, marami-rami rin ang pasaway kaya naiintindihan ko ang nararamdaman ng kaibigan kong 'to.
"Kung ako sana ipinanalo mo, edi hindi ka sana nahihirapang babae ka!" sabi ni Gwayne sa kaniya.
"Eh sa hindi ikaw ang ibinoto nila bakla, kasalanan ko?" sarkastik na sagot sa kaniya ni Leexie at irap na lang ang naisagot ni Gwayne.
Napatingin ako kay Penny dahil masyado yata siyang tahimik ngayon. Pagbaling ko sa kaniya ay nakita kong halos mabali ang leeg niya kakatingin sa likod. Anong tinitingnan ng babaeng 'to?
Napatingin din ako sa likod na sana ay hindi ko na lang ginawa. Agad na nagsalubong ang tingin namin ni Marcus. Titig na titig siya sa akin. Katabi niya si Dustin at sa kabila ay si Nate. Kasama din nila ang iba pa nilang teammate. Hindi yata sinunod na umupo kasama ang mga kaklase.
Sa takot na baka kung ano na naman ang sabihin o gawin niya sa akin ay ibinalik ko na lang ang tingin sa harapan. Napakagat ako ng labi dahil sa kaba at kirot na naramdaman. Hanggang kailan ba ako matatakot? Sawang-sawa na ko.
Hindi din nagtagal at may nagsalitang babae sa unahan. Kinalabit ko si Penny na nasa likod pa rin ang tingin, alam ko na kung sino tinitingnan niya, si Dustin. Kinalabit ko siya para sabihang magsisimula na at tumigil na siya sa kakatitig niya kaya agad namang siyang tumingin sa unahan.
"Good morning students, teachers and faculties of Sta. Luciana University!" masiglang bati ng isang babae na nagpatahimik sa mga estudyante at sabay sabay na bumati pabalik. Siguro ay ahead lang sa amin ng isang taon, nasa Grade-12 na siguro siya. Maganda siya, morena, at parang athletic din dahil sa postura niya. Mapapansin mong cheerful siyang tao pero hindi mawawala sa aura niya ang pagiging awtorisado na kapag nagsalita siya sa unahan ay kinakailangan mong makinig.
"As the Student Council President, I am here in to tell you the agenda of this meeting", sabi niya pa. Ah, siya pala ang presidente ng SC. " But before that, my name is Ameruss Faye Garcia, for those who didn't know me yet." pagpapakilala niya. "So, first, we will have the orientation of the school rules and regulations, for the transferees to be aware of it and to remind the old students, as well. Next is the discussion about the Acquaintance Party to be held next week, most probably on Wednesday." Naging maingay ang buong court dahil sa mga bulong-bulungan at may tilian pang kasama ng mga estudyante dito sa loob dahil sa huling sinabi ni Miss President.
"May Acquaintance Party din pala silang hini-held dito 'no? I thought sa bigger universities lang yon" pakinig kong sabi ni Penny sa tabi ko.
"Yeah, gusto kasi ng school na mag-build ng good relationship ang mga estudyante since hindi naman tayo karamihan compared sa ibang universities, kaya nagkaroon ng Acquaintance party ang school", sagot ni Leexie na marahil ay narinig ang sinabi ni Penny.
"Excited ako tuwing AP dahil pwede kong makasayaw ang mga papable na gusto ko, hihi" singit ni Gwayne with matching tawang malandi pa.
"Kaw talaga Gwayne, tumigil ka nga." saway ko sa kalandian niya. Napahagikhik na lang siya.
"That's the most important part of this meeting, we will discuss another agenda if there's any, and if it's necessary. Thank you." sabi ni Ameruss kaya napabalik ang atensiyon namin sa kaniya at tsaka bumaba ng stage at ipinasa ang mikropono sa isang guro.
"Good morning students! We haven't done the orientation yet, so we will discuss it today. Actually, nung Monday pa dapat ito but the teachers and the Student Council have been busy few days ago." sabi niya. Nagsimula na ang orientation ng school rules at regulations. Kung ano ang mga ipinagbabawal sa school at ang mga requirements bilang isang estudyante.
Nadiscuss ni Ma'am na nasa unahan ang tungkol sa proper uniform. Kung paano dapat ang tamang pagsuot nito, ang ayos at ang tamang style o haba ng uniform tulad ng skirts ng mga babae. Gayundin ang sa proper haircut for boys, the No ID, No ENTRY policy, at marami pang iba. Huli niyang diniscuss ang tungkol sa PDA o Public Display of Affection sa loob ng paaralan.
"We don't want seeing our students kissing or doing inappropriate things somewhere inside the school perimeter." sabi ni Ma'am at bahagyang natahimik ang buong court, ngunit kalaunan ay may naririnig akong mga tuksuhan at kantyawan.
"It's okay to date someone or be with your special someone inside the school, but please, avoid doing those things in public, do it in private if you want. We don't hold your decision, it's up to you, BUT, we are encouraging and advising you to think twice of your actions, study first students. Am I understood?" tanong niya sa amin.
"Yes Ma'am!", sabay sabay naman naming sagot. Naiintindihan ko ang pinaparating ng school. Sa panahon kasi ngayon, aminin man natin sa hindi, ay mas nagiging mapusok ang mga kabataan. Kaya marami ang cases ng teenage pregnancy sa bansa.
"Oh, Cap paano ba yan? Wala ka pa ngang bebe, bawal na agad" narinig kong may nagsalita sa likod.
"Gago ka talaga, Pastor!" sagot naman nung isa. Bago pa ako makalingon ay narealize ko na kung kanino ang mga boses na 'yun, kina Nate at Marcus. Nagtawanan naman ang iba nilang teammate dahil sa pang aasar na naman ni Nate.
"Hay nako Kapitan naming walang jowa, hanap hanap din pag may time", narinig ko ang boses ni Drake. Hindi na sila maawat sa kakatawa nila dahil sa pang aasar sa kanilang team captain. Dinig na dinig ko ang kantyawan nila mula dito sa kinauupuan ko dahil isang row lang naman ang pagitan namin.
"Tignan mo 'tong si Madrigal, Cap. Parang pagtae lang niya kung makapagpalit ng babae eh, ambilis pucha!" narinig kong singit na naman ni Nate.
"Ako na naman ang nakita mo, Nate. Nananahimik ako dito oh", sagot sa kaniya ni Kiert.
"Si Francis lang naman tsaka si Joshua may mga jowa sa atin dito ah? Maliban diyan sa babaerong si Madrigal. Makapagsalita kayo eh mga single din kayo mga ugok!" pakinig kong sigaw sa kanila ni Marcus na ikinatawa nila.
"Hindi ka na sana single ngayon Cap, kung hindi mo lang inaaway si idol!" sabi naman ni Drake.
Natigilan ako sa sinabi niya. Ako ba ang tinutukoy neto?
"Oh? Inaano mo ba ML? Walang ginagawa sayo si Leigh", narinig kong nagsalita si Klyde. Saulado ko na lahat ng boses nila kahit pa hindi ako tumingin dahil palagi ko silang naririnig na nag iingay kapag dumadaan sila sa tapat ng room namin.
"Mapanakit si Cap, Klyde. Kaya hindi nagkaka-bebe" hirit na naman ni Nate kaya humagalpak sa tawa ang buong team.
"Umayos ka, pandak ha. Mamaya ka saken", pakinig kong inis na sabi ni Marcus.
Napabuntong hininga na lang ako. Napabalik ang atensiyon ko sa unahan at napag-alamang tungkol sa Acquaintance Party na pala ang dinidiscuss nila.
"So, we will held it on Wednesday, here in the school's covered court. You must prepare dahil next week na 'yon. You will also look for your dates. Wear formal attires, dress for girls and tuxedos, polo or long sleeves sa boys. We do hope na sana lahat maki-cooperate para maging maayos ang flow ng party at maging successful ito." sabi ng gurong nasa unahan.
Pero, what? May date pa? Bakit? Pwede naman pumunta ng mag isa ah?
Natapos ang meeting ng iyon ang nasa isip ko. Who's gonna be my date? I don't have enough boy friends here in Sta. Luciana, so I don't have someone that I can ask.
"Gwayne, tayo na lang partner sa acquaintance ah? Lalayo pa ba ako?" sabi ni Leexie habang naglalakad kami pabalik sa building namin. Inangkla pa niya ang mga kamay sa braso ni Gwayne.
"Kahit talaga baklush ako ay may epekto pa rin pala ang charms ko sa mga babae", sabi ni Gwayne na ikinatawa ko. Baklang 'to.
"Wala lang akong choice", sagot naman ni Leexie na halatang inaasar si Gwayne na inirapan lang siya.
"Mabuti pa kayo settled na, kami ni Penny, haaaay, ewan ko na lang. Ba't pa kasi kelangan ng date date na yan eh, kainis", sabi ko at bahagyang pumapadyak.
"Yeah right. We can go to the party naman without having dates, right? Kaartehan eh", nababanas namang sagot ni Penny. Parehas kaming problemado ngayon.
"No worries. Ang gaganda niyo kaya, for sure bago matapos ang week na 'to may mag-aaya na sa inyo", sabi ni Leexie para pagaanin ang loob namin ni Penny.
Nakarating na kami sa hagdan patungo sa second floor ng building namin. Nasa may pasilyo na kami ng mapansin kong nasa labas ng room namin sina Marcus, Nate, Drake, Draco, at Dustin at parang nagbabangayan. Tinatapik tapik pa ni Nate si Marcus sa balikat niya. Nang makita niya ako ay nakita kong may sinabi siya kay Marcus at agad silang napabaling sa pinanggagalingan namin.
Naririnig kong nag-gogoodluck sila kay Marcus, pero di ko alam kung saan. Nang makalapit na kami sa kanila ay napaiwas ako ng tingin kay Marcus dahil baka ano na naman ang gawin niya. Napahinto sa paglalakad ang mga kasama ko kaya napahinto rin ako dahil sinalubong kami ng grupo nila Marcus.
Bahagya akong nag-angat ng tingin sa kaniya ngunit hindi ako tumititig sa mata niya. Nakikita ko siyang napapalunok at may namumuong pawis sa noo niya.
"U-Uhm..." sabi niya at tuluyang napaangat ang titig ko. Nagkasalubong ang mga mata namin.
"G-Gusto ko s-sanang..." nauutal na sabi niya. Nangyari dito?
"Cap, kaya mo yan. Tapang tapang mo sa loob ng court eh, yakang yaka yan!" sabi ni Drake habang tinatapik ang balikat ni Marcus.
"U-Uh, g-gusto ko s-sanang..."
"Bakit?" maliit na boses na sabi ko dahil sa konting takot na nararamdaman.
"G-gusto ko sanang, y-yayain.."
" G-Gusto, gusto sanang yayain ni Dustin si Pennylie na maging date niya sa Acquaintance Party!", mabilis na sabi niya.
"Ay pota" sabi ni Nate sa likod ni Marcus. Nakita ko ding napa face palm ang kambal habang gulantang na nakatingin ang nanlalaking mga mata ni Dustin kay Marcus.
"O-oo, gusto sanang yayain ni Dustin si Penny, kaso nahihiya siya, diba pre?" sabi niya kay Dustin ay kita kong diniinan niya ang pagkakapisil sa balikat ni Dustin dahilan para mapakislot ito. Napatawa naman sina Leexie at Gwayne sa tabi ko habang si Penny ay kuhang kuha din ang reaksiyon sa mukha ni Dustin. Gulat na gulat din.
"W-What? Why me-ah!" sabi ni Dustin at hindi ko alam pero parang nasasaktan siya. Hindi naman nakatakas sa paningin ko na pinanlalakihan ni Marcus ng mga mata si Dustin habang mahigpit na nakahawak sa braso nito.
"Y-Yeah, P-Pennylie, w-will you be my date?" parang napipilitang sabi ni Dustin.
Siniko ko si Penny dahil matagal siyang hindi nakasagot kaya napatalon siya sa gulat.
"Y-Yeah? I m-mean, yeah! Sure!" sabi niya ng makabawi.
"Bahag ang buntot amputa", pakinig kong sambit ni Drake sa likuran ni Marcus.
"Maya ka sa'min Cap" sabi na din ng kambal niyang si Draco. Napapailing na lang si Nate habang tiningnan sila ng masama ni Marcus. Feeling ko talaga may sasabihin 'tong isang 'to eh.
"T-Thank you", sabi ni Dustin at nagpilit ng ngiti.
"Tara na nga, badtrip", inis naman na sabi ni Marcus at pumasok na sa loob ng classroom. Sumunod na rin kami maya maya lang.
Dumiretso ako sa upuan ko habang pinoproblema pa rin ang makaka-date ko at kung bakit ang strange nina Marcus kanina.
Napatingin ako sa gawi niya at nakita kong nakatitig siya sa akin. Sinubukan kong pilit na ngumiti sa kaniya.
"Aiisshhh!", inis na sabi niya saka ginulo ang buhok at tumalikod sa side ko.
Napangiti naman ako ng mapait. Hindi ko talaga alam ang atraso ko sa lalaking 'to pero ganyan kung makatrato sakin. Bumuga ako ng marahas na hininga.
Hindi ko na lang siguro siya i-aapproach. Tumingin ako sa labas ng bintana, karaniwang gawain ko kapag malalim ang iniisip.
What's with you Marcus Louis? Anong kasalanan ko sayo?
At tsaka, sino ang magiging date ko?