CHAPTER 5: [ HURT ]

2706 Words
LEIGH'S POV You're my Honeybunch, Sugarplum Pumpy-umpy-umpkin, You're my Sweetie Pie You're my Cuppycake, Gumdrop Snoogums-Boogums, You're the Apple of my Eye And I love you so and I want you to know That I'll always be right here— I turned off the alarm clock with my eyes still closed and still on my bed. I glanced at the time and it's 7:30 in the morning and today's Monday. My first class starts at 9:00 so I have enough time to prepare. I remained like that for about 5 minutes more before going out of the bed and went to the comfort room to do my things. After taking a bath, I put my uniform on and fixed myself in front of the mirror. I put all my things inside my backpack before going downstairs for breakfast. I saw Mom in the kitchen probably preparing breakfast for us. Dad is sitting on a single sofa, holding a news paper, while Ace is busy watching TV early in the morning. I kissed Dad's cheeks and greeted him "good morning" as I walked pass by him, the same with Ace. I went to Mom and also did the same. "Good morning, Leigh", Mom greeted back while her attention is on the sandwich she's making. Kumuha ako ng isang pirasong egg sandwich and took a bite on it upon sitting on the chair. Mom also offered me an orange juice as she calls Dad and Ace. Hindi na rin ako nagtagal at tinapos na ang breakfast ko. Mom and Dad is also in a hurry because they will go the the restaurant, few blocks away from our house. Si Ace naman ay iiwan sa yaya niya kasi hindi pa naman siya nag-aaral though tinuturuan na namin siya ng ilang basics dito sa bahay. I kissed Mom and Dad's cheeks and bid my good bye to them while I tapped the head of my little brother and went to the garage to get my bike. Binilhan ako ni Daddy ng bike na pambabae para daw maging service ko papuntang school kasi hindi naman gaanoong malayo. I put my backpack in the basket in front and immediately ride on my bicycle. Ingat na ingat ako sa pagsakay at pagpipidal dahil maiksi ang palda ng uniform namin. After few minutes, I arrived at school and I parked my bike in the parking lot and put a lock on it. Iba na ang sigurado. Habang naglalakad ako papunta sa building namin ay halos lahat ng makakasalubong ko ay nakatingin at animo'y pinag uusapan ako. Karamihan sa kanila ay nakangiti at mababasa mo sa kanilang mga mata ang paghanga. Nagtataka man ay hindi ko na lang pinansin ang tingin at bulungan ng mga tao. Nakayuko lang ako habang naglalakad ngunit nakikita ko pa rin naman ang dinadaanan ko. "Ang galing niya pala 'no? Balita ko transferee siya from Manila", pakinig kong sabi nung babaeng nadaanan ko, marahil magka-batch kami ngunit magkaiba ng strand. Hindi ko alam kung ako nga talaga ang tinutukoy nila o nag-aassume lang ako. "Aikke Leighanne yata ang pangalan niya, narinig ko dun sa mga seniors kanina", sabi naman nung kausap niya. Doon na ako napahinto at napatingin sa kanila. Ako nga ang pinag uusapan nila. Nang magtama ang mga mata namin ay agad nila akong nginitian at saka sila lumapit sa akin. "Hi! Ang galing mo, diba ikaw yung isa sa transferee sa ABM-I?" sabi niya habang ngiting-ngiti. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niyang magaling ako kaya nagpilit na lang ako ng ngiti. "U-Uh, o-oo." nauutal na sagot ko. "Gusto ka lang naming batiin, napaka talented mo naman. By the way, we won't bother you any longer, idol na kita", then they left me dumbfounded. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad habang hindi maalis sa isip ko yung sinabi ng babae kanina. Medyo naiilang na rin ako sa mga tingin ng mga makakasalubong ko. May nakita rin akong napapairap at sinasabing "famewhore" daw ako. Sa sobrang pagkalito at sa maraming tanong na bumabagabag sa akin ay binilisan ko ang paghakbang. Lunes na lunes, bakit ganito? Nakarating naman ako kaagad sa classroom at agad nagsipaglingunan ang mga kaklase ko. Kumpleto na silang lahat, nandoon na din sina Penny, Leexie at Gwayne pati na rin sina Marcus at ang apat pa niyang kasama na kaklase din namin. Napayuko ako lalo ng maghiyawan ang kalalakihan at pumapalakpak din na sinabayan na rin ng karamihan kalaunan. Ngunit hindi nakaligtas sa akin ang masamang titig nina Jane at ng grupo niya. Hindi ko sila pinansing lahat at nagtuloy sa upuan ko sa dulo, katabi si Penny. Pagkaupong-pagkaupo ko ay agad agad na lumapit ang tatlo kong kaibigan. Mababakas sa kanila ang sobrang saya at pagkamangha. Unang nagsalita si Pennylie. "Leigh! Ang galing-galing mo sobra! Hindi ko alam na may tinatago ka palang ganon!" sabi niya at niyugyog ng niyugyog ang magkabilang balikat ko. "Bakla, hindi ka nagsabing pang Tawag ng Tanghalan ka pala" sabi naman ni Gwayne at bahagyang pinalo ang braso ko. "Akala ko talaga mahiyain ka to the max Leigh, pero may ibubuga naman pala" sabi ni Leexie at hinawakan niya ang kamay ko. Lahat na sila ay nakakapit sa akin kaya naman unti-unti kong tinanggal ang pagkakakapit nila. "T-Teka? Ano bang pinagsasabi niyo? Kanina pa yan eh. Papunta ako dito ng mapansin kong ako ang pinagtitinginan at pinag uusapan ng mga estudyante, ni hindi ko naman alam kung bakit. Ano ba kasing meron?" frustrated na tanong ko sa kanilang tatlo. Nagkatinginan silang tatlo at maya maya ay nagsalita si Penny. "Hindi mo talaga alam Leigh? Or baka naman pahumble ka lang?" sabi niya at may mapanuksong ngisi sa mga labi. "Ano ba kasi 'yon? Hindi ko talaga alam", naguguluhan na talagang saad ko. Marahil napansin nila na nagsasabi ako ng totoo kaya nagsalita ulit ang babaeng katabi ko. "Leigh, look." sabi niya habang pinapakita ang cellphone niya sa akin. "Your video, singing a song last night while playing guitar was all over the internet!" sabi niya at pumalakpak na tila nanalo sa lotto. "W-what? Oh, my." nanlalaking mga matang sabi ko sa kanila habang nakatakip ang dalawang kamay sa bibig. Kinuha ko ang phone ni Penny upang tingnan ang sinasabing video. Yung video iyon na kuha kagabi nang kantahan ko si Gainne! Nakita kong si Gainne ang nagpost at naka-tag sa akin na may caption na "A beautiful singing goddess". Halos 25K na ang reacts no'n at may 10K comments at 3,000 shares. Hindi pa rin mabura sa mukha ko ang pagkagulat dahil sa nalaman. Nakita iyon ng buong klase dahil halos lahat sa kanila ay inaccept ko kagabi kaya makikita at makikita nila iyon lalo pa't naka-tag sa akin at malamang sa malamang shinare nila ang video ko kaya nalaman ng buong school. Hindi ko inaakalang ipo-post iyon ni Gainne. Kaya pala ganon na lang ang tingin ng mga tao sa akin kanina, kaya pala puro paghanga ang makikita ko sa mga mata nila, at kaya pala tinawag akong idol nung babae at famewhore rin sabi nung iba. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil doon. Napayuko na lang ako sa desk ko at isinubsob ang mukha ko sa aking mga braso. "Oy, girl bakit ganyan ka maka-react? Ayaw mo ba nun? Sikat ka na", pakinig kong sabi ni Gwayne. Mas lalo kong ibinaon ang mukha ko sa aking mga braso. Yun nga eh, sikat na. Ayuko maging sikat. Ayukong napapansin ako palagi. Gusto ko yung tahimik na pagpasok lang kada araw. Hindi ko kelangan ng atensiyon dahil mas lumalaki ang tiyansang pagtuunan na naman ako ng pansin at mangyari ang nangyari noon. "No", iyon na lang ang nasabi ko. "Huwag ka ng emo diyan Leigh, wala ka nang magagawa, nakita na ng karamihan eh. Tsaka ang galing galing mo nga dito oh! Bagay na bagay sayo yung caption!" sabi ni Penny habang tinatapik tapik ang balikat ko. "Tsaka ang cute mo pag naggi-guitar Leigh! You're pajama also looks cute! You seemed to be so much fond of blue, huh" komento din ni Leexie. Napabuntong hininga na lang ako at inayos ang sarili. Wala na nga siguro akong magagawa. Hindi ko naman kayang magalit sa pinsan ko, tsaka useless din kung magagalit ako sa kaniya. Maybe I'll just deal with the consequences of this act. "Potek, ikaw na talaga idol! Ikaw na!" sabi ng isang boses kaya napatingin kami sa banda ng pinanggalingan ng boses. Si Draco pala ang nagsalita, kasama niya sina Drake, Nate, Dustin at Marcus. Nagkukumpulan sila sa upuan ng seryosong nakatingin saking si Marcus. "Nakanampucha! Maiinlab ka talaga sa boses, diba? Tapos naggi-gitara pa! Hanep!" sabi ni pandak este Nate. Namumula ang pisnging napayuko ako. Ito na nga ba ang ayaw ko eh, yung natutuon sa akin ang spotlight. The more kasi na nakikilala ka, the more na maraming maiinggit at manghihila sayo pababa. "Ikaw, Cap? Hindi ka ba maiinlab sa ganoong boses at talento? Aba'y napakabobo mo Cap kung ganon!" sabi na naman ni Nate. Nagsisimula na naman siya sa pang aasar. Agad siyang nakatikim ng batok mula kay Marcus kaya nagtawanan ang mga kaklase naming nakakita pero syempre mas malakas ang sa mga kasama nila. "Maka-bobo ka Pastor! Huwag mo kong tawaging bobo baka pamisahan kita diyan!" sagot naman ni Marcus at naghagalpakan sa tawa ang lahat kasama nina Penny. "Asus, nililihis mo lang usapan Cap eh. Sabi ko kung magkakagusto ka sa ganon, bigla ka na lang nambabatok diyan!" pasinghal na sabi ni Nate kay Marcus. "Eh because you said bobo si Captain. You're the bobo here, Nate", sabat ng Fil-Am na si Dustin na medyo nahihirapan pa sa pagtatagalog. "Sumabat ka sa usapan kano, kapag straight ka na magtagalog!" kantyaw naman pabalik ni Nate. Ayaw talaga patalo. "Oy, oy. 'Di pa nakakasagot si the Flash eh. Oh ano Cap? Bet mo si idol ko no?" hirit ni Draco habang nakadipa ang mga kamay na tila pinipigilan si Nate at Dustin sa pagsasalita. "Wala na, wala na. Natameme na si Kapitan!" kantyaw ni Drake dahil sa hindi nagawang pagsagot ni Marcus. Hindi ko alam pero may kung ako sa loob ko na gustong marinig ang isasagot ni Marcus. Napatingin ako sa kaniya at naabutan kong nakatitig din siya sa akin. Seryoso ang kaniyang tingin hindi katulad kapag nakikipagtawanan siya sa mga tropa niya. Bakit kaya ganiyan siya sa akin? Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. "Hindi." Natahimik ang lahat ng nagsalita si Marcus habang may ngisi sa kaniyang mukha ngunit seryoso pa rin ang mga mata. Narinig kong napatawa si Jane at ang grupo niya sa isinagot ni Marcus. "I told yah. Marcus will not fall for the cheap ones", maarteng saad niya na may mapang-asar na ngisi sa labi habang nakatuon ang tingin sa akin. Napakunot ang nuo ko. Ano naman ngayon? "Hindi ako basta-bastang nahuhulog sa kung sino-sino lang, alam niyo yan." Napabaling ulit ang tingin ko kay Marcus dahil sa sinabi niya. Nagkasalubong ulit ang titig naming dalawa at hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. Napa 'ooohhhh' naman ang mga kaklase ko dahilan para lalong tumawa sina Jane. "Mas gugustuhin ko pang tumanda ng mag-isa, mamatay ng walang kasama kesa magkagusto sa kaniya", walang prenong sabi ni Marcus at napa 'oooww' ang mga nakikinig na akala mo'y nasaktan sila sa sinabi niya. Habang tuluyan ng napalatak sa tawa ang grupo ng Queen Bee. Nakaramdam ako ng matinding sakit sa loob ko at napalunok sabay yuko ng ulo. Naramdaman kong hinawakan ni Penny ang kamay ko ganun din ang ginawa ni Leexie habang hinihimas ni Gwayne ang likod ko upang pakalmahin ako. Mas masakit pa ang naranasan ko noon ngunit hindi ko maintindihan ang sakit na bigla-bigla ko na lang naramdaman dahil sa sinabi niya. Ano naman kung hindi siya magkakagusto sakin? Eh hindi ko rin naman siya gusto? Pero mali rin na sabihin niya iyon sa harap ng maraming tao, kahit pa sabihing sanay na ako sa ganitong pamamahiya. Hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling ang galit niya sa akin. Sa pagkakatanda ko, wala akong ginagawang masama sa kaniya. Inangat ko ulit ang tingin ko at muling nagtama ang aming tingin. Walang pinagbago ang reaksiyon niya. Nanatiling blangko ang mukha na tila hindi man lang nabagabag sa sinabi niya sa akin. Para siyang isang bato na hindi man lang nakaramdam ng awa pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Parang anlaki ng galit niya sa akin para sabihin ang mga katagang 'yon sa harap mismo ng buong klase at ipahiya ako. Hindi rin naman ako ang nagtanong kung magkakagusto ba siya sakin, ang tropa niya naman. Wala naman akong kinalaman sa ginagawa nila. Ang mali ko lang ay ang makinig sa pinag uusapan nila at ang kakarampot na pag asang hindi ko alam kung saan nagmula. Nangilid ang luha ko sa hindi malamang kadahilanan. Hindi na dapat ako nagpapakamahina ngayon, wala pa ito sa naranasan ko noon pero hindi ko mapigilan ang pagsigid ng sakit sa loob ko. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong nagtitinginan ang mga kaibigan ko at ganon din ang mga kaibigan niya. "Cap, sobra naman ata. Bakit mo naman sinabi kay idol 'yun?" tanong ni Draco na nakatuon ang naaawang mga mata sa akin. Hindi. Hindi dapat nila ako kinakaawaan. Walang nakakaawa sa akin. Wala. "Cap, magsorry ka. Kami naman 'yong may kasalanan eh. Nananahimik lang naman si Leigh." nakokonsensiyang saad ni Nate. Huwag niyo akong kaawaan! Nalagpasan ko na yan noon! Pilit kong sinasabi iyan sa utak ko na akala mo'y maririnig nila. Naghalo-halo na ang emosyon sa loob ko. Sakit, inis, pagkadismaya at ang mga alaalang pilit kong tinatakasan mula ng bumalik ako sa lugar na 'to. Bago pa makapagsalita si Marcus ay inunahan ko na siya. "Hindi rin naman ako magkakagusto sa isang tulad mo. At walang may nagsabing gustuhin mo ang tulad ko" matapang ngunit malamig ang boses kong sabi na titig na titig sa kaniya, saka ko kinuha ang bag ko at lumabas sa room. Narinig ko pang tinatawag nila Penny ang pangalan ko ngunit hindi ako lumingon. Habang naglalakad ako ay doon na tuluyang bumuhos na parang poso ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang emosiyon kong 'to, kung sa trauma ba dahil sa nangyari noon, o sa bagong frustrations na kinakaharap ko ngayon. I need to cool down myself that's why I went to the comfort room. Mabuti at walang tao dahil siguro nagsisimula na ng klase ang iba. Humarap ako sa salamin sa sink pagkapasok ko at nakita ang bahagyang namamaga kong mga mata. Napangiti ako ng mapait ng makita ang dating Leigh na palaging kinakawawa noon. Agad akong naghilamos upang mabawasan ang pamamaga ng mata ko. Pagkatapos ay hinayaan kong dumaloy lang ang tubig sa mukha ko at hindi ito pinunasan. I need to be strong. Not everytime may tutulong sa akin kagaya noon. Hindi sa lahat ng oras ay may sasaklolo sa atin kapag nasa mahirap na sitwasyon tayo. Sometimes, we need to face our fears and problems all by ourselves. Nang kumalma na ako at naibuhos ko na lahat ng frustrations ko ay napagdesisyonan kong bumalik na sa classroom. May 5 minutes pa bago mag 9:00 kaya malamang wala pa kaming teacher sa loob. Matapang akong pumasok sa room na parang walang nangyari ngunit bakas pa rin ang pamumula at pamamaga ng mga mata ko dahil sa kaiiyak kanina. Agad silang natahimik at sinusundan ng tingin ang bawat paghakbang ko. Dire-diretso akong umupo sa upuan ko ng hindi tumatama ang tingin sa kahit na sino. Alam kong nakatuon pa rin ang tingin ng lahat sa akin pero pinili kong balewalain iyon. Nakikita ko rin sa gilid ng mga mata ko na nakatingin sa akin si Marcus ngunit gaya ng iba ay hindi ko siya pinadapuan ng tingin, miski isang sulyap. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana hanggang sa dumating ang aming guro. Hindi ako mahina, hindi na ako mahina. Malakas na ako, mas malakas na ako ngayon. Paulit ulit na sabi ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD