Chapter 1
Christmas is over at may klase na ulit.
Mapayapang nanonood ako sa t****k ng mga random videos ng biglang tinawag ako ng kaklase ko, magpapatulong raw mag-print ng nga ppt.
" Lzytly, ano nga ulit pangalan nang crush mo?" Bigla-biglang tanong ng kaibigan kung nangngalang Kerzhi sa akin.
" S, Bakit?" Sabi ko sa kanya at nilingon siya, at alam ko na hindi ko sinagot ang tanong niya.
Ang babaeng toh, bigla-bigla lang nagtatanong, ang random pa. Akala ko ba nilalandi ng babaeng ito yung darling niya.
" Pangalan ang tinanong ko, hindi first letter ng name " Masamang tingin ang iginawad nito sa akin na pinalabasan ko lang ng dila.
" Bahala ka nga diyan, magkapareha lang naman yun " Sabi ko sa kanya, kahit alam kung tama nga naman ang sinabi niya. Ibinalin ko ang tingin sa printer ang atensyon ko.
" Mukha mo..... Sige, anong last name? " May halong inis na tanong ulit nito sa akin.
" Same last name nang isa sa mga kaklase natin " Sagot ko ulit sa kanya at alam ko na mas lalo itong nainis sa akin.
" Ang vague mo naman! Sabihin mo na lang kasi! " Inis na inis na sikmat nito sa akin na kinatitingin ko ulit sa kanya.
" Eh ayaw ko nga, kulit mo naman Kerzhi " Nakangusong sabi ko sa kanya. Mas lalo nitong sinamaan ako ng tingin na kinangingiti ko lang.
Binalik ko ulit ang atensyon ko sa printer at laptop dahil malapit na ring matapos ang vacant namin.
" Lzytly, sino rito? Stephen? Or si Nixon? " Mabilis pa sa alas kuwatro na lumingon ako sa kanya na ngayon ay hawak-hawak ang cellphone ko.
Anong...... Kerzhi!!!
" Ah... " Kabadong naglakad ako sa kanya at pinatong ang siko sa kanyang ulo dahil nakaupo siya sa kanyang upoan.
" Si ano.. " Alerto ako sa paligid habang tinitingnan ang screen nga cellphone ko.
" Ito siya.. " Turo ko sa pangalan nang taong gustong-gusto ko.
" So.... " Curious na tiningnan ni Kerzhi ang screen nga cellphone ko at tiningnan ako.
"Crush mo si Stephen? " May kung anong kislap ang mata nito habang nakatingin sa akin. Tinangoan ko lang siya dahil walang salita ang lumalabas sa bibig ko ngayon.
" Sino? "
Putangina...