2-COLD

1692 Words
Eliza's POV MAAGA akong nagising para asikasuhin ang breakfast. Hindi ko pa masyadong kabisado ang loob ng kusina pero nagawa ko naman hanapin ang mga gamit na kailangan ko. Walang maid ngunit mayroong hardinero, security guard at ang balita ko araw-araw lang may pumupunta dito para maglinis nitong mansion. Pagkatapos kong gumawa ng breakfast pinuntahan ko na kaagad si Keanne sa kwarto namin para gisingin. Nadatnan ko siyang nakadapa pa at mukhang tulog na tulog pa. Dahan-dahan ko siyang nilapitan sa kama para umupo. Dahan-dahan ko rin inilapat sa kaniyang balikat ang aking kamay. "Love..." pabulong na tawag ko. Hindi pa rin ito nagising. Kaya sunod-sunod kong niyugyog ang kaniyang mga balikat. "Love... good morning." bati ko nang gumalaw ito. Napangiti ako. Sinalubong ko siya ng halik. Nagulat pa siya sa ginawa ko habang kinukusot ang kaniyang mga mata. "Good morning love..." muli ay bati ko sa kaniya ngunit wala siyang isinagot sa akin kun 'di ang malamig niyang mga tingin. "Love... pagkatapos ng breakfast saan tayo pupunta? Mamamasyal ba tayo or mag-iibang bansa tayo for our honeymoon?" binalewala ko ang pagiging cold niya sa akin. Baka inaantok pa siya. Nakangiti pa rin akong nakatingin sa kaniya. Wala pa rin siyang tugon. Tiningnan niya lang ako na parang balewala lang sa kaniya ang mga sinabi ko. Kailanman ay hindi niya pa nagawa sa akin noong magkasintahan pa lang kami. Hindi niya ako binabalewala noon kaya nakakapagtaka talaga mga kinikilos niya. "Hindi tayo aalis, Eliza. Dito ka lang dahil ngayon din ay papasok na 'ko sa kompanya." Tumayo ito sa kama. Binalewala niya ang paglalambing ko. Ni-walang sagot sa pagbati ko. "Papasok ka na? Honeymoon pa lang natin, love... kakakasal lang natin kahapon. Hindi ba puwedeng samahan mo muna ako dito?" Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin ng balingan niya ako. "Hindi ka na bata para samahan pa kita buong maghapon Eliza." tipid na sagot niya tsaka muling tinalikuran ako. Tumayo ako para sundan siya. "Keanne, tapatin mo nga ako? Bakit ka ba nagkakaganiyan? Pinakasalan mo lang ako naging ganiyan ka na? Hindi mo na ba ako mahal? Nagbago ba ang pagtingin mo sa akin ngayong kasal na tayong dalawa?" I confronted him. Wala talaga akong idea kung bakit nagkakaganito siya? "Eliza, pwede ba? Kung tatanungin mo lang naman ako ng tatanungin? Mas mabuti pang aalis na lang ako." Tinalikuran niya kaagad ako para magtungo na sa banyo. Tinawag ko siya ngunit hindi niya ako nilingon. Bumagsak na lamang ang aking mga balikat. Kailangan ko ng kasagutan. Mababaliw ako sa kaiisip kung anong naging kasalanan ko sa kaniya para maging ganito siya sa akin. Hinintay ko na lamang ang paglabas niya. Paglabas nga niya ay tanging tuwalya lamang ang nakapulupot sa bewang niya. " Ano pa ginagawa mo diyan?" masungit na tanong nito sa akin. "Hinintay kita. Huwag mo ng isipin pa yung sinabi ko kanina. Siguro naninibago lang ako sa mga kinikilos mo. Masasanay rin ako. Magbihis ka na kakain na tayo." pinilit kong ngumiti sa kaniyang harapan kahit ang sakit na sa dibdib ng pambabalewala niya sa akin. Hindi na lamang ako nagtanong pa dahil baka mas lalo lamang hahaba ang away namin. "Hindi ako kakain, sa office na ako kakain. Kumain ka na lang. Huwag mo na rin akong hintayin mamayang gabi. Baka hindi ako makakauwi ng maaga." bilin nito na nagpabagsak sa mga balikat ko. Pinunasan ko na lang ang luha na tumakas sa aking mga mata. CEO ng sariling kompanya si Keanne Salvatorri. Pag-mamay-ari niya ang Lux Hotel, Lux Bar & Restaurant. Hindi lang 'yon, alam kong meron pang iba. "Hihintayin kita mamayang gabi. Kahit sinabi mong hindi ka uuwi ng maaga hihintayin pa rin kita." sabi ko. Pinipilit kong huwag pumiyok ang boses ko. Dahil sunod-sunod ng tumulo ang luha ko. Hindi niya nakikita iyon dahil nakatalikod siya sa akin. "Bahala ka." Tuluyan na itong pumunta sa wardrobe. Umupo ako sa kama at doon ko inilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ngunit sandali lang dahil lumabas rin kaagad ako sa kwarto. Hindi ko na hinintay na matapos sa pagbibihis si Keanne. Makikita pa niya akong umiiyak. Hinintay ko na lamang siya sa kusina ngunit ilang oras na akong naghintay pero walang Keanne na pumasok sa dining area. Nasaan na siya? Nang napagpasyahan kong puntahan siyang muli sa kwarto ay wala na siya. "Keanne..." tawag ko. Ngunit wala talagang sumasagot. Nakaalis na siya? Hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Bumagsak na lang ang mga balikat ko at unti-unting napaupo sa sahig. Nagbago na talaga siya. Wala man lang kahit halik sa pisngi ko bago siya umalis. Ano ba ang problema, Keanne? Ano bang nangyayari sa 'yo? Sa halip na honeymoon namin ngayon pero ito ako mag-isa at malungkot pa. Gumawa na lamang ako ng paraan para mapasaya ang sarili. Buong maghapon kong pilit na ini-enjoy ang sarili. Na-miss ko lang yung dati. Nang dumilim na ay pumasok ako sa kwarto para maligo. Nagbabad ako sa bathub pagkatapos ng isang oras yata pagkatapos ay lumabas na sa banyo. Mahigit fourty minutes din pala akong nagbabad sa bathub. Kinuha ko sa wardrobe ang itim na lingerie. Regalo iyon sa akin ng bestfriend ko, si Janica. Sinubukan kong isuot. Kitang-kita ang kagandahan at hubog ng aking katawan. Nangibabaw rin ang aking maputing balat. Expose ang aking mapuputing nga hita. Lace pa ang tela kaya medyo nakikita ang loob. Hindi na ako nagsuot pa ng bra. Thong naman ang suot ko pang-ilalim. Kung walang nangyaring honeymoon kagabi. Baka ngayon meron na. Usapan namin noon ni Keanne na kapag kasal na kaming dalawa tsaka ko lang ibibigay sa kaniya ang aking p********e at nirespeto niya iyon bilang aking desisyon. Sa three years namin magkasintahan ay halik at haplos lang ang nagagawa niya sa akin. Nakakalimot man kami sa sarili pero naibabalik rin naman kaagad sa pag-iisip kaya kaagad kaming tumitigil kapag nasa sukdulan na kaming dalawa. Mabuti nga at napipigilan pa niya ang mga ganoong pangyayari. Inspired na inspired akong mamitas ng gumamela sa harden. Lumabas pa rin ako kahit madilim na. Dinoblehan ko lang ng roba ang suot kong lingerie. Kumuha lang ako ng gumamela at pinagpipitas ang petals para ikalat iyon sa sahig ng kwarto namin ni Keanne. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang romantic candles. Siguro naman matutuwa si Keanne dito. Pagkatapos kong maiayos ang lahat, tinawagan ko kaagad si Keanne ngunit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Bumaba ako para uminom ng tubig. Hanggang sa mapagod kahihintay sa kaniya sa sala kaya napagpasyahan kong umakyat na ulit at hintayin na lang siya sa kwarto. Hinubad ko ang roba at inihagis sa kama. Nang maihagis ko na iyon ay sinulyapan ko ang wall clock. Alas onse na pala ng gabi hindi ko namamalayan ang oras sa kahihintay sa aking asawa. Hindi rin ako inaantok. Hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pintuan nitong kwarto. Kaagad akong napalingon sa pinto. Tumambad sa aking harapan ang aking asawa. Nagkasalubong ang aming mga tingin. Bumaba ang tingin niya sa aking dibdib. Napansin ko ang kaniyang paglunok. "Love..." nakangiting bati ko tsaka sinalubong siya. Tumakbo ako palapit sa kaniya at niyakap. "Surprise!" nakangiting sabi ko sa kaniya. Bumaling ang tingin niya sa sahig na halos mapuno ng mga petals hanggang sa dumapo ang kaniyang paningin sa mga romantic candles. "Nagustuhan mo ba love?" nakangiting tanong ko sa kaniya. Hindi siya umimik. Bumalik ang tingin niya sa akin. Seryoso at walang bakas na tuwa na makikita sa kaniyang mga mata. Tinaasan ko pa rin ang aking pasensya. "Love..." mahina at mapanukso na tawag ko sa kaniya. Lumayo ako ng bahagya sa kaniya tsaka ko hinawakan ang strap ng lingerie. Unti-unti ko itong pinadulas sa aking balikat para hubarin ito. Maghuhubad na naman ulit ako sa kaniyang harapan. Napaawang ang labi niya nang mahubad ko ng tuluyan ang aking suot na lingerie. Napangiti ako dahil pakiramdam ko unti-unti na rin siyang naaakit. "Keanne..." I murmured as I stepped closer to him. I caressed his face and then kissed his lips. There was no response from him. I guided his hands to my chest, but Keanne remained like a statue. Ayaw man lang haplusin ang dibdib ko. Nasasaktan ako sa ginagawa niya. Naninikip ang dibdib ko sa mga pinaparamdam niya sa akin. Kahit isinusubo ko na sa kaniya ang sarili ko pero ayaw pa rin niya. "Keanne, please touch me. Caress me. I'm your wife. I'm all yours." "Stop it, Eliz!" hinawi niya lang ang kamay kong nakahawak sa mga pisngi niya. Lumayo rin siya sa akin. "Magdamit ka nga!" singhal niya sa akin. Pakiramdam ko tuloy nandidiri siya sa akin. "Keanne... ginagawa ko na lahat ayaw mo pa din! Ano bang problema? Ayaw mo na ba? Ayaw mo na ba sa akin? May iba ka na ba? Pangalawang araw pa lang natin bilang mag-asawa pero pakiramdam ko nandidiri ka sa akin. Ayaw mo 'kong halikan, ayaw mo rin akong hawakan! Para akong may sakit na nakakahawa na ayaw mong lapitan." sigaw ko sa kaniyang pagmumukha. "Huwag ngayon, Eliz. Wala ako sa mood para makipag-s*x sa 'yo." mahinahon lamang niyang sabi. Napailing ako. "Hindi lang ito s*x, making love ang tawag---" "Matulog ka na Eliz!" hindi niya ako pinatapos. "Tsaka na lang natin gagawin ang gusto mo." Tinalikuran niya na naman ako. Sinundan ko siya at kaagad hinila ang kamay niya. "Keanne... ano ba?" sigaw ko sa kaniya habang hawak ko pa ang kamay niya. Ako na ang gumawa muli ng moves para halikan siya ngunit sa pangalawang pagkakataon ay itinulak niya ako. "Enough, Eliz! Nagmumukha ka ng desperadang asawa!" sigaw niya sa aking pagmumukha. Tumulo ang luha ko sa binitawan niyang salita. Ngunit wala pa rin akong pakialam sa mga sinabi niya, sa mga ginagawa niya sa akin. Muli ko na naman siyang hinalikan at sa pangatlong pagkakataon na iyon ay itinulak niya ako ng malakas dahilan para bumagsak ako sa sahig. "Aw!" napangiwi ako sa sakit ng likod ko na tumama sa sahig. Ngunit wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman kong sakit sa likod nang makitang tinalikuran lang niya ako. Balewala sa kaniyang nasaktan ako dahil sa pagtulak niya. Wala man lang akong nakitang pag-aalala sa kaniyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD