3- THE PAST

1227 Words
Third Person POV Nakaupo si Keanne Salvatorri sa kaniyang swevil chair nang mapansin niya sa kaniyang table ang tabloid na naglalaman ng balitang ikinasal na siya. Tumambad sa kaniyang paningin ang litrato nilang dalawa mag-asawa. Litrato nilang dalawang nasa harap ng altar kaharap ang Pari. Tinapunan lamang niya ito ng tingin tsaka pinindot ang intercom. Tinawag niya ang kaniyang assistant. "Joana, pumunta ka dito ngayon din!" maawtoridad niyang sabi. Ilang minuto lumipas dumating si Joana. "Sir, may iuutos po ba kayo sa akin?" magalang na tanong nito. “Alisin mo nga ito sa harapan ko." tukoy ni Keanne sa tabloid na nasa ibabaw ng kaniyang table. "I don’t want to see any photos of my wife on my table. Is that clear?" maawtoridad niyang sabi sa kaniyang assistant. "O-opo, sir." bakas ang pagkalito sa mukha ni Joana, ang assistant ni Keane Salvatorri. Kaagad itong lumapit para kunin ang tabloid. "P-puwede po bang malaman, sir kung bakit? A-asawa niyo naman po yung—" "Shut up! Alisin mo na lang 'yan sa aking paningin!" "O-okay po, sir." mabilis na kumilos si Joana para alisin ang news paper sa kaniyang table. "Alisin mo na rin 'yang mga picture frame sa table ko." Muling natigilan si Joana at napatitig sa CEO. Hindi maintindihan kung bakit ganito na lang ang galit ng CEO sa mga litrato ng asawa. "S-sir, sigurado po ba kayo? Y-yung litrato po ni ma'am Eliza?" Ang alam ni Joana, mahal na mahal ng kaniyang boss ang asawa nito. Dahil saksi siya sa pagmamahalan ng dalawa noong magkasintahan pa lang ang mga ito. "Didn’t you hear me, Joana? Remove all the picture frames of my wife! Is that so hard to understand?" "O-opo, sir." muntikan pa matapisod sa pagmamadali si Joana. "Sir, itatago ko po ba ang mga ito?" inilagay ni Joana sa isang box ang mga picture frame. "Throw them away or burn them. I don’t care kung anong gagawin mo sa mga 'yan, basta't ayoko ng makita ang mga 'yan sa opisina ko.” "C-copy po, sir." kandautal-utal na sagot ni Joana habang patuloy ang pagpasok ng mga litrato sa box. ---- Malaki ang ngiti ni Keanne Salvatorri habang nakaharap sa salamin. Sa wakas. Ikakasal na siya sa babaeng mahal na mahal niya. Katatapos pa lamang siyang ayusan ng kaniyang make-up artist nang biglang tumunog ang cellphone sa ibabaw ng mesa. Napakunot ang kaniyang noo nang makita kung sino ang tumatawag, ang kaniyang private investigator. Nag-alinlangan siyang sagutin ang tawag nito. Hindi ito ang tamang oras para makinig sa ano mang imbestigasyon. Ito ang pinakamasayang araw ng buhay niya at ayaw niyang masira iyon. Ngunit dahil paulit-ulit itong tumatawag, wala siyang nagawa kundi sagutin ito. “Yes?” tipid niyang sagot na may halong inis. “Mr. Salvatorri…” sambit ng lalaki sa kabilang linya. “Yes, it’s me. Do you have any news?” “Meron, Mr. Salvatorri. Magugulat ka sa malaking rebelasyon na ibabalita ko sa ’yo.” “Ano iyon? Sabihin mo na. Nagmamadali ako. Kasal ko ngayon at ayokong masira lang ang araw ko...pero dahil tumawag ka na rin lang, makikinig ako.” “Pasensya ka na, Mr. Salvatorri, pero napakahalaga nito. Tungkol ito sa babaeng anak ng mga taong pumatay sa mga magulang mo.” Mukhang masisira nga yata ang araw niya. Narinig niya pa lang ito uminit na kaagad ang ulo niya. Hinding-hindi niya mapapatawad ang mga taong pumatay sa mga magulang niya. Isinumpa niya iyon noong bata pa lang siya at nangako siyang babalikan niya ang anak ng taong pumatay sa mga magulang niya para ito ang paghigantihan. "What about her? Nahanap mo na ba ang babaeng ipinahanap ko sa ’yo?” nagtagis ang kaniyang mga bagang. “Matagal mo na siyang nahanap, Mr. Salvatorri.” “What do you mean?” “Si Eliza Feister, ang babaeng pakakasalan mo ay anak ng mga taong pumatay sa mga magulang mo.” “What?” His voice echoed around the corner. Biglang nanlambot ang kaniyang mga tuhod at halos mawalan siya ng lakas na hawakan ang cellphone. “P-paano mo nasisigurong siya nga?” umigting ang kaniyang panga. “Nakita ko ang mga rekord niya at nagtanong na rin ako sa ampunan na pinanggalingan niya. Inampon siya ng mag-asawang sina Mr. and Mrs. Feister. Sila ang nagpalit ng pangalan niya bilang Eliza Feister.” mahabang paliwanag ng private investigator. “f**k!” mariing naikuyom ni Keanne ang kaniyang kamao. “Bakit ngayon mo lang nalaman ito? Tatlong taon na at ngayon ko lang malalaman kung kailan ikakasal na kami?” puno ng pagkasuklam na sabi niya. “I-I’m sorry, Mr. Salvatorri.” “f**k!” bigla niyang ibinalibag ang cellphone. Tumama ito sa pader bago bumagsak sa sahig. Unti-unti siyang napaupo sa sahig, tila nawalan ng lakas. “f**k!” nasabunutan niya ang sariling buhok dahil sa galit. Nag-aalab pa rin ang galit sa dibdib niya, kahit pa ang babaeng tinutukoy ng private investigator ay ang sarili niyang kasintahang si Eliza. Tatlong taon silang magkasama, at ngayong araw pa mismo ng kasal niya malalaman ang lahat. How could he love the daughter of the people who murdered his parents? Kailanman ay hindi niya mapapatawad ang mga taong pumatay sa kaniyang mga magulang If marrying Eliza was the way for him to get his revenge, he would do it. He would marry Eliza, but he would never treat her as his wife. Kung pagmamahal ang pag-uusapan. Kailanman ay hindi matutumbasan ng pagmamahal ang galit na naglalagablab sa kaniyang dibdib. ---- Eliza's POV NAPAGOD ako sa paglilinis ng sala, kusina at iba pang kwarto dito sa mansion na hindi ginagamit. Buong araw yata akong naglinis. Sa halip na honeymoon namin ngayon ni Keanne ito ako nagpapakapagod maglinis ng mansion. Ayaw ko rin kasi nakikitang may dumi. Kaya hindi rin ako mapakali. Inilipat ko na rin nga ang ibang gamit dito sa sala. Yung iba itinapon ko na. Luma na kasi at mga sira na. Siguro wala lang oras si Keanne na itapon yung mga lumang gamit kaya hindi niya nagagawang itapon. Sa wakas! Nakapagpahinga rin. Umupo ako sa couch at napasandal. Napatingala sa chandelier. Ipinikit ko ang aking mga mata. Napaigtad pa nga ako ng marinig ko ang pag-ring ng telepono. Ngayon lang may tumawag sa linya ng telepono. Tumayo kaagad ako para puntahan ang telepono. Pawis pa ang mga kamay ko na dinampot ang telepono. Pinagpawisan kasi ako. Nauna na ngang natuyo ang likod ko kaysa sa kamay ko. "Hello?" sagot ko. "Eliz..." Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang boses ng asawa ko. Bigla na lang akong napangiti na parang baliw dahil nga narinig ko ang boses niya. "Keanne.." sambit ko. Abot tainga ang mga ngiti ko sa mga oras na ito. "Tumawag ako para sabihin sa 'yong ilipat mo ang mga gamit ko." "Huh?" napaawang ang labi ko. "Ilipat mo ang mga gamit ko sa ibang kwarto. Bingi ka ba? Hindi nalilinis ang ibang kwarto sa mansion kaya linisin mo muna." Akala ko kung ano ng sasabihin niya. Hindi ko inaasahang 'yon lang pala ang ibibilin niya. "N-naglinis ako kanina, Keanne. . .p-pero bakit lilipat ka pa sa ibang kwarto? M-mag-asawa naman tayo ah?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Para akong may sakit na ayaw niyang lapitan o tabihan. "Mag-asawa nga tayo, Eliz...but do you know that marrying you was the biggest mistake I’ve ever made?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD