Eliza's POV
Ilang oras na akong naghihintay dito sa sala, but Keanne still hasn’t arrived. Ilang beses na akong napahikab dahil sa antok pero nilalabanan ko.
I wanted to welcome my husband pag-uwi niya, pero anong oras na wala pa rin siya. Sinulyapan ko ang wall clock. Alas-dose na pala pero hindi pa rin dumarating ang asawa ko.
Hindi ko tuloy maiwasang kabahan.
“Keanne, where are you?” bulong ko, hindi ako mapakali. Tumayo na lamang ako at tinawagan siya, pero walang sumasagot.
I just wish he would call or text me, kahit sabihin lang na hindi pa siya makakauwi. Mas lalo tuloy akong kinakabahan, baka may nangyari na sa kaniya.
Humiga na lang ako sa couch, at hindi ko namalayang tuluyan na pala akong nakatulog
.
Kinabukasan, nagising akong nandito pa rin sa sala.
Kaagad kong naalala si Keanne. Mabilis akong tumayo at nagtungo sa kwarto.
Why didn’t he even wake me up? Sana ginising man lang niya ako.
Napahikab akong tumayo mula sa couch at tinahak ang aming kwarto. Pagdating ko roon, katahimikan ang sumalubong sa akin.
Ibig sabihin, wala pa rin ang asawa ko.
Umaga na, pero wala pa rin siya. Where did he go? Saan siya natulog?
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan na naman siya. Paulit-ulit lang ang ringpero hindi pa rin niya sinasagot.
Why isn’t he home yet?
Nagmadali akong lumabas ng kwarto papunta sa sala. Binuksan ko ang pinto at sumilip sa labas,wala roon ang sasakyan niya. Pumunta rin ako sa garahe, pero wala rin doon ang kotse niya. Doon ko nakumpirma na hindi pa talaga umuuwi ang asawa ko.
Bumalik na lang ulit ako sa loob at nagtungo sa kusina. Nagluto ako ng ulam at inilagay iyon sa lunch box.
Pagkatapos magluto, pumunta ako sa aming kwarto para maligo. Ilang minuto lang tapos na rin. Mabilis akong nagbihis ng panlakad, I decided to go to my husband’s office.
Siguro may tinatapos lang siya, kaya hindi siya nakauwi kagabi.
I want to stay positive even though my husband is ignoring me.
Nag-commute lang ako papunta sa opisina ni Keanne. Hindi naman ito ang unang beses dahil noong magkasintahan pa lang kami, dalawang beses, tatlo, o higit pa akong nakapunta roon sa opisina niya.
Sa totoo lang, hindi ko na mabilang kung ilang beses, kaya kilalang-kilala na ako ng mga empleyado ng kompanya.
Pagdating ko, dumiretso agad ako sa opisina ng asawa ko. Sakto namang tanghali na rin akong nakarating.
Hindi pa man ako nakakarating sa mismong office niya nang makasalubong ko ang kaniyang assistant.
“Joanna…” tawag ko. Hindi niya ako napansin kung hindi ko pa binanggit ang pangalan niya.
“Ma’am Eliza?” gulat niyang sabi nang makita ako. “I-ikaw po pala.”
“N-nandiyan ba ang sir mo?”
“Nasa office niya po, ma’am.”
“Ganoon ba? Perfect timing, may dala akong lunch para sa kaniya.”
Napansin ko ang pagngiwi ng kaniyang mukha. “Ma’am, sinabi po pala ni Mr. Salvatorri na huwag daw po siyang abalahin dahil marami pa po siyang ginagawa.”
“K-kaya ba hindi siya umuwi kagabi?”
“G-ganoon na nga po, ma’am.”
“K-kahit ba ako, ayaw niyang papasukin sa office niya?”
“Inaasahan niya raw po kasi na pupunta kayo dahil hindi siya umuwi kagabi, kaya ibinilin niya na po sa akin kanina na kung sakali raw po pupunta kayo ay huwag daw po kayong papasukin.”
“G-ganoon ba…” Bumagsak na lang ang aking mga balikat
Gusto ko pa naman siyang makita. Napakamot na lang ako sa batok.
“P-puwede bang ibigay mo na lang ito sa kaniya? Makakapasok ka naman siguro kahit saglit sa office niya.”
Inabot ko sa kaniya ang lunch box para sa asawa ko. Hindi na lang ako tumuloy sa opisina ni Keanne dahil ayokong madagdagan pa ang galit niya.
“No problem po, ma’am. I’ll give this to him.”
“Salamat. Hindi na rin ako magtatagal. Uuwi na lang ako. Please tell Keanne that I came.”
“Sige po, ma’am.”
-----
Third POV
"Hindi ba't sabi ko ayaw ko ng disturbo!" iritadong sabi ni Keanne habang nag-angat ng tingin. Doon niya nakita ang assistant niyang si Joanna.
“Pasensya na po, sir. Pumunta po kasi si Ma’am Eliza.”
“Then?” malamig niyang tanong. "What did you tell her?”
“Sinabi ko po na busy kayo.”
“Good.”
“Iniiwasan niyo po ba ang asawa niyo, sir?”
Sinamaan ng tingin ni Keanne ang assistant. “You have no right to ask me about that.”
“I just feel sorry for Ma’am Eliza, sir. By the way, she brought lunch for you.” Lumapit si Joanna sa mesa at inilapag ang lunch box.
“Throw it away.” malamig niyang utos.
Natigilan si Joanna. "Sir?" halos hindi makapaniwala.
“Didn’t you hear what I said? I told you to throw it away!"
"P-pero, sir sayang naman po. Kukunin ko na lang po sana, sir sayang po kasi."
"Throw it away. If I find out that you ate it, I’ll fire you!"
"Y-yes, sir. Itatapon ko na po.” Dahan-dahan siyang tumalikod.
Tahimik lamang na pinanood ni Keanne ang paglabas ng assistant.
Habang naglalakad si Joanna papunta sa trash can, she hesitated. Hawak niya ang lunch box at pakiramdam niya’y sayang na sayang kung itatapon lang. Lumapit siya sa trash can para itapon iyon nang biglang may marinig siyang boses sa likuran.
"Joanna, naibigay mo na ba ang lunch ni—” natigilan si Eliza nang bumaba ang tingin niya sa lunch box na hawak nito. “A-anong ginagawa mo?” tanong niya.
“Sorry po, ma’am. Utos po kasi ni sir… ipatapon daw po.”
“Ano?” Napakuyom ang kamao ni Eliza.
"Sinabi ko pa nga po na ako na lang ang kakain, pero ayaw niya po. Itapon ko daw po kasi kung hindi, tatanggalin niya raw ako kapag nalaman niyang hindi ko tinapon. Sorry po, ma'am.”
Nangilid ang luha sa mga mata ni Eliza. Nanatiling nakakuyom ang kaniyang kamao.
She made an effort to cook for her husband, pero hindi niya akalaing itatapon lamang pala nito.
Sinugod ni Eliza sa loob ng opisina ang asawang si Keanne Salvatorri. Napatingin ang lalaki at bahagyang nagulat nang makita ang asawa, ngunit saglit lamang iyon. Bumalik din sa normal ang expresyon ng kaniyang mukha.
Mabilis na naglakad si Eliza palapit sa kaniya at walang pag-aatubiling sinampal siya.
"f**k!" nasapo ni Keanne ang pisngi na lumagapak sa sampal ni Eliza.
Napaawang naman ang labi ni Joana sa nasaksihan niya.
“What was that for?” mariing tanong ni Keanne, nagtagis ang mga bagang sa galit.
“Bakit mo ginagawa sa akin ’to? Anong kasalanan ko?” sigaw ni Eliza sa mismong pagmumukha niya.
Hindi na nakaiwas si Eliza nang biglang tawirin ni Keanne ang pagitan nila. Hinawakan nito ang kaniyang pulsuhan at mariing pinisil.
Napangiwi siya sa sakit.
“Do you want to know why?” malamig ngunit puno ng galit ang tinig ni Keanne habang pinanlakihan siya ng mga mata.
Nabigo si Eliza na makasagot. Bigla siyang kinabahan. Kanina lang ay ang tapang niya.
Sumenyas si Keanne sa assistant. Agad na lumabas si Joanna, isinara ang pinto at iniwan silang dalawa sa loob ng opisina.
Muling hinarap ni Keanne Salvatorri ang asawa at lalo pang hinigpitan ang hawak sa pulsuhan nito.
“K-Keanne… nasasaktan ako.” daing ni Eliza sa nanginginig nitong tinig. Ngunit tila walang narinig si Keanne.
"Gusto mong malaman kung bakit nagkakaganito ako, hindi ba?” mas tumalim ang mga titig ni Keanne. "Do you know that your parents are murderers?”
Parang naubos ang dugo sa katawan ni Eliza nang marinig iyon.
“H-hindi totoo! Hindi mamamatay-tao ang parents ko!” agad niyang depensa.
"And what makes you think you know anything?” malamig na balik ni Keanne.
Napailing si Eliza. “Mabait sila, Mommy at Daddy Elijah hindi nila magagawa 'yang binibintang mo.”
Bahagyang natawa si Keanne, isang tunog na walang bakas ng saya kundi puno ng panunuya. “I’m talking about your real parents, not the ones who adopted you.”
Napaawang ang labi ni Eliza. “A-anong alam mo tungkol sa kanila?”
“They killed my parents!” madiing sambit ni Keanne. Napaatras si Eliza, nanlambot bigla ang mga tuhod.
“Hindi… hindi totoo ’yan!” naiiyak niyang sabi. “Hindi ko man sila nakilala, pero alam kong mababait sila! Hindi sila masamang tao tulad ng binibintang mo!”
“Have you even asked the people who adopted you? Why don’t you ask them? Your parents are killers, Eliza. Now that their daughter is standing right in front of me, I won’t let her live a normal life. You know exactly who I’m talking about, Eliza—walang iba kundi ikaw.”
Mabilis ang kabog sa dibdib ni Eliza. Hindi makapaniwala sa mga narinig at nalaman niya. Kahit kailan walang sinabi sa kaniya ang mommy niya tungkol sa totoo niyang magulang.
"You will pay for your parents’ sins, Eliza. And now, if you even think about leaving—where will you go? Even the people who adopted you, lied to you!”
Bumuhos ng sunod-sunod ang mga luha ni Eliza. Napaatras siya hanggang sa wala na siyang maatrasan dahil wall na ang nasa likuran niya. Napapikit siya kasabay ng pagkuyom ng kaniyang kamao.
Labis ang sakit na nararamdaman sa kaniyang nalaman. Naroon ang galit sa mga taong umampon sa kaniya dahil hindi man lang sinabi ng mga ito sa kaniya ang totoo.
Pagmulat niya ng kaniyang mga mata, mabilis niyang inihakbang ang mga paa palabas ng opisina. Tumakbo na siya palabas.