Palagi ng tinutukso ni Zuhair si Zeus kahit minsan ay nakakatikim ng sapak mula sa kapatid. Sinasaway ko naman silang dalawa pero pinaglihi ata ng kakaibang pagkain itong si Zuhair.
"Tama na ang paglalaro, Zuhair. Tapos ka na ba sa assignment mo? Ikaw Zeus?" Tumingin ako kay Zeus na sinusuklayan ang buhok ni Athena.
Hindi ko mapigilang mapatingin sa anak ko. May hawak itong salamin at mula rito pinagmasdan niya si Zeus. Tumikhim si Athena at nilapit ang salamin kay Zeus, na sinuklayan ang buhok niya nang dahan-dahan. Halatang gustung-gusto ni Zeus ang ginagawa, at mukhang nahihiya naman ang anak ko sa atensyon na binibigay sa kanya.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kikilabutan. Juskong mga batang 'to! Napapikit ako at pinakalma ang sarili. Karma ko ata ito kay Frozina. Sana di ko na lang sinabi na mas gugustuhin ko pang maging balae si Cassandra kesa sa kanya. Hindi naman sa ayoko pero si Zeus? Jusko! Nakikita ko na ang future. Oo nga't princess na princess ang anak ko pero ang bata-bata pa nila. Jusko talaga.
"Ano bang ginagawa mo diyan, Pareng Thanatos? Bakit parang naging alalay ka ni Athena bebe girl?" Hindi napigilang tanong ni Zuhair, sabay ngising-aso sa kanyang kapatid.
"I'm just being kind," sabi ni Zeus nang seryoso, hindi niya pinansin ang tukso ni Zuhair pero sinamaan naman ito ng tingin dahil sa tawag nito kay Athena. Itinuloy lang niya ang pagsuklay sa mahabang buhok ni Athena, na sinamaan din ng tingin ang kawawang Zuhair.
Napailing ako at natawa nang kaunti. Wala na. Nalilito na ako kung ano nga ba ang dapat kong gawin sa mga batang 'to. Paano na lang kaya kung nandito si Nix?
Natulala ako sa kawalan dahil namiss ko si Nix. Alam kong may ginagawa siya ngayon dahil si Dark ay tinubuan na naman ng sungay. Anong tingin niya kay Nix, may anim na buhay?
Napairap ako sa kawalan at tumingin sa mga bata.
"Tama na ang pang-aasar mo, Zuhair. Atupagid mo yang assignment mo at ikaw, Zeus, kunin mo na ang notebooks mo dahil ipapasa ko kay Teacher Anne."
Sumulyap ang bata at tumango sakin. Iniwan ko sila sa sala at pumasok sa kusena. Nagtipa ako ng mensahe para kay Nix na hindi ko natapos dahil agad itong napatawag.
"Hello, Nix?" Sagot ko.
May narinig akong ingay mula sa kabilang linya ngunit nangingibabaw ang pagbuuntong hininga niya.
"Your friend...they are in Dark's Hospital." Balita nito sa akin.
Napakurap-kurap ako at napaupo sa stool. "Mali ata narinig ko, Nix." Bahagya pa akong natawa.
"I'm hoping also, Darling, but it's true. Dark is on his way because the stupid motherfvcker Montero told him about your friend and the two kids." May bahid itong galit.
Ako naman ay natulala sa kawalan. Hindi alam ni Dr. Montero na Quadruplets ang anak ni Dark. Si Zeus lang ang kilala niya at lalong hindi niya rin alam na si Cassandra ang ina ni Zeus. Kaya hindi ko rin masisisi si Dr. Montero.
Parang natuyo ang lalamunan ko sa narinig ko kay Nix. Pinilit kong huminga nang malalim kahit pakiramdam ko’y nahuhulog ang puso ko. Si Cassandra at ang mga bata, nasa ospital ni Dark? At alam na niya.
"Darling, what's our plan now?" tanong ni Nix sa kabilang linya, pero halatang ramdam niya ang kaba ko kahit hindi kami magkasama.
Napakapit ako sa telepono. Kung totoo man ang narinig ni Nix, siguradong magulo na ang ospital ngayon. Kilala ko si Dark, hindi siya titigil hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya. Alam kong matagal nang naghihintay si Dark na magkaroon ng anak lalo na't para trono, pero kahit ako ang nasa kinatatayuan ni Cassandra hindi ko rin siya hahayaang makuha ang mga bata. Kahit dulo ng buhok nito ay hindi niya rin mahahawakan. Kapal ng mukha ng lalaking yun.
Who you siya?
"Alam ba ni Cassandra? Hindi dapat malaman ni Cassandra. Mag-alala iyon, Nix. At paano kung matakot siya? Kapag nataranta siya, baka dalhin pa niya ang mga bata kung saan-saan," sabi ko, halos pabulong dahil baka marinig ng mga bata sa sala.
Nakarinig ako ng marahang pagsinghap ni Nix, parang iniintindi ang sitwasyon. "I understand, darling. I’ll try to keep Dark as calm as possible. But you need to do something on your end, too. Are you safe there? No men in black?”
Sumulyap ako kina Zeus at Zuhair, na ngayon ay patuloy pa ring nagtatalo sa harap ni Athena. "Oo, safe kami rito. Hindi ko muna ipapaalam sa mga bata ang nangyayari hangga't hindi ko pa alam ang plano ni Cassandra. Pero Nix… sigurado ka bang walang alam si Dark na apat ang anak niya kay Cassandra?"
Tumahimik si Nix, tila nag-iisip, bago siya sumagot, "No. He doesn't know everything and I made sure of it. But now, nakarating na kay Dark ang balita about two kids. And breaking news..... he's inside the room with Cassandra."
Napakagat ako ng labi. Nag-alala ako ng sobra para sa kanila. Hindi ko kayang tanggapin kung paano niya maaaring sapilitang kunin ang mga bata. Hindi iyon makatarungan, lalo na kay Cassandra na pilit na bumabangon sa kabila ng mga pinagdaanan niya.
"Anong gagawin natin, Nix? Hindi pa tumatawag si Cassandra sa akin."
Ramdam ko ang kaba sa bawat salita ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa ospital ngayon, pero ang ideya na si Cassandra at si Dark ay nasa iisang kwarto....Maryosep!
"Darling, calm down," sabi ni Nix, pero alam kong siya mismo ay hindi rin payapa. "I’ll try to stall him as long as I can. I can't promise anything, but I'll try. Don't worry too much, darling. I'm worried here. I want to go home, but those scvmbags keeping eyes on me......especially Grey."
Huminga ako nang malalim, pinipilit pakalmahin ang sarili ko. Tumango ako. Nauunawan ko siya. Pero hindi ko man kilala si Grey na binanggit niya, pinapatay ko na siya sa isipan ko. Bahala siya sa buhay niya.
Kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag mula kay Cassandra. Napatalon ako nang tumunog ang cellphone ko. Si Cassandra. Tumahimik ako sandali, alam ko na agad na may problema. Hindi siya tatawag kung hindi seryoso. Huminga ako ng malalim bago sinagot ang tawag. Mukhang alam ko na rin.
"Hello? Cass?" tanong ko, pilit na tinatago ang kaba sa boses ko.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya, at dun pa lang alam ko nang may mabigat na problema.
"L-Lory," halos pabulong niyang sabi.
Napakunot ako ng noo. Bakit parang nahihirapan siyang magsalita? "Ayos ka lang? Ayos lang kayo diyan? May problema ba? Bakit ka nauutal? Wala ka na bang pera? Magpapadala ako—"
"He’s here," mahina niyang sabi, at naramdaman ko ang lamig sa likod ng batok ko.
Napahinto ako at napamura sa isip. Teka lang. Si “he”? Yung may topak na ama ng mga anak niya? Walanghiyang Dark nga. Kahit anong gawin, di mapipigilan ang hinayupak.
"A-Ano? Teka! Teka! A-Ano nga ulit? Tama ba ang narinig ko? Wait…lalabas muna ako ng bahay. Wait lang." Mabilis kong pinatay ang kalan at lumabas ng bahay, palinga-linga sa paligid na parang may iniintay na sumulpot bigla. Nag-ayos ako ng hininga bago muling kinausap si Cassandra.
"Totoo?" tanong ko, seryoso na ngayon ang tono ko.
"Y-Yes! K-Kukunin niya si Z-Zephyr, Lory. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. A-Ayaw kong mawala sa akin si Zephyr," nanginginig niyang sabi, at alam kong pinipilit niyang hindi umiyak.
Putsa, gusto kong sakalin si Dark sa narinig ko. Ang kapal ng mukha ng taong ‘yun! “Sshh… I’ll help you. Pupuntahan kita diyan. Tatawagan kita, okay? Ako na ang bahala. Trust me. Tangina lang, kapal ng mukha niya. Sarap niyang itapon sa Bermuda Triangle. Don’t stress too much, okay? Ako na bahala.”
“A-Anong gagawin mo?” tanong niya, nanginginig.
“Basta. Just wait for my signal,” sabi ko, sabay tawa ng malakas, parang villain sa pelikula. Pero totoo, gusto ko talaga masapak si Dark. Natutuwa akong mapahamak si Dark kung kinakailangan, basta huwag niyang galawin si Cassandra at ang mga bata.
Huminga siya nang malalim. Alam kong kinakabahan siya. "Okay. Nasaan ang dalawa? Ayos lang ba sila?"
"Ah, yeah! Nasa school ang dalawa," nakangiwi kong sagot kahit hindi naman totoo.
"Please, huwag mo munang sabihin sa kanila kung ano ang nangyari sa amin dito, Lor."
Natahimik ako sandali. Ang dami kong gustong sabihin, pero hindi ko alam kung paano niya tatanggapin ang lahat.
"Lory?" Naputol ang pag-iisip ko sa tawag niya.
"Oh? Ah, yes... err... hehehehe..." Napakamot ako ng ulo, napatitig sa kawalan. Kailangan kong mag-isip ng plano. Kung paano ko guguluhin ang buhay ng hinayupak na yun. Yung sasakit ang ulo.
"Lory, kailangan natin ng bagong matitirhan ngayon," sabi niya, puno ng pag-aalala.
Matitirhan? Saan naman kami titira? Mahal pa naman lupa ngayon. Tapos malaki bayad magpapakabit ng kuryente. Pero...
"Hala! Oo nga. Baka alam niyang saan kayo. I mean, tayo nakatira. Sht." Napahawak ako sa noo. Bakit ngayon pa nagkagulo-gulo ang lahat? Feeling ko talaga alam na rin ng hinayupak na yun kung saan nakatira si Cassandra.
Grabe pala utak nun kahit si Nix, naisahan. Walang hiya.
"Yun nga eh. Nababahala na ako lalo na’t siya ang nagmamay-ari ng ospital na 'to. I know he’ll find where we live."
Huminga ako ng malalim, pinipilit kong pakalmahin siya. "Don’t worry. I’ll find a way. Sige na, mag-iisip muna ako ng plano kung paano kayo makakatakas sa mga unggoy. Ako na ang bahala. Leave it to me, prend. Take care kayo diyan. Bye."
Pinatay ko ang tawag pero tumawa pa ako bago ko tinago ang phone malamang.... kailangan ko palang harapin ang impyerno. Jusko!
Napakamot ako sa ulo at napatingala sa langit. "Lord, ano gagawin ko?"
Biglang nakita ko ang tatlong mukha ng mga bata. Zuhair, Zephyr, at Zeus na parehas ang suot. Nakakunot ang noo ko. Di ko gets.
Pero...habang nakatitig ako sa langit, naging matalino ako bigla. Dali-dali akong pumasok sa bahay at hinanap ko ang anak kong si Athena. Nahanap ko siya sa kwarto niya habang nakahiga sa kama niya si Zeus na yakap-yakap ang unicorn ng anak ko.
Di ko na lang pinansin at lumapit sa anak ko na nagbabasa ng fairy tale book.
"Anak..." Tawag ko sa kanya.
Mabilis itong napalingon sa akin. "Hello, mother. Why po?"
Ngumiti ako sa kanya at inakbayan siya. "Anak, may plano ako pero hindi ko alam kung maging successful ba kaya I need your opinion. Pero I'll call your father para may opinion din siya at malaman niya."
Athena blinked, looking at me curiously. Her eyes sparkled with that hint of excitement she always had when I brought her into one of my schemes.
“Anong plano ‘to, Mommy?” she asked, sitting up straighter, obviously intrigued. Kahit bata pa, alam kong matalino siya. Sa mura niyang edad, alam na alam niya ang mga bagay-bagay kahit hindi ko sabihin.
“Hmmm…” Tumingin muna ako sa paligid at siniguradong wala munang makakarinig. I took a deep breath and decided to lay it all out, though keeping it simple for her to understand. “Athena, gusto kong tulungan si Tita Cassandra mo at ang mga pinsan mo. They’re in a bit of trouble.”
Athena nodded slowly, her face now serious. “Okay po, Mother. Ano po gagawin natin?”
Ngumiti ako sa kanya at tinawagan ko si Nix.
"Hello, darling?"
Si Athena ang sumagot. "Father."
"Princess..."