"Anong klaseng dyaryo 'to? Ang panget basahin. Oh, Lory, mahilig ka sa dyaryo diba? Sayo na yan."
Napahinto ako sa pag-aayos ng mga gulay marinig ang boses ni Aling Fe. Napatingin ako sa dyaryo na iniaabot ni Aling Fe. May kaliitan ang mga letra at mukhang bagong labas. Pero dahil mahilig akong magbasa ng balita, agad ko itong kinuha at ngumiti sa kanya.
"Salamat, Aling Fe! Alam niyo namang pampalipas-oras ko 'to."
Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga paninda sa harap ng pwesto ko. Nakikita kong dumarami ang tao sa palengke ngayong umaga, pero napansin ko rin ang ilang mga taong nakasuot ng itim na parang pormal na kasuotan. Parang may kakaibang tensyon sa paligid, lalo na’t hindi naman ito normal na makikita sa ganitong lugar.
"Mga men in black pala talaga," bulong ko sa sarili, habang minamasdan ang bawat kilos ng mga lalaking iyon.
Bigla akong napatigil nang mapansing nakatayo sa di kalayuan ang isa sa mga lalaking iyon. Diretso ang tingin niya, halos walang emosyon, pero ramdam mo ang bigat ng presensiya niya. Parang hinahanap talaga niya ang isang tao.
Nalaglag ang tingin ko sa dyaryo na binigay sa akin ni Aling Fe at nanlaki ang mga mata nabasa ang headline. Dinampot ko ito wala sa sariling binasa lahat ang nasa dyaryo.
Namutla ako at nag-alala. Naisip kong bumalik sa bahay. Kaya ba kabado ako ngayon? Parang may di magandang mangyayari. Habang naglalakad ako pauwi, napansin kong marami pang nakaitim na kalalakihan ang paikot-ikot sa palengke. Napabilis ang hakbang ko, di ko maiwasang kabahan.
Tama ata ang hinala ko. Mukhang tauhan ito ni Dark. Jusko! Lagot na. Alam ba ni Nix ito? Di bale, mamaya ko na yun iisipin dahil kailangan kong makarating sa bahay ni Cassandra.
Pagdating ko sa bahay ni Cassandra, agad akong kumatok nang mabilis, sabay tawag sa pangalan niya.
"Cassandra! Cassandra!"
Nang lumabas siya, ramdam ko ang pagod ko sa pagkakatakbo. Sobrang kabado ako sa nakita sa palengke. Napatingin siya sa akin, kita sa mukha niya ang pagtataka.
"Oh? Maaga ka yatang umuwi?" tanong niya habang binubuksan ang pinto at pinapapasok ako.
"Wait lang… hoooh…" huminga ako nang malalim at humahabol sa paghinga habang isinasandal ko ang likod sa pinto. Mabilis ang t***k ng puso ko, at dama ko pa rin ang kaba.
Habang nagpapahinga ako, nagpatuloy siya sa paglilinis ng bahay, pero kita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya.
"Jusko, Cassandra!" biglang sigaw ko nang bumalik ang lakas ko. "May kaguluhan sa palengke! May mga lalaking nakaitim, parang mga gwardya. Ano nga ba tawag doon? Ah! Tama! Men in black. Parang may hinahanap sila. Jusko!"
Napaupo ako sa sahig ngunit agad siyang kumuha ng silya at doon ako umupo.
"Mga lalaki?" Takang tanong nito.
Napatingin ako kay Cassandra habang hinihintay ang reaksyon niya. Tahimik lang siya, pero kita ko sa mukha niya ang pagkapahiya at pagkabigla sa balitang dala ko. Hindi ko rin alam kung tama bang ibigay ko sa kanya ang dyaryo, pero kailangan niyang malaman.
"Oo, Cassandra. May good news or bad news ako sa'yo. Hindi ko alam kung alin. Heto, basahin mo." Lumapit ako at iniabot sa kanya ang dyaryo.
Napa-iling siya, pero kinuha rin niya ito mula sa akin.
Hindi ko maiwasang mapansin ang bahagyang pag-aatubili niya, ang panginginig ng kamay niya nang hawakan ang dyaryo. Parang biglang bumalik ang lahat ng alaala. Huminga siya ng malalim at pumikit sandali bago tuluyang sinilip ang front page.
Nasa headline ang pangalan ni Mr. Smith, ang pangalan na pilit niyang iniiwasang marinig, lalo na mula noong lumayo siya sa Maynila. Ako man, hindi ko alam kung paano sisimulan, pero kailangan kong sabihin.
"Nako, Cassandra," simula ko habang tinitignan ang reaksyon niya. "Pinapahanap ni Mr. Smith ang mga babaeng dumaan sa buhay niya? Naging p-ycho pala ang fiancée niya…ay, I mean, ex-fiancée na niya. Akalain mo? Pinab-gbog niya si Mr. Smith nang malaman niyang may mga babae ito sa past. At tanga rin si Mr. Smith, hinayaan niyang mab-gbog siya! Mafia Lord pa naman siya. Pag-ibig nga naman… Akala ko kinasal na sila pagkatapos nating umalis ng Maynila, pero hindi pala."
Tila blangko ang mukha ni Cassandra habang tinititigan niya ang dyaryo. Walang reaksyon, pero alam kong bumabalik lahat sa kanya ang mga alaala, ang mga sugat na pilit niyang itinatago.
"Nasa mental si Aestheria noong umalis tayo, at ngayon pat-y na raw siya. Nagb-gti." Tahimik akong napailing, naisip ang lahat ng nangyari. "Akala ko mabait siya, pero p-ycho pala…."
Hindi ko maiwasang mapatitig kay Cassandra habang binabasa niya ang dyaryo. Kitang-kita ko ang pag-iwas niya, na parang ayaw niyang harapin ang realidad na nakasaad sa mga pahina. Pero kailangan niyang malaman ang totoo, at ako na rin mismo ang nagsabi sa kanya.
"Pinapahanap niya kayo, Cassandra, dahil nagbabakasakali siyang may anak siya sa inyo. Naging baog siya simula noong nangyari iyon, Cassandra," sabi ko, iniisa-isa ang bawat salita, kahit ramdam ko ang bigat sa bawat pagbigkas nito. "Kung hindi niya matagpuan ang anak niya, mawawala ang lahat sa kanya. Mawawala ang titulo niyang Mafia Lord."
Tahimik lang siya, walang kibo, kaya itinuloy ko pa. "Huling taon na niya para makahanap ng anak, Cassandra. Ano'ng gagawin mo?"
Kita ko ang saglit na pag-aalinlangan sa mga mata niya bago niya iniwas ang tingin. Parang may bumabara sa lalamunan niya, at parang gusto niya nang tapusin ang usapang ito. Pinitik ko ang mga daliri ko sa harap niya para ibalik siya sa realidad. Napatingin siya sa akin, at kitang-kita ko ang pagkalito sa mukha niya.
"M-Marami naman siguro siyang babae, hindi lang ako, Lory," mahina niyang sabi, halatang pinipilit niyang paniwalain ang sarili. "Madami pa diyan sa tabi-tabi. Hindi lang ako, at alam ko ‘yun. Wala akong pakialam kung mawala ang pagiging Mafia Lord niya. Anong pakialam ko sa organisasyon nila? Sa und-rground nila? Sa mga patakaran at regulasyon nila? Wala."
Napabuntong-hininga ako, alam kong mahirap ito para sa kanya. Pero kung ganito ang tingin niya, wala na akong magagawa.
Tumayo siya, nagmamadaling iniwan ako. Bago siya tuluyang lumakad palabas, inilapag niya ang dyaryo sa silya at saglit na huminto upang muling tingnan ang headline.
"Mr. Smith, pinapahanap ang mga babaeng dumaan sa buhay niya." Ang corny ng headline.
Wala ako sa posisyon ni Cassandra. Kaya di ako papakialaman ang desisyon niya. Susuportahan ko kung anuman ang plano niya pero sana aalis na sa probinsiya namin ang mga lalaki dahil nakakatakot sila sa totoo lang.
Speaking about lalaki..sino kaya yun? Yung may nakakatakot ding presensya? Naalala ko tuloy sa kanya si Nix at Virgo.
Nix...
Dapat malaman ito ni Nix. Dali-dali kong kinuha sa bulsa ang phone at mabilis siyang tinawagan. Habang naghihintay ng sagot mula kay Nix, pakiramdam ko ang bawat segundo ay isang taon. Pinagpapawisan ako sa kaba, at kahit na ang malamig na hangin mula sa bintana ng bahay ni Cassandra ay hindi kayang magpagaan ng pakiramdam ko. Muli kong tiningnan si Cassandra, na nakatayo lang sa tabi, ang mga mata nakatuon sa dyaryo na iniwan ko sa silya.
Nararamdaman ko ang bigat ng sitwasyon. Alam ko hindi ito madali para sa kanya. At sa bawat galaw niya, parang may kung anong pwersa na pumipigil sa kanya na yakapin ang katotohanan. Wala akong alam tungkol sa mga nangyari kay Mr. Smith at sa mga babaeng pinapahanap nito.
Pero isa lang ang sigurado ako. Si Cassandra ang hinahanap ni Mr. Smith, at wala sa atin ang makakaalis sa dilim na hatid ng mga nakaraan.
"Hello, darling? How are you? Are you fine?" bungad ni Nix sa kabilang linya, ang boses niya ay may halong pagka-busy pero naririnig ko pa rin ang pagkabahala sa gitna ng pagiging kalmado niya.
Huminga ako ng malalim. "Nandito sila, Nix." Mahina kong sabi.
Narinig kong bumuntong hininga siya. "I know, Darling. I know. Did they scare you, hmm? I'll do everything to make them leave. You don't need to worry, darling."
Napatango-tango ako at sumulyap kay Cassandra na tulala pa rin. Napapikit ako.
"Nag-alala ako kay Cassandra, Nix. Ang mga bata rin."
Sa kabila ng malumanay kong tinig, ramdam ni Nix ang takot at pangamba sa bawat salita ko. Alam kong gusto niyang ipakita na kontrolado niya ang sitwasyon, pero hindi na mababago ang katotohanang ang presensya ng mga tauhan ni Mr. Smith ay nagdadala ng masidhing alalahanin. Para bang may paparating na bagyo, at walang sinuman ang maaaring makatakas dito.
"Trust me, darling," sabi niya sa mababang boses na may halong pag-aalala. "I'll make sure na hindi sila makalapit kay Cassandra at sa mga bata. I'll handle this. I'll make sure, all of you will be safe. Hmmm. I love you, darling."
Lumipas ang ilang araw, hindi na ako nagulat na bantay-sarado ni Cassandra ang mga anak niya. Kahit si Zeus ay hindi na rin nakakabisita kay Athena. Palagi itong nakasimangot pero hindi naman itong kibo at tanong kung bakit ganun ang nanay niya. Si Athena naman ay naging home school na rin dahil inuuna ko rin ang kaligtasan niya. Nainintidahan naman ng guro niya kahit simpleng paliwanag lang ang ginawa ko.
Pero hindi namin inaasahang magkasakit ang nag-iisang prinsesa ni Cassandra. Naiwan sa bahay si Athena kasama si Aling Linda. Siya ang nagbabantay ngayon kay Athena dahil nasa bahay ako ni Cassandra.
Narinig ko ang bulong nina Cass at Aling Fe sa labas ng kuwarto. Nararamdaman ko ang bigat ng problema nila, lalo na kay Cass, sa anak niyang si Zebediah. Apat na araw na itong may lagnat, at kitang-kita ko sa mga mata niya ang kaba at sakit para sa anak niya.
Hindi ko maiwasang isipin na baka nga kailangan niya nang dalhin sa mas magaling na ospital ang bata. Alam kong walang gaanong kagamitan dito sa bayan, at malaki ang posibilidad na hindi matulungan si Zebediah dito. Pero paano kung makita ng mga lalaking iyon si Cass sa Maynila? Paano kung matuklasan nila kung sino siya?
Nakakalunod ang bigat ng sitwasyon niya. Pumasok ako sa loob at mahigpit akong kumapit sa balikat ni Cass, kahit hindi ko masabi sa kanya ang lahat ng naiisip ko. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na kaya niya ‘to, na kahit na magulo ang sitwasyon, may paraan siya para iligtas ang anak niya. Pero alam kong hindi ganoon kadali ang lahat.
At dumating nga ang araw na lumiwas sila papuntang Maynila. Naiwan ang dalawang bata sa akin na sina Zeus at Zuhair. Hindi ako nagdadalawang isip na dalhin ko sila sa bahay. Mas ligtas doon at nasisiguro kong mababantayan ang mga bata kasama ang anak ko na si Athena.
Dala ang ibang gamit ng mga bata, pagpasok namin ay agad sumalubong sa amin ang nakakunot na noo ni Athena habang nakatitig sa dalawang bata. Nalaglag ang mga mata nito sa hawak kong bag bago muling tumingin kina Zeus.
"Are you, Zuhair? Father told me you will stay here temporary together with Z."
Narinig kong napasinghap si Zuhair. Napapikit ako at napahilot sa noo.
"Hala! Kilala mo ako? Anong father? Pader Llyod ba kamo? Sa pagkakaalam ko ay nasa simbahan siya ngayon nagmimisa ng patay. At sinong Z? Wala akong kilala na Z eh. Pasensiya ka na." Nakita ko pa kung paano tinignan ni Zuhair si Athena mula ulo hanggang paa.
"Naks! Ang ganda mo naman. Ilang taon ka na? Ano pangalan mo? Wait... Pamilyar mukha mo sa akin." Lumingon ito sa katabi nitong si Zeus na tahimik lang habang diretso ang tingin kay Athena.
"Siya yung nasa black notebook mo, pare. Yung maliit na picture? Kaya pala nauubos baon mo kakaprint ng picture niya. Kung sabagay, mag---ouch! Bakit mo ako sinapak?!"