Kabanata 15

1960 Words
"Darling?" Napatingin ako sa likod ko at nakita si Nix na seryoso ang mukha. Ang mata nito ay nasa luggage namin ni Athena. "Bakit, pangga?" Taka kong tanong sa kanya. Bumuntong hininga ito at lumapit sakin. Niyakap ako mula sa likod at hinalikan ang aking balikat. Napakapit ako sa kamay niya. "Nothing. Just worried. Thank you for always being understanding and supporting my decision to help my friend. Even though you're mad at him." Napangiti ako. "Ano ka ba, naintindihan ko naman. Kahit galit ako kay Dark nainintidahan ko naman na gusto niyang taposin ang lahat. Ang gusto ko lang is sana..sana ligtas kayo parati. Sinasabi ko sayo, Nix, kapag may nangyari sayo, hindi kita napapatawad kundi dadagdagan ko pa pasa mo." Mahigpit akong niyakap ni Nix mula sa likod. "That will never happen, darling. I'll be safe and after this, I promise you that we will live peacefully." Hinawakan ko ang kamay ni Nix na nakapulupot sa akin, naramdaman ko ang init ng yakap niya, ang bigat ng mga pangako at takot na bumabalot sa amin. Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya, pero ramdam ko pa rin ang bigat ng sitwasyon. "Tandaan ko 'yan, Nix," mahina kong sabi habang patuloy kong hinahaplos ang kamay niya. "Ayokong makita kang nahihirapan. Kaya't kahit galit ako kay Dark, pinili kong intindihin ka at kaibigan mo rin siya. Gusto ko lang na bumalik ka nang ligtas. Para kay Athena,... at para sa akin." Tahimik na nagpatuloy si Nix sa pagkakayakap sa akin, tila hinihigop ang bawat sandali, ang bawat paghinga ko. Ramdam ko rin ang kaba at mga tanong na hindi niya masabi, na ako lang ang nakakaalam. Minsan, alam ko, tinatago rin niya ang kanyang takot, nagpapakatatag para sa amin. "I’ll come back, and when I do, we’ll never be apart again. No matter what happens, I’ll fight through everything for us, for the life we dream of—simple, peaceful, and away from all this chaos." Hindi ko napigilang mapaluha. Ilang taon na kaming nagsasakripisyo, nagtatago, at nagtitiis para sa kaligtasan ng anak namin at para sa isa’t isa. Pero kahit ganito, ramdam ko pa rin ang init ng pagmamahal ni Nix, ang hindi matitinag na tibay ng kanyang pangako sa akin. "Pagod na rin ako, Nix," mahina kong bulong, habang niyayakap ang mga kamay niya sa akin. "Pagod na akong mag-alala, magtago. Gusto ko nang maranasan yung normal na buhay... kasama ka." Narinig ko ang malalim niyang hininga at ang paghalik niya sa balikat ko. "It’s close, darling. Just a little more, and everything will be over. You and Athena.. you’re my home, and nothing matters more than you." Nagtagal kami sa ganoong posisyon, tahimik na nakikinig sa mga tunog ng paligid, habang ang puso namin ay puno ng pangako sa isa't isa. Sana lang talaga matapos na ang lahat. "Mother, where are we going?" Tanong ni Athena habang nakatitig sa van nakaparada sa harap namin. Bago pa ako makasagot ay tinanong din niya ang kanyang ama na nasa mga kamay niya ang luggage. "Father? Are you going to leave us again?" Nakakunot nitong tanong. Mabilis napalingon sa anak si Nix at bumuntong hininga. Dinala ang kamay nito sa buhok ng bata sabay hinaplos. "This will be the last one, princess. And the rest, it's the three of us." Masuyong sagot ni Nix na kinangiti ko. Sumulyap ito sa akin at binigyan ako ng kahulugang tingin na kinailing ko. Nakangiti pa rin akong tumingin sa anak namin na bumuntong hininga na akala mo pasan-pasan niya ang problema ng buong mundo. Naintindahan ko ang anak ko. Without her papa, she always felt incomplete, like a piece of her world was missing. Sa matagal na panahon, naging matapang si Athena, pinapanood ang kanyang ama na palaging umaalis at bumabalik, habang dala-dala ang tahimik na lungkot tuwing wala ito. Ang makita siyang ganito ay nagpapaigting ng kirot sa puso ko, pero nagpapaalala rin kung gaano kahalaga si Nix sa aming dalawa. Lumuhod ako sa kanyang harapan, maingat na hinawakan ang kanyang balikat. "Prinsesa, mahal na mahal ka ng ama mo, higit sa anumang bagay sa mundong ito. At sa pagkakataong ito, tinitiyak niya na hindi na tayo magkakahiwalay muli." Tumingala sa akin si Athena, ang kanyang mga mata’y puno ng pag-asa at alinlangan. "Promise, Mother?" I smiled, trying to hold back the tears welling in my eyes. "Yes, sweetheart. That’s a promise." Lumuhod din si Nix sa tabi namin, inilagay ang kamay niya sa ibabaw ng aming mga kamay."You know, princess, I'm not just doing this for me. I’m doing this for you, so you can grow up safe and happy, and for your mother, so we can have the life we dreamed of. This is my last journey away, I swear." Lumambot ang mukha ni Athena, at niyakap niya kaming dalawa ng mahigpit, tila gusto niyang magkasama kaming tatlo magpakailanman. Nagkatitigan kami ni Nix sa ibabaw ng kanyang ulo, nagkaintindihan sa katahimikan na magkasama kami sa lahat, anuman ang mangyari. Pagkalipas ng ilang sandali, huminga ng malalim si Nix, bumitaw ng kaunti at tiningnan kaming dalawa na may maliit ngunit determinadong ngiti. "Alright, my girls. Let’s get going." Narinig kong napatawa si Athena sa sinabi ni Nic kaya guminhawa ang pakiramdam ko. Nilingon ko si Nix at ramdam ko kung paano niya pinisil ang kamay ko. Binigyan ko siya ng ngiti bago inalalayan si Athena papasok sa van. Siya naman ay inilagay ang luggage namin sa loob. Matapos niya itong gawin ay lumapit ito sa akin. Bago pa ako makapasok ay hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. Napapikit akong yumakap sa kanya habang ramdam kong nakatanaw sa loob ng van si Athena sa amin. Inamoy ko ang pabango ni Nix at dinama ang mainit niyang yakap. "I'm sorry, darling. I am sorry for not being with you within those years when you needed me most. I don’t know how I made you wait this long. I feel bad and horrible, not only as your husband but also a father of our Athena." he whispered softly, his voice thick with emotion. I could feel the sorrow and regret in each word he uttered. Hinaplos ko ang likod niya, sinusubukang pagaanin ang lahat ng emosyon niya sa yakap na iyon. "Nagtatampo ako, oo, pero naintindihan namin ng anak mo ang nangyari. Ang mahalaga pagkatapos ng lahat, buo tayong tatlo. Ako, ikaw, at anak natin. Wala ng aalis, Nix." Umangat ang kanyang mukha, at nagtagpo ang aming mga mata. Nakita ko sa kanya ang pangako at pangarap ng isang mas tahimik, mas maayos na buhay. Muli siyang ngumiti, may halong ginhawa at saya sa mga mata niya. "I vow to you, darling," sabi niya bago hinagkan ang noo ko. "After all of this, we will live peacefully. You and Athena—you're my everything." Ngumiti ako habang pinapahid ang luha sa pisngi ko. "At ikaw din, ikaw ang tahanan namin." Habang nasa byahe ay panay kwentuhan namin ni Athena habang nakikinig sa amin si Phoenix. Nasa kabilang side ni Athena na kapit na kapit sa braso niya. Ilang oras ang dumaan ay huminto ang van. Bumukas ito at sa pagtingin ko, sa labas nakatayo si Frozina kasama ang anak nitong si Azyl. Kumunot ang noo ko. Mas lalong kumunot makita ang luggage na hawak ni Dr. Luggage. "Azyl!" Masayang tawag ni Athena sa kaibigan. Mabilis kumaway si Azyl at tumingala sa ama para yumakap dito ng mahigpit. Pagkatapos yumakap ay mabilis itong pumasok sa van at dumiretso sa likuran namin. Napakurap-kurap ako. Natulala lamang ako dahil naguguluhan ako kung bakit nandito ang mag-ina. Namalayan ko na lang nasa van na rin si Frozina at si Dr. Montero. Pinagitnaan din nila ang kanilang anak. "Tay, I'm excited." Anito. "Excited to see your crush, you mean?" Hindi natutuwang sambit ng doctor. Hindi ko mapigilang matawa. Sinubukan bumulong sa akin si Athena kaya inilapit ko ang tenga ko sa kanya. "Mother, are we going to Virgil's house? Because, as I remember, Azyl's crush is Virgil only." Napangiti ako sa sinabi ni Athena. "Yes, sweetheart, we're visiting Virgil's house. I think it will be a fun reunion for everyone." Naramdaman ko ang pag-angat ng kilay ni Phoenix mula sa kabilang side ni Athena. "Virgil, huh? Azyl's crush?" Hinila ko ang kamay niya at sinaway siya ng mahina, "Huwag ka na makialam, pangga. It's just innocent fun between the kids." Natawa si Athena sa amin, habang si Azyl ay namula at biglang itinago ang mukha sa braso ng kanyang ama. Frozina, na nasa tabi niya, ay sinamaan lang ng tingin si Dr. Montero. "Don't tease my daughter, Eucario," sabi niya, na may biro ngunit may kaunting katotohanan din. Nalukot ang mukha ni Dr. Montero, "OUR daughter, Mrs. Montero." Hinayaan ko silang magbangayan. After long journey, sa wakas nasa Bukidnon na kami. "Wow! This is Bukidnon, Daddy?" Tanong agad ni Athena nang makababa kami sa van. Napahinto ako at inilibot ang tingin sa buong paligid. Napakaganda ng paligid dito sa Bukidnon. Sariwang-sariwa ang hangin ang sumalubong sa amin na may halong bango ng mga puno at damo. Sa malayo, tanaw ang malalawak na kabundukan na nagmumukhang drawing lang sa mga mata ko pero grabe ang kapal na berdeng dahon. Ang sarap naman manirahan dito damang-dama ang presensya ng kalikasan. Sa paligid, nakalatag ang mga malawak na taniman, tila sumasayaw ang bawat halaman na hinahampas ng hangin. Maging ang mga bulaklak na may iba’t-ibang kulay ay kumikislap sa ilalim ng araw, dinadala ang kagandahan ng paraiso na parang nasa panaginip ko lang nakikita. Ang mga puno sa tabi ng daan ay nagsisilbing kanlungan ng mga ibong masayang humuhuni, na para bang kinukumusta kami sa aming pagdating. Tanaw rin ang mga bukirin at pastulan, kung saan malayang nakapagpapahinga ang mga baka at kabayo. Sariwa ang amoy ng lupa at hamog, nakapagpapakalma ng puso at isip. Heto na nga at nasa harapan ko na ang sinsabi nilang, mayaman sa kalikasan ang bansang Pilipinas. "Darling?" Mabilis akong napatingin kay Nix na naghihintay sa akin. Hawak nito ang dalawang bagahe at napatingin din ako kay Athena na hawak ko. Nakatingala ito sa akin habang inosenteng nakatitig sa akin. "Ah, sensiya na. Ang ganda kase." Sagot ko at namamanghang inilibot ang tingin. Narinig kong tumawa si Nix at kalaunan ay sinundan namin ang mag-asawang Montero kasama ang anak nilang patalon-talon na binabati ang mga tao nadadaanan namin. Napailing na lang ako at sumulyap sa anak ko. Busy ang mga mata niya sa paligid. Ilang minuto ay huminto kami, mula sa kinatatayuan namin, isang bahay hindi kalayuan sa amin nakatayo sa gitna ng malawak na damuhan, napapaligiran ng iba't ibang puno at halaman. Umawang ang labi ko habang pinagmasdan ang bahay. Ang ganda ng bahay. Isa siyang malaking bahay kubo pero in modern style. Di ako magaling magdescribe pero ito ang masasabi ko lang. Ang mga dingding ay gawa sa makintab na kahoy na pinatungan ng salamin. Modernong anyo nga ito, pero hindi nawala ang pagiging tradisyonal na bahay kubo. "Wow, Mother, I love the house!" bulalas ni Athena, ang mga mata'y puno ng excitement. Napangiti ako at sumulyap kay Nix, na tahimik lang ngunit may ngiti ring nakapinta sa mukha habang minamasdan ang kasiyahan ng anak namin. Nasa harap na kami ng pinto. Si Dr. Montero ang kumatok. Ang hinihintay itong bumukas ay hindi ko mapigilang kabahan pero excited din ako makita ang mama ni Virgil. Pinisil ni Nix ang kamay ko at humigpit din ang hawak sa akin ni Athena na halatang excited na rin. Dahan-dahan bumukas ang pinto ng bahay at doon, isang napagandang babae ang sumalubong sa amin. May suot itong bilogang salamin at nakaputing bestida. May katangkaran, mahaba ang buhok at wavy ang dulo. Mestiza rin siya. "Welcome to our humble home," bati nito na siyang nagpatuloy sa pagbukas ng pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD