Kabanata 16

1466 Words
Nasa loob na kami ng kanyang bahay at umalis na rin ang dalawang lalaki. Pagpasok pa lang namin sa bahay, agad kong naramdaman ang lamig at aliwalas sa loob ng bahay. Ngayon, ay nasa isang maluwang na sala kami, puno ng natural na liwanag mula sa malalaking bintanang salamin. May mga upuang gawa sa kahoy na may mga kulay na unan at isang simpleng fireplace na may ilang family photos sa ibabaw nito. Huminto ang mga mata ko sa family photos. Grabe! Mas may malala pa pala magtago sa kanila. Di ko enexpect si Virgo. Pero, Virgo ba talaga ang pangalan niya? "Pasensiya na kayo, huh, kung malayo bahay namin." Paumanhin nito habang may dalang tray. May juice at pandesal. Medyo nahiya naman ako dahil sobrang hospitable niya. Tinignan ko si Frozina na walang alinlangang kumuha ng isang baso at nilagok ito. Ako yung nahiya sa kanya. Ang kapa talaga ng mukha. Di ko siya pinansin at ngumiti sa asawa ni Virgo. "Ano ka ba? Ayos lang no'. Kami dapat ang hihingi ng pasensiya dahil makikituloy kami sa bahay niyo." Ngumiti ito habang iniaabot ang tray sa akin. "Wala 'yon, huwag kayong mag-alala. Tuwang-tuwa nga kami na bumisita kayo," sagot niya na may halong kaba at saya. Para bang bihira silang makatanggap ng bisita dito, lalo na sa isang lugar na tahimik at malayo sa karamihan. Habang nakaupo ako at humihigop ng juice, palihim akong sumulyap sa kanya. Alam ba niya kung ano ang ginagawa ni Virgo? I mean, may alam ba siya sa mundo ng Mafia? Kase naman, ang inosente niya. Mabait tapos napakaimposible talaga na may alam siya sa pagkatao ni Virgo. Kung hindi niya alam, bakit hanggang ngayon sila pa rin? O, matagal na inilihim ni Virgo ang tungkol sa pagkatao niya? Pero, bakit dito sila naninirahan? Ay ewan. Samantala, si Frozina naman ay parang walang pakialam, agad nakipagkuwentuhan at nakangisi pa habang naglalakad-lakad sa paligid. Hinawakan niya ang isa sa mga litrato sa shelf at tinutok ito sa asawa ni Virgo. "Uy, ikaw pala ito, 'no? Grabe, sobrang bata mo pa dito!" malakas niyang sabi na parang nasa sariling bahay lang. Nakita kong medyo nagulat siya, ngunit napangiti rin siya, bahagyang nahihiya. "Ah, oo, matagal na 'yan. High school pa lang ako." Napatawa rin ako at sinundan ang biro ni Frozina. "Kaya pala parang bata pa rin ang hitsura. Iba talaga pag hindi gaanong exposed sa city stress," pabirong sabi ko. Muli siyang ngumiti, pero may lungkot sa mga mata niya. Napansin ko 'yun at naisip kong baka may mas malalim pa siyang dahilan kung bakit piniling manirahan dito, sa lugar na malayo sa lahat. "Ilang taon ka na, Virgil?" Tanong agad ni Frozina. Dumiretso kami sa sala matapos kaming maghapunan. Nakahiga sa lap ko si Athena habang nakikinig sa kanila. Si Azyl naman ay katabi ang babaeng anak ni Enia, asawa ni Virgo. "I'm 8 years old po." Magalang na sagot ni Virgil habang nakayakap sa ina. Nakangiti si Enia sa amin. Ganda niya talaga. "Ikaw ang pinakamatanda sa kanila." Tumango tango na usal ni Frozina. May nakita akong emosiyon sa mag-ina pero mabilis itong naglaho. Guni-guni ko lang ata yun. Isang oras din kaming nagkwentuhan hanggang sa dinalaw na ng antok ang mga bata. Pagkatapos namin pinatulog ang mga bata ay naisipan namin magkwentuhan na kami lang sa sala. "Buti na lang at pumayag si Virgo na sa inyo muna kami titira. Si Eucario kase naging paranoid at baka daw madamay kami." Pagkukwento ni Frozina. Kumain ako ng camote que habang nakikinig sa kanila. Nagtaka naman ako nang makitang naguguluhan si Enia. "Virgo?" Takang tanong ni Enia. Napatingin ako kay Frozina at nakita kong natigilan din siya. Hindi ko rin alam kung magpapaliwanag ba siya o tatanungin ito kung bakit hindi niya kilala si Virgo na asawa niya. Pero hindi naman kami pwedeng magpadalos-dalos dahil wala kami sa posisyon sabihin sa kanya kung wala talaga siyang alam na si Virgo at ang asawa niya ay iisa. Nickname ba ang Virgo? Saglit akong umubo para maibsan ang awkward na katahimikan. "Ah, sorry, medyo nakarami ata ako ng camote que." Bahagya siyang natawa, at tila nakalimutan niya ang pangalan ni Virgo. "Dahan-dahan medyo matamis pa naman ang pagawa ko dyan. Hindi ba masakit ang tiyan mo?" Sumulyap muna ako kay Frozina at pinaglakihan siya ng mata bago tumingin kay Enia. "Hindi naman, Enia. Ang sarap nga eh. Sakto lang siya." Simula sa gabing yun, tikom ang bibig namin ni Frozina. Para kaming robot sa bahay at bawat salita, bawat galaw namin ni Frozina ay pinag-iisipan bago magbitaw ng sasabihin o katanungan. Alam naming anumang pagkakamali ay maaaring magdulot ng mas malaking gulo, lalo na’t hindi namin alam kung hanggang saanang alam ni Enia tungkol sa tunay na pagkatao ni Virgo. Habang tumatagal kami sa bahay nila, mas lalong lumalaki ang hinala ko. Kung walang alam si Enia, bakit hindi niya tanungin nang diretso? Alam kong may mga pagkakataon na mapansin niya ang pag-iwas namin sa mga tanong o kaya'y pagpalit ng usapan, pero hindi niya kami kinukulit. Para bang may sariling siyang pinanghahawakang dahilan para magpanggap na walang nakikitang kakaiba. Kaharap ko si Athena na nakasimangot sa akin. Nasa labas kami ng bahay. "Mother, do you really need to go? Well, I'm also worried with Tita Cassy and the Quadruplets. I hope I can finally meet Zephyr and Zebediah." Diretso nitong sabi. Tumango-tango ako. "Soon, anak, at oo. Kailangan kase ako ng Tita Cassy mo. Nag-alala rin ako lalo na't wala silang kasama tumawag kase si Aling Linda na magbabaksyon siya kasama si Aling Fe sa Abra. Kaya sila lang ang naiwan doon. Okay lang sayo, anak, na maiwan kita kasama sila Tita Enia at Tita Frozina mo?" Dahan-dahan itong tumango. "It's fine with me po as long as you will come back here safe and sound, mother. I'll wait for you here. But I'm still hoping that you will be back here as long as possible." Mabilis akong nakayakap sa anak ko. Naramdaman ko ang bigat sa puso ko habang yakap-yakap si Athena. Mahirap din sa akin na iwan si Athena. Ganito pala ang naramdaman ni Nix kapag aalis siya. Sa kabila ng tapang niyang ipinakita, alam kong mahirap din ito para sa kanya. Bilang isang magulang, mahirap iwan ang anak. Hindi ko alam kung ano ang maaari kong harapin sa pagbalik kay Cassy at sa mga bata. Ngunit alam kong kailangan ako ng kaibigan ko, at kahit paano, naiintindihan ni Athena ang tungkulin ko. "Mahal na mahal kita, Athena," bulong ko habang hinihigpitan ang yakap sa kanya. "Babalik ako sa lalong madaling panahon. Kapag natapos ko ang dapat gawin, uuwi ako agad para sa’yo." Hinaplos niya ang likod ko bago siya humiwalay at ngumiti. "I know, mother. Mag-iingat ka ha? Sabihin mo agad kay Tita Cassy at sa quadruplets na gusto ko rin silang makilala kapag naging okay na ang lahat." Tumango ako at hinaplos ang pisngi niya. "Pangako. At tandaan mo, narito sina Tita Enia at Tita Frozina para sa’yo. Kung kailangan mo ako, tumawag ka lang, okay?" Ngumiti siya at tumango. "Yes, mother. Don’t worry too much about me. Mas importante na safe kayo ni Tita Cassy. Also, father. I'll pray for you always." Isang huling yakap bago ako tuluyang nagpaalam. Pinanood ko siya habang bumalik siya sa loob ng bahay kasama sina Enia at Frozina na tahimik lang na nakatingin sa amin. Hindi ko alam kung paano ko mapupunan ang puwang ng pag-alis ko, ngunit alam akong magiging ligtas siya sa kabila ng mga banta sa paligid. Pumasok na rin ako sa kotse at huminga nang malalim bago umalis. Habang patuloy akong nagmamaneho, hindi ko mapigilang mag-alala. Para sa akin, sa anak ko, at lalo na kay Nix. Oo, kaibigan ko si Cassandra at kailangan niya ako pero hindi ko maiwasang mag-isip ng bagay-bagay. Yung pwede bang unahin ko ang anak ko? Pwede ba namin unahin ni Nix ang pamilya namin? Huminga ako ng malalim. Nagiging makasarili na ako. May kasalanan din naman ako kay Cassandra at hanggang ngayon di ko pa nasabi sa kanya. Ilang oras ang byahe hanggang sa dumating agad ako sa lugar namin ni Cassandra. Pagdating ko sa bahay ni Cassy, nakita ko agad siya sa may pintuan, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Hindi siya nagsalita nang makalapit ako, ngunit ramdam ko sa kanyang yakap ang pagod at takot na dala ng mga nakaraang araw. "Huwag kang mag-alala, Cassy. Narito na ako," bulong ko habang niyayakap siya. "Nag-alala ako, Lory. Hindi ko mapigilan eh." Naiiyak nitong bulong sa akin. "Wag ka na ngang umiyak. Magiging okay din ang lahat, tiwala lang. Mahirap mam-tay ang masamang damo, Cassandra. Tandaan mo yan." Ngunit ilang gabi pa lang ang lumipas habang nasa poder nila ako ay masamang balita ang bumungad kay Cassandra. Nacomatose si Dark.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD