Nakahalukipkip akong nakatitig sa kanya kahit gusto ko siyang ihulog sa bintana. Masama ang tingin nito sa akin habang hinimas-himas ang kanyang malaking tiyan. Tinaasan ko siya ng kilay at umayos ng upo. Yung tipong visible sa kanya ang bilogan ko ring tiyan.
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya at masama ang tingin nito sa katabi kong lalaki na kanina pa nakaakbay sa akin. Nakapikit ang mga nga mata nitong sinandal ang ulo sa balikat ko.
"Ano na naman ang kailangan mo?" Mahinahon kong tanong sa babae.
"It's obvious naman. Buntis ka rin pala sa lalaking yan at binahay ka na. So, paano ako?" Tinuro pa ang sarili.
Umirap ako sa kawalan. Hindi ko alam kung ano ang nakain ko sa araw na yun at hindi ko ito nasampal. Kapal ng mukha talaga eh.
"Seryoso ka ba na si Nix ang ama na dinadala mo? Dahil miss, kung hindi, magtago ka na lang. Di mo ki..." Di niya ako pinatapos at nagsalita siya.
"Nix?" Nagtataka nitong bigkas sa palayaw ko kay Phoenix at di ko yun nagustuhan dahil ako lang ang pwedeng gumamit sa palayaw na yan.
"Wag na wag mong gagamitin yan. Phoenix itawag mo sa kanya. Mapag-angkin sa hindi mo naman sayo." Masungit kong sabi.
Naguguluhan itong palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Nix.
"Phoenix?"
Umirap ako.
"Oo nga. Isa pang Phoenix, makikita mo talaga."
"Phoenix ang name niya?"
Tumaas ang kilay ko. "Oo. Bakit parang hindi mo alam? Huh! Hindi mo alam kung sino ama ng anak mo no'? Kaya pinaako mo kay Nix? Siraulo ka ba? Sorry, dzai. Akin ang lalaking ito. Siya ama ng dinadala ko at wala ng iba pa. Ako lang ang pinutukan at pinasukan ng kanyang jumbo hotdog."
Umawang ang labi nito at natulala. Napansin ko rin na gumalaw si Nix sa tabi ko at sumubsob sa leeg ko. Doon siya tumawa kaya napairap ako.
"Ano na?!" Masungit kong tanong.
Nagbuka-sara ang bibig nito kaya nainis ako. "Nanggugulo ka ba, day? Hindi ako natutuwa sayo."
Napansin kong natauhan siya at namula ang pisngi. Baka nahiya siya sa ginawa niya. Ay dapat lang!
"You're not Eucario Montero?"
Kumunot ang noo ko. Hindi ko kilala ang binanggit niyang pangalan kay Nix. Paano naging Eucario Montero si Nix?
"Hindi siya si Eucario Montero. Siya si Phoenix..." Napahinto ako dahil napagtanto kong hindi ko nga pala alam ang buong pangalan ni Nix.
Natulala ako ngunit napalingon kay Nix nang magsalita ito.
"...Eadmaer Koznetsov, ex-military. And I think I know who's the father of your child."
Napasinghap ako sa narinig ko. Phoenix Eadmaer Koznetsov? Ex-military? At alam niya kung sino ang ama ng dinadala ng babaeng kaharap namin? Nabigla ako sa mga rebelasyon niya na hindi ko alam.
"Phoenix... Eadmaer Koznetsov?" bulong ko, at wala na ang atensyon ko sa babae nasa harap namin na tila nabuhusan ng malamig na tubig.
Ang alam ko lang ngayon ay hinintay namin ang tinawag niyang Eucario Montero. At dumating nga ang lalaki. Nakakagulat malaman na si Dr. Montero pala si Eucario Montero.
Nakasuot ito sa puting lab coat niya at eyeglasses. Magulo ang buhok at puno ng pagtataka ang mukha niya ngunit huminto ang mga mata nito sa paglilibot nang dumako ito sa kasama naming babae. Dumilim ang mukha at umigting ang panga lalo na nung bumaba ang tingin nito sa tiyan.
Napakurap-kurap ako at tumingin kay Phoenix na may mapaglarong ngiti sa labi ngunit nakakat-kot. Tinampal ko siya sa braso dahilan para mabura ang ngiti niya sabay siksik sa leeg ko.
"Kaibigan mo rin yan no'? Parehas kayong mga bugok na itlog." Bulong ko sa kanya habang sinusuklayan ang kanyang buhok gamit ang mga daliri ko.
Napaungol ito sa pagtutol at malambing na kinagat ang leeg ko. Di ko siya pinansin bagkos ay nakatingin lamang ako sa babaeng naging dragon sa harap namin at mabilis sinuntok ang doctor sa tiyan.
That was the last time I saw them dahil pagkatapos ko yun makita dinala ako ni Nix sa kwarto namin. Doon kami buong maghapon habang rinig na rinig namin kung paano inaway ng buntis ang kakawang doctor.
Sumapit ang buwan ng kapanganakan ko at nag-iisa lamang ako sa condo dahil pinabili ko si Phoenix ng barbeque. Kahit ayaw niya akong iwan dahil nga kabuwanan ko na, sumunod pa rin sa akin. Pero mali ata ang ginawa ko. Hinding-hindi ko talaga nagugustuhan ang panglilihi ko.
Napangiwi ako at napahawak sa tiyan nang naramdaman ko na naman ang panibagong sakit. Pilit kong inabot ang phone ko nasa ibabaw ng mesa at pinindot ang number one.
Isang beses lang nagring at narinig ko na agad ang boses ni Nix.
"Darling, I'm on my way. Wait for a little, okay?"
Napakagat ako ng labi.
"Darling? Hey, darling? Athenarose? Are you mad? I'm on my way."
Napapikit ako at bumuntong hininga.
"I-I'm listening," bulong ko, ngunit dama ko ang hirap sa bawat salita. Nararamdaman ko ang mas matinding sakit sa bawat minuto, at pakiramdam ko ay lumalabo na ang paligid ko.
"Athenarose? Darling, take a breath. I’ll be there soon." Marinig ko ang bahagyang takot sa boses ni Nix, tila alam na niya ang nangyari sa akin.
Binitawan ko ang phone, nanginginig at halos mapapikit sa tindi ng nararamdaman kong sakit. Pinilit kong kumapit sa pinto, ngunit tila lalong bumibigat ang paghinga ko. Malalim akong bumuntong hininga habang hinimas-himas ang bilogan kong tiyan.
"Kalma, baby. Medyo masakit talaga. Paparating na si papa." Mahina kong pakiusap sa anak ko pero matigas ang bungo ng anak ko.
Malakas na bumukas ang pinto ng condo at may narinig akong kalabog. Nakita ko na lang ang sarili ko sa bisig ni Phoenix habang pilit akong kinakausap upang hindi ako mawalan ng malay.
Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Phoenix dahil nasa tapat agad kami ng hospital. Mabilis na tinakbo ako ni Nix sa delivery room. Ramdam ko ang lakas ng pagkahawak niya sa akin, kahit na bumigat ang pakiramdam ko sa bawat hakbang namin. Puno ng kaba ang kanyang mga mata nang kasama namin ang mga nurse at doktor sa loob ng delivery room.
Napapikit ako habang nakahiga sa stretcher, nagdarasal na sana’y maging maayos ang lahat para sa anak namin. Naririnig ko ang mga doktor na nagsasalita nang mabilis, halos hindi ko na maunawaan ang sinasabi nila. Unti-unti nang bumibigat ang mga mata ko, at sa loob-loob ko ay nagdadasal na lamang ako, para sa anak ko, at para kay Nix.
"Darling, listen to me. Don't fvcking leave me, Athenarose. I swear, I'll bvrn this hospital."
Hanggang sa...
Nagising ako sa malamig na silid ng ospital, napapaligiran ng mga aparatus. Pakiramdam ko ay parang pagod na pagod ang katawan ko, at bawat galaw ay parang nagpapaalala sa akin sa sakit na pinagdaanan ko kanina. Nilingon ko ang paligid, at doon ko napansin si Nix, nakatayo sa tabi ng kama ko. Puno ng pag-aalala at pananabik ang mukha niya, ngunit sa oras na iyon, napuno rin ito ng luha.
“Fvck...darling,” mahina niyang sambit, habang hinahawakan ang kamay ko nang sobrang higpit.
"Nix..." bulong ko, hirap pang magsalita. "A-ang anak natin?"
Huminga siya ng malalim at ngumiti siya, puno ng kaluwagan, at tinuro ang maliit na crib sa tabi ng kama ko. Andoon, natutulog ang munting anghel namin, tahimik at payapa.
"She’s perfectly safe," pabulong na sabi niya, hawak pa rin ang kamay ko. "And you... I almost lost you, too. You almost lost too much blood, darling. Fvck! I hate seeing you that situation."
Ngumiti ako, kahit na ramdam ko ang panghihina. "Hindi kita iiwan, Nix," bulong ko. "Para sa ating anak… para sa pamilya natin."
Hinawakan ni Nix ang mukha ko, at pumatak ang kanyang mga luha habang pinagmamasdan ako. "You and Athena….you two are my life."
Pinunasan ko ang luha niya at ngumiti. "Athena?"
Tumango ito at tumingin sa anak namin. "Hmm. Athena. Her name is Athena from your name, Athenarose."
Mas napangiti ako. "Eathelwyne. Athena Eathelwyne."
Dahan-dahan itong tumango at tinitigan ako. Tumagal ang titig nito sa akin tila nananaginip ng gising bago lumapit sa anak namin.
Nakita ko kung paano masuyo niyang hinaplos ang pisngi ni Athena at hinalikan ang noo nito.
"Athena Eathelwyne Ganlasa Koznetsov. That's your complete name, princess."
Napangiti ako sa nasaksihan. Lumingon ito sa akin at sinuklian ako ng ngiti habang naluluha pa rin. Naging iyakin na si Nix. Nasaan na yung malamig nitong ugali?