Isang buwan matapos isinilang ko si Athena ay naisipan namin ni Phoenix lumapit ng matitirhan. Napili naman ang hindi malayo sa bahay ni Cassandra upang madali ko lamang siya mabisita at matulungan.
Hanggang ngayon, itinago ko pa rin sa kanya ang buong katotohanan. Hindi niya alam. Sasabihin ko naman sa kanya ngunit hindi pa sa ngayon. Takot ako. Takot ako sa posibilidad na mangyayari lalo na't alam kong may nakamasid sa paligid namin. Ganun din si Nix, itinago niya rin kami mula sa iba pa niyang mga kaibigan. Si Dr. Montero lamang ang nakakaalam tungkol sa amin ni Athena. Ganun din kami, kami lang din ang nakakaalam na may mag-ina na rin siya. Parang win win na rin sa kanilang dalawa. Magpinsan nga sila. Parehas ang utak.
"Darling, where I'll put this one?"
Napatigil ako sa pag-aayos ng handa sa mesa at lumingon kay Nix. Hawak nito ang number one at tarpaulin na may mukha ni Athena. Dalawang selebrasyon ngayon. Birthday ni Athena at binigay niya rin.
Malapit na ang oras ng misa pero heto kami hindi pa rin tapos.
"Dyan na lang, pangga." Turo ko sa pader.
Mabilis itong tumango at ginawa ang sinabi ko. Sumulyap ako kay Athena na nakadapang naglalaro sa floor mat. Hawak nito ang paborito niyang laruan. Napangiti ako at pinagpatuloy ang ginawa.
Ilang minuto ay napatapos na rin at ngayon ay nasa loob na kami ng simbahan. Tahimik ang anak namin habang ang kasabayan namin sa binyag ay nag-iyakan. Dalawang tao lamang ang present na ninong at ninang ni Athena. Walang iba kundi si Dr. Montero at si Frozina.
Frozina. Ang panget ng pangalan niya. Whatever. Hindi lang naman sila ang ninang at ninong ni Athena. Alam kong marami ang ninong niya dahil si Nix ang nagsulat dun habang ako sa mga ninang at isa na dun ay si Cassandra.
"Hi! I'm sorry pala if I didn't invite you sa binyag ng baby ko. Pero no worries, ninang ka rin sa anak ko. Hello, Athena."
Napairap akong makita siyang pilit pisilin ang pisngi ni Athena.
Nasa bahay na kami ngayon at sila lang ang bisita namin. Yun ang alam ko dahil sumapit ang hapon, may kumatok sa bahay namin.
Halos matumba ako makita kong sino ang nasa labas ng bahay. Nakipagtitigan ito kay Nix at pilit sinilip ang pwesto namin ni Athena kung saan ay nasa sala. Nanlaki pa rin ang mga mata ko at umawang ang labi.
"Tita Lory. It's really you." Seryoso nitong sabi.
"Sino yan?" Si Frozina na kakalabas lamang mula sa kusena kasunod si Dr. Montero na nilalantakan ang cake.
Napahinto ang Doctor at halos mabilaukan makita ang batang lalaki na pilit dumaan sa gilid ni Nix papasok sa bahay namin. Narinig kong napasinghap si Frozina habang ang bata naman ay nasa harapan ko na at nakipagtitigan sa akin gamit ang malalamig nitong kulay asul na mga mata.
Niyakap ko si Athena nang gumalaw ito bago nagsalita. "A-Anong ginawa mo dito, Z-Zeus?"
"Zeus?" Tawag ko ulit dahil na kay Athena ang mga mata nito na pilit inaabot si Zeus gamit ang maliit nitong kamay.
"You have a daughter."
"Ah, oo." Wala sa sarili kong sagot.
"And, you can't hold her, Zeus." Sabat sa amin ni Phoenix at sinamaan pa ng tingin ang inosenteng bata.
Hindi ko sila pinansin instead tumingin ako kay Dr. Montero. Napainom ito ng tubig habang nakatitig kay Zeus.
"Damn! Too much revolution." Rinig kong bulong sa kanya.
Simula noon palagi ng bumibisita si Zeus sa bahay namin habang walang kamalay-malay ang ina sa ginagawa niya.
At ngayon, nasa sala kami ng bahay ni Cassandra dahil umalis siya. Ako ang naiwan sa mga bata na ngayon ay busy sa kanya-kanyang ginagawa. Tinuruan ko sa math si Zuhair kahit medyo bobo ako sa numbers. Buti na lang at nagkaintindihan kaming dalawa.
"Tita Lory, paano naging lapu-lapu ang two plus two?" Takang tanong nito at nagkamot sa ulo.
Napakamot na rin ako sa ulo at tumingin sa kanya na nakadapang sumasagot sa assignment sa lapag. Nakaupo ako sa tabi niya at tinignan ko ang sinulat niya. Magsasalita sana ako nang naunahan ako ni Zephyr.
"It's four, not Lapu-lapu. You should study harder, Eros." Straight nitong English.
Napatunganga akong tumingin kay Zephyr na ngayon ay pinagkrus ang mga braso sa harapan namin at nagkasalubong pa ang mga kilay. Anak ng tinapa.
May pinagmanahan nga sila. Napakamot ulit ako sa ulo. Gusto ko ng umuwi sa bahay. Kahit mana sa ama ang anak ko, mas gusto ko pa siyang kasama kesa sa apat na ito. Ayoko na. Suko na ako sa kanila.
Nakasimangot akong hinanap ng mga mata ko si Zebe at nakita ko siya sa ilalim ng mesa habang nakaassemble sa harap niya ang kanyang mga laruan. Sinusuklayan din nito ang buhok ng kanyang manika. At ang huli, ang nag-iisang Zeus na hanggang ngayon di pa rin nasagot ang katanungan ng isipan ko kung bakit alam niya kung saan nakatarak ang bahay namin.
Nakita ko siyang may sinusulat na naman sa kulay itim nitong notebook. Kumunot ang noo ko dahil hindi ito ang unang beses nakita ko ang notebook na yan.
Iniwan ko muna si Zuhair kay Zephyr at nilapitan si Zeus. Umupo ako sa tabi niya kaya umusog papalayo sa akin at tinakpan ang kanyang notebook. Tinaasan ko siya ng kilay ngunit sinulyapan lang niya ako.
Kita mo. Kita mo!
"Isusumbong kita sa nanay mo na umaalis ka tuwing alas tres sa madaling araw." Banta ko sa kanya.
Sino ba kasing bata ang aalis ng alas tres sa madaling araw para guluhin kami? Nagmumukha siyang gwardya sibil ni Athena. Pero parang ewan din itong anak ko eh dahil nagigising din sa madaling araw at hinayaan ng anak ko na mahawakan siya ni Zeus. Eh ang arte-arte ng batang yun. Kahit nga si Dr. Montero ay hindi nakakahawak sa kanya kahit dulo ng buhok dahil tinatapik ang kamay nito. Pero pagdating kay Zeus....no comment na lang.
Lumingon ito sa akin at tinitigan ako sa mata. "Then, I tell nanay you hide something behind her back. I'll tell her you got married last month with Tito Phoenix and you didn't invite her. And I'll tell her that she's Athena's ninang without her knowledge. I will also, tell her that you know my tatay whereabouts."
Napanganga ako sa sinabi niya at napaiwas ng tingin. Napasapo ako sa dibdib at parang tangang sinamaan ng tingin ang sahig. Naisahan ba ako ng batang ito? Kaya ba hinayaan siya ni Nix maglabas-masok sa bahay namin dahil binantaan rin siya? Aba't may pinagmanahan nga.
Napakamot ako sa ulo at huminga ng malalim bago lumingon sa kanya na nagsusulat pa rin pero tinakpan niya ito upang hindi ko mabasa. Kahit makikita ko yan hindi ko pa rin mababasa dahil ibang lenggwahe.
"Fine. Fine. Panalo ka now pero next time hindi na. Hindi talaga ako naniniwalang five years ka pa lang, Zeus." Sabi ko rito pero sumulyap lang sa akin at tumango.
Di ko na lang yun pinansin at nagpatuloy. "Alam mo. May gusto akong malaman kaya dapat mong sabihin ang totoo, okay?"
Sumulyap ulit ito sa akin at tumango. Napakamot ulit ako sa ulo. Sanay na ako sa ugali niya pero nakakapikon din minsan kaya nakapagtatakang naging magkaibigan sila ng anak ko. Siguro dahil magkaugali sila. Parehas ang gusto.
"Paano mo nalaman kung nasaan ang bahay ko? At bakit ka napadpad sa bahay ko?" Tanong ko sa kanya.
Huminto ito sa pagsusulat at tinuon ang buong atensiyon sa akin. Napakurap-kurap akong nakipagtitigan sa kulay asul nitong mga mata.
"First of all, it's not only yours, tita Lory. And it because we are in the same Barangay but in different Sitio. I can walk. I can talk. I can ask. I accidentally saw you walking around with Tito Phoenix in Central, Tita Lory. And, I know you have a daughter because I also accidentally open your password and saw your home wallpaper." Seryoso nitong sabi bago muling nagsulat.
Napanganga ako. Nagulat pa akong lumingon ito sa akin at nagsalita bago nagsulat muli.
"You should change your password, Tita Lory. Nix pangga is too corny."
Bumalik ako sa bahay na lutang. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Zeus kanina. Batang yun! Paano niya nalaman password ko? Don't tell me yung sinusulat niya kasama run ang password ko?!
Nakasimangot akong pumasok sa bahay at sumalubong sa akin ang prinsesa namin na sinusuklayan ni Nix sa sala.
Napahinto ako at wala sa isipan ko ang usapan namin ni Zeus. Pinagmasdan ko ang mag-ama. Sinusuklayan ni Nix ang itim at tuwid na buhok ng aming Athena na hanggang bewang na. Nakaupo ito sa vanity mirror na pinapagawa pa ni Nix para lamang sa kanya. Mula sa salamin, nakita ko ang seryosong mukha ng anak ko na may bangs habang nakikinig sa ama niya.
"You'll be three next next month. What do you want, princess?"
"Nothing, father."
"Are you sure?"
"Hmm."
"Okay. Can I have mother later, my princess?"
Kumunot ang noo ko.
"No. I want mother to sleep beside me."
Narinig kong bumuntong hininga si Nix. Napakagat ako ng labi.
"Why father? You can't sleep without mother beside you?" Inosenteng tanong ng bata.
Pinagkrus ang mga braso ko sa dibdib at hinayaan silang dalawa.
"Yes, princess. Can you have mercy on your father? I have sleepless nights."
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood ko sila. Si Nix, ang dati'y tahimik at seryosong tao na bihirang magpakita ng kahinaan, ngayo’y nagmamakaawa sa aming anak na bigyan siya ng tahimik na gabi para makatulog. Nakakatuwang tingnan, pero may halong lambing din.
Si Athena, ang munting prinsesa namin, ay tumingin sa kanya sa salamin, malalaki ang mga mata at puno ng kuryosidad at konting kapilyuhan. Hindi siya agad sumagot; parang sinisiyasat muna ang ekspresyon ng ama, wari’y nararamdaman ang desperasyon nito.
“Father, you’re a big man, right?”
“Yes, princess. Your father is strong,” Nix replied, nodding eagerly, unaware of where she was going with this.
“Then, why are you scared to sleep without mother?” She tilted her head, giving him an innocent look, but I could tell there was a bit of mischief brewing in her mind.
Napatigil si Nix, halatang gulat sa sinabi niya. Tumitig siya sa akin na para bang humihingi ng tulong, pero nanatili lang ako sa may pinto, ini-enjoy ang bihirang sandali. Alam kong kaya maging pasaway ni Athena, lalo na kapag gusto niya, at ang makita si Nix sa ganoong sitwasyon ay isang kakaibang kasiyahan.
“Well… it’s just that… when I’m with mother, I feel very peaceful. Like there’s no need to be afraid of anything,” he tried to explain, though his words sounded more like an attempt to persuade her.
Pinag-isipan mabuti ni Athena ang sagot niya, at pagkatapos ay humarap kay Nix, hinawakan ang mukha nito ng maliliit niyang kamay at hinila pababa sa kanyang antas.
“Then I guess you need to be strong, father, so that mother can rest too,” she said wisely, her little fingers patting his cheek.
Pinigil ko ang tawa ko habang pinapanood si Nix na nahirapan sa biglaang kaalaman ni Athena. Hindi niya alam kung paano sasagot, pero halata ang halo ng pagmamalaki at pagkabigo sa mukha niya. Napabuntong-hininga siya, at binigyan ito ng maliit na ngiti ng pagsuko.
“You’re right, princess,” he said, finally relenting. “Your father will be strong for mother.”
Tumango si Athena bilang pagsang-ayon, at ibinalik ang atensiyon niya sa salamin, na para bang karaniwang usapan lang iyon sa kanilang dalawa ng ama niya. Namangha ako sa kumpiyansa at kaisipan ng anak ko. Hindi naman ako ganyan.
Pagkatapos ng ilang sandali, muling tumingin si Nix sa akin, at lumambot ang mga mata niya habang papalapit ako sa kanila. Nilagay ko ang kamay ko sa balikat niya at binigyan siya ng pabirong tingin.
“Anyare, Mr. Koznetsov?”
“Don’t remind me,” sabi niya nang may bahagyang ngisi, habang hinihimas ang sentido niya. “But I wouldn’t have it any other way.”
Yumuko ako at hinalikan si Athena sa tuktok ng ulo niya. "Hello, anak. Miss ko ikaw. Tapos na kayo maghaponan?"
Sabay silang umiling kaya napangiti ako. "Ligpit mo muna laruan mo, anak. Lagay mo ulit sa box. Kaya mo ba, anak?" Mahinahon at malambing kong tanong sa kanya.
Ngumiti si Athena, masayang kinuha ang kanyang mga laruan at naglakad na papunta sa kanyang kwarto. Pinanood ko siyang pumasok, at pagkatapos ay bumaling ako kay Nix, na kinuha ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya.
"Can I at least have a few minutes with you?"bulong niya, nakayakap sa akin.
Ngumiti ako, naramdaman ko ang paglambot ng puso ko sa mga sinabi niya. “Siyempre naman. Pero ilang minuto lang ha,” pabiro kong sabi, habang nakayakap din sa kanya.
Tumayo kami doon, yakap ang isa’t isa sa isang komportableng katahimikan. Sa kabila ng lahat mula ang mga sikreto, ang mga pang-nib, at ang komplikadong buhay na sinusubukan naming itayo nang magkasama, ang sandaling ito ay para sa amin, at para bang perpekto ito.
"It's fine with me." bulong niya, hinalikan ako sa noo nang banayad. "As long as I can embrace you. I missed you, darling."
Tumingin ako sa mga mata niya at pinisil ang kanyang kamay. "Miss mo lang p-mpem ko, Mr. Koznetsov. Wag mo akong bolahin."
Ngumisi si Nix sabay tango.
"Hmmm." Bumaba ang kamay nito sa pagk-babae ko. "I really miss this....being inside you while sleeping."
Natampal ko ang kamay niya. "Siraulo."