CHAPTER 1

1655 Words
KAKATAPOS lang maghugas ng pinggan na pinagkainan ni Amia ngayong umaga ng marinig niya ang tunog ng doorbell ng kanilang bahay. Bago niya tuluyang buksan ang pinto ay inalala niya kung ano ang petsa ngayong araw, ika-16 ng buwan. Ngayon nga ito magpapadala sa kanya. Gaya ng nakalipas na dalawang taon, wala siyang nakitang tao nang buksan niya ang pinto. Bumaba ang tingin niya sa isang medium-sized na kahon na siyang naiwan sa labas ng bahay niya. "Ba't medyo malaki siya ngayon? Sa akin ba talaga 'to?" Tiningnan niya ang nakasulat sa box, 'To: Amia Illian Fernandes. Advanced happy 18th birthday, From: ALY' Napangiti siya sa simpleng bati sa kanya ng benefactor niya sa pag-aaral. Kahit na sa susunod pa na buwan ang kanyang kaarawan ay ito ang unang taong bumabati sa kanya ng walang palya sa loob ng dalawang taon na naging scholar siya nito. Sinubukan niyang dalhin papasok ang kahon kaso medyo mabigat kaya binalik niya ulit ito sa sahig. "Paano kita maipapasok sa loob ngayon?" May narinig siyang kaluskos sa bandang harapan ng bahay at medyo mahinang boses na parang nag-uusap. "Let go of me. Nahihirapan siya, kailangan ko siyang tulungan." "Dito ka lang, hindi ka pa niya pwedeng makilala." "Hindi niya kayang dalhin ang kahon. What do you expect me to do? Watch the girl I love suffer?" "Masisira lahat ng plano mo pag magpakita ka sa kanya ngayon. Gusto mo ba iyon?" Wala na siyang narinig na sagot at ingay kaya naglakad siya patungong may gate nila at bubuksan na sana niya ito ng... "Ugh! Harder baby! Faster! Aahh!" "What the hell are you doing?!" "Shut up. Papunta na siya dito, we need to stop her... Ughh! That's it! Harder and deeper! Ugh!" Hindi na niya tinuloy na tingnan kung sino ang nasa labas dahil sa narinig na ingay. "Ang aga naman ng renovation ng kapit-bahay ko. Akala ko sa susunod pa na linggo iyon. Naghuhukay na ata sila ng lupa, may narinig kasi akong deeper at harder eh." Napapailing siya na bumalik sa kanyang bahay at tinulak na lang niya papasok ang kahon. NAPATINGIN ang dalawang lalaki sa pigura ng babae na pumasok na ng bahay. "That was close." "Dude, sobrang nakakahiya ng ginawa ko tapos iisipin niya lang na naghuhukay lang ako ng lupa, hindi ba niya inisip na gumagawa ako ng kababalaghan? She's really different." "And. She's. Mine. Don't you dare like her. Kahit kaibigan kita, may magagawa akong masama sa iyo pag magkagusto ka sa kanya." "What the! Sinabi ko lang na kakaiba siya gusto ko na agad? I don't like the innocent and pure type, I like girls that are hot and wild." "Mabuti at nagkakaintindihan tayo." "Hindi kita aagawan, okay? Kung kailan ka tumanda mas naging seloso ka pa." "Gusto mong masaktan, Trey?" "Pero sabi ko nga na age doesn't matter. Bagay na bagay talaga kayo. Ako nga ang number one fan ng loveteam niyo, Go! Ymia!" "Tsk. Let's go, I have a meeting to attend to." Yrex took a last glance on the house before entering his car and dash away. "I'll come back again, at sisiguraduhin kong maihaharap kita sa altar ng simbahan." HINDI na nagulat si Amia ng makakita ng mga branded shoes, dress at bags sa kahon. Palaging ganoon ang pinapadala sa kanya, pagkatapos niyang isukat ang mga damit at heels ay ibabalik niya ito sa lalagyan at itatago sa kabinet niya. Napatingin siya sa puting sobre na kasama din sa pinadala sa kanya. 50,000 pesos ang palaging laman nito at sobrang laki ng perang iyon para sa allowance niya sa isang buwan. Sampung libo lang ang nagagasta niya mula rito at ang iba ay iniipon niya. Ang ginagamit niyang pera sa ibang gastusin niya ay ang sahod mula sa café estrella kung saan siya nag-papart time job. Napatingin siya ulit sa kahon kung may laman pa ito at mayroon pa nga. May nakita siyang maliit na pulang box, kinuha niya ito at binuksan. Namangha siya ng makakita ng isang singsing at nakaukit ang pangalan niya sa loob. It's an infinity diamond ring. Sinuot niya ito sa kanyang ring finger and it perfectly fits. Kinuhanan niya ng litrato ang kamay niya na suot ang singsing at si-nend iyon kay Mister Aly, required kasi siyang magpadala ng larawan sa mga bagay na nagustuhan niya mula sa mga pinadala nito at picture din ng grades niya. Nililigpit na niya ang mga gamit na natanggap nang makitang umilaw ang kanyang cellphone. Nag-reply na si mister Aly! 'It was really made for you, Lagi mong susuotin iyan at huwag mong iwawala.' 'Opo. Iingatan ko ito lalo na't bigay po ninyo.' 'Good. What gift do you want for your birthday?' 'Wala na po. Sobra na sobra na nga po itong binigay ninyo at naitulong sa akin. Salamat po.' 'Don't thank me, I want something from you too. And I hope you won't hate me for being selfish.' 'Ano pong ibig niyong sabihin?' Nagkibit-balikat na lang siya ng hindi na ito nag-reply pabalik. Sobrang laki talaga ng naitulong ni mister Aly sa kanya simula ng mawala ang mga magulang niya noong labin-limang taon pa lamang siya. Pansamantala siyang napunta sa isang ampunan nang mailibing ang kanyang mga magulang dahil wala na siyang mga kamag-anak na kilala na pwedeng kumupkop sa kanya. Gusto na niyang umalis dahil kaya naman niya na mabuhay mag-isa pero hindi siya pinayagan. Isang buwan siyang nanatili doon hanggang sa may nagpakilalang isang babae na best friend ng mama niya. Mabait ito at gusto siya nitong ampunin at dalhin sa amerika para doon na mag-aral pero hindi siya pumayag dahil mas gusto niyang tumira dito sa pilipinas at sa dati nilang bahay. Humingi na lang siya ng tulong na makaalis sa ampunan pero ang kapalit ay magiging guardian na niya ito, agad naman siyang pumayag. Nang makauwi na siya sa bahay nila kasama ang best friend ng mama niya ay nagulat sila ng kinabukasan may pumuntang tauhan ng taga-ampunan at sinabing may gustong mag-paaral sa kanya. Noong una ay hindi pa sila naniwala pero may pinakitang papel na nagsasaad na susuportahan ang pag-aaral niya hanggang sa makapagtapos at makapag-trabaho na siya. Tinanggap naman niya ito dahil hindi na niya pro -problemahin ang bayarin sa eskwelahan. Hindi niya pa nakita kahit anino ng kanyang benefactor, binigay lang sa kanya ang numero para ipadala ang picture ng kanyang grades at sinabi na tawagin na lang daw itong mister Aly. Sa tingin niya ay pamilyadong tao, mayaman at matanda na ang nag-papaaral sa kanya at sobrang bait siguro dahil tinulungan nito ang katulad niya kahit hindi sila magka-dugo. Sana ay makita niya ito para mapasalamatan ng personal. *One month After* "Amia, pwede ka nang umuwi. Birthday na birthday mo nagtratrabaho ka." Napatingin siya sa may-ari ng café na nasa counter. "Sige po ate Pia. Tatapusin ko lang ang paglilinis sa lamesang ito." Pagkatapos niyang punasan ang lamesang malapit sa bintana ay pumasok na siya sa staff room at nilagay ang itim na apron na suot niya sa locker ng mga empleyado at kinuha ang kanyang puting sling bag. Friday, Saturday at Sunday ang shift niya every 8 am to 12 pm. Mula sa puting damit na uniporme ng café ay nagpalit siya ng pink off the shoulder bell sleeve top. Hindi na siya nagpalit ng suot niyang black ripped jeans. Dumiretso siya sa counter at nagpaalam ulit. "Ate Pia, Mauna na po ako sa iyo." "Sandali, eto nga pala ang regalo ko sa iyo." "Po? Hindi niyo naman po kailangan--" "Kukunin mo o wala ka ng trabaho bukas." Tinanggap niya ang pulang shopping bag at napangiti siya ng makita ang laman 'non. "Nakita ko ang dress na iyan nang naghahanap ako ng regalo para sa iyo kahapon. Ikaw bigla ang naalala ko at paborito mo ang kulay pink diba?" "Opo. Salamat po ulit, kahit hindi na po ninyo ako bigyan ng regalo. Sobra-sobra na nga po na pinayagan niyo akong mag-trabaho dito kahit minor pa ako." "Wala iyon, at dalaga ka na ngayon. Baka sa susunod may boyfriend ka na niyan!" "Hindi naman po, mas focus po ako ngayon sa pag-aaral ko. At saka sino naman po ang magkakagusto sa akin?" "Bulag lang ang hindi magkakagusto sa iyo. Ang ganda-ganda mo kaya!" "Palabiro po talaga kayo. Sige po, aalis na po ako." "Mag-iingat ka." Habang bitbit ang regalo na bigay sa kanya ay naglakad lang siya pauwi. Isang rason kung bakit niyang piniling magtrabaho sa café estrella ay dahil pwede lang niya itong lakadin mula sa bahay niya. Ilang minuto lang na paglalakad ay narating na niya ang berdeng gate ng kanyang bahay. Kinuha niya ang susi ng padlock ng gate na nasa ilalim ng paso ng tanim niyang bulaklak. Pagkapasok niya nang bahay ay nahahapo siyang napaupo sa sa sofa. "Happy 18th birthday to myself." Palagi naman ganoon pag kaarawan niya, mag-isa siya lagi. Siguro ay gagawin na lang niya ang kanyang mga assignments o projects gaya ng ginawa niya noong nakaraang taon. Ordinaryong araw na lang ang birthday niya para sa kanya simula ng mawala ang kanyang mga magulang. Napatingin siya sa kanyang cellphone at napaupo ng maayos nang makitang tumatawag ang isang taong hindi niya inaasahan. Palaging text lang ang naging pag-uusap nila kaya kinakabahan niyang sinagot ang tawag. "H-Hello?" "Happy 18th birthday, Amia." Tumaas ang balahibo niya nang marinig sa unang pagkakataon ang boses nito. "S-Salamat po." "What are your plans for today?" "U-Uhm, gagawin ko po ang mga assignment at projects ko. Bakit po?" Wala siyang narinig na sagot pero nasa linya pa din ang kausap. Napatayo siya ng marinig ang tunog ng doorbell. "Iyan na ata ang hinihintay kong pizza." Nagmamadali niyang binuksan ang pinto at imbes na delivery boy ang bumungad sa kanya ay isang gwapong lalaking naka gray three piece suit at may asul na mga mata ang kaharap niya ngayon. Nginitian siya nito ng makita ang nagtataka at gulat niyang mukha. "Happy birthday again, moya Iyubov'. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD