Nakatulala pa din si Amia sa lalaking nasa harapan niya. Hindi niya mapigilang mamangha sa itsura nito, medyo kulot na buhok, matangos na ilong at asul na mga mata, wala siyang kahit anong mapipintas sa mukha nito.
"Done checking me out, liybimaya (Darling)?"
"S-Sino ho kayo?"
Nginitian siya ulit ng lalaki at hinawi ang iilang hibla ng buhok na nakatabing sa mga mata niya.
"I'm Yrex Sarmiento Volkov but you know me as mister Aly."
"K-Kayo po i-iyon?"
Hindi siya makapaniwala dahil ang ini-imagine niyang mister Aly ay matanda na ang itsura at maputi na ang mga buhok pero kabaliktaran at sobrang layo nito sa reyalidad.
"Yes. Can I come in?"
"O-Opo. Pasok ho kayo, sir."
Tumabi siya para makapasok ito. Nang makalagpas na ito ay hindi niya maiwasang mapatingala. May katangkaran din ito at sa tingin niya ay hanggang balikat lang siya nito. Agad siyang lumapit nang makitang umupo na ito sa sofa.
"May gusto po ba kayong inumin?"
"I'm okay, don't bother. Why don't you sit down?"
Sumunod siya sa sinabi nito at umupo sa katabing upuan.
"I came here today because it's the perfect time to introduce myself. I'm sorry for coming unannounced and don't just let any man enter your house, hindi mo alam baka masamang tao iyon."
"Pero nagpakilala naman po kayo at alam kung hindi naman kayo masamang tao."
"R-Really? I'm glad you don't find me suspicious."
"Ayos lang po ba kayo? Namumula po ang mukha ninyo?"
"Y-Yes, m-medyo mainit lang kasi."
"Sandali lang po at kukunin ko ang electric fan sa taas."
Papunta na sana siya sa second floor ng maramdamang may kamay na pumigil sa braso.
"No need, I only want you here beside me."
"Po?"
"Umupo ka ulit and tell me something about yourself."
Parang may kakaibang sensasyon siyang naramdaman habang nakatingin siya sa mga mata nito. Wala siyang nawa at bumalik na ulit sa pagkakaupo.
"S-Sige po. Ano pong gusto niyong malaman?"
"Kahit ano basta tungkol sa iyo, intresado ako."
"Ahm, full name ko po ay Amia Illian Fernandes. Birthdate ko po ay February 12, 2003. Ngayong araw po ay 18 years old na po ako. Naulila ako noong labin-limang taong gulang pa lamang ako."
"Hindi ka ba nahirapan sa pagkawala ng mga magulang mo?"
"Noong una, oo. Pero may mga tao namang mababait na tinulungan ako. Kagaya po ninyo, sa dami-dami pong taong mapipili niyo ay ako pa po ang maswerteng napili. Maraming salamat po."
"Gusto mong malaman kung bakit kita napili?"
"Sige po."
"Ya vlyubilsya f tyebya s pyervava fsglyada (I fell in love with you at first sight.)"
"Ano pong sinabi niyo, hindi ko po kayo naintindihan."
"Sorry, I'm half russian kaya hindi ko mapigilang magsalita ng lenggwahe nila. Ang sinabi ko ay napili kita dahil ramdam kong matalino, masipag at kakaiba ka. Hindi nga ako nagkamali dahil ikaw palagi ang top 1 sa klase niyo."
"Maraming salamat po, sir."
"Drop the 'po' and 'sir'. Just call me Yrex, pakiramdam ko tuloy ay sobrang tanda ko na."
"Pasensya na, kung hindi niyo mamasamain ilang taon na kayo?"
"I just turned 30 last January."
"Po?! 30?"
"Bakit? Mukha pa ba akong mas matanda?"
"H-Hindi po. Akala ko kasi mga 20 plus pa lang kayo. Ang bata pa po ninyong tingnan."
"I'm flattered, malishka (baby). You think I'm much younger, should I brag about my face now?"
"Bakit po hindi? Gwapo naman po kayo at ano pong ibig-sabihin ng malishka?"
"It means baby, you're my baby dahil mas matanda ako sa iyo and it hits different when you're the one saying I'm handsome."
"Hindi niyo po ba iyon madalas naririnig sa asawa niyo?"
"I still don't have a girlfriend or wife but maybe sooner. At diba sinabi kong huwag mo na akong gagamitan ng po at opo. Tawagin mo na lang akong Yrex."
"Sige, simula ngayon Kuya Yrex na ang tawag ko sa inyo."
"I'll accept it for now because it will change, from your kuya to your lover, just wait."
"May sinasabi po kayo, hindi ko kasi narinig."
"Ah, Wala. Gusto mong lumabas? My treat, it's your birthday and you should have fun."
"Nakakahiya naman po sa inyo, huwag na---"
"Let's go. Saan mo gustong pumunta?"
"Hindi po ba ako makakaabala sa inyo?"
"No, never.. So, Where do you want to go?"
"Hindi ko po alam. Bahay, eskwelahan at sa café lang na pinagtratabahuan ko ang lagi ko pong ruta."
"You're working? Hindi ba sapat ang allowance na binibigay ko?"
"Ho?! Sobra-sobra na nga po iyon, ayaw ko lang na umasa sa iba. Gusto ko ang ginagastos kong pera ay pinaghirapan ko, iyong bigay niyo ay iniipon ko po."
"Okay, I understand. Can I visit your workplace?"
"Oo naman. Alis na tayo, Kuya Yrex."
"Yeah."
HININTAY ni Yxer na matapos sa pagsasara ng bahay si Amia at sabay silang naglakad papunta sa café na sinasabi nito. Masaya niya itong pinagmamasdan, pagkatapos niyang maghintay ng tatlong taon ay nakasama at nakapagpakilala na siya sa wakas.
Mas gumanda ito ng huling niya itong nakita. Her beauty is one of a kind. Her straight long hair and brown eyes made her look like a doll, not to mention her perfect nose, rosy cheeks and pinkish lips.
Nang mapagtanto niyang may kakaiba siyang nararamdaman para sa dalaga ay hindi niya iyon matanggap. When he first saw her was when he was 27 years old and she's 15.
Bumibisita kasi siya sa kanilang ampunan once a month para i-check kung may problema o kailangan pang iba ang mga tauhan nila doon. Paalis na sana siya ng makita niya ang isang babae na nakaupo sa isang bench malapit kung saan niya pi-nark ang kotse niya.
"Who is she?"
"Siya si Amia Fernandes."
Nagulat siya ng may sumagot sa tanong niya, nasa tabi na niya pala si ate rica, ang in charge sa ampunan nila.
"Ano pong nangyari at nandito siya?"
"Namatay kasi ang mga magulang niya mula sa isang aksidente noong nakaraang buwan at siya lang ang nakaligtas. Dinala muna siya dito temporarily dahil wala na itong mga kilalang kamag-anak."
"Ilang taon na po ba siya?"
"Kinse pa lang siya. O siya, iiwan na kita at marami pa akong gagawin sa loob."
"Sige po."
Napailing na lang siya, imposible naman na may ibang ibig-sabihin ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso ng makita niya ito. Nilingon niya ito ulit at mas nagwala pa ang puso niya ng makita itong ngumiti habang nakatingin sa isang paruparo na nakadapo sa kamay nito.
Pinagmasdan pa niya ito ng matagal hanggang sa bumalik na ito sa loob. Nagtungo na rin siya sa kanyang puting kotse at bago siya pumasok ay tiningnan niya ulit kung saan nakapwesto si Amia.
"There's no way that I like her. Nasa katinuan pa naman ako at kahit kailan hindi ako papatol sa isang bata."