"There's no way that I like her. Nasa katinuan pa naman ako at kahit kailan hindi ako papatol sa isang bata."
Syempre, kinain niya ang mga salitang binitawan niya. Hindi siya makapag-trabaho ng maayos dahil minu-minuto sumasagi sa kanyang isip ang nakangiting mukha ni Amia. Nilabanan talaga niya ang namumuong damdamin para sa dalaga dahil ayaw niyang ma-kasohan ng child abuse at sobrang laki ng agwat nila sa edad.
He's old and she's young, very young. Pero kahit anong gawin niyang paalala sa sarili na hindi dapat siya magkagusto sa isang bata, natalo pa rin siya. Pagkatapos ng isang linggo ay nag-desisyon siyang tawagan ang ampunan at tanungin kung kamusta ang kalagayan ni Amia.
Nagulat siya ng malamang kaalis lang nito kasama ang guardian ng dalaga. Natakot siya na hindi na ulit ito makita kaya hiningi niya ang address at umisip ng paraan para kahit papaano magkaroon sila ng ugnayan, and that's how he came up with the scholarship plan.
It's like hitting two birds with one stone, he can help her and they will also have some sort of connection. Pero nangako siya sa sarili na hindi magpapakita at personal na magpapakilala hangga't hindi pa nasa legal na edad si Amia. Kasi alam niyang pag lumapit na siya, mahihirapan na siyang humiwalay.
"Kuya Yrex, Bakit ka tumigil sa paglalakad? Pagod ka na ba?"
"I'm offended, malishka. I maybe 30 years old but I'm perfectly fit, I was just thinking some things and... I see your wearing the ring I gave you."
"Oo naman po, sabi niyo kasi lagi kong isusuot at ang ganda po ng design."
"I'm glad you like it."
"Salamat po ulit. Malapit na po tayo, nakikita niyo iyong itim na pintuan sa may kanan, iyan na ang café na sinasabi ko. Halika na po."
He was shocked when she grabbed his hand and drag him. Is this what you freaking called holding hands? It feels so damn
Nadismaya siya ng bitawan na nito ang kamay niya. Their hands intertwined feels really... perfect.
"Pasok na tayo sa loob, Kuya."
Nakangiting tiningnan siya ng dalaga at hinawakan uli ang kamay niya bago pumasok sa loob. His heartbeat is loud and he can feel his face heating--what the! Is he blushing?!
"Ate Pia!"
Tinawag niya ang kanyang boss na nakatambay pa rin sa may cashier. Hindi pa naman ganoon kadami ang costumer sa café kaya malaya pa niya itong makakausap.
"Oh, ganda! Ba't andito ka ulit? Kaaalis mo lang kanina ah? At may kasama kang gwapong boylet, ikaw ha! Sabi mo hindi ka muna mag-boboyfriend siguradong broken ang mga manliligaw mo pag nalaman nilang taken ka na."
"Po?! Hindi ko po siya boyfriend, siya po si Kuya Yrex. Nakwento ko sa inyo na scholar ako diba? Siya ang nag -papaaral sa akin."
"Talaga? Bagay kayo."
Tiningnan niya ang reaksyon ng kasama, baka kasi mailang ito sa mga pinagsasabi ni Ate Pia pero nakita niyang ngumiti lang ito.
"A-Ahm, Sige ate. Merienda muna kami dito. Anong gusto mo Kuya?"
"Iced Latte and one croissant."
"Okay. Isang Iced Latte, croissant at Iced Mocha sa amin. Magkano lahat 'te? "
"435 pesos, ganda."
Magbabayad na sana siya ng makitang naglapag ng isang itim na card sa counter si Yrex.
"I will pay for this, malishka(baby). You accept cards don't you?"
"H-Ha? O-Oo naman. Your order will be served shortly."
Ibinalik na ulit sa lalaki ang card at naghanap sila ng available table. Pinili nilang umupo malapit sa may glass window ng café.
"I like the vibe of this place. It's vintage."
"Ako rin po. Parang binabalik ka sa nakaraan dahil sa mga bagay na nakikita mo."
Ang tema kasi ng café estrella ay vintage, old yet classic. May mga gamit kang makikitang naka-display na matagal nang hindi ginagamit sa panahon ngayon pero magandang tingnan gaya ng makalumang bisikleta na nakabitin sa pader malapit sa banyo.
"So? Marami ka palang manliligaw?"
"H-Hindi naman po. May mga nagtatangka pero hindi ako pumapayag, top priority ko po ngayon ang pag-aaral."
"Tama iyan, marami ka pa namang lalaking makikilala. At mas maganda kung ang papayagan mong manligaw sa iyo ay medyo matanda."
"Bakit po?"
"Dahil mas matured na silang mag-isip, responsable, maaalagaan ka at kaya nilang mag-hintay hanggang sa mahalin mo na din sila."
"Saan po kaya ako makakahanap ng ganyang lalaki?"
"Huwag kang mag-alala, makikilala mo rin siya. Malapit na."
Sasagot pa sana siya ng dumating na ang kanilang order.
"Excuse me, Sir here's your order. Hello, Amia. Happy birthday."
"Salamat, Jay."
Nginitian muna siya nito bago nagpaalam.
"Sige, una na ko. Mag se-serve pa ako ng ibang costumers."
Kinawayan niya lang ang binata at nang mapatingin siya ulit sa kasama ay nakita niyang medyo magkasalubong ang kilay nitong tiningnan siya.
"M-May problema ka po ba, Kuya?"
"Do you know him?"
"Ah, Si Jay po. Oo, ka-trabaho at schoolmate ko din siya."
Mas nagdilim ang mukha nito dahil sa sinabi niya.
"Isa ba siya sa mga manliligaw mo?"
"D-Dati po. Pero tumanggi ako at sinabi ko sa kanya na hanggang kaibigan lang ang pwede kong ibigay sa kanya."
Naramdaman niyang may kamay na humaplos sa buhok niya at mula iyon kay Yrex.
"Ty takaya krasivaya(You are so beautiful), Kaya hindi ako magtataka na maraming manliligaw sa iyo."
"Ano po?"
"Nothing. Anong gusto mo sa isang lalaki?"
"Hindi ko po alam. Wala pa kasi akong nagugustuhan hanggang ngayon."
"Seriously? Kahit crush, wala pa?"
Umiling lang siya.
"Kayo po? Sinong gusto niyo?"
"Secret. But I'll just describe the girl I like. Gusto mong malaman?"
"Sige po."
"Medyo mahaba ang buhok na lampas sa balikat, brown eyes, perfect nose and lips, rosy cheeks, isa sa favorite color niya ang pink, at birthday niya ngayon."
"Wow, halos parehas kami at ka-birthday ko din siya. Asan po siya ngayon?"
Napanganga sa kanya ang lalaki habang siya ay seryosong naghihintay ng sagot.
"I don't know if you're innocent or just dense. Goodluck na lang sa akin."
Nanatili sila 'don ng halos isang oras. At sa naging pag-uusap nila nalaman niyang masaya palang kasama ang kanyang Kuya Yrex. Ang akala niya ay seryoso at hindi ito palasalita pero may pagkadaldal din naman ito. Hinatid siya nito pabalik sa bahay niya.
"Salamat po sa paghatid at pagsama sa birthday ko ngayon. Nag-enjoy po ako ng sobra."
"It's my pleasure, kahit na patuloy mo pa din akong ginagamitan ng 'po'."
"Hindi po kasi ako sanay."
"Okay lang iyon. Mag-isa ka lang ba dito?"
"Oo. Nasa amerika kasi si Tita esther, ang bestfriend ng mama ko na naging guardian ko na. Kailangan kasi niyang bumalik sa trabaho, gusto nga niya akong isama pero hindi ako pumayag. At wala namang masamang mangyayari sa akin, mababait naman ang lahat ng nakatira dito."
"Just locked your doors and close your windows, if you need help just call me anytime, understand?"
"Sige po. Ingat po sa pagmamaneho."
"I will visit you again. Take care, lyubimyj (sweetheart)."
Akala niya ay aalis na ito pero lumapit ito sa kanya at hinalikan ang kanyang noo bago ito umalis.
"I will get going then, ya lyublyu tyebya (I love you)."
Hindi muna siya pumasok at hinintay na makaalis ang kotse nito. Hindi naman big-deal na hinalikan siya nito sa noo, ganun naman ata talaga ang normal na ginagawa ng mga kuya sa kapatid nila.
"I see him as my older brother, and he see me as his younger sister. That's maybe the reason why he kiss my forehead."