CHAPTER 4

2040 Words
"So, how was your first date?" "Shut up, Trey. I don't need to tell you." Pagkahatid niya kay Amia ay dumiretso uli siya ng kompanya. Sarmiento Hotels and restaurants ay ang business ng kanyang ina, at simula ng mamatay ito ay pinasa na sa kanya at siya na ang nag-manage. "You need to marry her asap, you only have two months before he came back." "I know. And I won't let him stop me for marrying Amia." "Things will be tough when he came back." "I don't care, I will protect the woman I love at all cost." Hinihingal na umupo si Amia, muntik na siyang ma-late sa pagpasok sa eskwelahan. Tinapos niya kasi lahat ng pending assignments at projects niya kahapon at nakalimutang lunes na pala ngayon. Mabuti na lang talaga at nakaabot siya kung hindi may fine siyang babayaran. Isang pribadong paaralan ang 'Limor High School' at hindi niya kaya ang tuition fee kada buwan kung hindi siya pinapaaral ni mister Aly aka Kuya Yxer. Nagulat siya ng may biglang humalik sa kanyang pisngi. "Belated happy birthday, babe." Nakatulala siya ng makita ang isang babae sa kanyang harapan na naka-black dress and heels. Pwede kasing di magsuot ng uniform ang mga estudyante kada lunes at biyernes, Kahit nga siya ay nakasuot lang ng plain white t-shirt and black jeans with white shoes. Nakangiti ito habang pinagmamasdan siya. "Femi! Kailan ka pa bumalik?" Umupo muna ang dalaga sa tabi niya at may binigay na isang puting paper bag. "Ano 'to?" "It's my gift for you, pasensya ka na at hindi kita nabati ng personal. Alam mo namang kailangan kong pumuntang Paris para sa business namin." "Okay lang iyon, kailan ka dumating?" "Last night. Dalawang araw lang akong nawala pero na-miss na kita babe." "Ako din, sobra. Pero dapat nagpahinga ka muna, alam ko namang nakakapagod pagsabayin ang pag-aaral at pag-tratraining mo para sa negosyo niyo. Baka magkasakit ka niyan?" "Aww, you're so sweet, babe. Don't worry about me, I can manage. Kamusta ka? May nangyari bang kakaiba sa iyo sa mga nagdaang araw? Did someone taint your innocence?" "Huh?" "Oh my! You're still the same!" "Actually babe, may sasabihin ako sa iyo." "Is that a chika? Go ahead." "Nagpakilala na sa akin ang benefactor ko sa pag-aaral." "Really? What's his name?" Naputol ang sasabihin niya ng makitang pumasok si Mrs. Gonzales, ang english adviser nila. Lahat sila ay tumayo para magbigay galang sa guro. "GOODMORNING CLASS!" "GOODMORNING MA'AM!" "Okay, You may sit down." Bumulong na lang siya kay Femi na mamaya na lang niya iku-kwento ang lahat sa cafeteria. "Okay class, before we start our lesson I will ask you a question regarding sa magiging topic natin ngayon. Naniniwala ba kayong may tamang tao o right person na nakalaan para sa atin pagdating sa pag-ibig?" Maraming sumagot ng oo at may iilang sumagot ng hindi pero siya ay nanatiling tikom ang bibig. "Miss Fernandes, wala akong narinig na sagot mula sa iyo?" Napatingin ang mga kaklase niya sa kanya kaya naiilang na tumayo siya. Wala siyang masyadong alam pagdating sa larangan ng pag-ibig pero sa tingin niya ay masasagotan naman niya ang tanong. "Pasensya na po ma'am. Naniniwala po akong may tao na nakalaan para sa atin at walang tamang tao para sa ating lahat." "Why? Please explain your answer." "For me, there's no such thing as right or wrong person when it comes to love. Mas mahalaga kung ang taong mahal mo ay tingin niya mali siya para sa iyo and you deserve better, but instead of letting you go, he or she will do anything to be the right person for you. Cause when love hits you, you don't really care if he/she is the right one as long as your heart beats for that only one. That's all." Kinakabahan siyang napatingin kay Mrs. Gonzales pagkatapos niyang sumagot. Nakahinga siya ng maluwag nang ngumiti ito at tumango sa kanya, senyales iyon na pumasa ang naging sagot niya. "Well said, Miss Fernandes. You can sit down now." "Thank you, ma'am." "Okay, class. Our lesson for today is..." [Cafeteria] Mabilis lang na lumipas ang dalawang oras at nandito na sila ni Femi sa cafeteria at nakaupo malapit sa may bintana. "So, Yrex Sarmiento Rolkov is your daddy-long-legs?" "Oo." "Wait... Is this him?" May pinakitang picture si Femi mula sa phone nito at may nakita siyang isang pamilyar na mukha na nakasuot ng black suit. Nang makasigurado ay tumango siya. "O to the M to the G! How small the world can be?" "Why?" "He's my cousin! My mom and his mom are sisters!" "Totoo?!" "Yes, Did he do something unusual when you meet him?" "Hmm, wala naman bakit?" "Wala talaga? Sinungitan ka ba niya? Did he coldly stared at you? Are you scared of him?" "Hindi naman niya ako sinungitan, ang bait pa nga ni Kuya Yxer sa akin. Masaya din siyang kausap at may pagkamadaldal, kaya bakit ako matatakot sa kanya. At siya ang kasama ko kahapon ng mag-celebrate ako ng kaarawan ko." Nakangiti siya habang nag kwe-kwento sa kaibigan pero iba ang reaksyon nito. Nakanganga at parang hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Babe, okay ka lang?" "H-Ha, O-Oo. I'm just... shocked. That cousin of mine is as cold as ice, as hard like rock, and how dare that old man lie to me?! Hindi kita nakasama sa birthday mo dahil pumunta akong Paris para sa business namin diba?" "Oo." "Siya dapat ang pupunta 'dun pero sinabi niya sa mama ko na may importante siyang gagawin kaya ako ang pinadala sa 2 days business trip sa Paris tapos malalaman kong siya ang nakasama mo sa kaarawan mo na dapat ako iyon. I'm gonna punch him!" "Calm down, babe. Nagtatampo ka ba?" "Oo. Dapat kasi ako iyong kasama mo, 18th birthday mo iyon dapat nandoon ako!" "Gusto mo celebrate tayo mamaya pagkatapos ng klase. BFF date, gusto mo?" Ang nakasimangot na mukha ni Femi ay nagliwanag ng marinig ang sinabi niya. "Really?! Let's go shopping later, babe." "Okay, salamat pala sa regalo mo. Sobra-sobra na 'to. Siguro sobrang mahal nito, alam mo namang hindi ako sanay magsuot ng mga mamahalin." Ang regalo ng babae sa kanya ay isang costumized silver necklace na may pendant ng pangalan niya na binubuo ng maliliit na diamonds. "Palagi mong isusuot iyan, magtatampo ako pag hindi ko iyan nakita araw-araw sa leeg mo." "Opo." "By the way, kanina ko pa napapansin. Is that a diamond ring on your left hand?" "Ah, ito ba? Bigay 'to sa akin ni Kuya Yxer. Nakasuot ito sa kanang kamay ko pero nilipat niya sa kaliwa kong kamay dahil iyon daw ang tamang pagsusuot ng singsing." "It' s an engagement ring. Engagement rings are often wear on your left hand. That old man, I need to talk to him immediately. He's making a move on you babe. And I need to know if he's intentions are pure." Hindi niya lubusang maintindihan ang sinasabi nito. Anong engagement ring? "Babe, bakit naman niya ako bibigyan ng engagement ring? Hindi naman kami ikakasal." "That ring looks familiar, let me see it." Inabot niya ang kanyang kaliwang kamay sa kaibigan. Seryoso nitong tiningnan ang singsing at nagulat siya nang suminghap ito. "This is their family heirloom! Ibinibigay ang singsing na 'to sa babaeng mahal at gustong pakasalan ng anak nilang lalaki. My cousin has plans on marryin---" Bago pa matapos sa pagsasalita si Femi ay may ibang humawak sa kamay niya at mabilis na kinuha ang singsing niya. "Oh! This ring is beautiful, it's mine now." Agad siyang napatayo nang makitang sinuot ni Vina ang kanyang singsing. Sinubukan niyang abutin ang kamay nito pero iniiwas lang ng babae. "Vina, akin na ang singsing ko. Please..." "Na-uh! Akin na 'to. Infairness, totoo siyang diamond and gold. Where did you stole this? Ahh, Nevermind." "Hindi ko iyan ninakaw. Please give it back, it's important to me." Bigay iyon ng kanyang Kuya Yrex at nangako siyang iingatan ito. "So? I don' t care." Hindi na nakatiis si Femi at lumapit sa tabi niya. "Vina, give it back to my best friend. Hindi ko alam na ganun ka na pala naghihirap para magnakaw ng gamit ng iba. And what the hell are you wearing?" "Why? Inggit ka?" "Ba't naman ako ma-iinggit? At sa tingin mo kinaganda mo ang pagsusuot ng orange dress? Then you're wrong, nagmukha kang kwek-kwek na binibenta sa kanto." Mas sumama na ang tingin sa kanila ni Vina pero siya ay kinalabit ang kaibigan para magtanong. "Babe, diba masarap ang kwek-kwek, sa tingin ko hindi naman masarap si Vina. Kaya huwag mo siyang i-kompara 'don." Tumahimik ang buong cafeteria dahil sa sinabi niya pero tumawa din pagkatapos. May sinabi ba siyang nakakatawa? "You b*tch!" "Aahh!" Napasigaw siya ng may humatak sa buhok niya. Sobrang higpit ng pagkaka-sabunot kaya pati katawan niya ay sumasama. May mga taong sinusubukang paghiwalayin sila pero walang nagtatagumpay at mas lalo lang humihigpit ang kapit ni Vina sa kanyang buhok kaya hindi na niya mapigilang mapaluha sa sakit. Nagpasalamat siya ng marinig ang boses ng kanilang school principal. "WHAT'S HAPPENING HERE?! MISS TORRES, LET GO OF MISS FERNANDES! YOU TWO FOLLOW ME TO MY OFFICE, NOW!!! I WILL CALL YOUR GUARDIANS REGARDING THIS INCIDENT!" Binitawan na ang kanyang buhok at agad namang lumapit si Femi para suklayin iyon. Pinahiran din nito ang mga luha niya. "Sshhh, Stop crying na." "Babe, anong gagawin ko? Ayaw kong mamroblema si tita Esther sa amerika dahil sa nangyari sa akin. At nasa kanya pa din ang singsing na bigay ni Kuya Yrex sa akin." "Don't worry, everything will be fine." Pagkatapos maayos ng buhok niya ay pumunta na siya sa principal's office. Nakita niya si Mr. Valdez, principal nila na kaupo sa swivel chair nito at sa harap ng mesa ay nandoon na ang tatay ni Vina at ang dalaga na tinarayan siya ng umupo naman siya sa tapat nitong silya. "Miss Torres and Miss Fernandes, pareho kayong honor student at gra-graduate na kayo next month sa senior high pero anong gulo 'to?" "Sir, hindi ako ang nagsimula. Kinuha niya ang singsing ko." "Is that true, Miss Torres?" "Excuse me, Sir. Itong singsing na suot ko, kabibili ko lang kahapon. At hindi ko alam na parehas pala ng design ng singsing na nawawala niya pagkatapos ay pilit niyang hinihingi sa akin dahil sa kanya daw iyon at pinagbibintangan niya akong ninakaw ko iyon sa kanya kaya sa inis ko ay sinabunutan ko na siya." "S-Sir, binabaligtad niya ang nangyari. Singsing ko talaga iyan, kinuha lang niya sa akin--" "With all due respect, Mr. Principal. Hindi magagawa ng anak ko na manguha ng gamit ng iba, I mean we can afford these things. Ewan ko lang sa dalagang ito na pinagbibintangan ang anak ko. I heard na scholar lang siya dito, hindi sa pangmamaliit pero how can she afford a diamond ring kung tuition nga dito sa paaralan hindi siya makapagbayad. At marami nang kabataan ang napapariwara ng landas dahil wala na silang mga magulang na gagabay sa kanila. " Alam ni Amia na pinaparinggan siya ni Mr. Torres. Wala siyang nagawa kung hindi mapatungo, her parents are the best and every child would love to have them as their mother and father pero agad din silang kinuha sa kanya. "My father is right, Mr. Valdez. Malay natin na ang singsing na nawawala niya ay ninakaw lang din niya. Minsan ang mga mukhang inosente ay sila pa ang maraming tinatagong baho." She was close to crying but she control her tears, she can't cry now, not now. Hindi rin siya makapaniwala na may mga taong sila na nga ang may kasalanan itatanggi pa, mga taong walang kahirap-hirap sa pagsisinungaling at panghuhusga sa buong pagkatao mo. "I also called your guardian, Miss Fernandes. Papunta na siya dito." Napaangat siya ng tingin at nagtataka na tiningnan si Mr. Valdez. "Sir, Paano mangyayari iyon? Nasa amerika si Tita Esther--" "Not her. I called the second person na nakasulat sa records mo kung magkaroon ka ng emergency dito sa school." "Po? Sino po--" Lahat sila ay napatingin sa pintuan ng principal's office nang bumukas iyon at pumasok ang isang lalaking naka-black jeans, itim na sapatos at puting polo na diretso ang tingin sa kanya. "I'm sorry, I'm late liybimaya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD