PROLOGUE
"Ano ba kasing problema? Bakit ka ba nagkakaganyan? Okay lang naman tayo kanina diba? Pinainit na naman ba nila yung ulo mo kaya sa ibang babae ka sumama?" Tanong ko rito. I can't stop my tears asking him those question dahil nahahalata ko naman na kung bakit.
Hindi naman siya ganito eh. Napakasweet niyang tao sa'kin, napaka maalagain. Pero bakit naman bigla bigla nalang siya nagiging ganito? Sa pagkakaalam ko wala naman akong nagawang masama or ikagagalit niya.
"Can't you just accept the fact that you didn't reach my standards? Napaka low class mong babae ka, napaka boring mong kasama! Hindi mo ba naiintindihan yan Neveah?!" sigaw nito sa akin.
That's it, I know dito na matatapos yung relasyon namin. Ngayon niya lang ako tinawag sa totoong pangalan ko, ngayon niya lang ako sinigawan nang ganito. Bakit ba hindi na lang mag stay sa happy story ang isang story?
"S-sorry." I can't help it. Mabigat sa dibdib ang mga narinig ko, masakit sa puso ang mga sinabi niya. Tinalikuran ko ito at nag lakad palayo sa taong mahal ko... taong ayokong mawala sa buhay ko.
Sumabay ang ulan sa nararamdaman ko, alam ng Amang Langit kung gaano ko siya minahal at kung gaano ako nasasaktan ngayon. Alam mo nga ba? O pinagtatawanan mo na ako ngayon dahil sa kapabayaan ko?
"Miss! Yung wallet mo!"
I saw him with another girl...kissing...hugging...making love with each other. Pwede namang sa akin, pwede namang ako... Pero bakit iba pa?
"Miss! Yung wallet mo basa na!"
Dahil ba boring ako? Dahil ba hindi ko kayang ibigay yung gusto niya? Dahil ba hindi ko kayang abutin yung standards niya?
"Hoy! Aba! Tumigil ka naman!"
I can work for it. Kaya kaya kong baguhin ulit yung sarili ko para sakanya. Kaya kong pagtrabahuhan yung standards na ineexpect niya.
"I won't cry again." Pinunasan ko ang luhang may kasamang tubig ulan.
"This will be the last na iiyak ako dahil sakanya."
Tumigil ako sa paglalakad at tinignan ang kamay na nakahawak sa braso ko.
"S-saglit lang....Miss.... ha ha ha. Napagod ako dun ah. Ang bilis mo mag lakad" habol nito sa kaniyang hininga. Hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil sa mahaba nitong buhok na tumatakip rito.
"Yung wallet mo kasi nahulog. Here, basa na. Sorry hindi ko naingatan." Abot nito ng wallet ko sa akin.
Kunot noo ko siyang tinignan dahil hindi parin ito humaharap sa akin. Tinalikuran ko na ito nang makuha ko ang wallet ko. Wala ako sa huwisyo para makipag usap ngayon. Sumasakit ang dibdib ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon.
"Miss! Hindi ka man lang ba mag t'thank you!?"
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at binilisan ang paglalakad. Lumalabo ang aking paningin na siyang dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at mapahawak sa aking dibdib dahil sa pag sabay nito sa sakit.
"A-ah... a-ang s-sakit!" sabay nang pagbagsak ng aking katawan sa matigas na bagay at ramdam ang isang mainit na kamay na tumatapik sa aking mukha
"O-orion..."
"Miss! Miss! Miss! Wake up!"
----