Hindi dalawin ng antok si Cassie, sino ba naman ang makakatulog sa kalagayan niya ngayon? Ito na ang pangatlong pagkakataon na ikakasal siya kay Armando. Kung pwede lang sanang humiling na huwag ng lumakad ang oras at huwag ng sumapit ang umaga ay hiniling na niya. Napakislot siya ng may marinig siyang mahinang pagkatok mula sa pinto ng kaniyang silid. Bumilis ang t***k ng puso niya sa labis na kaba. "Ms. Cassie." Narinig niya ang mahinang tawag sa pangalan niya. Tumayo siya at lumapit sa pinto. "Sino ka? Bakit, ano ang kailangan mo sa akin?" tanong niya, hindi niya ginawang buksan ang pinto. "Si Harold 'to, maaari mo bang buksan sandali ang pinto, may importante lang akong sasabihin sa'yo?" tugon ng tao sa labas. Biglang natigilan si Cassie. May pagdududa sa kaniyang isip. Hindi n

