Habang nagkakagulo ang lahat sa nangyaring pag aresto kay Armando at sa mga tauhan nito sa mismong simbahan kung saan dapat sana ay ikakasal ang negosyante ay sinamantala ni Hernando kasama ang kaniyang mag ina na lisanin ang lugar at umuwi na sa kanilang bahay. "How did it happened? Akala ko ba kontrolado ni Armando ang sitwasyon? He fooled us, hindi pa pala siya annulled sa babaeng iyon tapos pakakasalan niya ang anak natin. He's so impossible!" inis na sabi ni Emilia sa kaniyang asawa. Napahawak ito sa sintido nang bigla na lang kumirot iyon dahil sa matinding tensiyon. Habang salita nang salita si Emilia ay tahimik lang si Hernando, tumatagos ang tingin nito sa asawa na tila ba may malalim na iniisip. "Why are you so quiet? Come on, tell something. What's the matter? What will happe

