"Sino kayo at ano ang ginagawa ninyo sa pamamahay ko? Sinabi ko nang kahit ano'ng gawin ninyo sa akin ay hindi ako pipirma sa kasunduan. Kahit na patayin n'yo ako ay hindi ko ibibigay ang kalayaan ng demonyo na 'yon!" mabalasik na sabi ng isang ginang. Maliwanag pa ngunit napakadilim na sa loob ng pamamahay nito na para bang sanay na itong mabuhay sa kadiliman. Nagkatinginan si Luther at Salve. Tumango si Salve sa binata na para bang sinasabi na umpisahan na nito ang kanilang plano. Ang mga pinag usapan nila sa sasakyan kanina lang na kung paano nila kukumbinsihin ang asawa ni Armando. "A-ako po si Luther, ito naman pong kasama ko ay si Ate Salve at Darwin. Please, huwag po kayong matakot sa amin, hindi po kami kaaway. Narito kami para tulungan ka,"paliwanag ni Luther. "Paano ako nakaka

