Kabanata 3

1449 Words
Eloisa "You can shop for your dress while I'm with Keeva. I'll pick you up after we finish discussing the project." He yawned while sitting in the driver seat. "Don't forget to bring me a nice coat as well." Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ka na naman ba natulog?" "Creative people barely sleep, love. Our minds won't let us." He patted my shoulder. "Go before you end up screaming my name here." I rolled my eyes. "Not in a million years." He smirked. "So after a million years, you're gonna spread your legs for me, hmm?" Mangani-ngani ko siyang sapukin. "Nah, Boss." Hinubad ko ang seatbelt ko. "I'd rather take the cash and let you stick your d**k in anyone's pussy." Lumabas na ako ng kotse saka ko siya sinilip. "Get a haircut later. I won't bring you to your family with a hair like that." Paano ay papunta na ng shaggy ang buhok niya. Tamad pang magtali kaya kahit wala akong anak na babae ay palagi akong may sanrio sa bag. He laughed softly. "Yes, grandma." I rolled my eyes on him before I slammed the door shut. Pinanood kong umandar ang kanyang itim na Rolls Royce bago ako nag-alcohol. Mahirap na. Baka mamaya may kweba na naman siyang pinasukan sa sasakyang iyon. Papasok na ako ng botique nang mag-ring ang phone ko. I immediately answered the call after seeing that it was from Jancy. "Hello?" "Eloisa, sorry. I know I said I'll look after Noa kaya lang nag-page sila sa Kelton. They need me to come to work." Napakamot ako ng sintido. Patay. Wala pa namang magbabantay kay Noa ngayon. I tapped my fingers on my thigh as I think. Nag-iisip ako ng pwedeng mag-alaga kaya lang talagang busy lahat ng kilala ko ngayon. I sighed. "Nandito ako sa House of Chaya. Madadaanan mo 'to kapag nag-taxi ka papuntang trabaho, 'di ba?" "Oo. Should I drop him there? Mag-early out ka ba?" "Hindi." Lumunok ako. "B-Bibitbitin ko na lang si Noa sa family dinner nina Kahel. Bahala na." "OMG!" Tumili ang bruha. "Fina-family dinner ka na ngayon!" Humalakhak siya. Parang kinikilig. Napairap ako sa kawalan. "Tigilan mo nga ako, Jancy. No choice lang ako at si Ma'am Khalila mismo ang nagsabing dalhin ako." "Aba, pabor kaagad sa'yo ang byenan mo?" Muli siyang tumawa. "Byenan ka diyan?" She giggled. "Sige na, idadaan ko na diyan si Noa. Mag-family reunion na kayo." Muli akong napairap. Shipper talaga ang babaeng 'to. Jancy ended the call. Namili na rin muna ako ng isusuot habang hinihintay ko sila. After Jancy dropped Noa at the boutique, I went to the men's section to choose a coat for my boss. "May small size kami niyan. The Ducanis often look for matching clothes so we tailored outfits for dads to match their outfits with their kids," nakangiting sabi ng nag-a-assist sa akin. Siguro ay natimbrehan ni Kahel na darating ako. "Oh, we're uhm." I pursed my lips. Technically, magtatay naman talaga sina Kahel at Noa pero syempre hindi ko iyon pwedeng sabihin. She smiled then grabbed a coat with a similar design but in a smaller size. "Here." She made Noa try it. "It fits him just right." My son stood in front of the large mirror to look at himself. There's an amused expression in his eyes as if he loves the coat he's wearing over his white shirt. Tumalungko ako sa tabi niya. "Gusto mo ba 'yan, anak?" Noa smiled. "Ilan bente ibayad, Mommy? Mura lang?" Hinaplos ko ang kanyang buhok. "Si mommy na ang magbabayad, anak." Tumayo ako at ibinigay ang card ni Kahel. "This is for my dress and for the bigger coat." Kinuha ko ang debit card ko. "Ito 'yong para sa coat na maliit." She smiled and accepted the cards. Nang ma-process ang payments ay nagbihis na rin ako roon. Noa looks happy with his coat. Panay ang check sa tela habang may munting ngiti sa kanyang mga labi. "Mommy, magsuot mo na din!" udyok niya. Akala yata ay para sa akin ang mas malaking coat. "Ay, hindi kay mommy ito, anak. Para ito sa boss ko." Kumunot ang noo niya. "Boss po?" "Oo, anak. 'Yong nagpapasahod sa akin para may pambayad tayo ng bahay, ng bills saka pambili ng pagkain." Ngumuso siya habang kumukuyakoy. "Shuga daddy 'yon po, eh. Sabi ng ninang shuga daddy en tawag do'n, eh." Napaawang ang aking mga labi. Naku, makukurot ko talaga sa singit si Jancy! I sighed. Bakit pa nga ba ako nagulat sa mga naituturo niya sa anak ko? Mga bata pa lang kami, iba na talaga ang bibig niya. Natuto nga akong uminom ng alak dahil sa kanya. Kahit pareho kaming nagsisimba tuwing Linggo, pasimple kaming nagrerebelde sa kanya-kanya naming pamilya noon. The door opened and Kahel walked in. Hindi niya kaagad nakita si Kanoa dahil natatakpan ko. Kahel scanned me from head to toe then smirked. "Well, aren't you a sight, hmm? Makes me wanna take you to bed instead." Sinilip siya ni Noa. Nakakunot ang noo at umaarangkada na naman ang pagiging possessive. Kaya walang nakakapanligaw sa akin, eh. Inaaway niya palagi. "Endi po nag-aantok ang mommy ko po. Bawal idadala sa bed po," nakasimangot na sabi ni Noa bago pinasadahan ng tingin si Kahel. "Mommy, 'wag ka sweep po. 'Wag isasama sa bed ng mamang penget po." Kumabog ang dibdib ko nang magkatinginan ang mag-ama. Diyos ko. Para yatang pagpapawisan ang kili-kili ko nang makita ko kung paanong nalukot ang noo ni Kahel. Nakakaramdam ba siya ng lukso ng dugo? Nakikita ba niya ang pagkakahawig nila? Bakit kasi mas maraming namanang features si Noa sa kanya! Kahel pointed our son then looked at me with an annoyed expression. "Saan mo naman napulot 'tong kutong lupang 'to?" My eyes twitched. Kutong-lupa? Hoy! Produkto 'yan ng pa-fireworks mo six years ago! Tumikhim ako at pilit na pinakalma ang sarili. "Noa, this is my Boss. Boss, si Noa. Anak ko." Hindi nakaimik si Kahel. Para bang nagbagsak ako ng bomba sa harap niya nang hindi niya inaasahan kaya kung makatitig ngayon sa akin ay halos hindi maipinta ang mukha. "Anak mo?" Muli niyang tiningnan si Noa saka siya umismid. "Hindi halata." I don't know if that's a compliment or what. Humugot na lang tuloy ako ng hininga at ibinigay na ang coat niya. "'Yan ang isuot mo." Kahel took the coat out of the box then wore it. Nang makita ni Noa na pareho sila ng suot ay humaba ang nguso ng anak ko. "Maggaya naman ng mamang penget!" asik niya. Naningkit ang mga mata ni Kahel. "Ikaw, malapit na kitang isako. Gusto mo bang ibenta kita sa intsik nang gawin nilang siopao 'yang pisngi mo?" Kumapit si Noa sa akin. "Mommy, miaway ako ng shuga daddy!" Oh God. Oh my God. "Sugar daddy?" Kahel scoffed. "Do I look like a sugar daddy to you, kid?" Lumunok ako. "Hindi niya alam ang ibig sabihin. Narinig lang niya sa ninang niya." Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Noa. "Pwede bang huwag mong patulan? Baby pa 'to." Kahel pointed himself then looked at Kanoa. "Well, news flash, kid. When your mommy is at work? I am her baby." Kanoa's eyes narrowed while his lips pursed tightly. "Ato lang baby ng mommy!" "Oh, she lied to you because I'm her baby, too. See? She bought me a coat, too," asar ni Kahel sa anak namin. Diyos ko! Napakaisip-bata naman ng boss ko! Hindi pa madaan sa matalim na titig! Kahel bowed his head to level with Noa. "I hate to break it to you, but I am her baby, too. Yeah, that's right. I am mommy's baby—" Napasinghap na lang ako nang biglang iumpog ni Noa ang ulo niya sa mukha ni Kahel. Kahel's lips bled as he took a step back. Ang mukha ay namula sa galit dala ng pagkapikon kay Noa. "He didn't mean it, I swear. He's a good kid," paliwanag ko bago pa ako mawalan ng trabaho. Kasalanan din naman kasi niya! Bakit kasi siya nagpapatol ng bata?! Hindi man lang ba siya nakakaramdam ng lukso ng dugo? Kahel inhaled a sharp breath then smirked at Noa. "You know what, kid? I'm gonna convince your daddy to make new babies with your mommy so you wouldn't be her only baby." Muntik ko nang masapo ang noo ko nang tuluyang ngumawa si Noa dahil sa sobrang inis kay Kahel. Ngumisi pa nga ang loko at lalong sinabing kukumbinsihin ang tatay ni Noa na gumawa ng maraming-maraming baby! I sighed out of frustration. If only this childish son of a b***h knows he's going to need to ask himself to make new babies with me . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD