Kabanata 4

1593 Words
Eloisa "Mommy, magsakay lalang sa jeep! 'Wag na magsakay sa car-car ng shuga daddy!" kumbinsi ni Noa sa akin. Tinaasan siya ni Kahel ng kilay. "Ikaw lang kilala kong mas gugustuhing mag-jeep. Oh, wait." He smirked. "Yeah, I know someone else who would rather take the jeep than ride one of his cars." Kumunot ang noo ko. "Sino?" "My uncle Konnar. He's kind'a weird. If you'd see him later, don't give him twenty pesos—" "Mommy, magsakay lalang sa jeep! Miliit lang car-car ng shuga daddy, eh!" agaw ni Kanoa sa atensyon ko. Para bang ayaw niyang nag-uusap kami ni Kahel. "Daddy mo jeep," pang-aasar ni Kahel kaya mangani-ngani ko siyang hambalusin ng bag ko. "Pwede ba, Boss?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Kahel lifted both of his hands then sighed. Ang mga mata ay tumingin kay Kanoa. "Kapag nag-jeep tayo—" "Endi naman ikaw isasama magsakay sa jeep, eh," inosenteng pambabara ni Noa kay Kahel. Muntik na tuloy akong bumuhanglit ng tawa. Ayan! Putok pa, ha? Kahel's lips formed a thin line. Halatang napipikon na kay Noa. "Fine. You wanna take the jeep instead? Kapag 'yang nanay mo naholdap sa jeep, walang sisihan." Kahel walked towards his car. Sumakay siya roon at nagmaneho paalis kaya napaawang ang mga labi ko. Akala ko ay talagang iniwanan na kami ngunit maya-maya ay muling bumalik. He was driving in reverse smoothly as if he could always do it like a pro racer. Lumabas si Kahel ng sasakyan at ibinukas ang pinto sa backseat. "Just get in. It's getting late. Naka-heels pa 'yang nanay mo. Akala ko ba love mo 'yan? Tapos papasakayin mo ng jeep nang nakatakong? Paano kung matapilok 'yan at mauntog? Wala ka nang nanay. Gusto mo 'yon?" Niyakap ako ni Noa sa baywang. Tila natakot sa sinabi ni Kahel. Napabuntonghininga talaga ako. Pati talaga bata, Kahel! Hinaplos ko ang ulo ni Noa. "Sakay na tayo, ah?" He nodded. Kumapit siya sa kamay ko saka na sumabay ng lakad sa akin patungo sa sasakyan ni Kahel. Sinamaan pa niya ng tingin si Kahel bago tuluyang sumakay sa kotse. Kahel shut the door and then went to the driver seat. Thank goodness, tumigil na rin silang dalawa sa pagbabangayan habang nasa daan kami patungo sa tahanan ng mga Ducani-Herrera. "Mommy, endi naman dito house atin po, eh. Baay ng fwincess ito po, eh," ani Noa nang makababa kami ng sasakyan. "Bahay ito ng mommy at daddy ng Boss ko, anak. Magdi-dinner lang tayo rito, ha?" Kumunot ang noo niya. "Wala tayo pakkain sa baay po? Kaya magkakain tayo dito po?" Napakurap ako. "Ay, hindi sa gano'n, anak. May pagkain naman tayo. Ano lang, inimbita kasi si mommy kaya dito tayo kakain. Hindi ba kapag may handaan pumupunta tayo kahit may pagkain tayo sa bahay?" "Opo." "Let's get inside," tawag ni Kahel. Hawak ang kamay ni Noa ay sumunod kaming mag-ina kay Kahel. Halos malaglag ang panga ko sa laki ng tahanan. It's like a modern farmhouse sitting in the city, at an exclusive village solely for the Ducanis and those whom they trust. Idinala kami ni Kahel sa outdoor dining area ng tahanan. Ilang tao na ang naroroon kabilang ang mga magulang ni Kahel, ang kapatid niyang si Sir Kali at ang lolo't lola ni Kahel. Naroon din ang ilan sa mga tiyuhin at tiyahin ni Kahel. Napabaling sa amin ang tingin ng lahat, ngunit mas natutok ang kanilang atensyon kay Noa nang mapansin nila ang anak ko. Ni hindi rin sila kaagad nakapagsalita na tila napansin nila ang hindi dapat mapansin. Umismid ang matandang Ducani bago marahang umiling-iling. "Nasa pamilyang ito na yata talaga ang napagtataguan ng anak." He sighed. "Ilang taon mong itinago, hija?" Lumagabog ang dibdib ko. "P-Po?" Kahel groaned. "No, Lo. This isn't my son." Yes, he is. Manhid ka lang. Tinaasan ni Mrs. Ducani-Herrera ng kilay si Kahel. "You sure? Because I'm gonna beat your ass if he is." I bowed my head to hide my smirk. Siniko naman ako ni Kahel na tila nais akong hingian ng saklolo. Humugot ako ng hininga saka ako ngumiti kay Ma'am Khalila. "Anak ko po, Ma'am. His name is Noa. My relationship with Sir Kahel is plainly business." Kahel smirked. "See? Besides, who would dare hide a child to a Ducani?" His aunt who is a famous lawyer lifted her glass of wine. "I did. Muntik na ngang maging dalawang beses." "I did, too," segunda ng lola ni Kahel kaya nayayamot siyang nagkamot ng batok. Kahel's aunt smirked. "It was fun actually. I enjoyed it." Kinindatan niya ako na para bang alam na niya ang sikreto ko. Sir Kalyl put down the glass of wine he's holding then walked towards us with his eyes focusing at my son. Hindi ko napigilang pagmasdan siya. Although Kahel has the same eyes and hair like his mother, he is, without a doubt, a copy of his Dad. Both of them screams a sassy but masculine vibe with the way they walk and stare at people. Medyo na-intimidate tuloy ako noong tumayo sa harap ko. Napalunok ako nang tumalungko si Sir Kalyl sa harap ni Noa. There's a small smile on his lips while his eyes glistened with interest. "Hey, big boy." He offered his hand to Noa. "Nice to meet you." Noa gave him an innocent smile. "Ello po." Tinuro niya si Kahel. "Baby mo siya po?" Sir Kalyl glanced at Kahel before he answered Noa. "Yeah. He's my son." Noa slightly pouted. "Endi siya babait po. Niaaaway niya ako po." Kahel scoffed. "Ako pa nang-aaway sa'yo? Ikaw nga 'tong—" "Ititikom mo ba 'yang bibig mo o tatahiin ko 'yan?" asik ng ina ni Kahel habang papalapit sa amin. Kahel sighed. "Fine. Shushing now," he said under his breath. Ma'am Khalila held my hand. "Thanks for putting up with my son. I swear, your patience is in a whole different level." Ngumiti ako. "The pay is good, Ma'am. I'm basing my patience with how much compensated I am." She scoffed then looked at her son. "You better make sure she's getting paid for not strangling you." Bumuntonghininga si Kahel bago lumayas sa tabi ko. Dumiretso siya sa pagitan ng lolo't lola nito na tila nais ding maghanap ng kakampi. Gusto ko tuloy matawa nang marinig ko ang pagsusumbong ni Noa sa mga magulang ni Kahel. Magtatay nga kayo . . . Ma'am Khalila smiled at my son. "You're so cute, Noa. Would you like to have some cake?" Tumangu-tango si Noa. Maya-maya ay tuluyan nang humawak sa kamay ng mag-asawa kaya para tuloy may mainit na palad na humaplos sa aking puso. Look at them? Para bang sabik sila sa bata kaya kahit alam nilang hindi nila apo si Noa ay parang aliw na aliw pa rin sila. My son pointed one of the paintings. "Wow!" Sir Kalyl caressed my son's head. "You like paintings, too?" Tumangu-tango si Kahel. Nang makuha ang tugon ng anak ko ay tinapunan ako ni Sir Kalyl ng makahulugang tingin. Napalunok na lamang ako. Diyos ko. Kung ano yatang kinamanhid ng anak ay siya namang kinalakas ng radar ng mga magulang. Mukhang mapapa-resign ako nang 'di oras kung makatunog nga ang mag-asawa . . . Sir Kali stood up and pulled a chair for me. His lips were on a sweet, prince charming smile that could melt any woman's knees. "Come and join us here. I'd like to hear how much my brother is being a pain in the ass," aniya. Ngumiti ako pabalik saka na lumapit kay Sir Kali. He even poured me some wine and slightly pulled his seat near me. Ang mga mata ay tila kumikislap kaya ang hirap titigan nang matagal. Unlike Kahel, Sir Kali has a more tanned skin as if he loves soaking himself under the sun. Sa kanang braso ay mayroon ding tattoo ng surfboard na tinernuhan ng bracelet na gawa sa shells. I greeted the rest of Kahel's family. Nagkakwentuhan nang kaunti hanggang sa kami na lamang ni Sir Kali ang nag-uusap. "Nagsu-surfing po kayo, Sir?" tanong ko. "Yeah. Every weekend. Do you?" he asked. "Uhm, dati lang po." "Nice. You should join me next weekend. I'll visit Monte Costa and do some surfing," imbita niya. "She's busy. Walang day-off. May exhibit ako." Napabaling kaming pareho ni Sir Kali sa magaling kong boss nang marinig namin ang seryoso niyang boses. Sir Kali smirked. "Magkano ang ibinabayad ni kuya sayo?" "Currently, my base pay is a hundred and fifty, Sir." Iniangat niya ang wine glass niya. "I'll make it two hundred. Resign and then work for me instead—" "Leave my secretary alone, Kali. Baka baliin ko lahat ng surfboard mo," asik ni Kahel. I lifted a brow at Kahel. Nang irapan niya ako ay peke akong ngumiti sa kapatid niya. "Salamat po sa offer, Sir kaya lang sa ugali po ng kapatid ninyo, mukhang misyon ko na sa buhay ang isalba ang future secretaries niya mula sa ugali niya." Natawa si Sir Kali. "I really like your attitude." He grinned then looked at Kahel. "Nakahanap ka ngayon ng katapat mo." Kahel just rolled his eyes then stood up. Halatang pikon na pikon sa kapatid. "Oh? Saan ka pupunta?" tanong ni Sir Kali. "Kukunin 'yong bubwit at 'yon ang pagti-trip-an nang hindi ako lugi ngayong araw," inis niyang sagot bago nagmartsa paalis. Napabuntonghininga na lamang ako. Sige lang, Kahel. Pag-trip-an mo lang 'yang anak mo. Ewan ko lang kung hindi ka itakwil niyan oras na malaman niyang ikaw ang kasama kong bumuo sa kanya . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD