Eloisa
"So how was your trip so far?" tanong ni Jancy sa akin nang masagot ko ang tawag niya.
Iniwan ko muna sina Kahel at Noa roon sa kakainan naming cafe sa loob ng Ililikha para kausapin si Jancy. Gusto ko rin maglabas ng stress dahil sumasakit talaga ang ulo ko kay Kahel!
"Naku, Jancy. May ikawi-weirdo pa pala 'tong boss ko!"
Tumawa siya. "Bakit na naman?"
Hindi ko napigilan ang pag-irap ko sa kawalan. "Nangako pala siya ro'n sa naka-costume ng Baymax na babayaran niya ng singkwenta mil kapag sinamahan si Noa magmiryenda!"
"Wait, what? Naka-costume na Baymax?"
"Oo! 'Yong mga humihilera sa Session Road na naka-costume! Nakita kasi ni Noa si Baymax at gustong magpa-picture. Ito namang isa, nagsaboy ng pera kanina sa Session para lang makuha ang gusto ni Noa!"
"Uy, girl progress tawag diyan." Tumawa siya. "Baka naman kakaiba lang ang lukso ng dugo diyan sa boss mo. Pabayaan mo na. At least he's doing something for Noa, right?"
Napabuntonghininga ako. Kung sabagay. At least hindi lang sila puro bangayan na mag-ama. May mga nagagawa rin si Kahel na makapagpapasaya kay Noa gaya ng pag-e-effort niyang isakay ng bisikleta si Noa kahit hindi naman pala siya marunong.
I crossed my arm. "Maiba nga muna tayo. Nakapagtanong ka na ba tungkol doon sa posibleng error sa result ng tests ni Kahel?"
"Oh, yes. That's actually the reason why I called. Kagagaling ko lang kanina sa office ng doctor ni Kahel. Minor error lang naman pala 'yon. They just read his lab tests inaccurately. Bago kasi 'yong nag-interpret ng result. Kawawa nga kay Doc Kavinski. Naku, mas malupit pa 'yon kaysa sa tatay niya."
"Natanggal?"
"Yeah. Pati ang doktor ni Kahel, nabigyan ng warning. Kapag pa naman natanggal ka ssa Kelton, siguradong bad record iyon. Mahihirapan ka nang makakuha ng bagong work."
I sighed. "Sana makahanap ng trabaho 'yon. Kawawa naman. Anyway, thank you sa update. Medyo nag-alala rin ako at baka may sakit pala 'tong mokong na 'to."
"Asus! Nag-aalala ka na sa kanya ngayon, ha?" asar niya sabay tawa.
Umirap ako sa kawalan. "Tatay pa rin siya ni Noa. Ayaw ko namang mapilitan lang akong umamin sa kanya kasi matyutyugi na siya."
"Oh, siya sige na. Enjoy kayo. Ube jam ko, ha?" bilin niya. Um-oo na lang din ako saka na bumalik sa pwesto namin nina Kahel.
Naabutan ko silang nakikipagkwentuhan doon sa lalakeng nakasuot kanina ng costume. Nahubad na niya ang costume at ngayon ay naka-t shirt na lamang na puti at simpleng pantalon.
"Hindi naman pala malaki ang kinikita diyan, why still do it?" tanong ni Kahel sa lalake. Si Noa naman, tahimik lang na nakatingala sa lalake na tila interesado ring makinig. Kumukuyakoy pa si Noa habang ang mga palad ay magkasalikop.
Ngumiti ang halos kaedaran lang ni Kahel na lalake. "Maliit lang ho kasi ang minimum wage dito sa Baguio, Sir. Saka kahit paano, nakakapagpasaya ako ng mga bata at ilang matatanda. Kumikita na ako, may nabibigyan pa ako ng kaunting ligaya."
"Why? Didn't you finish college at minimum wage ka lang?" tanong ni Kahel.
"Naku, Sir. Sa rami ng graduate dito sa bansa, suntok sa buwan ang pagkuha ng may mataas-taas na sahod. Lulunukin mo talaga ang pride mo kasi wala na, eh. Sumugal ka na sa kurso mo noon. Tinapos mo. Kung hindi mo piliin ang daan na sinimulan mo nang tahakin, pagtatawanan ka. Sasabihin sa'yo, sinasayang mo ang pinag-aralan mo kaya kahit ang liit ng sahod ng nurse sa pribadong ospital, sige na lang. Huwag lang masayang ang diploma."
Napansin ko ang paglungkot ng mukha ni Kahel. Hindi na rin siya masyadong nakipagkwentuhan matapos marinig iyon. He was silent and barely touched his food as if something bothered him.
Akala ko nga maglilibot pa siya sa Ililikha pagkatapos kumain pero noong natapos kami, nag-withdraw lang siya tapos binigay na ang pera roon sa lalake. Niyaya niya na rin kami ni Noa na bumalik ng hotel pagkatapos.
Noa was so tired that he fell asleep as soon as I was done giving him a shower. Nang masigurong tulog na si Noa ay naglakas-loob akong pumunta sa silid ni Kahel.
I inhaled a sharp breath before I finally knocked on the door. It took him a few moments before he finally opened the door. Bakas sa mukha niya na mayroon talagang bumabagabag sa kanya dahil noong mabuksan ang pinto ay tinalikuran ako kaagad saka siya bumalik sa kama.
Nahiga siya nang nakalaglag ang mga binti sa gilid ng kama. He stared at the ceiling with his forehead creasing. Ang mga mata ay malamlam na tila nalilito o binabagabag.
Naupo ako sa gilid ng kama't tinitigan ang kanyang mukha. "Spill the bean, Boss."
Kahel's adam's apple bobbed up and down. "I don't understand. Why can't some people be free from what they once thought would offer them freedom?" Tiningnan niya ako. "Siguradong hindi niya pinagtyagaan ang nursing dahil wala lang. He's probably driven by his dreams, but look where he ended up? A prisoner of a career he only pursued just because he'd already exerted efforts into it? Bakit parang . . . naging posas ang diploma at lisensya sa ibang tao?"
Sandali akong nag-isip. "Minsan kasi, boss mas nananaig 'yong takot na magsimula ulit ng panibagong bagay. Iyong lalake kanina, isa lang siya sa milyun-milyong tao na napilitan na lang ituloy ang propesyon na hindi naman talaga nila gusto."
Lalong lumamlam ang mga mata ni Kahel. "If only I could create more jobs that could pay higher." He sighed. "Sometimes I wish I couldn't feel this much, Isa. It's sad to think that we cannot help everyone . . ."
Basag akong ngumiti. "Alam mo ba? Dapat nurse din ako ngayon pero lumaban kasi ako kahit ayaw ng daddy ko kaya naiisip ko ngayon, paano kung hindi pala naging matigas ang ulo ko noon? Siguro kawawa si Noa. Siguro magtyatyaga ako sa kung ano lang ang trabahong bakante riyan. Hindi siguro ako makakabili ng aircon para maging kumportable ang tulog ng anak ko. Baka kapag may importanteng bahagi ang buhay niya, wala ako sa tabi niya kasi kailangan ako sa ospital." I inhaled a deep breath. "Madalas lang tayong magtalo pero malaki ang pasasalamat ko sa'yo, Boss. Thank you."
His expression softened. Maya-maya ay itinaas niya ang isa niyang kamay at itinulak ang ilang hibla ng buhok ko patungo sa likod ng aking tainga. "I lied to you, Eloisa."
I swallowed the pool of saliva in my mouth when I felt a tingling feeling because of the way he looks at me. "Lied about what, Boss?"
"About the reason why I only sleep with curly girls."
"Uhm . . . kung gano'n ay ano ang totoong dahilan?"
Ngumiti siya't tumingin sa ceiling. "Someone did a fortune-telling to me and my first girlfriend. Hindi ako naniwala no'ng sinabing hindi naman kami ang magkakatuluyan. The old lady said my ex will curse me once I break up with her. Sabi, kapag hindi raw kagaya ng buhok niya ang magiging babae sa buhay ko, the woman will die. I didn't believe it until . . ."
Natigilan ako. "S-Someone died?"
He sighed. "Yeah. She's an architect. She's working on a project when the building collapsed, a few hours after we made our relationship official." He looked at me then forced a smirk. "So don't ever let me fall in love with you, please? Call me crazy but I just don't wanna attend another funeral with guilt in my heart." Bumangon siya't tinapik ang aking balikat. "Hanggang tropa lang tayo, Isa. Dapat hanggang do'n lang . . ."