Eloisa
Hindi rin naman ako naniniwala sa fortune-telling, pero medyo kinilabutan ako roon sa sinabi ni Kahel tungkol sa namatay niyang girlfriend.
Two years ago lang pala iyon nangyari base rito sa na-research ko. Hindi project ng DCN ang insidente pero nadawit ang pangalan ni Kahel dahil ilang beses na umano silang nakitang lumalabas no'ng babaeng architect na namatay.
I was about to close my phone and sleep when it rang. Unknown number ang tumawag kaya hindi ko sana sasagutin ngunit naisip ko na baka emergency. Umalis ako ng kama nang hindi magising si Noa. Pumunta ako ng veranda kahit malamig at doon sinagot ang tawag.
"Hello?"
I heard someone sniffed. "Isa?"
Kumunot kaagad ang noo ko nang mabosesan ang lalake. "Kuya?"
"Ako nga." He sniffed again. "Isa, I need your help."
"Teka, umiiyak ka ba?"
"It doesn't matter. Kailangan ko ng tulong, please bunso."
Nalunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan. "Anong problema, kuya?"
Muli siyang suminghot. Ilang segundo rin siyang nanahimik sa kabilang linya na tila nahihirapan siyang mag-open up.
"Isa, I haven't eaten for days. Wala na akong mahiraman. Baon na baon na ko sa utang at wala na rin akong matirahan."
"What?" Parang kinurot ang aking puso. Kahit naman hindi niya ako kinumusta sa mga nakalipas na taon ay kapatid ko pa rin siya. "Teka, bakit? Akala ko ba maganda ang takbo ng career mo, kuya?"
Humikbi siya. I could feel his hopelessness and frustration in his every sob. At para sa isang lalakeng gaya ni kuya, alam kong matinding hirap ang kailangan para mapaiyak siya nang ganito.
"Bunso, huwag mong sasabihin kina Daddy kung sakali mang buksan ulit nila ang bahay para sa'yo."
I shut my eyes. "Oo, kuya."
He let out a sharp breath. "Hindi ako pinalad sa Maynila. Kinse mil lang ang sinasahod ko noon. Nagkaka-extra lang ako kapag may mga bumibili ng nagagawa kong plano at imino-modify na lang nila para hindi na sila gaanong mahirapan sa paggawa. Grabe ang pressure sa'kin ni Daddy kaya para hindi ako mapahiya, natuto akong magsugal. Nakakilala ako ng engineer na naging regular customer ko ng layouts. Nagkamali ako ng estimation sa isang project sa kamamadali kong matapos. Nagkaproblema at pumalpak. Sa sobrang galit niya sa'kin, gumawa siya ng paraan para wala nang kumuha sa'kin. Nabuhay na lang ako ng sugal at pangungutang. 'Yon ang naging paraan ko para makapagpadala pa rin ng pera kina Daddy pero ngayon, wala na, Isa. Wala na akong mahuhugot pa. Hindi ko na alam ang gagawin." Humagulgol siya. "Hiningi ko lang ang numero mo sa kaibigan mo sa atin. Nagbaka-sakaling matulungan mo ko. Parang awa mo na, Isa. Tulungan mo si kuya . . ."
I sighed. "Sige, gagawa ako ng paraan. Nasa Baguio pa ako ngayon. Bukas pa ng hapon ang balik ko ng Maynila kasama si Noa at ang boss ko kaya hindi pa kita mapapatuloy sa apartment naming mag-ina pero pwede akong mag-transfer ng pera sa'yo, kuya nang makakain ka na at makapag-book kahit isang gabi sa hotel. Pagkauwi ko ng Maynila, magkita tayo at mag-usap nang personal."
Kuya Eldritch cried so hard. "Salamat, Isa. Salamat."
"Mag-iingat ka. I-text mo sa'kin ang account number mo nang makapagpadala na ako, kuya."
"Sige." Suminghot siya. "Maraming salamat, bunso."
The call ended. Ang bigat ng dibdib ko sa sobrang awa ko sa kanya. I sent him enough money so he can eat and book a hotel room. Pinasobrahan ko din nang kaunti nang may pang-transpo siya kapag nagkita kami. Nagpasalamat naman siya at sinabing hihintayin na lang na makabalik ako ng Maynila.
I heard a knock on the door. Pumasok ako ulit ng silid at isinara ang sliding door ng veranda. Nagising si Noa sa katok bago ko pa naibukas ang pinto. My son sat on the bed and blinked his sleepy eyes. Bumungad naman sa harap ko si Kahel na nakabihis at tila aalis.
"Oh, great. You guys are awake." He stormed inside and grabbed our jackets. "Let's go."
Nalukot ang noo ko. "Huh? Saan tayo pupunta?"
"I'm starving. Let's check out the foods they have at the night market." Lumapit siya sa akin at sinuotan ako ng jacket. Nang matapos ay lumapit naman siya kay Noa. Pinisil-pisil pa niya ang pisngi ng anak namin na tila gusto niyang gisingin. "Come on, little devil. You wouldn't want me to go out with your mom while you're left here on your own."
Ngumuso si Noa. "Endi naman isama ang mommy, eh kapag miiwan ang Noa, eh."
Kahel scoffed. "Of course, she will. I can't go anywhere without her. Now get up and wear your jacket."
Sinuotan niya ng jacket si Noa. Pinanood ko lang naman siya na magpaikot-ikot sa silid para hanapin ang beanie ni Noa pati na ang medyas at sapatos.
"Nakapajama pa kami, Boss," agaw ko sa atensyon niya.
"Doesn't matter," sagot niya habang sinusuotan ng medyas si Noa.
Napailing na lamang ako. Talaga naman, oo. Kapag nakaisip talaga ang isang ito!
Wala na kaming nagawa ni Noa dahil binuhat na niya si Noa palabas ng silid. Dahil inaantok pa ang anak namin ay sumandal na lamang si Noa sa balikat ni Kahel. Para tuloy may mainit na palad na humaplos sa puso ko habang nakabuntot ako sa kanilang mag-ama. Akala mo hindi araw-araw nagbabangayan sa itsura nila ngayon.
Pagdating sa night market ay dumiretso kaagad kami sa bilihan ng mga pagkain. Nang makain ang mga biniling pagkain ay nagyaya naman si Kahel na mag-stroll sa mismong night market. Maraming tao kaya isinakay niya si Noa sa mga balikat niya nang hindi maipit. Syempre away na naman sila nang away kasi mahigpit ang kapit ni Noa sa buhok niya.
I shook my head when I heard them argue. Nang may nakitang clip na may disenyong halaman ay sabay pa silang nagturo.
"How much?" Kahel asked the vendor.
"Fifty isa, Sir."
Namomroblema niya akong binalingan. "Do you have fifty peso bills? I only have blue and yellow bills."
Tumango ako. "Libre ko na 'to."
Bumili ako ng tatlo. Ibinaba niya sandali si Noa nang mailagay ko ang clip. I helped him put his clip as well. Medyo yumuko pa siya nang hindi ako mahirapan kaya halos ilang pulgada na lang ang maging pagitan ng aming mga mukha. Noa was standing between us, kaya mukha tuloy kaming masayang pamilyang naglalagay ng clips sa ulo ng isa't isa.
"Thanks." Ngumiti si Kahel na tila aliw na aliw. Nagmukha ba namang tinubuan ng munggo ang ulo niya. "Lemme help you," prisinta niya.
He put the clip on my hair and the carried Noa again. This time, on a piggy back ride. Nag-aasaran na naman silang dalawa habang naglalakad-lakad kami kaya napapailing na lamang ako, ngunit habang tumatagal na pinanonood ko silang dalawa, isang bagay ang napagtanto ko.
Kahel craves to live like the rest of us. Free, normal, and isn't isolated from the society because he came from a wealthy family. Maybe that's why he empathized for the nurse yesterday. Kasi kahit hindi niya naranasan ang araw-araw dinaranas ng mga ordinaryong tao, nasa mga katulad namin ang puso niya.
There is . . . humanity hiding behind his sassy and proud facade. Isang bagay na hindi ko inasahang madidiskubre ko sa isang tulad niya.
"Wait," pigil niya sa aking humakbang.
Kumunot ang aking noo. "Why?"
He pointed the stall that's selling succulents. Teka, bakit may nagtitinda nang gano'n dito eh gabi na?
He held my hand and dragged me towards the stall. Nang nakarating kami sa harap ay hindi pa rin niya binitiwan ang kamay ko kaya medyo nakaramdam ako ng kiliti pababa ng aking mga talampakan. Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit nakakaramdam na ako ng ganito ngayon sa simpleng paghawak niya sa kamay ko?
"'Nay, magkano ho?" tanong niya sa tindera.
"Alin ngay dito, hijo?" may lambing na tanong pabalik ng matandang babae.
"Lahat ho," ani Kahel.
Natawa ang matandang babae. "Apay, gatangem amin?"
Kumunot ang noo ni Kahel saka tumingin sa akin. "What did she say?"
"Nagkibit-balikat ako saka ako tumingin sa tindera. "Manang, sorry. Hindi po namin naintindihan."
"Ay, turista. Ang sabi ko ngay ket bibilihin mo ba lahat? Eh, tinatanong kung magkano lahat, eh." Muling natawa ang matanda.
Kahel clicked his tongue. "Uhm, yeah." Tumingin siya sa akin. "If it wouldn't fit in your apartment, then let's get a new apartment for you. A bigger one."
Napakurap ako't ang mga labi ay umawang. "Ha?"
He smirked then pinched my cheek. "'Nay, tawad po? How much if I'll get everything?"
Halatang hindi pa naniniwala ang matandang babae nang dinampot nito ang potted cactus. "Ito, singkwenta mo na lang. May tawad na 'yan."
Kahel nodded. "Cool." Ibinaba niya si Noa saka niya inilabas ang tig-iisang libo na nakalagay lang pala sa bulsa ng coat niya. "Tawad po ako. Five hundred na lang isa."
Nasapo ko ang aking noo. Ibang klase naman pala tumawad ang mokong na ito . . .