Kabanata 13

1237 Words
Eloisa "Bakit mo naman kasi binili lahat, Boss?" nai-stress kong sabi dahil hindi namin ngayon mapagkasya sa sasakyan niya ang lahat ng succulent plants na pinakyaw niya kagabi. "You said you like succulents. That's why," sagot niya habang namomroblema kung paano pa ba niya isisiksik ang mga halaman sa trunk. I rolled my eyes. "Well, I didn't say I need this much?!" Bumuntonghininga siya. "I'll get it all home." Humarap siya sa akin. "I always have a way, love don't worry." Tuluyan ko na siyang sinimangutan. "Yes, you do. You always do. But this is too much! Poproblemahin ko lang 'to sa bahay sa sobrang dami!" "Problema ba 'yon? I'll come by all the time and take care of them for you." He smirked. "At least I have an excuse to annoy your little man." He placed his hands on his hips as he looked around. "Nasaan na nga pala ang bubwit na 'yon?" My eyes rolled. Hindi pa kasi aminin na kahit palagi silang nagtatalo ni Noa ay napapalapit na siya sa bata, eh. Gagawa pa talaga ng ikakukunsumi ko para lang may excuse na "asarin" ang anak niya! "I left him at the resto with--" "You left him?" salubong ang mga kilay na putol ni Kahel sa sinasabi ko. "How could you abandon him that way?" Napaawang ang aking mga labi. "Ang OA mo, Boss ha? Abandon kaagad? Hindi ba pwedeng pinabantayan ko siya sa isa sa staffs para matulungan kita rito sa problemang dinala mo sa ating dalawa?" "Oh." His face relaxed. "Thought you already abandoned him because he's bullying me all the time. Kawawa pa naman ako ro'n." Napapikit ako sa kunsomisyon. "Para kang bata, Boss ha?" "Well, then that makes me your baby. Boss baby or baby boss. Wait." Nalukot ang noo niya. "That doesn't sit right." "Mabuti naman at alam mo? Hindi kasi porke't dumidede ka pa sa dibdib ng kung sinu-sino eh baby ka--" My cheeks blushed and my eyes widened. "Oh, God where did those come from?" He smirked. Tila malisyoso ang naiisip. Hindi naman nagsalita ngunit nahampas ko pa rin kaya tumawa. Diyos ko! Habang tumatagal ako sa trabaho, lumalabas din ang katotohanang siraulo itong amo ko! I massaged my temple. "Tara na lang, Boss. Iwan mo na 'yang iba na hindi na kasya. Kailangan ko nang makabalik ng Maynila at may kailangan pa akong i-meet." Napataas siya ng kilay. "Lalake, hmm?" Napakunot ako ng noo. Bakit niya naman tinatanong? "Uh, yes?" Sumimangot siya't umiwas ng tingin. "We're not leaving until I figured out how I'll take all of these home. Tumawad pa ako para sa mga 'to kaya hindi natin iiwan." Muntik ko na siyang sapukin sa sobrang kunsomisyon. "Boss, kahit ano pa ang gawin natin, hindi talaga 'yan kakasya!" "Then wait until I figure out a way, alright?" He gave me a side eye before he murmured, "I can't believe you're willing to leave these plants just to meet a boy." Napaawang ang aking mga labi. Napapaano ba ang mokong na 'to? I sighed. "Let's just hire someone na pwedeng mag-uwi. Kahit ikaltas mo na sa sahod ko," suhestyon ko. "Sayang pera," suplado niyang sabi. My eye twitched. Sayang pera? At kailan pa siya nanghinayang sa pera? My phone rang. Nang makita ang numero ni kuya Eldritch ay lumayo ako kay Kahel upang sagutin ang tawag. "Hello? Sorry, nandito pa kami. Itong boss ko kasi, eh." "Gano'n ba? Mga anong oras kaya kayo makakarating? Twelve o'clock kasi ang check-out time ko sa hotel." I sighed when I felt Kahel trying to eavesdrop. Hindi ko na lamang din pinansin. Bahala siyang mag-isip ng kung anong gusto niya. "Hindi ko kasi sigurado, eh pero pwede kitang padalahan na lang muna ulit ng pera. Mag-book ka na lang ulit ng hotel room at doon na lang siguro tayo magkita oras na makauwi kami ng Manila." I could see Kahel leaning on his car with his arms folded in front of his chest. Madilim na rin ang mukha at nakaigting ang panga dahil tila hindi nagugustuhan ang naririnig mula sa akin. Inirapan ko na lamang siya saka ako lumayo. My brother agreed with my suggestion. Pinadalahan ko siya ulit ng pera saka ako bumalik kay Kahel ngunit mukhang bad trip na ang mokong dahil padabog na ang paglalagay ng mga halaman sa sasakyan. "For the last time, Boss. You could never fit all of those in there," frustrated ko nang sabi ngunit hindi niya ako pinansin. Instead, he placed the other plants inside the passenger seat then slammed the door. Napakunot na lamang ako ng noo nang talikuran niya ako. Parang ayaw akong pansinin dahil naglakad na patungo sa elevator ng basement. Bumuntot na lamang ako sa kanya. Pagpasok ng elevator ay hindi rin naman ako nakatiis kaya hinarap ko na't kinausap. "Bakit ba, Boss?" I jokingly scoffed. "Huwag mong sabihing in love ka na sa akin at nagseselos ka?" biro ko dahil hindi na talaga maipinta ang mukha niya. He turned to me and stared at me with his cold obsidian eyes. "I'm not in love with you, Eloisa. I just don't want you to be committed to anyone yet." Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit po, hmm?" His jaw moved as he looked down. "Because there's no guarantee that I'll be perfectly healthy while my mom is still alive. That means I'm gonna need you by my side all the time, and you could never do that if you're busy attending to another man's needs." Nag-angat siya ng tingin. "Dodoblehin ko pa ang sahod mo, huwag ka lang munang humanap ng magiging tatay ng anak mo." Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng awa para sa kanya. It's obvious. Maybe he's good at hiding it but he's definitely scared that one day, the results will come out differently, and it will break his mother's heart. Lumamlam ang mga mata ko. "Binibiro lang kita tungkol doon sa kung nagseselos ka ba. Huwag mo sanang seryosohin--" "But I am serious about my demands." Sumandal siya sa elevator wall habang nakatitig pa rin sa akin. "I could break a million hearts but not my mother's, Isa. Kaya kung kailangang ikaw ang makasama ko imbes na siya oras na may mangyaring hindi maganda sa akin, I'll give you the world huwag mo lang iwan ang tabi ko. If you're seeing someone because Noa needs a Dad then I'll fill that space in his life, just make sure you'll stick with me no matter what. Hindi kita mahal. Hindi mo ko mahal. We don't have to love each other romantically, but I'm begging you." He sighed. "Please never leave my side. You're the only one I can count on pagdating sa bagay na kinakatakot ko." Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan. "Bakit . . . ako pa?" He flashed a weak smile. "Because I know you will never be emotionally invested in me. Alam kong kaya mong hawakan ang kamay ko sa mga huling oras ko nang hindi ka nasasaktan. Hindi gaya nina Mommy. They will surely cry their hearts out. Hindi ako handang mamatay na 'yon ang huli kong makikita. Besides, they said single moms are tough so I have faith that my death could never hurt you." Umiwas ako ng tingin nang maramdaman ko ang pagsikip ng aking dibdib. Hindi ko na talaga maipaliwanag kung papaano ba talaga tumatakbo ang isip ng lalakeng ito . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD