Kabanata 14

1508 Words
Eloisa Naging matamlay ako matapos ang naging pag-uusap namin ni Kahel sa elevator. Siguro dahil pakiramdam ko ay masyadong malaki ang tiwala niyang malakas ako. Yes, I am tough but I am not numb. Of course, I'd still feel pain if he'd die? Kahit naman ganoon iyon ay nagkaroon na rin kami ng koneksyon. Hindi man malalim, sapat na kung ano ang mayroon kami para masaktan ako oras na may hindi magandang mangyari sa kanya. "Mommy, saan ipunta po?" tanong ni Noa habang sakay kami ng taxi. Nagbalik ako sa sarili. "May kikitain tayo, anak. Kapatid ko. Si Tito Eldritch mo." "Ah." Sumandal siya sa aking braso. "Mommy, Noa wana kapitid." I flashed a small smile. "Ayaw mo 'yon, anak? Ikaw lang ang baby ko?" He hugged my arm. "Endi mo baby den po ang Boss po?" Boss. Gusto ko tuloy matawa. Iyon na rin kasi ang tawag ni Noa kay Kahel dahil 'yon ang palaging naririnig sa akin. Akala yata niya ay Boss ang pangalan ni Kahel. "Hindi, anak. Ikaw lang ang baby ko. Huwag mong pansinin si Boss. Inaasar ka lang no'n." His cute rosy lips pouted. "Miasar ko den si Boss po, Mommy. Miasar ko den siya pala endi mitalo ang Noa po." I laughed softly. Sakto namang tumigil ang taxi sa harap ng hotel kung saan naka-check in si kuya Eldritch. Bumaba kaming mag-ina. Pagkaalis ng taxi ay natanaw ko kaagad si kuya na nasa harap at tila hinihintay kami. He flashed a smile as he waved. Hindi kaagad ako nakakaway pabalik dahil pinasadahan ko pa siya ng tingin. Diyos ko. Ano ang nangyari sa kapatid ko? Bakit naman tumanda nang husto ang itsura at namayat? I sighed. He's probably in so much stress that's why. Kawawa naman. Hindi ko rin kasi siya masisisi kung itinago niya ang totoo kay Daddy. Knowing Daddy so well, wala iyong anak na failure. Kaya nga hindi na raw ako anak kasi disgrasyada ako. "Bunso," tawag niya nang malapitan kami. Kaagad din akong ikinulong sa yakap bago siya nakipag-hi five kay Noa. "Hello, Noa. Ako ang tito Eldritch mo." Noa waved at him in an innocent way. "Elow po. Ma-bwless po." Halatang natuwa si kuya nang magmano si Noa. Ginulo pa niya ang buhok ni Noa saka siya nakangiting tumingin sa akin. "Ang galang. Buti na lang, binuhay mo." Lumamlam ang mga mata ni kuya. "Pasensya ka na, ha? Natakot ako kay Daddy." Basag akong ngumiti. I know why he's apologizing. At sa totoo lang, ayaw ko naman nang intindihin iyon. Tapos na 'yon at alam ko namang kung hindi lang siya natatakot na itakwil din ni daddy, siya ang unang-unang sasaklolo at aalalay sa akin. "Kumain ka na ba, kuya?" tanong ko. Umiling siya. "Hindi pa. May natira pa naman sa binigay mo kaya lang ayaw ko na kasing manghingi muna ulit kaya tinitipid ko." "Ikaw talaga, kuya. Para namang hindi mo ko hinahatian ng allowance mo noon kapag binabawasan ni daddy ang baon ko. Bumabawi lang ako sa'yo ngayon." I smiled. "Tara. Kain tayo. Hindi pa rin kami kumakain ni Noa." Tumango siya't nagprisintang bubuhatin si Noa. Nagkwentuhan pa silang dalawa habang patungo kami sa resto ng hotel. Hinayaan ko naman dahil mukhang palagay rin kaagad ang loob ni Noa kay kuya. Siguro dahil kapatid ko si kuya at sabik sa tatay ang anak ko. "Iisa lang ang kwarto sa apartment namin, kuya pero hindi bale. Maghahanap ako ng unit na may dalawang silid," sabi ko nang maka-order kami ng pagkain. "Ayos lang naman kahit hindi na, bunso. Pwede naman ako sa sofa. Kapag nakabwelo naman na ako, hinding-hindi na ako magiging pabigat sa'yo." Piniga niya ang aking braso. "Pagpasensyahan mo na muna kung . . . kung kailangan ko ng tulong. Babawi rin ako sa'yo, bunso." I flashed a smile. "Ayos lang, kuya. Dapat naman talaga nagtutulungan ang magkakapatid, 'di ba?" Nahihiya siyang ngumiti. "Ang totoo niyan, may hihilingin pa sana akong pabor sa'yo. Nalaman ko kasi sa kaibigan mo na sa DCN ka na nagtatrabaho ngayon. Magbabaka-sakali sana ako na magpatulong sa'yo para makakuha ng trabaho. Kahit anong related sa kurso ko. Hirap na hirap na kasi akong humanap ng trabaho dahil sa nangyari noon. May lisensya pa rin naman ako. Talagang iniipit lang ako. Balita ko may sarili namang construction firm ang DCN kaya gusto kong magbaka-sakali na rumekta na." Hinawakan ko ang kamay niya. That desperation in his eyes, I've never seen that in him before. Tila ba last straw na niya ito at kung bibiguin ko siya'y baka mawalan na talaga siya ng pag-asa. "Sige, kuya. Susubukan kong kausapin 'yong ilang kakilala ko sa DCN na konektado sa line of work mo. Baka sakaling may posisyon na maibigay sa'yo kahit mababa lang muna." Umaliwalas ang kanyang mukha. "Salamat, Isa. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Salamat sa tulong mo." I patted his arm. "Huwag ka munang mag-thank you, kuya. Wala pa naman, eh. Ilalapit ko pa lang." Iniba ko na rin ang usapan namin bago pa kami maging emosyonal. We talked about how my life went since I left Quezon Province when I got pregnant with Noa. "Kahit buntis ako, sinubukan kong magtrabaho sa mall kasi sobrang hirap humanap ng trabaho sa syudad. Ang hirap tipirin ng sahod pero kinaya ko naman. Noong nanganak ako, mag-isa ko lang din. Naaawa nga sa akin 'yong mga nurse kasi ako rin ang naglakad ng mga papeles kahit kapapanganak ko lang. Wala pa kasi si Jancy that time. Sinabi ko lang din sa kanya ang nangyari sa'kin noong pabibinyagan ko na si Noa." Basag siyang ngumiti. "Hindi pala totoo na kapag may diploma at latin honor ka noong nagtapos eh siguradong magiging maganda na ang buhay mo, ano? Ang sakit-sakit tanggapin ng reyalidad." He heaved a sigh. "I didn't know it would take more than a license to have a good life." "Sinabi mo pa, kuya." He scoffed. "Ngayon sabihin ni daddy na masama ang may maraming pera." Umiling-iling siya't humugot ng hininga. "Oo nga pala. Sino ang nag-aalaga kay Noa kapag nasa trabaho ka?" "Naku, wala pa nga, eh kasi inalis ko 'yong dati niyang yaya dahil hindi naman siya inaasikaso nang maayos. Sayang lang ang bayad ko." Hinaplos niya ang buhok ni Noa. "For the mean time, pwedeng ako na muna ang mag-alaga kay Noa. Magkakasundo naman kami nito at mahilig din palang mag-drawing." "Ay, salamat kuya. Kailangan ko talaga ng titingin sa kanya kasi isinasama ko pa siya sa office, eh." Ngumiti si kuya. "Hindi bale. Kahit sa pag-aalaga man lang sa pamangkin ko, makabawi ako sa'yo kahit papaano." Tumingin siya kay Noa. "Noa, pwede mo rin akong tawaging Daddy Eldritch kahit tito mo ko, ha?" "Daddy Edwich," ani Noa bago ngumiti nang malawak. "Okay po!" Napangiti na lamang kaming pareho ni kuya. Aliw na aliw sa mainit na pagtanggap ni Noa sa kanya. Gaya ng napag-usapan namin ni kuya ay siya na nga ang nagbantay kay Noa kinabukasan. I went to HR as soon as I had my first break to ask about the job vacancies that would fit my brother's credentials. Luckily, there's an opening for the draftsman position in the construction department. Nilambing ko na kaagad si ate Matet nang ma-prio si kuya. "Salamat, ate!" nakangiti kong sabi bago na bumalik sa top floor. Pagkalabas ng elevator ay dumiretso kaagad ako sa opisina ko. Pagbukas ng pinto ay naabutan ko sa loob si Kahel. Nakapamulsa at lukot ang noo na tila naguguluhan. "Where's Noa?" bungad niya sa akin nang magtama ang tingin namin. "Uhm." I shut the door. "Iniwan ko na sa bahay. May nag-aalaga na sa kanya." Tinaasan niya ako ng kilay. "Why?" Ako naman ang napakunot ng noo. "Uh, because someone can look after him now?" His lips pursed as his expression turned annoyed. Tila naiinis na iniwan ko si Noa sa bahay. "Bring him here. Kung ayaw mong alagaan, sa office ko siya manggulo. Hindi 'yong kung kani-kanino mo lang iiwan." Tumaas ang kilay ko. "Are you saying I'm an irresponsible mom?" "No? I'm saying you should not entrust him to someone that easily. Paano kung pagbuhatan ng kamay 'yon? May kapilyuhan pa naman?" Oh, God umiiral na naman ang kasungitan niya. I swear he's either sassy, annoying, crazy or grumpy! "Sinisiguro kong safe siya sa Daddy Eldritch niya, Boss," sagot ko. Pilit na pinakakalma ang sarili ko. I saw how his eyes narrowed. "Daddy Eldritch?" He took slow steps towards me. Hindi ko alam kung bakit napalaki ako ng mga mata't napahakbang paatras hanggang sa tumama ang likod ko sa frosted glass. I even held my breath when Kahel rested his palm on the glass, right next to my head. "B-Boss, let me explain . . ." Kahel's jaw clenched. "I didn't know you couldn't keep a f*****g promise. You're fired," malamig niyang sabi bago umalis sa harap ko't lumabas ng aking opisina. Nalunok ko na lamang ang sarili kong laway nang tuluyan siyang nakaalis. Nang mag-sink in sa akin ang huli niyang sinabi ay parang tumigil ang t***k ng aking puso. F-Fired?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD