Natuloy kami ni Jhanna sa mall nang hapong iyon at nabili ko ang damit na iyon. Nag-ikot, tumambay, kumain sa paborito naming fastfood, at nagpicture taking sa loob ng mall pero bigla rin nagyayang umuwi na hindi ko alam kung bakit. Pero nahalata kong hindi siya mapakali kaya umuwi na rin kami. Lumipas pa ang mga araw ay tumindi ang atraksyon ko kay Harry. Para na akong tanga sa kakabantay sa kanya at pasimpleng silip sa bintana ng room nila at minsan kung saan siya pumupunta. Lahat inaalam ko ang mga activities niya ng pasekreto. Hindi ko alam kung nahahalata niya ba ako sa pagiging stalker ko sa kanya dito sa school. Pero sa tingin ko naman ay hindi dahil imposibleng hindi niya ako sitahin. Hanggang dito lang naman dahil hindi ko pa alam kung saan siya nakatira. Gustuhin ko man, pero na

