Nang masiguro kong maayos na ang itsura ko, tumayo na ako upang sa labas na lang hintayin si Jhanna. "Wow! You smell good." Manghang bulalas sa akin ni Devon at halos ubusin na ako sa pag-amoy. Napangiti ako dahil halos ipaligo ko na kasi ang pabango sa katawan ko. Ayoko kasing mabaho sa harapan ni Harry. Ang sabi kasi ni Bes sa text, ngayon niya na ako ipakilala ni Harry at lalabas daw kami. Kinakabahan nga ako at excited na rin dahil finally, makilala niya na ako. Nilalamig at nanginginig ako na hindi ko alam kung bakit. Gusto kong kumalma pero hindi ko kaya. Lalo akong sinalakay ng kaba. "I love it. What perfume is that?" tanong ulit ni Devon sige pa rin ang amoy sa akin. Halos isubsob niya na ang kanyang mukha sa leeg ko dahilan na mapaatras ako. Magmula nang iuwi ko ang libro ni

