Napapangiti ako sa tuwing humahakbang ako kasabay si Jhanna na katabi ko lang. Hindi ko kasi mapigilan ang sayang nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya dahil sa wakas ay natupad rin ang nais ko, ang makalapit kay Harry. Ni sa hinagap ay hindi ko ito inaasahan na ngayong araw na ito mangyayari at kung kailan nakapag-desisyon na akong tumigil na sa kahibangan ko sa kanya. Kung kanina ay nawalan na ako ng pag-asa at gusto ko na lang sumuko sa kanya para hayaan sila ni Bes. Pero nang dumating si Dale at masaksihan ko kung paano mag-react si Bes dito, bigla akong nabuhayan ng loob. Lalo't narinig ko ang pag-uusap nila at mukhang may tinatago pa. Something fishy about them. Well, hindi ako galit dahil pinaglihiman ako ni Bes. Pareho lang naman kami. Marami rin akong tinatago sa kanya, lalo na pa

