C2- TRH

1037 Words
"Bes, sandali!" Pasigaw na tawag ni Joan kay Jhanna at halos madapa na siya sa pagmamadali para lang maabutan niya ito. Sobrang bilis kasi nito kung maglakad na akala mo ay may hahabulin na biyahe. Pero ilang saglit ay nakita niyang huminto rin ito saka lumingon sa kanya. Gusto niyang matawa sa itsura nito nang makitang mag-isang linya na halos ang kilay nito. "Nagmamadali ka ba, bes? Ang bilis-bilis mo naman maglakad!" nakanguso niyang angal dito. Nakapamewang itong humarap sa kanya. "Ang sabihin mo, lakad pagong ka talaga!" mataray nitong tugon na may kasama pang irap. "Hindi, mabilis ka lang talaga!" simangot niya din dito. "Asus! Palusot ka pa! Siguro, puyat ka na naman kagabi." Matalim itong nakatitig sa kanya. "Hindi, ah?!" mariin niyang tanggi sabay iwas nang tingin dito. "Haynaku, Joana! Huwag ako, okay?" Nakataas pa ang kilay nitong tumingin sa kanya. "Oo, nga, bes! Maaga akong natulog kagabi." giit niya dito. Pero mukhang hindi ito naniniwala sa kanya base na rin sa talim nang tingin nito. "Sino na naman bang pinagpuyatan mo kagabi at parang lantang gulay ka na naman ngayon, ha? Alam mo naman sigurong unang araw ng pasukan ngayon, 'di ba? Tapos panay puyat ka pa rin sa mga chaka mong ka-chatmate!" sermon pa nito sa kanya na hindi nga siya nagkamali ng hinala. Kahit kailan ay hindi niya ito maloloko. Kasi naman, nag-iinitang pisngi niya. Kaya malamang namumula ang mukha niya ngayon. Pero imbes na mainis dito ay bigla siyang natawa nang marinig ang sinabi nito. "Uy, hindi, bes, ah? Ang pogi kaya nila!" Nakangisi niya itong tiningnan. Pero ang bruhang 'to, pinaikutan lang siya ng mga mata. "Asus! Nainggit ka lang, e." Pang-aasar niya pa dito dahilan na tumulis ang nguso nito at matalim siyang tinitigan. "Tara na nga! Hanapin na nga lang natin kung ano'ng section tayo!" suplada nitong yaya sa kanya sabay hila sa kanyang braso. "Sandali lang, bes!" Natatawa niyang pigil dito dahil sa tingin niya ay badtrip na naman ito sa kanya. Huminto naman ito saka lumingon sa kanya. "Ano na naman ba?" salubong pa ang mga kilay nitong tanong na halatang naiirita na sa kanya. "Wait lang, kasi! Iihi muna ako," nakalabing tugon niya at sinamaan rin ito ng tingin dahil pakiramdam niya ay sasabog na ang pantog niya anumang sandali. "O, sige. Pero bilisan mo lang, ha." dilat na dilat ang mga matang utos nito sa kanya. "Oo, na. Mabilis lang ako." simangot niya rin dito. Kaagad niya itong tinalikuran saka inilibot ang kanyang tingin sa loob ng campus para hanapin kung nasaan ang banyo sa loob ng school na iyon. Ngunit nang makita niya ito ay sumakit lang lalo ang pantog niya nang makita at sa nasaksihan sa harapan nito. "Pambihira naman, oh! Ano ba 'to, may pa-ayuda ni Mayor? At sa banyo pa talaga nila naisipan, ah? Hay, kainis! Bakit sobrang dami naman yata? Wala na bang ibang banyo dito? Haynaku! Magka-UTI pa yata ako ngayon, ah!" naiinis niyang bulong at napapangiwi na lamang sa nakitang pila sa may banyo. Hindi na siya tumuloy pa nang makita kung gaano kahaba ang pila sa may banyo. Kaya naisip niyang bumalik na lamang kay Jhanna para hanapin na lang muna nila ang kanilang section at baka lalo pa silang ma-late kapag pumila pa siya sa banyo. Baka hindi lang pandidilat ng mga mata ang ibabato sa kanya ng bes niya, kundi papatayin na siya ng tingin nito. "Ano ba naman kasing klaseng school 'to? Iisa lang ang banyo! Hindi ba nila alam na public school to? Ang daming estudiyante! Dapat maraming banyo! O, kaya may kanya-kanyang banyo sa loob ng room." himutok niya habang nakangusong naglalakad pabalik sa bes niya. "Saan kaya pwedeng umihi?" tanong niya sa kanyang sarili. Liliko na sana nang bigla na lang siyang bumangga ng sino man at mapasandal sa may pader. "Hoy!" Malakas niyang sigaw sa walang hiyang lalaki na bumangga sa kanya. Ngunit hindi ito lumingon at tila ba hindi siya narinig dahil diretso lang itong naglalakad palayo sa kanya. "Bwesit na lalaking 'yon, ah! Hindi man lang lumingon kahit nakabangga na. Napaka-bastos! May araw ka din sa'kin! Humandaka talagang bastos ka, bibigwasan ko talaga 'yang pangit mong mukha!" gigil na gigil niyang kausap sa sarili habang sinundan nang tingin ang lalaking nakabungguan niya. "Haynaku! Bakit ba, pakalat-kalat ang mga ugaling aso dito?" dugtong niya pang tanong at muling naglakad papunta sa bes niya. Hanggang sa makarating siya sa bes niya ay kumukulo pa rin talaga ang dugo niya sa bastos na lalaki. Bagaman hindi niya nakita ang mukha nito ay natatandaan naman niya ang bag at jacket nito. Parehong kulay itim na hawk ang design. Matangkad rin ito at medyo malapad ang balikat. "Kainis,talaga!" aniya at bumuga ng hangin. "Oh, para saan 'yan?" taas kilay pa na tanong ng bes niya. "Para sa bastos na lalake!" tugon niya. "Lalake? Sino na naman 'yan? Ka-chat mo na naman?" nakangusong tanong pa rin nito. "Hindi, ah! 'Yung lalaking bastos na nakabungguan ko doon," sagot niyaat itinuro kung saan siya nabunggo at napasandal sa pader. "Oh, ano'ng nangyari? Nasaktan ka ba? Okay ka lang ba, bes?" sunod-sunod pa nitong tanong at kitang-kita niya ang pag-alala nito sa kanya. "Hindi, bes. Okay lang ako. Kaso hindi pa ako naka-ihi dahil ang daming tao na nakapila sa banyo," nakangiwing sambit niya dahil sumasakit na talaga ang puson niya ng mga sandaling iyon. "Ha?!" Lalong gumuhit ang pag-alala nito sa kanya nang marinig ang simabi niya. "Paano 'yan?" balik-tanong pa nito. "Tara! Hanapin na lang natin ang section natin at baka may banyo sa loob." yaya niya dito. "O, sige. Tara na!" Kaagad nilang hinanap ang kanilang section at hindi naman nagtagal ay nakita rin nila ito. At natuwa sila pareho dahil magkatabi lang ang silid nila. At pinakamaganda sa lahat ay may sariling banyo ang silid niya, samantalang kay Jhanna ay wala. Nasa labas ang banyo nito. Kaya nang makapasok na siya sa loob ay kaagad siyang pumunta sa banyo at doon napatirik pa ang mga mata niya nang tuluyan niyang pakawalan ang ihi niya. "Thank you, lord! Hindi mo talaga ako hinayaang mapahiya sa umagang ito," mahinang sambit niya dahil konting-konti na lang ay mapapaihi na talaga siya sa mga sandaling iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD