C3- TRH

1292 Words
Kanina pa nakikinig si Joan sa kanyang subject teacher habang nagpapaliwanag ito sa kanilang harapan. Pero ni isa ay wala siyang maintindihan dahil wala dito ang isip niya, kundi nasa lalake pa rin na nakabungguan niya kanina. Mainit pa rin ang ulo niya dahil hindi man lang talaga ito lumingon kanina nang sigawan niya ito. Ni hinto ay hindi rin at talagang diri-diretso itong naglakad hanggang sa mawala na ito sa paningin niya. Sobrang nanggigil siya sa kabastusan nito. 'Humanda ka talaga sa akin kapag nakita kita mamayang break time. Pauulanan talaga kita ng bonggang-bonggang mura.' tahimik niyang hiyaw sa kanyang isipan at halos mag-isang linya na ang mga kilay niya. Ilang sandali pa ay tumunog na rin ang bell para sa break time nila nang umagang 'yon. Mabilis niyang niligpit ang mga notebook at libro saka nilagay ito sa loob kanyang bag. "Hi, Devon!" Narinig niyang bati ng isang boses lalake sa bago niyang kaklaseng babae. Kaagad siyang pumihit at nilingon ito. Napataas ang kilay niya nang makita ang nagngangalang Devon. Kulang ang salitang maganda sa babae dahil literal na maganda talaga ito. Mala-dyosa ang ganda nito at halatang mayaman. Pinong-pino ang balat na maputi at sobrang kinis pa nito. Bigla tuloy siyang napatingin sa kanyang balat dahil 'yon talaga ang problema niya. Well, makinis din naman siya dahil alaga naman ang kanyang sarili sa lotion at kung anu-ano pa ang nilagay niya para pumuti. Kaso parang ayaw na talaga. May level ang puti niya at hindi na pwedeng lumagpas pa. Tama lang ang puti niya. Hindi kagaya ng bes niya ay mestisa naman ito. Maputi kaya mabilis mapansin. Gusto niya ay gano'n sana ang kulay niya kaso 'yon talaga ang binigay sa kanya. Nagmana kasi siya ng kulay sa Papa niya at hindi sa Mama niya. Kung tutuusin hindi naman siya as in na maitim. Pero iyon ang tingin niya kapag nadikit siya sa Mama at bes niya. Mestisa din kasi ang Mama niya. Kung sa paseksihan naman ay pareho lang sila. Sabi nga nila cola body daw ang katawan nila ng bes niya kahit ang totoo malakas silang lumamon. Iyon nga lang ay banyo kaagad ang kasunod. Ang tanging lamang niya lang dito ay ang dimple niya sa ibaba ng bibig niya. Iyon naman ang pansinin sa kanya dahil wala naman ang bes niya niyon. Na-insecure lang talaga siya dahil lang sa kulay ng balat niya. Pero gano'n pa man ay hinding-hindi niya sisirain kung anuman ang relasyon nila ng bes niya. Hindi naman gano'n kakitid ang utak niya dahil lang sa walang kwentang dahilan. Mas mahalaga pa rin sa kanya ang pagkakaibigan nilang dalawa at walang sino man ang pwedeng sumira niyon kung ayaw ng riot. Lumalabas kasi ang pagkaka-amazona niya kapag may naririnig siyang naninira sa kanila ng bes niya. "Hi…" nakangiting bati naman nito sa kaklase niyang lalake. Napaismid siya nang makilala niya ang lalaking bumati dito. Dahil kaklase lang naman niya ito noong third year high school pa siya. Ang mayabang at feeling gwapo na si Ryan. Dati niyang manliligaw tapos kinabukasan ay nakita niyang may kaakbay na kaagad na ibang babae. Sa tingin niya ay girlfriend na nito. Kaya kinabukasan nang pumorma ulit ito sa kanya ay tinapat niya ito. Nagsinungaling rin siya at sinabi dito na may boyfriend na siya para hindi na siya bwesitin pa nito. "How are you?" tanong pa uli nito sa pangalang Devon. "I'm good. Excuse me," tugon naman nito at tumango sabay nilampasan nito si Ryan. Gusto niyang humagalpak ng tawa dahil kitang-kita niya ang pagkadismaya dahil hindi umubra ang pagpapansin nito sa bago niyang kaklase. Tumingin ito sa kanya kaya nginisihan niya ito sabay labas ng room nila. "Buti nga sa 'yo! Feeling gwapo kasi!" tuwang-tuwa na bulong niya habang sinisilip ang bes niya sa kabilang silid. Nakita niyang may klase pa ito kaya sumenyas na lang siya na hintayin niya ito sa may canteen. Tumango naman ito kaya agad siyang nagtungo sa canteen para umupo muna doon habang hinihintay itong lumabas. Ilang saglit pa ay nakita na rin niya itong lumabas at naglakad na papunta sa kanya. "Tagal mo!" simangot niya dito. "May tinapos pa kasi ako sinulat sa notebook.." "Ah, okay. Tara! Bili na tayo. Nagugutom na kasi ako," aniya at sabay silang pumunta sa canteen para bumili ng meryenda. ___ "Bes, mamaya, ha? Samahan mo ako doon sa mall at bibilhin ko lang 'yong damit na nakita ko kahapon ang ganda kasi!" Nakangiti niyang paalala dito. May nakita kasi siyang damit nang mapadaan siya sa mall kahapon. Ayaw kasi matahimik ng sarili niya hangga't hindi niya ito nabili. Dapat babalikan niya iyon kaso alanganing oras na dahil panigurado siyang sarado na 'yon kapag pumunta pa siya. "Okay, bes!" nakangiting sagot nito sa kanya. "Alam mo naman na hindi kita kayang pabayaan, eh!" dugtong pa nito sa sinabi na halatang nagdadrama lang naman. Imbes na suplain ito, mas gusto niyang sakyan ang drama nito. "Aahh? I love you, bes!" nagpapa-cute pa niyang tugon dito at ngumuso pa siya para halikan ito pero mabilis itong umiwas. "I love you too, bes!" nakangiting tugon naman nito. Ganyan sila kung mag dramahan na akala mo mga artista. Mga artistang hindi nadiskubre dahil hindi naman sila nag-audition at wala silang balak. Mahilig silang kumanta kaya Pero kinahiligan naman kaya minsan nag-videoke sila sa bahay nila at minsan sa bahay rin nito. Halos magkapareho sila ni Jhanna ng hilig kaya sila naging mag-bestfriend dahil magkasundo sa lahat ng bagay. "Bes, anong gusto mo?" tanong niya dito habang namimili ng pagkain sa canteen. "Kahit ano, bes! Basta huwag lang lason," tatawa-tawang tugon pa nito sa kanya. Tumawa rin siya sa biro nito. "Walang ganyanan, bes! Hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa akin," madramang sagot naman niya. Tumawa rin ito nang tumingin sa kanya. Matapos iabot sa kanila ang pagkain ay agad niya itong binayaran. Paalis na sana sila nang mahagip niya ang lalaking nakabungguan kanina. 'Ang bastos na 'yon! Humanda ka talaga sa akin! Hintayin mo 'kong bwisit ka!' Nanggigil niyang saad sa isip at akmang susundan na sana ito nang mapahinto nang bigla na lang may tumawa nang malakas na akala mo walang ibang tao sa paligid. Dahilan na mapatingin siya dito saglit. Dalawang lalake itong nakaupo sa may pandalawahang table. Parehong gwapo ang dalawa pero hindi niya type. Kaya muli niyang tiningnan ang bastos na lalake pero ganoon na lang ang inis niya dahil wala na ito doon 's**t! Nawala na ang bastos! Nasaan kaya 'yon?!' "s**t na malagkit!" narinig niyang bulong ng bes niya. "Bes, may sinabi ka?" tanong niya dito na ikinagulat nito. "Wala, bes! Tara, balik na tayo sa classroom," sa halip ay yaya nito sa kanya. "Okay!" tugon na lamang niya dito at hindi na nagtanong pa. Umalis na agad sila sa canteen at nagdesisyon na bumalik na sa kani- kanilang classroom. Napansin niyang mabilis ang mga hakbang ng bes niya kaya napahabol siya dito. "Bes, nagmamadali ka ba?!" hinihingal niyang reklamo dito. Dahil ang bilis na naman nitong maglakad samantalang mahaba pa naman ang oras. "D-dahan-dahan lang!" nauutal pa niyang angal nang humarap ito. "Hindi naman," sagot nito. "Bakit para kang hinahabol? Ang bilis mo naman yatang maglakad?" nakakunot ang noo niyang tanong dito. "Wala! May nakalimutan lang akong gawin kanina." "Ah, gano'n ba? O, sige na! Gawin mo na at babalik na rin ako sa classroom ko. Basta mamaya, ha?" paalala muli niya dito. "Okay," sagot nito bago siya pumasok sa silid niya pero muli na naman niyang mahagip nang tingin ang bastos na lalake. Kaya muli siyang lumabas para tingnan kung saang room ito papasok. At laking gulat niya nang makitang katabi lang pala niya ito ng section at kaklase pa ng bestfriend niyang si Jhanna. "Bwesit! Katabi lang pala kita?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD