C4- Joan

2365 Words
"Oh, sino na naman 'yang isa-salvage ng mga mata mo?" Napakurap ako nang marinig ko boses ng bes kong Jhanna kaya bumaling agad ako sa ibang direksyon bago humarap sa kanya. Hindi ko alam na nasa tabi ko na pala siya at mukhang nakita pa yata ang ginawa kong paninitig kay Dexter- ang ex-boyfriend kong malandi na inilihim ko sa kanya na naging kami. "Bakit ngayon ka lang?" Sa halip ay nakasimangot kong balik-tanong sa kanya dahil kanina pa ako naghihintay tapos ngayon lang siya lumabas. Ilang minuto na lang kasi ang breaktime namin sa tanghalian. Ngumuso siya at halos magtagpo na ang kilay niyang tumingin sa akin. "Iyong kaklase ko kasi nakakabwesit! Masyadong epal!" Asar niyang tugon na mukha wala na siya sa mood. "Sinong kaklase?" Usisa ko at baka 'yong bastos na lalaking nakabangga sa akin. Gusto ko kasing malaman ang pangalan ng bastos na 'yon para alamin ko muna bago bawian. Baka akala niya gano'n na lang 'yon at tapos na kami. No, no! Lintik lang ang walang ganti, 'no? "Wala 'yun. Papansin lang masyado. Akala mo, kung sinong gwapo." Nagtagpo ang kilay ko nang marinig ko 'yon pero ang mukha niya ay pulang-lupa naman. Parang hindi ako convincing sa huli niyang sinabi. Nag-blush, e. Siguro gwapo 'yon. Sinasabi niya lang hindi dahil napipikon siya. "Bakit, ano bang ginawa?" tanong ko nang at tumitig ako sa kanyang mga mata. "Ewan ko sa bwesit na 'yun! Masyadong papansin talaga! Nakakataas ng dugo!" Confirm! Namula lalo siya. Mukhang may nagugustuhan na ang bes ko, ah. Ngayon lang kasi siya nagreklamo at nagalit ng ganito sa isang lalaki. Mukhang magkaka-jowa na ang bes ko, malapit na! "Tara, i-kaen na lang natin 'yan! Mukhang gutom ka na, e. Kulang na lang kasi at mananakmal ka na!" Yaya ko na lang sa kanya para dahil mukhang badtrip na. Baka mamaya mawalan pa kami ng gana pareho. "Sino muna 'yon?" tanong niya ulit na tumaas ang kilay ko. Akala ko kasi ay nailigaw ko na siya sa pagtanong ko. Pero mukhang matalas rin ang bes ko, ah. "Sino?" Patay-malisya kong sagot. "'Yung patayin mo na sa tingin. Sino ang mga 'yon? Kulang na lang kasi mangisay na ang dalawang 'yon sa sobrang talim ng tingin mo." Dugtong niya pa. "Wala! Kain na lang tayo dahil nagwawala na ang buwaya sa tiyan ko sa sobrang tagal mo!" Tugon ko sabay hila sa kanya para matigil na siya sa pagtatanong. Mabuti na lang at hindi na siya umangal at nagpatianod na lang din. Mukhang pareho na kaming gutom. Lumingon ulit ako sa dalawa at mukhang hindi tinatablan ng hiya. Balak yatang magpa-trending dahil talagang sa labas pa naglampungan. Hello? Hindi ba nila alam na nasa loob sila ng campus? O, talagang sinadya nila para magtrending sa unang pasukan? Humanda ka sa akin mamaya...magtrending ka talaga sa post ko! Hindi naman ako bitter dahil kasalanan ko naman nang hindi ako pumayag na ilabas ang relasyon namin. Tapos kulang ako palagi ng oras sa kanya kaya dumalang na lang ang pagkikita namin sa isa't isa. Patago na nga lang, dumalang pa. Hindi kasi ako aware na palagi siyang kasama dahil sobrang likot ng kamay niya. Namamanyakan ako sa kanya sa totoo lang. Feeling ko 'yon lang ang habol niya sa akin. Ayos lang sana kung sigurado na ako sa nararamdaman ko. E, hindi. Saka bata pa lang ako at gusto ko pang makapagtapos sa pag-aaral, 'no? May plano pa kami ng bes ko kaya hindi ko siya masyadong pinagtuunan ng pansin. Hanggang sa lumabo na nga kami. Kaya noong sinubukan kong makipaghiwalay sa kanya ay mabilis pa sa alas kwatro na pumayag agad. Dahil iyon pala ay may jowa ng iba ang bwesit. Ang landi talaga dahil 'In a relationship' na kinabukasan kay Heide. Tapos ang daming photos na magkasama sila. Sa tingin ko, nakatikim na kay Heide kaya gano'n. Sa akin kasi, ay kiss sa pisngi lang tapos holding hands lang kaya kong ibigay. Well, ayos lang naman dahil hindi naman ako nasasaktan. Ang nakakainis lang ay, sweet talaga sila sa tuwing nasa harapan ako? As if naman magselos ako! Pero humanda talaga siya sa akin mamaya. "O, mangudngod ka na!" Napasinghap ako nang bigla na lang akong hinila dahilan na masubsob ako sa likuran niya. "Ang sakit." Nakangiwi kong reklamo habang hawak ko ang ilong ko. "Kung saan-saan kasi nakatingin! Sino ba kasi 'yon?" Kunwaring galit niyang tanong pero halata naman na nagpipigil lang na tawanan ako. "Kakilala ko lang." Palusot ko at tinalikuran na siya. Sumunod naman siya sa akin na kahit hindi ako tumingin ay sa ilong ko siya nakatingin. "Masakit ba talaga?" tanong niya pa na may himig pag-alala. "Oo.." nakangusong baling ko. "Baka nabali na 'yan. Mahal pa naman ang magparetoke." Ngisi niya pa dahilan na matawa na ako. "Ikaw ang magbayad dahil kasalanan mo 'to." Drama ko. "Anong ibayad ko diyan? Buhok?" Biro niya pa. "Eww! Kadiri ka!" Maarte kong reklamo. "Uy, mabango 'to!" Depensa niya agad. Ganito kami mag-biruan ng bes ko kapag kaming dalawa lang. Minsan napagkakamalan kaming isa sa amin ang tomboy pero pareho kaming straight. Ganito lang talaga kami ka-sweet. Isa rin ito sa dahilan kung bakit halos wala akong time kay Dexter. Mas marami daw akong time kay Jhanna kaysa sa kanya. Sa totoo lang ay wala pang lalaki ang pwedeng pagtuunan ko ng pansin kaysa kay Jhanna. Wala pang lalaki na mas bibigyan ko ng pansin para mabawasan ko ang time namin ng bes ko. Ang pagkakaibigan pa rin namin ang mas mahalaga kaysa sa mga lalaki. "Sa ngayon, oo!" Tawa ko na rin na sanabayan naman niya. "Baliw ka talaga! Kain na nga tayo. Nahahanginan na ang utak natin." Pabulong na lang niyang saad dahil nasa canteen na kami. " May baon ka bang dala?" Sa halip ay tanong ko. "Meron, Bes." "Tara, pili na tayo ng ulam. Anong gusto mo?" "May dala rin ako, Bes. Saka maraming kanin kaya ulam na lang. Baka ayaw mo nito." "Anong akala mo sa akin, choosy? E, lahat naman kinakain ko. Saka ang sarap mo kayang magluto," tugon ko habang namimili sa nakahielirang ulam. "Kaya pala gustong-gusto mong kumakain sa amin, 'no?" "Ngayon mo lang nahalata?" Tumawa ako habang tinuro ang sinigang na baboy para may sabaw kami. "Ito nga po Ate Lou, isang order lang. Saka dalawang soft drinks," saad ko sa suki naming tindera ng ulam. Masarap kasi siya magluto at malinis rin kaya sa kanya na ako laging bumibili. Medyo mahal ang paninda niya pero sulit naman. Well, may pagka-maselan talaga ako minsan, hindi lang halata. Saka may pambili naman ako dahil hindi ako hinihigpitan ng pera ng mga magulang ko. Mas mahigpit pa nga si Jhanna minsan kapag sinasama ko siya sa mall. Dinaig niya pa ang mga magulang ko. Pero wala rin naman siyang magagawa kapag ginusto ko talaga ang isang bagay. "Joan, heto na." Kinuha ko kaagad agad ang ulam saka pinggan at kutsara't tinidor na inabot niya sa akin. "Salamat po, Ate Lou!" Ngiti ko at tumango naman siyang nakangiti. "Welcome back pala!" Bati niya pa. "Salamat po ulit." ani ko at sabay talikod sa kanya para kumain na. "Ano pala ulam mo, Bes?" tanong ko nang makitang nilabas na rin niya ang baon niya. "Adobo." Sabay bukas ng baon. Naamoy ko kaagad ang bango nito kaya lalo akong nagutom. Kaagad akong sumubo ng isang hiwa dahil natakam ako bigla. Kumain na rin siya dahil gaya ko, mukhang gutom na rin siya. Halos wala kaming kibuan habang kumakain dahil nagmamadali na rin kami at kalahating oras na lang ay mag-umpisa na ang klase. Hanggang sa natapos kami ay saka pa lang kami nag-uusap nang sabay pa kaming dumighay. "Kanin ka pa?" Yaya ko. "Ayoko na. Busog na busog na ako." tanggi niya at niligpit na ang baonan at nilagay sa kanyang bag. Niligpit ko na rin ang pinggan at binigay kay Ate Lou. "Siya nga pala, Bes, kilala mo na ba ang mga kaklase mo?" tanong ko habang naghuhugas kami ng kamay. "Hindi pa. Mga bagong mukha, e. Parang wala yata akong kaklase noong third year. Saka ang daming transferee," tugon niya at nagpunas ng kamay. "Ikaw?" "Meron akong kaklase kaya lang…hindi ko gusto," sagot ko na siyang ikinataas ng kilay niya. "Bakit naman?" "E, mga abnormal ang mga 'yun, e. Kilalang-kilala ko na pagdating sa mga kalokohan." Padabog kong nilapag ang phone ko para ayusin ko muna ang sarili. "Huwag mo na lang pansinin. Deadma lang." "Ano pa nga bang magagawa ako? Kundi pagtiyagaan na lang hanggang matapos ang taon na ito," Inis kong sabi at inabot ko ang phone para magbukas muna ng social media account ko. May ten minutes pa naman kami. "Iyan ang bes ko! Magaling ka naman sa dedmahan, 'di ba?" Pang-uuto pa niya kaya natawa na lang din ako. "Ikaw--" Naputol ang sasabihin ko nang mahagip ko na naman ang bastos na lalaki. This time ang naka-uniform na siya pero nakatalikod na naglalakad papunta sa library at pumasok na nga. Sundan ko kaya ang bastos na 'yon? Kaso sa library pala. Baka mamaya ay hindi ko pa mapigilan ang sarili ko na sigawan siya. Yari na talaga ako. Unang pasukan, guidance agad. Marami pa naman pagkakataon. Kaya relax lang self! Magantihan mo rin ang asal aso na 'yun. "Tara na, Bes. Five minutes na lang, oh." Maya-maya ay yaya na sa akin ni Jhanna sabay tayo. Kaya tumayo na rin ako habang sige pa rin ang scroll ko sa social media. "Ayaw mo bang magbukas ng account mo?" baling ko. "Ayoko. Mamaya na lang. Puro lang naman first day of school na post ang makikita mo," walang gana niyang tugon. "Tara banyo muna tayo." Tumango ako dahil hindi pa pala kami nag-toothbrush. Nang matapos ay dumiretso na agad kami sa kanya-kanya naming silid dahil sakto lang at parating na rin ang unang subject teacher namin ng hapong iyon. Pero pasimple akong sumilip sa room nila para hanapin ang bastos na lalaki. Pero hindi ko siya nakita at mukhang wala pa siya. Baka naroon pa rin sa library. Ang sipag naman niya, buti sana kung matalino siya! Pumasok na lang din ako sa silid namin saka umupo. "Joan…" pansin sa akin ng feeling gwapong si Ryan. "Ano?!" Nakasambakol na asik ko. Tumawa siya nang bumaling ako. "Ang sungit mo talaga." "Hindi tayo close." Irap kong sagot. "Pero nanliligaw ako sayo." Hirit niya. "Sinagot ba kita?" taas kilay kong bara. "Malapit na sana--" "Sinong may sabi?" mataray kong putol. "Ako--" "Akala mo lang 'yon!" Putol ko ulit na siyang ikinatahimik niya. "Huwag kang assuming, hindi lang ikaw ang manliligaw ko." Mayabang kong dugtong sabay talikod sa kanya. Ayoko mang sabihin iyon pero nabubuwesit kasi ako ngayong araw. Parang puro na lang kamalasan ang unang araw ko ng pasukan. Kutang-kuta ako kaya damay-damay na ang mga papansin dahil matitikman talaga nila ang katarayan ko sa unang pasukan. Dapat pala ay bukas na ako pumasok para hindi ko nakasalubong ang pangit na vibes sa araw na ito. Excited pa akong pumasok tapos badvibes lang pala ang mapapala ko! Hay naku! Bakit ba sa dami ng estudyante ay ako pa talaga ang dikitan. Kakainis! Ilang saglit pa, ay nag-umpisa na rin ang klase namin. Tapos unti-unti na rin akong nakaramdam ng antok. Hay buhay talaga! Hanggang sa papikit-pikit na nga ang mga mata ko. "Miss Guevarra!" Napamulagat ako nang marinig kong tinawag ako ng teacher namin. "Yes, Ma'am!" Kaagad kong sagot. "Are you sleepy?" Walang kurap niyang tanong sa akin. Napalunok at nag-init kaagad ang pisngi ko nang marinig ko 'yon. s**t, nahuli ako! Nagtawanan naman ang mga kaklase kong nakatingin sa akin. "Stop it!" Malakas niyang saway sa mga ito sa mataas na boses. Kilala si Mrs. Quimno sa mataray at striktang guro kaya lahat ng estudyante ay ilag sa kanya. Kasi gusto niya ay naka-focus lang. Isa naman siya sa magagaling guro at lahat talaga ay matuto sa kanya. "If yes, you can go home now. Ayokong tinutulugan ako habang nagtuturo ako dito sa harapan." Istrikta niyang sabi nang hindi ako kumibo. Lalong nag-init ang pisngi ko matapos kong marinig iyon. "I'm sorry, Ma'am. Hindi na po mauulit..." mahinang tugon ko at yumuko. Tuluyan akong nagising dahil nakakahiya talaga. Haizt! Another kamalasan na naman. Sobra na yata, ah. Kasalanan talaga 'to ng bastos na lalaki at ng bwesit na Dexter na 'yun dahil dinamay pa yata ako sa kamalasan nila. Pati itong feeling gwapong Ryan na 'to. Sana malasin rin kayo ngayong araw na ito! Bwesit kayo! "Okay, let's continue." Rinig kong sabi ni Mrs. Quimno kaya't humugot ako ng hangin at inayos ang sarili. Subalit ilang minuto na naman ay inatake na naman ako ng antok kaya pinilig ko ang aking ulo at makailang beses kumurap. Hanggang matapos ang oras ng klase ay gano'n lang ang ginawa ko para hindi pumikit ang mga mata ko. "O, pwede ka ng matulog." Asar pa sa akin ni Ryan sabay ngisi at umupo sa aking harapan. "Leche!" Irap ko at padaskol akong tumayo at nilayasan siya. "Joan, sabay na tayo." Habol niya pa sa akin. "Huwag mo nga akong kausapin?!" Pikong singhal ko sa kanya. "Sorry na.." mahina niya pang saad. "Sorry mo mukha mo!" Badtrip kong tugon. Nagiging bastos talaga ako at lumalabas ang pagiging maldita ko sa mga taong hindi ko gusto at may atraso sa akin. "Bakit ka ba nakakatulog?" tanong niya pa at talagang ayaw akong tantanan. Sa halip na sumagot, inirapan ko siya sabay labas ng silid para hintayin ang bes ko. Pero gano'n na lang ang singhap ko nang mabunggo ako ng sino at sumubsob sa dibdib niya. Shìt ang bango! "I'm sorry…" Hingi niya pa ng pasensya sa malambing na boses kaya tumingala agad ako para tingnan ang mukha niya. At lumuwa ang mga mata ko nang makita kung sino siya. Ang bastos na lalaki na bumangga rin sa akin kaninang umaga. "Ayos ka lang? Sorry, ha?" Tunog apologetic niya pang tanong at bahagya akong tinulak palayo sa kanya para umayos ako sa pagtayo. Pero bago pa ako makasagot, umalis na siya sa aking harapan habang ako ay parang naengkanto na yata sa kagwapuhan niya. Hindi ko alam na gano'n pala kagwapo ang bastos na 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD