C5- Joan

2200 Words
Bakit ang gwapo? Siya ba talaga 'yon? Imposible... Hindi. Hindi siya 'yon. Masyado siyang gwapo para maging bastos! Kaya hindi pwedeng maging siya 'yun! "Siya ba ang sinasabi mong manliligaw mo?" Saka pa lang ako natauhan nang marinig ko ang boses ni Ryan. Bumaling ako sa kanya at hindi nakatakas sa akin ang pagsimangot niya habang nakatitig sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay saka ngumisi. "Nakita mo?" tanong ko. Hindi siya kumibo pero nakasambakol na ang kanyang mukha nang tumingin sa akin. "Gano'n ang mga type ko... gwapo at matangkad," mataray na tugon ko dahilan na dumilim ang kanyang mukha bago walang paalam na umalis sa aking harapan. Natawa ako habang sinundan ko siya nang tingin. Akala niya siguro ay iintertain ko pa siya ngayon porket naging kaklase ko siya ulit ngayon? No way! Akala niya siguro ay wala akong alam na kahihiwalay lang nila ng pang sampung girlfriend niya. Napakababaero talaga! Akala mo naman sobrang gwapo, pandak naman! Tse! "Bes!" Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses ni Bes at ang pagkalabit niya sa akin. "Kanina ka pa?" tanong niya habang inaayos ang dalang libro. Saka ko pa lang naalala ang libro ko na nasa aking upuan. "Ngayon lang. Kalalabas lang din namin," tugon ko. "Ahh, akala ko kanina pa." "Sandali, Bes, ha? Kunin ko lang ang mga libro ko." ani ko at mabilis na pumasok sa loob ng room para kunin ang mga libro. "Bwesit kasing Ryan na 'yun papansin! Nakalimutan ko tuloy ang mga libro!" Dakdak ko habang kinuha ko ang mga libro at nilagay sa bag. Lumabas kaagad ako at lumapit kay Jhanna. Pero pasimple akong sumilip sa room nila at baka nagkamali lang ako. Baka kasi naroon lang ang sa loob ang bastos na lalaki at hindi iyong lumabas kanina. Pero halos wala ng tao sa loob. Puro mga babae pa. "Kayo na lang ba ang naiwan sa loob?" Paniniguro ko pa. "Oo. May mga tinapos lang kasi kami kaya natagalan," tugon niya at mukhang hindi naman niya ako nahalata. "Tara na, Bes," yaya ko na dahil medyo may kabigatan itong mga dala namin. Lumakad na rin kami palabas ng gate para sumakay ng jeep. Gusto kong magtanong sa kanya kung ano ang pangalan noong kaklase niya kaso baka naman mahalata niya ako agad kapag magtanong siya kung bakit. Papaulanan niya pa ako ng tanong, buking talaga ako. Ngunit hindi pa kami nakasakay ay nag-init na naman ang ulo ko nang makita kong nasa katabi lang namin ang dalawang higad na sina Dexter at Heidi na walang pakialam na naglalampungan kahit nasa daan. Mukhang nanadya pa yata dahil sinobrahan pa talaga! Bakit kaya ayaw pang mag-motel ng mga pisting 'to?! Ang tindi talaga! Naghahalikan pa at ngumisi sa akin! Talagang gusto mong magpa-trending, ha! Sandali nga! Talagang iniinggit ako ng pisting ito. Akala naman niya'y maiinggit ako! Sakit kayo sa mata, uy! Hindi na ako nakatiis at kinuha ko agad ang phone ko at tinutok sa kanila. Pero bigla kong naisip na baka-mabash pa ako kapag kinunan ko sila ng picture at i-post ito sa social media. Kahit pa siguro gawin kong blind item ay makilala agad nila. Nag-isip ako kunh paano ko magantihan ang dalawang higad na ito. Napangiti ako sa bigla kong naisip. [Dear, Ex, Alam kong patay na patay ka na sa iba kaya ipagdarasal na lang kita. Naway dumiretso ka sa langit ng walang hanggan. Ps: Sumalangit nawa ang malandi mong kaluluwa Pss: Mag-ingat ka at baka huling kaligayahan mo na 'yan. Iyon lang.] Matapos kong i-type iyon, pinindot ko na ang button para ma-post ito. Tumingin ako sa kanila at napangiti. Tingnan natin ang kalandian mo! "Bes, okay ka lang?" Biglang kalabit sa akin ni Jhanna. "Oo, naman! Okay na okay lang ako, Bes! Okay pa sa alright!" Ngisi ko bago siya tinulak nang makita kong may huminto ng jeep sa aming harapan. Nagtataka pa siyang tumingin sa akin pero binigyan ko siya ng nagtatanong ma tingin para matigil na siya at pumasok na rin sa jeep. Lalo akong napangiti nang makitang napaatras muli ang dalawa dahil sakto lang kaming dalawa ni Jhanna para mapuno at umandar ulit ang jeep. Bye mga higad! Kayo na magsara ng campus! Tutal, pabor naman sa inyo 'yan. Kahit pagulong-gulong pa kayo sa oval, wala akong pake! "Uy, matino ka pa ba? O, isugod na kita sa mental?" Napasimangot akong bumaling kay Jhanna nang marinig iyon. At ang bruha ay bigla na lang tumawa sa akin. "Kaasar ka!" Simangot ko sa kanya. "E, paano? Nakakaloka iyang reaksyon mo! Bigla-bigla ka na lang ngumingiting mag-isa. Wala namang nakakatawa, ah." Natatawang pang-aasar niya pa. "Tse!" mahinang bulong ko sabay irap. "Ano ba kasi 'yon? Sino na naman bang pinag-trip-an mo?" Pahabol niya pa na hindi pa rin nawawala ang tawa niya. Minsan panira rin 'tong Bes ko, e. Sarap sakluban at pausukan! Pero syempre biro lang. Awayin ko na lahat 'wag lang ang Bes ko. Hindi kami tatagal kung hindi kami magkasundo sa lahat ng bagay. Gano'n kami ng Bes ko. "Ano, Bes? Dalhin na ba kita?" Bulong niya ulit sabay hagikhik. Lumingon akong nakasimangot sa kanya. Sobrang pula ng kanyang mukha at halos hindi na siya makahinga sa kakatawa. Nag-init ang pisngi ko dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob kaya sinamaan ko ma siya ng tingin. "Hindi ba pwede may naisip lang na nakakatawa?" Palusot ko at ngumuso. "Sige nga, sabihin mo sa akin para maniwala ako?" tanong niya pa. "Mamaya. Ipapakita ko sa 'yo kung ano 'yon." Pagsisinungaling ko para tumahimik na siya. "Bes, jobee muna tayo?" Yaya ko nang mahagip ko ang paborito naming fastfood. "Anong oras na kasi, Bes, e. Baka hanapin na ako ni Mama-- "Alam mo naman na ako lang ang inaasahan nilang mag-asikaso kapag wala siya sa bahay." Tuloy ko sa idudugtong niya. Ngumiwi siya matapos kong sabihin iyon. Salamat naman dahil natigil na rin siya sa pangangantiyaw niya sa akin. Iyon lang pala ang magpapatahimik sa kanya. "Oo na! Sige na," nakangiti kong saad. "Bukas na lang?" Pakonswelo niya pa para lang hindi ako magtampo. Alam ko na ang mga galawan niyang ganyan. Hindi naman ako nagtatampo dahil naiintindihan ko naman siya. Kung ako ay maluwag, siya naman ay hindi dahil marami siyang gawain sa bahay nila. Kung kasipagan ang pag-uusapan ay siya na magwawagi dahil alam na niya lahat kaysa sa akin. Kagaya nga nang sinabi ko, hindi ako masyadong pagod dahil ayaw ako halos pakilusin ni Mama sa bahay. Saka wala naman masyadong gawain sa bahay dahil kami nga lang. Walang nagkakalat na bata na gaya kina Jhanna. At ayaw ko rin makalat dahil nakakahiya kay Mama. Masinop kasi si Mama sa bahay kaya nakakahiya talaga. "Tara na, Bes." Yaya niya at sabay na nga kaming bumaba kung sa jeep matapos naming magbayad. "Wala ka bang assignment, Bes?" tanong niya pagkababa namin at naglakad papunta sa bahay namin. Nilalakad na lang namin dahil malapit na rin naman. Nasa unahan lang ang mga bahay namin. "Wala pa naman. Kayo?" ani ko at balik-tanong sa kanya. "Wala...pero meron akong tapusin na isulat sa notebook." "Baka bukas pa kami," sabi ko na lang at muli kong naalala ang bastos na lalaki kanina. Nangangati na ang dila kong magtanong sa kanya pero baka usisain na naman niya ako. Isipin pa niya ang landi ko dahil unang pasukan pa lang ay 'yong lalaki na 'yun ang pumapasok sa utak ko! Pero hindi ko talaga makalimutan ang perfume niya! Grabe, amoy mayaman! Lalo na ang boses niya. Ang lambing pero lalaking-lalaki. Tapos ang mga mata niya na parang inaantok palagi. Kahit malaki ang eyebag, ang ganda pa rin. Saka halatang may lahi. At iyong mukha niya...sobrang gwapo! Ang lapad pa ng balikat, sarap magpayakap! Ang sarap siguro sa feeling no'n. Bukas humanda--- "Bes!" Natigil ako at gulat pa akong tumingin kay Jhanna nang bigla siyang sumigaw. "Bakit?" taka kong tanong. "Nanaginip ka ba ng gising?" sa halip ay sabi niya. "Bakit nga?" Kinunutan ko siya ng noo. "Kanina pa ako nagsasalita." Nakasimangot na rin siyang tumingin sa akin. "Narinig ko." Kunway saad ko. "Oh, ano ang sabi ko?" mataray niya pang tanong sa akin na bigla akong napipilan dahil wala akong narinig sa mga pinagsasabi niya dahil busy ang utak ko sa gwapong bastos na iyon. "Ano...mauna ka na," baka sakaling tugon ko dahil nasa tapat na pala kami ng bahay nila. "Hindi." Masungit niyang sagot. "Iyon kaya ang narinig ko…" giit ko pa at baka sinusubukan na naman niya ako. Bigla siyang tumawa na hindi ko alam kung bakit. "Uwi na nga ako. Bukas tayo mag-usap…" natatawa niyang sabi at tinalikuran ako. "Kunwari ka pa! Wala ka naman sinabi!" Pasigaw kong wika sa kanya at hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil binalik niya lang sa akin ang mga ginagawa kong panghuhuli sa kanya. "Bye, Bes! Love you and good night! See you tomorrow!" Maarte niya pang sabi bago pumasok aa kanilang bahay. Natatawa na lang din ako habang pauwi na rin ako sa bahay namin. Kahit kailan ay gaya-gaya talaga siya sa panghuhuli ko. Mabuti na lang talaga at hindi niya ako nahalata. Pero duda rin ako dahil nakailang puna na siya sa akin, e. "Ma?" tawag ko kay mama nang pumasok na ako sa bahay namin. "Bakit, 'nak?" tugon niya na galing sa kusina. "Ano pong ulam?" Tanong ko at nagmano sa kanya. "Sinigang na hipon, 'nak." Lalo akong nagutom nang marinig iyon. "Gutom ka na ba?" "Opo." "Sige na, magbihis ka na para kumain na tayo." Utos niya sa 'kin kaya sumunod na rin ako. Pumasok ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Ilalapag ko na sana ang phone nang bigla kong naalala ang post ko kanina kaya kaagad akong nag-open para tingnan iyon. At hindi ko mapigilan ang tumawa nang malakas nang makitang umabot ng three hundred 'haha'd' react ang post ko ng ilang oras pa lang. At lalo pa akong natawa nang makitang one hundred rin ang comment na may masayang emoji. Hinanap ko kung nag-react din ang malandi kong boyfriend. Friend pa rin naman kami kaya for sure na nakikita niya ang post ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nag-chat agad ang malanding si Dexter. Binuksan ko agad ito at binasa. Dexter : Ako ba ang nasa post? Me: May nakita kang pangalan? Reply ko na may kasamang emoji na mataray. Dexter : Wala nga. Pero halata naman na ako 'yon. Me : Paano mo nasabi na ikaw 'yon? Bakit? Ikaw lang ba ang ex ko? Tugon ko uli with emoji para malaman niya naiinis ako. Hindi na siya sumagot ng ilang minuto na ang dumaan. Muli akong nag-type. Me : Huwag kang assuming na ikaw 'yon dahil hindi lang ikaw ang ex ko! Pero kung sa tingin mo ikaw 'yon, kabahan ka na at baka nga magkatotoo. Pinadala ko na agad sa kanya bago lumabas ng kwarto. Ngunit muli akong nag-type nang may makalimutan pala ako. Me : Pakibasa ng buo ang post ko para matauhan ka sa pagiging assuming mo! Ngisi ko dahil halatang napikon siya. Sa dulo kasi ay may nilagay akong hashtag repost para hindi halatang para sa kanya. "Kain na, 'nak," yaya na sa akin ni Mama. Kaya ang laki ng ngiti ko nang dumulog ako sa hapag dahil nabawian ko na siya sa pamamagitanng post na iyon. Sunod-sunod ang pagsubo ko dahil bigla akong ginanahang kumain. Kaya halos maubos ko ang kanin na sinandok ni Mama at natatawa na lang siya sa akin nang muli siyang kumuha ng kanin. "Ma, punta lang ako sa may tindahan, ha? May bibilhin lang po ako." Paalam ko sa kanya pagkatapos naming kumain. "Sige, 'nak, huwag magtagal, ha." "Opo, Ma." Ngiti ko at nag-spray ng pabango sa damit. Naligo na rin ako dahil pinagpapawisan ako sa paghigop ng sabaw. Pakiramdam ko tuloy daig ko pa ang tikoy sa sobrang lagkit. Lumabas kaagad ako at sumakay ng tricycle na nakaparada sa may harapan namin. Nagpahatid ako sa may tindahan dahil kailangankong bumili ng pampaganda. Mauubos na kasi at hindi pwedeng mawalan ako. Dahil iyon na nga lang ang kinakapitan ko para pumuti kahit papano. "Para po, Manong," sabi ko at inabot ang bayad bago bumaba. Dumiretso kaagad ako sa tindahan at kinuha ang mga kailangan kong bilhin. Wala naman akong mabibiling iba dito kaya ayoko na rin magtagal. Nang matapos kong makapagbayad ay lumabas na rin kaagad ako. Sasakay na ulit ako ng tricycle nang mahagip ko ang damit na naka-display sa katabing tindahan. Mukhang bago lang ang tindahan dahil ngayon ko lang ito nakita. Pumihit ulit ako papunta sa tindahan ng mga damit ngunit nang may bigla na lang sumalubong sa akin na hindi ko alam kung saan siya galing. At sa ikalawang pagkakataon ay sumubsob na naman ako sa dibdib niya! Napamulagat ako at agad nag-angat ng mukha dahil pamilyar ang perfume na ginamit niya. At gano'n na lang kabilis ang t***k ng puso ko nang hindi nga ako nagkamali. Dahil siya lang naman ang bastos na lalaking lagi kong nakabungguan ng pangatlong beses. Hindi ko alam kung bakit ganito palagi ang nangyayari sa amin. Ano ba siya? Bulag? Hindi nakikita ang daan? O, may tinataguan? Para kasing nagmamadali palagi. Kung saan-saan pa sumusulpot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD