C6- Joan

2077 Words
Napaawang ang labi ko nang matitigan ko siya nang malapitan. Pakiramdam ko ay huminto saglit ang oras ng mga sandaling ito. Para bang naging slow mo ang lahat na gumagalaw sa paligid. Kahit hindi siya nakatingin sa akin ay alam kong perpekto talaga ang kanyang mukha. At kahit natatakpan ito ng suot niyang sombrero, kitang-kita ko pa rin na sobrang kinis nito. Ang bango pa, my god! Kabisado ko na talaga ang amoy niya! At ang dibdib, sobrang tigas! Lalaking-lalaki! Ang sarap matulog! "Sorry…" hingi niya ng paumanhin at muli na naman niya akong inayos sa pagkakatayo bago walang lingon na umalis. Gusto ko siyang habulin pero malayo na siya. Ang lalaki kasi ng mga hakbang niya. Iyon bang hinahabol ka ng killer. Gano'n kasi siya sa tuwing naglalakad. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit parang lagi siyang hinahabol? May tinataguan ba siya? Lumingon ako sa paligid at loob ng mall pero wala naman akong nakitang sumusunod sa kanya. Walang kahina- hinalang naglalakad. Pero shetey! Ang gwapo niya talaga! Makalaglag panty ang itsura niya! Hindi ko akalain na gano'n kagwapo ang bastos na 'yon "Miss!" Lumingon ako sa aking likuran nang marinig ko iyon. At nahigit ko ang aking paghinga nang dalawang mama ang nakita ko. Bigla akong kinabahan ng kakaiba. Kung ilarawan mo kasi sila ay para silang kontrabida sa pelikula. Iyon bang hindi mo talaga mapagkakatiwalaan dahil sila ang karaniwang kinukuha ng mga kalaban. "B-bakit po?" kabado kong tanong. Bigla akong natakot. "May nakita ka bang lalaki na naka-all black at may suot na sumbrero?" tanong ng isa at walang kurap akong tinititigan. Si Gwapong Bastos! Siya ang hinahanap nila. Pasimple akong lumunok ng laway habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Nagdadalawang isip ako kung ituturo ko ba o hindi si Gwapong Bastos. Pero natatakot ako at baka pagtripan kapag tumagal pa ang pakikipag-usap sa kanila. Wala pa naman masyadong tao sa paligid ko. "Doon po siya dumaan!" Turo ko sa kabilang direksyon at pakiramdam ko ay hindi ako makahinga kung paniniwalaan ba nila ang sinabi ko. "Sige, salamat!" Sabi niya bago bumaling sa kasama niya. "Tara, habulin natin! Hindi pa 'yon nakakalayo! Malilintikan talaga tayo ni Boss kapag hindi natin nakita 'yun!" Sabay tapik sa kasamahan niya at halos lakad-takbo ang ginawa nila sa taliwalas na direksyon na sinabi ko Bumuga ako ng marahas at humugot uli ng maraming hangin nang makalayo na sila sa akin. Pakiramdam ko isang akong nagpigil ng hininga para lang hindi nila ako mahalata. Lumingon ako sa direksyon ni Gwapong Bastos, para siguraduhing wala na nga siya. Nang hindi ko na siya makita ay tumingin naman ako sa kabila at baka bumalik ang dalawang mama para balikan ako dahil niligaw ko sila. Kailangan umalis na ako dito bago pa nila malaman na--- "Miss!" "Hoy, miss!" Napamulagat akong tumingin sa tumawag sa akin. At nakita ko si Manong driver na nakatingin sa akin. "Po?" taka kong sagot na patanong. "Okay ka lang?" tanong niya ulit. "Nakatulala ka kasi diyan, kanina pa." Dagdag niya na ipinagtataka ko naman. Bigla akong naguluhan saglit. Anong nangyari? Anong tulalang pinagsasabi ni Manong? Nanaginip ba ako ng gising? Hindi ba totoo 'yong nangyayaring hinabol si Gwapong Bastos ng dalawang mamang pangit? "Hindi, Manong, ah!" simangot ko. "Totoo, Miss! Natulala ka ng mga limang minuto." Giit pa niya. "Si Manong patawa!" Nakanguso kong sabi pero bigla akong nahiya kung totoo nga ang sinabi niya. "Ikaw nga dyan ang nakakatawa, e! Natulala ka pagkaalis no'ng lalaki. Nakanganga ka pa nga habang sinundan mo siya ng tingin." Tunog pang-asar niya pang lahad bago ngumisi. Nag-init agad ang pisngi ko pagkarinig ko niyon. Ibig sabihin, hindi pala talaga totoo 'yong nangyayari? Gusto ko pa sanang kompirmahin sa kanya ang dalawang mama pero baka kantiyawan niya na ako kapag narinig niya iyon. Base kasi sa sinabi niyang si Gwapong Bastos lang ang nakita niya dahilan na bigla akong natulala, ay wala talagang ganoong nangyayari. Sa madaling salita, imahinasyon ko lang ang lahat pagkatapos niya akong bungguin. Nakakahiya naman dahil may nakasaksi pa talaga sa kalutangan ko! Kaasar! Kasalanan talaga ito ng bastos na iyon! Pero bakit naman kasi gano'n siya? Laging nagmamadali. Naka-all black at sumbrero pa. Kung anu-ano tuloy ang naiisip ko sa kanya! Pero ang gwapo niya talaga! Haizt! Nakakainis talaga! Nakakarami na siya ngayong araw na 'to. Pero ayos lang, gwapo naman pala siya kaya pinapatawad ko na siya kahit deadma niya ang beauty ko! May araw ka rin sa akin, mapatulala rin kita gaya nang ginawa mo sa akin. "Manong, sa harap nga po ng paradahan ng tricycle," sabi ko kay Manong at sumakay na sa loob para umuwi na ng bahay, baka kung anong katangahan na naman ang gagawin ko. Pinaandar niya naman kaagad at hinatid na nga ako. Ilang minuto lang ay nasa tapat na ako ng aming bahay. "Mother, I'm here!" Masigla kong anunsyo pagkapasok ko sa loob. "Ano bang mga binili mo, 'nak?" "Alam mo na po 'yon, Ma." Humihikab na tugon ko. "Bakit? Ubos na ba?" "Opo," tugon ko at muli akong naghikab. "Kumusta nga pala ang first day of school mo?" "Ayos naman po, Ma. Marami rin akong naging kaklase ngayon noong third year. Saka magkatabi lang kami ni Jhanna ng room," sagot ko at mukhang pipikit na talaga ang mata ko. "Tulog ka na, 'nak," malambing niyang wika sa akin at ngumiti. "Si Papa po, tumawag?" Nakapikit na tanong ko. "Oo, katatapos lang namin mag-usap." Mahina niyang sagot at halata ko agad sa boses niya ang pagkamiss kay papa. "Sige po, Ma, tulog na po ako." Ngiti ko bago pumasok sa kwarto. Kasi kapag si papa ang topic namin ay nagiging emosyonal siya. Hindi pa rin siya nasanay na nasa abroad si papa. Namimiss niya na agad kahit ilang buwan pa lang na bumalik si papa sa abroad. Namimiss ko rin si papa pero iniintindi ko na lang dahil iyon ang gusto niya para sa amin bago raw siya mag-señior. Sa halip na tawagan ko si papa ay naisip kong mag-sent na lang ng message sa kanya dahil oras ng trabaho niya ngayon. Nang matapos ay chineck ko ang inbox at baka may nag-chat sa akin. O, kaya'y nag-reply na naman ang malanding Dexter. Wala naman at mukhang naniwala nga sa sinabi ko. Maging si Jhanna ay wala rin at mukhang busy rin siya dahil wala pa siyang tanong sa post na iyon. Kaya naisip kong matulog na dahil inaantok na talaga ako. Puyat ako kagabi para sa araw na ito kaya kailangan kong bumawi ng tulog para sa Gwapong Bastos na 'yon. Kinabukasan ay bigla akong tinamad bumangon dahil inaantok pa ako. Kaya naisip kong i-chat si Jhanna para mauna na siya. Baka kasi may gagawin pa siya kaya pauunahin ko na lang. Pumikit ulit ako pagkatapos kong mabasa ang reply niya. Mga thirty minutes lang. Maaga pa naman kaya makakapasok pa ako mamaya. Ngunit wala pang limang minuto ay bigla akong kinatok ni mama. "Joan, anak, gising na!" "Mamaya---" Naputol ang sasabihin ko nang bigla kong naisip si Gwapong Bastos. Kaya kailangan kong pumasok nang maaga para aabangan ko siya mamaya sa pintuan. Hindi ako papayag na hindi ko malaman ang pangalan niya. "Nak, gising na!" Muling katok sa akin ni mama kaya bumangon at tumayo agad ako. "Maliligo na po ako, Ma," sagot ko sabay tayo at pumasok na banyo. Pagkasabon ko lahat sa katawan ay nagbanlaw kaagad ako. Mabilis lang akong naligo at baka hindi ko maabutan si Bes. Nag-sipilyo na rin kaagad ako bago lumabas ng banyo at nagmamadaling magbihis dahil mas matagal akong mag-seremonyas sa aking katawan. Nang masigurong maayos na ako ay saka pa lang ako lumabas ng kwarto. "Ma, sa school na ako kakain." Inunahan ko na agad si mama para hindi na ako ipaghain. "Inumin mo na lang itong gatas na tinimpla ko para hindi ka sikmurain." Alok niya sa akin at inabot ang gatas. Kinuha ko na lang ito saka ininom. "Thanks, Ma." Ngiti ko saka humalik sa kanyang pisngi. "Alis na po ako." Paalam ko at lumabas ng bahay. "Ingat, 'nak, ha." Rinig ko pang sabi niya kaya lumingon ako't ngumiti sa kanya. Naiisip kong daanan si Jhanna at baka maabutan ko pa siya at hindi nga ako nagkamali dahil palabas pa lang siya ng gate. "Akala ko ba ay male-late ka?" Salubong agad niya sa akin pagkalapit ko sa kanya. "Joke lang 'yon." Pagsisinungaling ko habang naglalakad kami papunta sa sakayan. "Uy, ano 'yong post mo kagabi, ha? Sinong ex ang sinasabi mo? May tinatago ka ba sa akin, Bes?" banat agad niyang tanong sa akin. "Nakita mo ba ang hashtag, Bes?" Balik-tanong ko at sumimangot sa kanya para hindi halata. "Sus! Kunwari lang 'yon! Sabihin mo na." Giit niya pa. Shìt! Ang talas niya talaga! Tumikhim ako at tinaasan ko siya ng kilay. "Ano naman ang sabihin ko sa'yo?" Mataray kong tanong. "Sino 'yon? Iyon bang kahapon?" Panghuhuli niya kaya umiwas ako ng tingin. "Sino?" "Haynaku, Joana! Kilalang-kilala kita mula ulo, atay, balunbalunan mo!" Irap niya pang sabi at sinamaan ako ng tingin. "Wala nga, promise." Paninindigan ko pero ang mata niya ay wagas kung makatingin. "Bes, mall tayo mamaya." Pag-iiba ko ng topic para maiba ang usapan namin. Saka gusto ko rin lumaboy na kasama siya. "Ano kasi, Bes, e...may inutos sa akin si mama." Tila nahihiya niyang sabi. "Samahan na lang kita." "O, sige." Bumaba kaagad kami saka sumakay sa jeep. "Saan ka pala kagabi? Pumunta ako sa inyo pero umalis ka raw sabi ni tita." "Lumabas lang ako saglit para bumili ng you know na." Ngiti ko. Wala pa akong balak na ikwento sa kanya kung anong kalutangan ang nangyayari sa akin kagabi at baka asarin niya pa ako. "Alam mo, masyado kang ano sa balat mo. E, ang puti mo na kaya at sobrang kinis pa!" "Pusyaw lang 'yan, Bes, 'wag ka!" Hanggat hindi ko ma-reach ang skin na gusto ko ay hindi pa rin ako kumbinsido. "Saka mas maputi ka pa rin sa akin, Bes…" dugtong ko bago bumaba. "Nag-election na ba kayo sa room niyo?" "Oo." "Ano ka roon?" "Ako lang naman ang lumalabas sa tuwing may election na nagaganap," tugon ko sabay tawa. "Sinong presidente niyo?" "Lalaki, iyong galing sa top section. Tapos si Devon De Jesus ang vice namin," tugon ko. "Sa inyo?" tanong ko. "Si Harry Fuentebella." Sa hindi ko maipaliwanag ay bigla na lang sumagi sa isipan ko si Gwapong Bastos pagkarinig ko sa pangalang iyon. Para kasing siya ang lalaking iyon. "Kilala mo ba?" Curious kong tanong. "Hindi. Ngayon ko lang siya naging kaklase." "Anong itsura niya?" tanong ko uli para makompirma ko. "Mabait naman siguro kasi palangiti, e. Saka parang maasahan talaga." Nadismaya ako sa naging sagot niya. "I mean, gwapo ba? Matangkad at medyo may pagka-moreno?" Hindi ko na mapigilang tanong. Malakas kasi ang kutob ko na parang siya iyon. Saka bigla rin akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag kung bakit. Na-excite akong hindi ko maipaliwanag. "Ahmm...oo," mahina niyang sagot kaya lumingon ako sa kanya at gano'n na lang ang pagtataka ko nang bigla siyang namula. Huwag niyang sabihing nagkagusto agad siya sa Harry na iyon? "So, bakit ka namumula?" asar kong tanong pero bigla akong napasimngot. Hanggang sa makarating kami sa room namin. At gano'n na lang ang pagsalakay ng kakaibang kaba sa akin nang makitang nasa bungad ng pintuan ng room nila si Gwapong Bastos at wagas kung makangiti habang kausap ang dalawang babae. Sheetttt! Ang gwapo niya pala talaga lalo na sa malapitan. Tumingin siya kay Jhanna bago sumulyap sa akin. At nagtama ang aming mga mata pero ilang segundo lang ay tumingin ulit siya kay Bes at kitang-kita ko kung paano niya titigan si Jhanna bago ito binigyan ng daan para makapasok sa silid nila. Bigla akong napasimangot dahil sa pagtitig niya sa bestfriend ko, samantalang segundo lang ang sulyap niya sa akin. "Harry, mauna na kami. Kita na lang tayo mamaya." Paalam pa ng dalawang babae sa kanya na binigyan naman niya ng matamis na ngiti. "Okay, mamaya na lang after class," tugon niya at hinatid pa ito ng tanaw bago pumasok sa room nila. Kainis! Dahil gano'n pala siya sa ibang babae. Pero sa akin ay puro sorry ang naririnig ko sabay iwan nang walang paalam. Kaya wala ako sa mood na pumasok sa loob at umupo sa upuan ko. Pero at least, alam ko na ang totoo niyang pangalan. Harry Fuentebella… ang gandang pangalan. Tunog mayaman talaga! Lalaking-lalaki pa! Harry Fuentebella. Mrs. Joan Fuentebella. Bagay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD