"Sinyorito..."
Nagmulat kaagad ako ng mga mata nang marinig ko ang boses ni Manang Janet sa labas at sinundan niya ito ng tatlong magkasunod na katok. Hindi ako kumibo at hinihintay ang kanyang susunod na sasabihin.
"Sinyorito Harry, Gising na po kayo. Pinapababa na po kayo ng Daddy at Mommy ninyo. Sumabay na daw po kayong mag-breakfast sa kanila bago pumasok sa school!"
Yeah. Pasukan na naman pala! First day of school pero tinatamad akong pumasok. Parang gusto ko pang matulog dahil wala pang tatlong oras ang tulog ko.
"Sinyorito---"
"Pakisabi pababa na, Manang!" Putol ko sa kanya bago bumangon sa kama.
"Sige po, Sinyorito," tugon niya bago ko narinig ang mga yabag niyang palayo sa kwarto ko.
Panay ang hikab ko kaya nag-unat muna ako saglit para mawala ang antok ko. Nang matapos ay pumasok ako sa banyo at mabilis na nag-shower. Saglit lang ako sa banyo dahil ayaw ni Dad at Mom na pinaghihintay ng matagal ang pagkain. May ugali kasi sila na hindi rin sila kumakain kapag wala pa ako sa harapan nila. Kaya wala pang limang minuto ay lumabas agad ako ng kwarto kahit naka-white shirt lang ako.
Panigurado kasi na ako na lang hinihintay nila. Hindi ko lang alam kung pati ang kapatid kong si Helena ay gusto rin nilang makasabay sa almusal. Baka kasi may sasabihin lang sila sa akin bago pumasok sa kanilang trabaho. Isang magaling na doktor si Mommy sa Fuentebella Hospital na pagmamay-ari namin at CEO naman si Dad sa Fuentebella Group of Companies.
Kaya pareho silang busy at halos doon nila ginugol ang buong araw nila. Sa madaling salita, workaholic silang dalawa at wala na silang pakialam sa aming dalawa ni Helena magmula noong mag-sampung taon na kami. Inaasa na lang nila kami sa mga kasambahay. Hindi naman ako nagtampo sa kanila dahil malaki na rin naman kami ni Helena at kaya na namin ang aming mga sarili kaya ayos lang. Saka naiintindihan ko sila dahil gaya nga ng lagi nilang sinasabi sa amin, ganito rin sila noon sa kanilang mga magulang. Tini-train lang daw sila kung paano mabuhay ng mag-isa nang wala ang tulong ng mga ito.
Pero kahit naman gano'n ay sagana naman kaming magkapatid sa financial kaya walang problema. Sadyang ang gawain lang talaga namin ang hindi namin pwedeng iasa sa mga kasambahay. Kaya dalawa lang talaga ang katulong namin dito para kikilos kami ng sarili. Kami ang naglalaba ng sarili naming damit at gamit na ginagamit namin sa loob ng aming kwarto. Pero sila na ang naglilinis ng loob.
Si Mom ay half chinese at si Dad naman ay may lahi rin na british pero hindi halata. Mas pinoy siya tingnan. Masyado silang seryoso tingnan at hindi ko pa sila nakitaan na sweet sa isa't isa kaya minsan nagtataka ako kung paano nila kami nabuo ni Helena kung walang loving-loving na namamagitan sa kanila. O, baka nahihiya lang ipakita sa amin. Ang alam ko ay ipinagkasundo lang sila nila lolo at lola kaya siguro gano'n. Ang nakaka-believe lang ay hindi ko pa sila nakikitang nagtatalo o nag-aaway minsan. Kaya malaki ang respeto ko sa kanila kahit may limitasyon lang ang ipinapakita nila sa amin.
Sa kapatid ko nama'y ahead ako ng apat na taon sa kanya kaya medyo nakaalalay pa ako sa kanya kapag nakikita kong nahihirapan siya. Hindi ko rin kasi kayang tiisin dahil maiiyak na siya kapag hindi niya talaga alam kung paano. Minsan ay sinasama ko na rin ang labahan niya para hindi na siya maglalaba. Pero patago lang 'yon dahil pagagalitan kami pareho.
"What took you so long?" Bungad agad sa akin ni Dad pagkababa ko ng hagdanan.
Katulad ng inaasahan ko, ako na lang ang hinihintay nila at mukhang kanina pa naiinip.
"Sorry, Dad, I was sitting in the bowl."
Alibi ko para valid reason agad.Ginagawa naman iyon ng karamihan. Even them, kaya maintindihan nila ako.
"Morning, Dad, Mom." bati ko na tinanguan lang nila.
"Okay, sit down, son, so we can eat now." Pormal niyang wika at nagsimula ng kumain.
Umupo na rin ako sa tabi ng sister ko at kumain na rin.
"So, are you guys ready for your school now?" Tanong ni mommy matapos niyang magpunas ng kanyang bibig.
Tapos na siyang kumain dahil kaunti lang naman ang kinakain niya.
"Yes, Mom," sagot ko kahit ang totoo'y inaantok pa ako.
"Yes, 'My," tugon naman ni Helena.
Sa private school pumasok si Helena samantalang sa public school naman pinili ko. Pumayag naman sina Dad at Mom basta huwag lang daw mababa ang grades ko. Kaya kailangan kong magsipag para wala silang masabi. Saka may kasunduan kami. Iyon ay sa ibang bansa ako mag-kolehiyo.
"Is everything okay? Wala naman bang problema? Helena?"
Palipat-lipat ang tingin sa amin ni Mom.
"No, Mom." Sabay namin ni Helena.
"Good to hear that." Tipid siyang ngumiti.
Iyon lang ang pinakamalambing sa amin ni Mommy. Ang tanungin kami kung may problema ba sa mga school namin. Ramdam ko naman na bukal sa kalooban niya iyon. At ni minsan ay hindi pa niya kami pinagagalitan. Kinakausap niya lang kami ng mahinahon kapag nagkamali kami.
"Harry, have you decided which school you are going to next year?" Si Dad naman.
"Yes, Dad."
"Okay," sabi niya at bumaling kay Mom.
"Honey, shall we?" Yaya pa niya at nagulat ako sa pagtawag niya kay Mom ng gano'n.
"Okay." Ngiti naman ni Mom na ipinagtataka ko rin dahil tunog malambing iyon.
Parang may himala kasing nangyayari na nakita kong ngumiti sila sa isa't isa. Kung titingnan mo kasi sila ay parang teenager na inlove. Namula pa kasi si Mommy nang titigan siya ni Dad bago ngumiti.
Hindi ko mapigilan na kiligin sa kanila dahil first ko talaga silang nakita na ganito. Ano kayang kinain ng mga 'to? Namapak kaya sila ng asukal kagabi?
"Son, mag-usap tayo mamayang gabi pagkatapos ng dinner. May sasabihin lang kami sa 'yo."
Napamulagat ako nang marinig ko 'yon. Ano na naman kaya ang pag-uusapan namin tungkol sa negosyo? E, pinag-aaralan ko naman iyon pa-unti-unti.
"'Kay, Dad," mahinang tugon ko at sinubo ang huling pagkain sa pinggan ko.
"Okay. Alis na kami ng mommy niyo."
"Ingat, Dad, Mom."
Tipid lang silang ngumiti sa amin bago tumayo na at iniwan na naman kaming dalawa ni Helena.
"Kuya, inaantok pa ako." Baling agad sa akin ng kapatid ko pagkaalis nila.
"So, ayaw mong pumasok ngayon?"
Hindi siya sumagot pero halata na sa kanyang mukha ang sagot. Lalo't nakasimangot pa siya.
"You want me to call your teacher?" tanong ko na tumulis ang kanyang nguso.
"Dad and Mom might know it." Halos pabulong na lang niyang sabi at huminga ng malalim.
"Yeah. And you know what's next, Helena." Ngiti ko.
Kung hindi kasi kami makakapasok ay pag-aaralan din namin kung ano ang ni-lelecture sa school. No gadgets allowed. At hindi kami titigil hanggat hindi natapos lahat dahil kailangan pa namin itong i-present sa kanilang harapan. Para kaming nag-report sa kanila. Mas dobleng pahirap ang gagawin dahil sariling sikap namin iyon para lang makahabol kami sa klase.
"Kuya…" tunog malambing pero nakasimangot naman.
Alam ko na 'to, gusto niyang tawagan ko ang nila para pakiusapan na naman na hindi siya papasok. Pero hindi pwede dahil unang pasukan pa lang at gusto na niyang lumiban sa school.
"What did you do last night? Hindi ba't sinabi ko na matulog ka nang maaga dahil pasukan na?" tanong ko sa boses na istrikto.
Lalong tumulis pa ang kanyang nguso at parang maiiyak na kaya pigil-pigil ko ang tawa para isipin niyang hindi ako nagbibiro. Hindi naman ako gano'n ka-istrikto sa kanya kaya minsan nakuha niya ako sa palambing-lambing niya. I love my sister kaya kung hindi kayang ibigay ng mga magulang namin ang paglalambing nila ay sa akin niya kinukuha ito. Sa akin ay ayos lang pero babae kasi si Helena at alam kong minsan ay naiinggit siya sa closeness ng mga magulang sa mga anak nila. Nakikita ko sa kanyang mga mata. Kaya nga ako ang gumagawa niyon para naman maramdaman niya iyon.
"Please, Kuya.."
"No, Helena, it's the first day of school you know?"
"At mukhang nagtatanong na sila Dad at Mom sa school natin kung kumusta ang participation natin."
Lumaki ang kanyang mga mata matapos kong sabihin iyon.
"Really, Kuya?" Mulagat niyang tanong at halatang natetense siya.
"U-huh. Kaya galingan mo sa school. Dahil sa tingin ko, may nagrereport sa atin sa kanila." Pagtatapos ko bago tumayo.
"C'mon, let's go! We're gonna be late." dugtong ko bago umakyat sa hagdanan.
"Okay, Kuya. Hindi na ako aabsent!" Tugon niya.
Napangiti ako nang marinig iyon. Mukhang na-alarma rin siya sa mga sinabi ko. Mabuti na rin iyon para hindi malaman ng mga parents namin kung anong pagtatakip ang ginawa ko para sa kanya. Pero feeling ko ay may alam na rin sila dahil hindi nila kami i-monitor kung wala. Kaya kailangan ko rin mag-doble ingat sa ibang mga activities ko para hindi nila malaman kung ano ang mga pinaggagawa ko tuwing gabi. Dahil tutol kasi sila pero iyon ang gusto ko. Kaya ginagawa ko ang lahat para hindi sila ma-disappoint sa akin dahil tiyak na malalaman nila ang pa-sekreto kong pagsali sa isang grupo ng organisasyon sa edad kong ito.
"That's good, Helena." Ngiti ko bago pumasok sa kwarto.
Naghanda kaagad ako para pumasok na sa school. Nang matapos ay lumabas na rin ako at sakto naman na lumabas na rin ang kapatid ko sa kanyang kwarto.
"Are you done?" Mangha kong tanong dahil himalang nasabayan niya ang bilis ko.
"Yes! Because I want to ride your motorbike!" Ngiti niya pa.
"Okay. Let's go!" Payag ko dahil malapit lang naman ang school niya kaysa sa akin.
Sabay kaming bumaba at lumabas ng bahay. Nagsuot ako ng helmet at gano'n rin siya.
"Ride in." Yaya ko nang ma-start ko na ang motor.
Sumunod na rin siya at sumakay na nga. Pinaandar ko na rin at binabagtas namin ang daan palabas ng village at papunta sa school niya. Dahan-dahan lang ang pagpapatakbo ko dahil angkas ko siya. Baka matakot kung bibilisan ko. Mamaya ay susunduin na lang siya ng driver namin pauwi. Wala pang twenty minutes ay nasa harapan na kami ng gate ng school nila.
"Bye. Take care. Just call me if you have a problem, okay?" ani ko at tinanggal ang helmet sa kanyang ulo saka nilagay ko ito sa loob ng motor ko.
"Bye, Kuya, ingat." Ngiti naman niya at kumaway bago pumasok sa loob.
Umalis agad ako nang makita kong lumakad na siya papasok. Binilisan ko na ang aking pagpapatakbo dahil medyo malayo ang school namin at ayaw kong ma-late sa unang pasukan. Nakakahiya kung unang pasukan ay late agad! Saka hahanapin ko pa kung section ako.
Ngunit ilang saglit lang ay biglang tumunog ang phone ko at naging alerto ako dahil iyon ang gamit ko sa grupo. Kaya saglit akong huminto sa isang tabi para sagutin ito.
"Yes?" Bungad ko at lumingon-lingon ako sa paligid.
"Nasa Quezon City National High School siya," sagot ng malaking boses sa kabilang linya na ikinagulat ko dahil doon ako nag-aaral.
Ang totoo, hindi ko pa sila nakikita kahit isang beses. Lima kaming miyembro at dalawa ang pinaka-boss. Bukod sa boses nilang alam kong ginamitan nila ng device ay wala na akong alam tungkol sa kanila.
Anyway, training lang naman ito sa akin dahil tatlong taon lang naman pwedeng sumali sa organisasyon nila at iba naman ang pagbibigyan nila ng pagkakataon para lumawak ang kaalaman sa pagiging detective. Saka may limitasyon ang edad na pwedeng sumali. Kapag nag-twenty ako, tapos na rin ang training ko sa kanila at pwede na akong maging detective kapag pinakita ko ang certification mula sa kanila.
"What?"
"Yeah. Kaya manman mo siya. Pasekreto siyang nagbebenta ng drugs sa mga estudyante," tugon niya bago pinatay ang tawag.
Lumunok ako ng laway at huminga ng malalim sabay buga rin. Pinaandar ko ulit ang motor at binilisan ko ang pagpapatakbo.
Hindi ko akalin na naroon ang next target ko sa school namin. Kailangan mahuli ko siya bago niya mademonyo ang mga estudyanteng gustong magpakasira ng sarili nila.
Ilang minuto lang ay nasa loob na ako ng school. Palinga-linga ako kung saan maraming kalalakihang nag-uumpukan. Dahil paniguradong si James Tan na iyon, ang next target kong drug dealer.
Pagkatanggal ko ng helmet ay hindi na ako nag-abala pang tanggalin ang jacket ko. Lumakad kaagad ako at tinalunton ko ang likuran ng school at baka naroon siya nagbebenta. Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang may bigla akong nakasalubong at nagkabungguan kami. Pero hindi na ako nag-abala pang lumingon dahil hindi naman siya tumilapon. Napasandal lang siya sa may pader. Kung hihinto ako at intindihin siya, baka tumagal ako at hindi ko na maabutan pa si James. Isang linggo ko na kasi siyang pinaghahanap at ngayon ko lang siya makita dahil matinik din siya at marami siyang galamay.
"Hoy!" Narinig ko pang sigaw ng babaeng kabungguan ko at alam kong tatagal talaga ako kapag pinansin ko pa siya dahil sa nanggagalaiti niyang boses.
I don't want to be rude pero babalikan ko na lang siguro siya mamaya pagkatapos ko kay James. Ngunit pagkarating ko sa likuran ay saktong nagpulasan na ang mga estudyante nang may biglang pumito kung saan.
"f**k!" Asar kong bigkas dahil alam kong galamay iyon ni James.
Signal 'yon na mukhang alam nilang sila ang sadya ko.