C8- Harry

2123 Words
"Damn! Nakawala pa ang bwesit!" Pasimple kong sinilip kung saan sila pumwesto kanina pero wala na. Nahuli na talaga ako ng dating dahil wala na akong naabutang estudyante maski isa. Wala na rin ang salot na si James at hindi ko man lang siya namamtaan kung saan siya dumaan. Baka humalo siya sa mga estudyanteng nagpulasan kaya hindi ko siya nakita. Sayang dahil pagkakataon ko na sana iyon para mahuli si James. Pero hindi pa kami tapos dahil nag-uumpisa pa lang kami ng tagu-taguan. Huminga ako ng malalim at pumihit pabalik para maabutan ko pa 'yong babaeng nakabungguan ko. I need to apologize to her dahil baka nasaktan rin siya nang mapasandal siya sa may pader. Alam kong galit na galit siya nang hindi ko man lang siya nilingon. Kung hindi lang talaga ako nagmamadali ay mag-sosorry ako sa kanya. Ngunit wala na siya. Hindi ko pa naman nakita ang itsura niya kaya hindi ko alam kung paano ako magso-sorry sa kanya. Hindi ko malalaman kung siya nga 'yon? Kahit man lang sana sa damit kung naka-civilian siya. E, hindi. Dahil lahat naka-uniporme na kaming lahat na señior sa unang pasukan. Tanging ang freshmen at sophomore na lang ang pinayagan na huwag munang mag-uniporme. Pero bakit naman kasi kung-saan-saan siya sumusulpot? Para siyang kabuteng hindi matae! Tapos kasalanan ko pa kung bumalandra siya sa pader? E, lalampa-lampa siya tapos kung saan-saan pa nakatingin. Ano naman kayang ginagawa niya sa likuran ng school? Huwag niyang sabihing----hindi naman siguro. Bigla kong naisip na baka bumibili rin siya kay James. Hindi naman siguro siya gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Pero pwede rin. Malay ko bang suki siya ng tsikwang 'yon! Dumiretso agad ako sa silid ng mga fourth year. At halos marami pa rin ang naghahanap ng section nila. Una kong pinuntahan ang top section at hindi naman ako nagkamali dahil kita ko na agad ang pangalan ko. Mukhang sakto lang din ang dating ko dahil wala pa sa loob ang class adviser namin. Umupo agad ako sa may bakanteng upuan at tamang pag-upo ko ay siyang pagpasok ng teacher namin. "Good morning, class!" Bati sa amin ni Mrs. Editha B. Garcia. Kilala ko na siya dahil naging subject teacher ko siya noong third year pa lang ako. Isa-isang nagpakilala ang mga bagong kaklase para makilala ang lahat. "Hi! I'm Jhanna Ramos and I'm 15 years of young, and I am the youngest of the family." Napatutok ako sa babaeng nasa harapan at kasalukuyang nagpakilala ngayon. Nakita ko na siya dati pa pero hindi ko alam ang pangalan niya. Hindi ko akalain na maging kaklase ko siya ngayon. She's simple but beautiful. But fùck! She's damn sexy! Kahit naka-uniform pa siya. "And I, thank you! Nagtawanan ang mga kaklase ko sa huling sinabi niya. Maging ako ay napangiti din dahil parang huling sinabi lang ng mga sumasali ng beauty pageant. Damn! She's blushing! Ang ganda niya lalo kapag ngumiti. Halos hindi ko na maalis ang mata ko sa kanya. Maging sa pag-upo niya ay nakasunod ako. Para akong minamagnet na hindi ko maintindihan. Mabilis akong bumaling nang tumingin siya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa ginagawa kong paninitig sa kanya. Kailan pa ako naging ganito? Yeah, she's beautiful. Hindi siya kagaya ng iba na kiming kumilos at matitigan lang ay lalo pang nagpa-cute. Nakakainis ang mga gano'n. Masyadong pabebe at mukhang bubuka agad kapag nginingitian lang. Ilang saglit pa ay tapos na ang mga girls na nagpakilala kaya mga lalaki naman ang nagpakilala. "My name is Dale De Jesus." Napakunot ako nang marinig iyon. Why is he here? I know him dahil madalas ko siyang nakikitang nag-iinuman kasama ang mga barkada niya sa private school. Kung saan-saan sila nakarating at madalas pang nasasangkot sa gulo kasama 'yong isang kaibigan niya. Bakit siya naligaw rito? Don't tell me ay nag-transfer siya kung kailan huling taon na ng high school? Tanga naman. O, baka dito na naman maghahasik ng lagim ang basagulerong 'to. Tsk! Ayoko talagang makipagkaibigan sa mga ganyang klaseng tao. Mga lasinggero na kung makalaklak ng alak ay parang mauubusan na. Sarap dextrose-san nang manahimik! "Wow, perfect!" Biglang sabi ng sinuman dahilan na nahinto ang lasinggerong basagulero sa pagpapakilala niya. Gulat akong napabaling sa nagsasalita at kumunot ang noo ko kung paano niya titigan ang lasinggero. Obviously, she's attracted to him. She was blushing again while staring at him. Shìt! Nagkakagusto siya sa pangit na 'yan. E, 'di hamak na mas gwapo pa ako diyan. Lamang lang naman siya ng isang paligo sa akin. Oo, halos pareho kami pero hindi magka-ugali. He's a fùckboy. Mas matino ako sa kanya. Hindi ako pwedeng magloko dahil maraming nakamata sa akin. Bantay-sarado ako kay Dad. Kaya magkaibang-magkaiba kami ng ugali. Laspag na siya at virgin pa ako. Well, not really dahil natuto akong mag-sarili dahil sa lintik na pornsite na pinasa sa akin. Panay tuloy ang silip ko sa site na 'yon at hindi ko na mapigilan ang malibog kong utak para utusan ang kamay kong paligayahin ang aking sarili. I tried to control myself but damn! Gustong-gusto ko ang nangyayari when I release my fluids. Nakaka-relax ng katawan. Kailangan ko na talagang mag-girlfriend para masubukan iyon para maramdaman ko iyon ng totoo. "What's perfect, Miss Ramos?" tanong naman ng teacher namin dahilan na mamula pa lalo ang mukha ng babaeng si Jhanna. Tangina, ang ganda niya talaga! Pero bwesit ang basagulerong fùckboy na 'to ay mukhang nagka-interest pa kay Jhanna. No! Hindi niya pwedeng isama sa mga collections niya si Jhanna. She's innocent! Malayo siya sa mga babaeng pinagsawaan niya na. "Nothing, Ma'am!" sagot naman ni Jhanna saka yumuko pero halos ayaw na rin niya maawat sa pagtitig kay basagulero. No, Jhanna! Please, don't be like him. Pagsasawaan at sasaktan ka lang niya. Pagkatapos ay iiwan na lang basta na parang walang nangyari. He's into your body. Alam ko ang galawan niya baes kung sinu-sino na lang ang kasama niyang babae. Kung manyak na ako, mas manyak ang De Jesus na 'to! Walang patawad. "Harry Fuentebella!" Kaagad akong tumayo nang marinig ko iyon at ako naman ang nagpakilala sa harapan ng mga kaklase ko. Pasimple akong tumingin kay Jhanna pero pasulyap-sulyap lang ang ginawa niya. "Hello, Guys! Harry Fuentebella at your service!" Umpisa ko at tinamisan kong ngumiti 'yong bang makalaglag panty. Kaya rinig kong nag-singhapan ang mga kababaihan at iba naman ay halos tunawin na yata ako ng titig. But not, Jhanna. Hindi man lang siya na intimidate sa looks ko. Simpleng tingin lang ang ginawa niya sa akin at panay ang yuko. Hindi kagaya ng basagulero ay wagas kung tumitig. Nakuha pang sumingit! Deadma agad ako sa kanya. Kaasar! Ayaw niya sa aking matino at mas gusto niya sa fùckboy na sobrang laspag na. Hanggang sa matapos ako ay hindi talaga nangyari ang inaasahan ko na titigan niya rin ako kung paano siya tumitig sa lasinggero! Pero no! Hindi ako papayag na pati siya ay mauto ng mayabang na De Jesus na 'to. Masyado siyang malinis para kay laspag. "Feel free to ask me if you need anything. Kung kaya kong ibigay, why not?" Huling sabi ko sabay kindat sa mga girls na halos tumulo na yata ang laway dahil panay na ang ngiti. Buti pa sila ay pakiramdam ko ay gusto na nila akong lantakan. Pero not Jhanna. Yeah, tumingin sa siya sa akin at ngumiti rin naman...pero pangkaibigan lang. Hindi malagkit kagaya ng mga katabi niya. Ni hindi nga namula nang titigan ko siya. Bwesit, ang laspag talaga ang gusto niya! Nakakapikon! Kakalipat lang pero mukhang may mauuto na naman. Bakit pa kasi naging kaklase ko pa ang De Jesus na 'to? Ang dami namang section pero bakit dito pa siya siningit? Pwede rin naman sa lowest section siya ilagay dahil transferee siya. May utak ba siya? Kaya niya ba akong sabayan? Pero hindi ko mapigilan ang ngumiti nang maisip iyon. Hmm...let's see kung kaya niya akong lampasan. Mukhang dito kami magkasubukan kay Jhanna. Baka mag-iba ang tingin ni Jhanna kapag nalaman niya ang kakayahan ko. At ang laspag na 'to, baka puro yabang at kamanyakan lang ang alam nito. Umupo kaagad ako pagkatapos kong magpakilala. At ramdam ko na ang mga ilang girls na kaklase ko ang panay tingin sa pwesto ko kaya ngumiti ako ng matamis dahil ayaw ko naman na maging snob sa kanila. Pero siyempre, si Jhanna pa rin ang gusto kong tumingin sa akin pero sulyap lang talaga ang nakukuha ko mula sa kanya. Tumingin ako kay laspag at hindi ko mapigilan maasar nang may kausap agad siyang babaeng mukhang gustong-gusto nang magpatikim sa laspag. Halata kasi sa kilos dahil panay ang tsansing. Well, ayos na rin iyon para makita ni Jhanna na may kaharutan na ang gusto niyang lalaki. Para sa akin mabaling ang atensyon niya. "Pre, sa may library daw tayo magkita mamaya. Doon daw ibibigay ni Harold ang binili niya kay James Tan." Naging alerto ako nang marinig iyon. Hindi ko akalain na pati mga kaklase kong nasa aking likuran ay gumagamit na rin. Well, maganda rin ito dahil mukhang hindi na ako mahihirapan sa pagkuha ng ibang info kay James Tan kung ano ang mga activities niya. Hindi ako nagpahalata at tahimik akong sumandal sa upuan para lumapit ako ng kaunti sa kanila. Para mas marinig ko nang malinaw ang mga pag-uusap nila. Halos nagbubulungan na lang kasi ang mga ito at nakayuko pa. Sadyang malinaw lang talaga ang pandinig ko kaya naririnig ko sila. "Mamayang tanghali, pre, sa library. Tapos mamayang gabi doon sa may mall daw meet-up." "Anong oras daw mamayang gabi?" "Shh! Tangina, hinaan mo ang boses mo!" Mahinang saway ng isa dahil medyo napalakas ng tanong. "Sorry, sorry.." "Ang balita ko, kaya daw nagpulasan kanina dahil may dumating daw na agent dito." Dagdag pa nito. Bigla akong kinabahan at baka kilala nila ako. Gusto ko ng lumingon para makita ang mukha ng mga adik na 'to pero mas nanaig sa akin na pakinggan pa rin sila. "Agent? Dito sa loob ng school?" "Oo, pre. Kaya mag-ingat tayo. Baka mahuli tayo at patay tayo kay Boss nito!" "Oo, pre. Mag-iingat ako." "'Yang bunganga mo, ha. Liitan mo lang ang buka! Kapag nahuli ka at kumanta…kuku mo lang na madugyot ang walang bangas. Tandaan mo 'yan, pre, kung gusto mong makatikim ng libre!" "O-oo, oo! Tatandaan ko 'yan. Akong bahala." "Siguraduhin mo lang talaga." "Oo nga." "Saka ang sabi, kung sino raq ang makaalam sa agent na 'yon, may bonus, pre. Kaya alamin natin ang kung sino ang epal na agent na 'yon. Para may bonus tayo. Malay mo, singkwenta mil ang ibigay sa atin." "Talaga, pre?" Manghang bulalas na naman ng isang adik na, mukhang pera pa! Pero gunggong kayo kung malaman niyong ako 'yun! You think you can beat me? In your f*****g dreams in hell! "Boses mo nga, gagò! Kakasabi ko lang hinaan mo tangnang 'to." "Sorry. Excited lang." "Isa pa." Banta pa ng isa at mukhang magsasapakan pa yata. O, 'di ba adik lang? Puno na ng usok ang utak kaya lumalabo na agad ang pagkakaibigan. Tsk! Wala talagang magandang maidudulot ang usok na 'yon! "Hindi na, pre, promise." Sabay tawa. "Basta mamaya, ha." "Sige, pre. Uuwi lang ako saglit sa bahay at magpaalam ako kunwaring may gagawin tayong project para payagan ako." "Tanga, huwag 'yan! Kapapasok lang natin, project agad?! Gagò ka ba? Paghihinalaan ka no'n! Iyang mata mo pa naman, masyadong halata! Parang isdang bilasa na iiyak na dahil walang pumapansin!" Lait pa nito sabay halakhak. "Tangina naman, pre, lait na 'yan, ah?! Ikaw din naman. Para kang palaging may sore eyes. Sugapa ka kasi kung makasinghot! Utot ko kaya singhutin mo!" bawi rin ng isa sabay tawa. Maging ako ay natawa na rin sa mga walang kwentang pag-uusap nila. Ang hirap talaga kapag lulong ka na. Dahil lumiliko na lang basta ang pag-uusap. Napahinto lang sila nang biglang tumunog ang bell para sa breaktime nang umagang iyon. "Tara, labas tayo. Puntahan natin 'yung iba sa may banyo." Yaya na agad ng isa. "Tara." Pagkatayo nila, tumayo na rin ako at pasimple ko silang sinundan kung saan sila pupunta. Nagkunwari akong iihi para hindi halata. At halos nagulat ako nang makitang marami pala sila. May mga babae rin at isa na rito ang kaklase kong si Sharon. Pero wala sa kanila ang hinahanap kong si James. Ilang saglit pa, nagsi-alisan sila at pumunta ang iba sa library. At ang iba naman ay sa likod ng school. Mukhang dalawang grupo ang ginawa nila para maguluhan ako kung sino ang susundan ko. But, fùck! Si James Tan lang ang pakay ko. Kaya bakit ko pahihirapan ang sarili ko para sa kanila? I know, sinadya nila ito para malaman nila kung sinong agent ang narito sa school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD