Hindi rin ako nakatiis kaya sinundan ko rin sila ng fifteen minutes na ang lumipas.Baka kasi naroon si James. Pero mas pinili ko ang library dahil kung sa likod ako ng school, malalaman nilang ako ang nagmamatyag sa kanila.
Dahan-dahan akong pumasok at halos ayokong makalikha ng ingay para mahuli ko sila sa akto at mas marinig ko kung paano nila ginawa ang transaksyon. Walang teacher na nagbabantay na ipinagtataka ko. Pero maraming estudyante sa loob.
Ilang saglit pa, nagulat ako nang makitang kalalabas lang ni Mr. Torres sa isang maliit na kwarto. Bigla akong nagkahinala na baka siya ang nagbebenta dito sa library. Ni minsa'y hindi sumagi sa isipan ko na paghinalaan siya dahil wala akong makita sa kilos niyang kakaiba. Isa kasi siya sa mga teacher na pinakamagaling na magturo sa English, math, at science. Nakatingin siya sa akin kaya bahagya akong ngumiti.
"Morning, Sir." Mahinang bati ko at yumuko.
"Morning…" ganti niya at bahagyang tumikhim bago umupo.
Sumulat ako sa log book at nag-isip kung anong libro ang hihiramin ko. Baka mahalata nila kapag pupunta lang ako dito para tumingin. Nang matapos ay lumakad ako saka hinanap ito. Nagkunwari akong hindi alam kung saan ito nakalagay para maikot ko ang buong sulok. Hinanap ko ang dalawang ungas kong kaklase na nag-uusap kanina sa aking likuran.
Umikot pa uli ako at nakita ko sila sa may pinakasulok kasama ang iba pang estudyante. Alerto silang lahat na nakatingin sa akin at halata sa kanilang mukha na may kababalaghang nagaganap. Nakita ko ang isa na may mabilis na tinago sa ilalim ng table.
Ibinalik ko ang aking mata sa mga libro at nagkunwaring walang pakialam sa kanila. Pero gising na gising ang dalawang tainga ko sa mga pag-uusap nila. Subalit dalawang minuto na ay parang normal na silang nagbabasa ng libro at paminsan-minsan ay nagtatanong sa isa't isa na ako akala mo talaga ay nag-aaral ang mga bwesit. Kung hindi ko lang alam kung ano talaga ang mga pinaggagawa nila dito ay iisipin kong nag-aaral talaga sila ng mabuti.
Hanggang sa marinig ko ang tunog ng bell, hudyat na tapos na ang break time sa umagang 'yon. Kunwaring napailing ako at dinala na lang ang librong hiramin ko para hindi ako mahalata. Mamayang tanghali ko na lang ibalik ito.
Lumabas agad ako at bumalik na sa room namin. Mabuti na lang pala at nag-almusal ako kanina dahil tiyak gutom na naman ang aabutin ko nito. Malaki ang hakbang ko at walang lingong naglalakad diretso sa room at umupo sa upuan ko.
Hindi nagtagal ay nakita ko ang dalawang kaklase ko at nasa akin ang mga mata nila. Umiwas agad ako ng tingin at nagkukunwaring nag-cellphone dahil parang nagdududa na sila akin. Hanggang sa dumaan sila sa gilid ko at marahas na umupo. Tahimik ang sunod na nangyayari. Kahit hindi ko sila nakikita ay alam kong nagsesenyasan sila sa likuran ko. Pumikit ako at huminga ng malalim. Naisip kong makipagkaibigan sa kanila para hindi nila ako paghihinalaan. Kailangan ko rin sigurong mag-li-low dito sa loob ng school. Nakita kong marami sila at si Mr. Torres yata ang pinaka-boss nila dito. Parang sa kanya binagsak ang droga para hindi halata.
Sa ngayon ay kakaibiganin ko na muna sila para hindi nila ako paghinalaan. Humugot ako ng hangin bago humarap sa kanila.
"Pre, naglalaro ba kayo ng basketball?" Kunwaring tanong ko.
Nagkatinginan sila at tila may iniisip.
"Oo, naman," sagot ng isa.
Hindi ko pa alam kung ano ang mga pangalan nila dahil hindi ko naman sila masyadong iniintindi habang nagpakilala sa harapan kanina dahil na kay laspag ang isip ko.
"Laro naman tayo minsan." Yaya ko at palipat-lipat ang tingin ko sa kanila.
"Sige ba!" Walang pag-aalinlangan na payag agad ng isa.
"Anong section ba kayo noong third year, pre?" Tanong ko ulit para maging close ko na agad sila.
"Earth, pre." Sabay pa nila.
"So, magkaklase kayo?" Mangha kong tanong.
"Oo, pre," tugon ulit nilang magkasabay at natawa.
"Wow!" Bulalas ko at natawa na rin ako kunwari para makasabay.
Pwede na talaga akong parangalan ng best actor sa kaplastikan sa ginagawa ko ngayon. Pero kailangan ko itong gawin dahil sa training ko. Hindi ako pwedeng bumagsak dito para maganda ang records ko para sila mismo ang mag-recommend sa akin sa gusto kong pasukan na agency.
Marami pa kaming pinagkukwentuhan na kung anu-ano lang ang naging topic. At mukhang natanggal na ang mga pagdududa nila sa akin dahil nagtatawanan na kami ngayon. Syempre in-open ko ang pornsite topic para lalo silang ganahan sa pagkukwento. Hanggang sa dumulas sila na may gangbang na silang babae na mukhang game na game rin sa mga kababuyang pinaggagawa nila. Ako na kahit hindi alam ang pakiramdam no'n ay nakiayon pa rin. Iniisip ko na lang ang pakiramdam sa tuwing nakapaglabas din ako gamit ang kamay. Ang hirap talaga kapag ganitong usapan, nakakainit ng libido. Pati ulo mainit dahil hindi mailabas kapag nasa public.
"Dale, sandali!"
Napahinto kami sa pag-uusap nang marinig namin ang sigaw na iyon ni Sharon kay De Jesus. Pero diretso lang sa paglalakad ang laspag at ni hindi man lang nilingon si Sharon. Hanggang sa makaupo na nga siya. Tumabi si Sharon sa kanya at panay na naman ang pacute habang nag-uusap.
Hindi ko mapigilan ang magbunyi at tumingin kay Jhanna. Pero napakunot ako nang makitang nakasimangot siya at halos tumulis na ang kanyang nguso habang bumubulong. Huling-huli ko siya gaano katalim ang mga tingin niya sa dalawa.
Haizt! Gusto niya talaga si Laspag. Nakakainis dahil kita niya na nga na may lumilingkis, napapansin pa rin. Ang swerte talaga ng bwesit na laspag na 'to, kahit dito marami pa ring nagkakagustong babae.
Sumapit ang tanghalian ay lumabas na rin ako pagkalabas ng dalawa sa likuran ko. Wala silang napag-usapan kanina kaya hindi muna ako magmamanman. Li-low muna talaga ako at baka masakote ako ng wala sa oras. Mahirap na, baka maging mission failed ko pa ito.
Pumunta ako ng cafeteria para kumain. Gusto ko sanang umuwi pero tinatamad ako dahil tirik na tirik ang araw. Baka amoy alimu-um ako papunta at pabalik. Saka wala naman akong kasabay kumain dahil sa school lang din kakain ang kapatid kong si Helena.
Umorder kaagad ako ng pagkain nang makita ko ang pork-chop. Bigla akong nagutom sa pinaggagawa ko. Nang matapos ay naisip kong ibalik na ang librong hiniram ko kanina sa library dahil may kailangan din akong basahin doon. Iyong lecture kanina dahil hindi ko masyadong naintindihan gawa nang busy masyado ang utak ko kay James. At minsan ay hindi ko maiwasan ang tumingin kay Jhanna at kay Laspag. Kailangan kong basahin at baka biglang mag-quiz, wala akong maisagot. Nakakahiya kapag gano'n.
Nang matapos kong mabasa ay lumabas na ako at bumalik na sa silid dahil napatagal na ang pagbasa ko. Anim na minuto na lang pala at mag-umpisa na ang klase ng hapong iyon.
Habang nagle-lecture ay nakaramdam ako ng antok. Shìt! Ayokong matulog! Kaya umayos ako ng upo at sumandal ng maige sa upuan.
"Pre, sa mall daw tayo mamaya sabi ni Bruno sa gc."
Napadilat ako nang marinig ko iyon. Hindi ako lumingon at tahimik na nakikinig lang.
"Saan daw banda?"
"Sa may twenty-four seven na may tindahan? Iyong eskinita niyon, may maliit na bahay doon. Doon daw ang meeting place."
"Sigurado ka?" Nagdududang tanong ng isa.
"Oo, naman! O, eto basahin mo pa!" Halatang asar na sabi ng isa.
"O, sige. Sabay na tayong punta doon."
"Sige, pre. Paalam lang ako, ha mamaya."
"Okay, pre."
"Kung gusto mo, doon na tayo diretso pagkalabas natin dito."
"Gago, 'wag! Magagalit sa akin si Mama. Hindi pa ako bigyan ng baon no'n!"
"Mama! Mama mo mukha mo! Mamasang mo 'yon, e! Sisid ka pa yata, e." Asar pang sabi ng isa sabay tawa.
Nagulat ako nang marinig iyon. Ibig sabihin, sugar mommy pala ang sinasabi niyang mama?
"Gagò!" tanging sambit ng isa. "Syempre, para may bonus!" Dugtong pa nito sabay tawa rin.
Natahimik lang muli sila nang may pumasok na teacher.
Bago matapos ang klase nang araw na iyon ay na-elect ako bilang Presidente sa loob ng aming room. Ayoko sana dahil baka hindi ko magampanan gawa ng sa training ko. Pero maraming sumang-ayon na ako kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag na rin.
Lumabas kaagad ako pagkatapos kong magsulat sa notebook. Nang makita kong lumabas na rin ang dalawa ay mabilis ko silang sinundan dahil naroon daw si James at hinihintay sila sa labas. Pero sa ikalawang pagkakataon, ay may nakabungguan na naman ako pagkalabas ko ng silid.
"I'm sorry.." sambit ko nang hindi siya tinitingnan.
"Ayos ka lang? Sorry, ha?" sabi ko ulit at inayos siya sa pagkakatayo sa akin pero nasa dalawa pa rin ang tingin ko.
Alam kong babae siya dahil ramdam ko ang dalawa niyang dibdib sa katawan ko pero saglit lang akong nag-react sa init niya dahil ang isip ko ay nasa dalawa kong kaklase.
Nang humiwalay sa akin ang katawan niya ay walang paalam kong sinundan ulit ang dalawa pero pagdating ko sa labas ay nawala na sila. Hindi ko na sila pa naabutan dahil sa lintik na nakabungguan ko. Sino na naman kasing babaeng iyon?! Bakit paharang-harang na naman siya sa daanan ko? s**t talaga dahil dalawang beses na akong nabulilyaso dahil lang sa nakabungguan kong babae.