"Tara!" Naudlot ang pag-inom ko ng tubig at patagilid akong tumingin kay Harry nang marinig ko iyon. Kunot noo ko siyang tiningnan bago bumaba sa kamay niyang nakalahad pa sa harapan ko. "Saan?" Tanong ko at nakasimangot ko ulit siyang tiningnan saka itinuloy ang pag-inom. Magmula nang mangyari ang gabing pag-amin niya ng kanyang feelings, ay medyo maayos na kami. Hindi pa siya direktang umamin na gusto niya ako dahil pareho kaming nagulat sa biglaang pagtanong ni mama ng gabing iyon kaya mabilis pa kami sa alas kwatrong naghiwalay. Ayokong makita kami ni mama sa ganoong posisyon ni Harry at baka kung ano ang isipin sa amin. Pero hindi ako sigurado kung hindi niya nga ba kami nakitang naghalikan at nagyakapan. Iniisip ko na baka, sinadya niya lang iyon para matigil kami. Gano'n kasi s

