"Oh, baka naman pwede ng tama na itong pagpapanggap natin?" Nakasimangot akong tumingin sa kaibigan kong si Jason. Ilang araw na akong naiinis dahil sa pakiusap niyang magpanggap daw kaming mag-boyfriend para patunayan sa tatay niya na hindi siya bakla. Sundalo kasi ang tatay niya at opisyal pa. At ayaw nito sa bakla. Kaya ang Jason, nanganganib na malaman ng tatay niya ang tunay niyang katauhan. Talagang lumipat pa siya dito sa school namin para gawin iyon dahil pakiramdam niya ay pinababantayan daw siya ng tatay niya. Hindi siya malayang makakilos sa gusto niyang gawin dahil nakamata ang tatay niya sa bawat kilos niya. Hindi makapunta sa party dahil may matang nagbabantay. Ilang araw na akong naiinis dahil kung kailan talaga ay ayos na kami ni Harry my loves ko at pwede ng lumapit s

