"Kiss me back..." Nagising ako sa pagkatulala nang marinig ko ang mahinang utos niya. Kumurap ako at tumitig sa kanya. Nagulat ako nang seryoso siyang nakatingin lang sa akin. Pero lumanding ang mata ko sa labi niyang nakaawang na malapit lang sa akin. Biglang nag-init ang pisngi ko nang makitang basa pa ito. Tumingin ulit ako sa kanya at sa hindi maipaliwanag, tumambol agad ang baliw kong puso kaya tinulak ko siya sa kanyang dibdib para lumayo sa akin. Pero tinigasan niya ang kanyang katawan at sa halip, diniin niya pa ito sa akin na halos maipit na ako. Mabilis akong bumaling sa gilid dahil hahalikan na naman niya ako muli. "Harry, ano ba! Ano bang ginagawa mo?!" Pasinghal kong tanong sa kanya. Baka kasi may makakita sa amin dito at ma-guidance kami. Nakakahiya. Ipapatawag nila ang m

