"Tabi." Matigas kung utos kay Harry nang harangin niya ako sa daanan. Papunta ako sa may library dahil may i-research ko. Hindi ako ngumiti at seryoso lang akong nakatingin sa kanya. Pero imbes na sundin ako, hindi siya tuminag at ngumisi lang sa akin. Ayaw niya talagang huminto sa pangungulit sa akin kahit todo iwas na ako sa kanya. Hindi ko akalain na ganito siya kakulit. Sumimangot ako at tinagpuan ko siya ng kilay. Pinapakita ko na hindi ako natutuwa sa paharang-harang na naman niya ngayon. Kahit ang totoo ay kinikilig na ako. Pero kontrolado ko lang. Iniisip ko lang lagi ang mukha niya noong hindi siya makasagot pagkatapos niya akong halikan. Iyon kasi ang masakit na part, e. Laplapin ka ng bongga tapos sorry lang ang marinig mo? E, 'di wow! Ilang beses ko pa siya tinanong pero hi

