Prologue

227 Words
Si Joy,labindalawang taong gulang,bibo at magandang bata. Kinaiinggitan ng mga kapwa bata nito dahil sa taglay nitong kagandahan at katalinuhan. Ngunit sa isang iglap nagbago ang lahat. Namatay siya at nakita ang bangkay sa isang talahiban at puno ng dugo ang katawan. Hindi maunawaan ng kinauukulan kung ano ang dahilan ang pagkamatay nito. Ayon sa mga sabi-sabi tila isang halimaw ang gumawa nito sa bata sapagkat puro dugo at puno ng kalmot ang katawan nito. Pero‘di naniniwala ang karamihan,marahil nga ay isang mabangis na nilalang ang gumawa nito sa kanya ngunit walang anumang ebidensya ang nakikita mula sa pagkamatay niya.   Umikot ang iba’t-ibang espekulasyon sa mga taong nakakita sa kanyang bangkay ngunit nagsawa din sila paglipas ng napakahabang panahon at ang hustisyang inaasahan para sa kanya ay natabunan na lamang ng paniniwalang isang nakakatakot na nilalang ang gumawa nito sa kanya, hanggang sa isang araw ang lugar kung saan siya natagpuang walang buhay ay tinayuan ng isang panibagong gusali. Ngunit, totoo nga kayang isang halimaw lang ang gumawa nito sa kanya o isang walang awang nilalang na ang nais ay mapagtakpan ang kasalanang nagawa niya? Kinitil ang buhay ng kaawa-awang musmos at ngayon ay hindi malaman kung ang nananhimik na nga ba ang kaluluwa nito o naghahanap pa rin ng katarungan at nais maghiganti sa taong gumawa sa kanya ng karumal-dumal na krimen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD